EPISODE ELEVEN

"ANG LIHIM NI MARIFE"


ANG NAKARAAN,

Sinimulan na ni Davilinda ang plano para makapasok muli sa Emerald company.

Habang si Marlyn naman ay nagbalik na ang kanyang mga ala-ala. Papano kaya nya matutulungan ang kanyang mga kapatid sa pag bawi ng Emerald Castle.

ANG KARUGTUNG,

Sa MIB headquarter.

"Now the second step is kelangan mong malaman ang kahinaan ng iyong tiyahin. Pero bago yan. Kaibiganin mo muna sya." Ngiting sabi ni Violet habang kausap nya si Davilinda.

"Kinabahan nga ako kagabi akala ko ay makikilala nila ako." Sabi ni Davilinda.

"Mag-iingat ka pa din Davi, kelangan nating malaman kung saan itinago ng iyong tiyahin ang Spear." Sabi ni Violet.

Samantala sa loob ng silid ni Marife, nakatingin lang ang dalaga sa harapan ng salamin at pagkatapos nyang titigan ang sarili sa salamin. Ay bigla itong nagsalita.

"Hindi ko gusto ang Violet na yun Marife!" Sabi ni Marife sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin.

"Sofia, mukha namang mababait na tao sila. Tinulungan nga nila si Ate." Sabi ni Marife habang nakaharap pa din sa Salamin.
Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang kanyang itsura pati na rin boses.
Kitang-kita nya sa salamin ang isang napakagandang babae na may kulay berdeng mga mata at nag wika Ito sakanya nang.

"Ibibigay mo na ba ako sakanila?" Sabi ng babaeng may kulay berdeng mata.

"Hindi pero, kelangan ko pang malaman kung Sino ang pumatay kay tatay." Sabi ni Marife sa kausap na nasa salamin.

"Hindi sila makakatulong Marife, Ang trabaho nila ay manguha ng ancient artifacts at ibalik sa chamber. Ayuko ko nang bumalik doon."Sabi ng babaeng may kulay berdeng mga mata.

"Sofia kapag nalaman ito nina Ate tiyak na mapapagalitan ako." Sabi ni Marife.

"Marife, Hindi ako masamang nilalang. Dahil amo ko ang inyong yumaong ama. Tungkulin kung protektahan kayong magkakapatid. What if? Bumalik tayo sa underground ng Emerald Castle? May humihingi ng tulong doon nung pinasok ninyo ang Emerald Castle" Sabi ng babaeng may kulay berdeng mga mata na pinangalana ni Marife na Sofia.

"Alam ko Sofia kaso may nagbabantay pala doon. Pero mukhang pamilyar saakin ang boses. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig yun." Sabi ni Marife nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid.

"Nandyan ang Ate Mia mo." Sabi ni Sofia at ilang sandali pa ay nagbalik sa kanyang orihinal na itsura si Marife. Saka binuksan ang kanyang kapatid na si Mia.

"Oh ate ikaw pala yan?" Sabi ni Marife.

"May kausap kaba Marife? Naririnig kasi kitang may kausap." Sabi ni Mia habang iginala nya ang kanyang paningin sa paligid.

"Wala ate, baka cellphone ko lang yun. Nanonood kasi ako ng Teleserye? Teka naka uwi na ba ang ate?" Tanong nya.

"Hindi pa, Sabi nya sakin ay papunta na sya sa Emerald company. Para sa kontrata. At sya nga pala mamalengke kami ni Aling coring sa bayan. Hindi kaba sasama?" Sabi ni Mia.

"Hindi na ate, tinatamad ako ngayon!" Sagot ni Marife

"Ikaw ang bahala! Ayus ka lang ba dito?" Tanong ulit ni Mia upang makasigurado.

"Oo ate promise.." Sagot nya sa kapatid.

Samantala sa Kumbento...

Pagkatapos marinig ni Marlyn ang mga pangalan ng kanyang mga kapatid ay biglang nag balik ang kanyang mga ala-ala. Na kinabukasan ay nagtungo sya sa opisina ng punong Madre kasama si Sister Salome.

"Syang tunay ang mga nakasaad sa dokumentong ito." Sabi ng Punong Madre habang nakatingin sa mga dokumentong hawak.

