EPISODE EIGHT

" BAWIIN ANG EMERALD CASTLE"


Pagkalipas ng Walong taon..

Nasa hustong edad na Sina Davilinda, Mia at Marife. Patuloy pa din sila sa kanilang pag susubaybay sa mga galaw ng kanilang tiyahin na si Argelie sa tulong ng kanilang mga kaibigan na sina Ruel at Edward.

Habang si Marlyn naman ay tumutulong sa mga madre sa kumbento.

"Sister Salome, mukhang nakakalimutan na ni Marlyn ang kanyang pamilya?" Sabi ni Sister Agnes habang nakatingin kay Marlyn na namimitas ng prutas.

"Oo nga, Walong taon na ang nakaraan nung una natin syang nakita sa kagubatan. Hanggang ngayon Hindi parin nya na aalala ang kanyang tunay na katauhan." Sabi ni Sister Salome.

"Pero tingnan mo silang dalawa ni JM. Ang saya nila. Teka sila na ba?" Tanong ulit ni Sister Agnes.

Sasagutin na sana ni Sister Salome si Sister Agnes ng biglang dumating si Mother Superior.

"Sister Agnes at Sister Salome may balita nako tungkol sa tunay na katauhan ni Marlyn." Sabi ng mother superior.

"Talaga po? Nakakatuwa naman." Masayang Sabi ni Sister Salome.

"Mabuti pa samahan nyo ko sa opisina." Sambit ng Mother Superior.

Samantala sa Emerald company...
Habang papasok si Argelie sa kanyang opisina narinig nya ang kanyang mga empleyado na pinag-uusapan sya.

"Yun nga ang balita ko. Pinalayas nya ang mga anak ni Senior Ignacio para sya ang maging may-ari ng kompanyang ito." Sabi ng isang babaeng empleyado habang si Argelie naman ay nasakanyang likuran sabay sabi.

"Kunin mo na ang mga gamit mo sa cubicle mo. Dahil you're fired! Tanggal kana!" Sabi ni Argelie at pumasok Ito sa loob ng kanyang opisina.

Pagkapasok nya ay nakita nya si Jeanrio na nakaharap sa salamin at binago-bago ang kanyang itsura.

"Stop doing that Jeanrio. Baka Makita ka nila." Sabi ni Argelie.

"Sorry. So may lead kanaba sa bangkay ni Marlyn?" Tanong ni Jeanrio.

"So far Wala pa. Hindi ba sayo ko ibinigay ang task na yan? At ano nang balita Kay Atty Almie? Pati na rin sa mga bata.? Ilang taon ko na pinapaayus Yan sayo Jeanrio Wala padin bang update?" Tanong ni Argelie.

"Oo nga trabaho ko pala yun. Si Atty ay kinulong ko sa underground ng Emerald castle and sa mga tatlong anak ni Ignacio. Wala padin akong lead. Sabi ng Madre doon sa dating pinagkunan ni Ruel. Naglayas daw ang mga bata. At Wala pa din silang lead. Baka naaksidente o namatay?" Sabi ni Jeanrio.

"Sana nga kung ganun man.. pero sguro patay na sila. Kasi hindi man Lang nagparamdam si Davilinda o si Mia saakin. So hayaan na natin sila. Pero gusto ko hanapin nyo pa din sila. Patay man o buhay!" Sabi ni Argelie.

"I will, pero Ang tanong? Nasaan kaya ang Spear of wishes?" Sabi ni Jeanrio.

"Hindi ko nga mahanap kahit baliktarin ko pa ang buong kastilyo Wala padin. Pinahukay ko na ang kabaong ni Kuya pero Wala din." Naiinis na Sabi ni Argelie.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa kanilang pintuan.

"Pasok!" Sigaw ni Argelie at dahan-dahang nagbukas ang pintuan at iniluwa ng pintuan ang isang babaeng kulay dilaw ang buhok.

"Yes? Sino sila?" Tanong ni Jeanrio.

"Hi po, ako po ang secretary ni Mr. Sanders. Kayla Mendoza. Hinahanap ko po si Miss Argelie? Ikaw po ba?" Tanong ng babae.

"Nandito ako!" Sabi ni Argelie na nakaupo sa kanyang silya.

