EPISODE EIGHTEEN

"WINDY HOTEL "

ANG NAKARAAN,

Pinaliwanag nina Davilinda, Mia at Marife sa kanilang nakakatandang kapatid tungkol sa kanilang plano.

"Napaka delikado ng mga plano nyo Davilinda. Nais kung wag kang magpapakampante. Hindi pa natin lubusang kilala si Argelie. Malaki din ang paniniwala ko na sya qng pumatay kay tatay." Sabi ni Marlyn habang nakayukom ang kanyang mga kamay.

Na agad naman syang pinakalma ng tatlo nyang kapatid.

"Ate hayaan muna akong gumawa ng paraan. Kapag nagkabukingan na! Tutulungan naman ako Nina Miss Violet." Sabi ni Davilinda.

ANG KARUGTUNG,

Sa Emerald Company...

Ngiting sumalubong kay Davilinda si Argelie at binati pa nya ito bago niyakap.

"You look great today madam? Are you in love?" Biro nya Kay Argelie.

"No, love is not my priority. Masaya nako sa mga pamangkin ko. Anyways are you ready?" Tanong ng babae sakanya.

"Sorry I forgot? Did we have a meeting today?" Tanong ni Davilinda kay Argelie.

"No, Miss Sanchez. Today we will visit one of Emerald Company's luxurious Hotel in the metro. The Windy Hotel. Halika nag aantay ni si Ruel sa Sasakyan. "Sabi ni Argelie at nagtungo sa nakaparadang Kotse. Na agad naman nyang sinundan.

Samantala si Marife naman ay nagpaalam ito kina Mia at Marlyn.

"Saan ka pupunta Marife?" Tanong ni Marlyn.

"Kikitain ko lang yung Isa Kung kaibigan sa bayan. Ngayon kasi ang usapan namin na magpalitan kami ng libro." Sabi ni Marife sabay bukas ng kanyang shoulder bag.

"Sge pero Marife mangako ka sakin. Na Hindi ka pupunta ng Emerald Castle. Lalo nang wala si Ruel doon. Sabi ni Davi. Kasama nila si Ruel ngayong araw sa isang lakad. Walang magko- cover up sayo dun." Sabi ni Mia.

"Alam ko ate! Sige na baka inaantay nako nila." Sabi ni Marife. At nagmamadali itong lumabas ng bahay.

Nang makalayo na si Marife sa bahay ay agad nyang tinawag si Sofia.

"Sofia?" Sabi ni Marife at agad nag iba ang kulay ng kanyang kanang mata.

"Marife bakit ka nag sinungaling sa mga kapatid mo?" Tanong ni Sofia.

"Sofia! Hindi naman nila ako papayagang umalis kapag sasabihin ko Ang totoo. Pero hayaan muna. Kelangan nating balikan si Atty Almie." Sabi ni Marife.

"Sige maghanda ka! Dahil magteteleport tayo sa Emerald Castle." Sabi ni Sofia.

"Totoo? Kaya mo yung ganun?" Tanong nya sa kanyang kaibigan.

"Ako pa ba? Maghanda ka!" Sabi ni Sofia. Agad kumislap ang kanang mata ni Marife tsaka naglaho. Hindi nya Alam ay nakita sya ni Aling Coring na tyempo namang pauwi na galing sa pamimitas ng gulay at prutas.

"Marife? Papano nangyari yun?" Sabi ni Aling coring at Hindi makapaniwala dahil sa kanyang nakita.

Sa isang kisapmata lang ay napadpad na si Marife sa Emerald Castle. Kung saan nakita nya ang tatlong babae na nagpapanggap bilang Mia, Marife at Davilinda.

Narinig din nya ang usapan ang mga to tungkol sa isang taong malapit sa kanilang magkakapatid.

"Alam mo Mukhang mapapahamak pa tayo sa butler ng matandang Ignacio na yan. Kilalang kilala nya talaga ang mga totoong heredera. " Sabi ng impostor na Mia.