"Pero Marlyn. Bakit ngayon lang? Matagal na naming pinaalam saiyo ang mga ngalan ng iyong kapatid. Ayun na din sa mga nakalap naming impormasyon dito." Sabi ni Sister Salome sabay turo sa papel na hawak ng Punong Madre.

"Hindi ko Alam Sister Salome. Pero nanganganib ang aking mga kapatid sa kamay ng aking tiyahin. Sinubukan niya akong paslangin. Ngunit Hindi sya nagtagumpay at maraming Salamat saiyo sister Salome. Dahil Kung Hindi dahil sayo ay baka patay nako." Sabi ni Marlyn.

"Walang anuman yun." Sagot naman ni Sister Salome.

"Ngunit Bessy? Anong plano mo? Babalik kaba sa Syudad? Para ipamukha mo sa chakang tita mo na ikaw ang...." Sabi ni Danson nang biglang sawayin sya ni Sister Salome.

"Husto na Danson, Hindi kita tinuruan ng ganyan. Kahit gaano ka sama Ang isang tao. Ay tao padin yan." Saway ni Sister Salome.

"Sorry Po!" Sabi ni Danson sabay peace sign sa Madre.

"Kelangan kung mabigyan ng babala Ang mga kapatid ko. Ngayon ay nasa hustong edad na Sina Davilinda, Mia at Marife. Hindi ako papayag na pati sila ay mawawalan ng mana." Sabi ni Marlyn.

"Pero kung magbabalik ka ng syudad. Anong Laban mo sa tiyahin mo kung may armas man sila. Mabuti pang pagplanuhan na muna natin ito Marlyn bago ka sumalakay." Sabi ng Punong Madre.

"Tama si ang punong Madre, Marlyn kelangan nating mag isip ng plano para mailikas natin silang tatlo." Sabi ni Sister Salome.

Habang sa Emerald company, official nang nagkapermahan Sina Davilinda at Argelie sa kanilang Joined Project.

"This is so Awesome. I'm working with Sanchez Enterprises. And Look what I've read about you Miss Sanchez. You are an awardee of youngest billionaire in 2001. Wow! Can you tell me your secret?" Sabi ni Argelie.

"Well you need to be dedicated with your goal." Sagot ni Davilinda kahit nagulat sya sakanyang narinig ay nagpatuloy pa din Ito sa pakikipag plastikan sa kanyang tiyahin.

"Anyways Miss Davi, I have to go, may meeting pa ako with the board members. Teka nasaan ba si Edward para maihatid ka nya pauwi." Sabi ni Argelie.

"No, don't bother him. I'm okay, my driver will be here soon. He's stuck on a traffic." Sagot nya sa tiyahin.

"Are you sure?" Tanong ni Argelie sakanya.

"Yes Madame. Thank you" sagot nya ulit sabay ngiti sa kanyang tiyahin.

"Okay, take care. I really have to go now." Sabi ni Argelie at nagmamadali itong nag punta sa Elevator.
Bago pumasok si Argelie ay tiningnan nya si Davi sabay bulong sa sarili ng...

"Uubusin ko ang yaman ninyo. Mag antay ka Miss Sanchez." At pumasok na Ito sa loob ng Elevator.

At si Davilinda naman ay biglang linapitan ng isang babae sabay sabing.

"Hindi safe ang pera mo dito sa Emerald. Buwaya ang kausap mo kanina."

"Excuse me? Who are you?" Tanong nya sa babae.

"Marichu members of the board." Sagot ng babae sabay abot ng kamay nito sakanya.

"Hindi mo kilala ang ginawa mong partner Miss Sanchez." Dagdag pa nito.

"I know, if you don't mind me asking bakit ka galit Kay Madame Argelie?" Tanong ni Davilinda.

"Long story!" Sagot ng babae at agad itong naglakad palayo kay Davilinda. Ngunit bago pa Ito makalayo sakanya ay nahawakan ni Davilinda sa braso ang babae sabay abot ng isang pirasong papel.

"This is my calling card. My name is Davi Sanchez. And you are?"

Na agad namang sumagot ang babae.

"Marichu Decierdo, I have to go Miss Sanchez. Thanks!" Pakilala ng babae sakanya.

Habang papalayo na ang babae napangiti nalang si Davilinda sabay sabing.

"Mukhang maganda ang mangyayari ngayon sa muling pagbabalik ko." Ngiting Sabi ni Davilinda.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top