"Matagal na kasi syang nanilbihan sa mga emerald. Sinabihan ko na din si Madam Argelie tungkol dyan. Hindi magiging hadlang si Ruel. Dahil sya din ang naging dahilan Kung bakit nawala at namatay ang mga totoong tagapagmana! " Sambit naman ng impostor ni Davilinda.

"Kaya pala! Pero Kung kayo Wala laying gagawin. Ako sisiguraduhin Kung mananatili pa rin ako sa trono ko!" Ngiting Sabi ng impostor ni Marife na tila may binabalak na masama.

Narinig ni Marife ang lahat ng usapan ng tatlong babae. Lalabas na sana sya upang komprontahin. Nang bigla syang pigilan ni Sofia.

"Marife hindi ka maaring magpakita sa kanila. Masisira ang plano ng ate mo. Total Wala si Argelie dito. At Hindi ko rin nararamdaman ang utusan ni Argelie dito. Kaya pagkakataon nating itakas si Atty." Sabi ni Sofia sakanya.

"Sige pero babalikan ko sila! Humanda sila!" Sabi ni Marife at agad syang naglaho.

Balik naman kina Davilinda at Argelie..
Nakarating na sila sa Windy Hotel. Habang nasa harap ng hotel si Davilinda ay naalala nya ang sinabi ng kanyang kapatid na si Marlyn noon. Noong si Marlyn pa ang namamahala.

"Ikaw ang mamamahala dito sa Emerald company. At ikaw naman Mia. Sa Windy hotel ka. Naalala ninyo noong sa ampunan tayo? Si Mia Ang nagpapanggap na room attendant. At tayo ang guest?" Sabi ni Marlyn habang pinapakita ang larawan ng Windy hotel.

"Ang ganda naman! Bagay nga sa kanya ang pangalang Windy." Ngiting Sabi ni Mia.

Nagbalik na sakanyang ulirat si Davilinda nang tawagan sya ni Edward at Marichu.

"Miss Sanchez, tayo na." Bulong ni Marichu.

"let's go Davi, I know this is your first time to see this place right?" Tanong ni Edward.

"Ye-yes!" Sabi ni Davilinda at agad syang inalalayan ni Edward papasok ng Hotel.

At sa entrance ng hotel ay nag aantay si Argelie at si Jeanrio.

Balik kay Marife sa Emerald Castle.

"Narito na tayo Sofia, may nagbabantay!" Sabi ni Marife.

"Akong bahala papatulugin natin sila!" Sabi ni Sofia at agad nag usal ng isang dasal si Sofia.

Hanggang sa may usok ang lumabas sa paligid.

"Pare? Naamoy mo ba yun?parang pamilyar ang amoy na yun?" Sabi ng lalaking nagbabantay Kay atty Almie.

"Oo nga parang...." Sagot naman ng isang lalaki. At Hindi nag tagal ay nakatulog na silang dalawa.

Agad namang linapitan ni Marife si Atty Almie na nakaupo sa Silya at may piring sa mata.

"Atty? Naririnig mo ba kami?" Sabi ni Marife.

"Si-sino ka? Bakit parang kakaiba ang boses mo? Bakit doble yung boses mo? Multo kaba?" Sabi ni Atty.

"Wag kang matakot Atty. Ako to si Marife." Sabi ni Marife sabay tanggal ng tali sa kamay, paa at Piring sa mata.

Pagkatanggal ng piring sa mata ni Atty Almie ay nagulat sya sakanyang nakita.

"Marife? Anak ka ni Senior Ignacio?" Tanong ni Atty.

"Oo ako nga. Kelangan nyo pong tumakas dito." Sabi ni Marife.

"Buhay ba mga kapatid mo?" Tanong ni Atty.

"Mamaya ko na yan sasagutin atty. Kumapit ka sakin." Sabi ni Marife.

"Bilisan na natin Marife, mawawalan na ng epekto spell ko. Magigising na sila ano mang oras!" Sabi ni Sofia.

"Sige tayo na!" Sabi ni Marife at hinawakan nya si Atty Almie at agad silang naglaho.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top