"Hi Maam pwde po bang pumasok?" Tanong ng babae.

"Sge pasok ka have a seat!" Sabi ni Argelie at nang makaupo na Ang babae ay nagpakilala Ito ulit sa kanya.

"Kayla Mendoza po, secretary ni Mr. Edward Sanders. Ah Madam. Pinapipirmahan ni Mr. Sanders ang contract na ito." Sabi ng babae sabay abot kay Argelie.

"Okay. Pero pakisabi na din sa amo mo na we will have a party sa Emerald Castle. Sumama ka na din. Okay?" Ngiting Sabi ni Argelie habang binabasa ang nakasulat sa papel.

Pagkatapos mapermahan ni Argelie ang mga papeles ay lumabas na ang babae sa Opisina at nagtungo sa Opisina ni Edward.

"Tapos naba? Na confirm mo ba?" Tanong ng lalaki sa Opisina ni Edward.

"Yes shapeshifter ang secretary nya and I'm not sure kay Argelie. Thank you Mr. Sanders for allowing us." Sabi Ng babaeng nagpakilalang Kayla Mendoza.

"You're welcome violet. Don't worry they are safe. Kausap ko nga ang anak ng may-ari ng Emerald Castle." Sabi ni Edward sa babae.

"Sandali if ma confirm natin na nasa loob ng kastilyo ang spear? Ano gagawin natin?" Tanong ng Lalaking kasama ng babaeng tinawag na Violet ni Edward.

"David Hindi ko Alam sa ngayon. Nakikita kung nanghihina ang shapeshifter. Dahil sguro hindi sya malapit sa spear. Pero mamayang Gabi papasukin natin ang emerald Castle." Sabi ni Violet.

"Copy Denny Ann. Sasabihan ko na sila Chris, Shairmaine at Marie para makapag handa Tayo!" Sabi ni David.

"Basta mag iingat kayo. Ikumusta nyo ako Kay Tita Ced. I'm sure she's still a Monster kapag nagagalit." Natatawang Sabi ni Edward.

Balik sa Opisina ng mga madre.

"Ito ang kanyang mga kapatid. Si Davilinda, Mia At Marife. Magkapatid sila sa Ama. Ngunit nawawala din sila. Sila ang tunay na heredera ng mga emerald. Ayun sa report si Marlyn ay sumama sa kanyang nobyo at iniwan ang lahat sa kanilang tiyahin. Wala nakong ibang balita tungkol sa mga kapatid nya sigurado akong malalaki na sila ngayon. Jusko sana maayus lang mga kapatid nya!" Sabi ng mother superior.

"Kawawa naman pala pero feel ko may Mali talaga. Pero si Marlyn lang ang makakasagot nyan kapag nag balik na ang mga alala-ala nya." Sabi ni Sister Salome.

Samantala sina Davilinda, Mia at Marife naman ay nagmamatyag sa labas ng emerald castle.

"Bakit Hindi Tayo pumasok? Isa pa saatin ang kastilyong yan!" Sabi ni Marife.

"Hindi pa ngayon Marife. Antay antay lang tayo. Kelangan Kung makuha ang journal ni papa sa library nya. Naiwan ko doon Yung journal nya." Sabi ni Mia.

"Bakit Hindi mo nalang Kasi iutos kay Mang Ruel?" Sabi ni Marife.

"Hindi pwde.. sandali ano Yun?" Sabi ni Mia sabay turo sa napaskil na karatola sa labas ng emerald castle.

"May party daw mamaya." Sabi ni Davilinda.

"Perfect! Kasi makakapuslit tayo ng di nya nalalaman." Sabi ni Marife.

Nang biglang may nagsalita mula sa kanilang likuran.

"Ako ang bahala tutulungan ko kayo mga master." Sabi ng pamilyar na boses nang lingunin nila ito ay nakita nila si Ruel.

"Mang Ruel.. Wala ba si tita?" Tanong ni Davilinda.

"Wala nasa Opisina pa. Pinapasabi ni Edward na magkikita kayo sa park mamaya. May tutulong na sainyo." Sabi ni Ruel.

"Bakit Hindi sya nag text?" Tanong ni Davilinda.

"Hindi pwde kasi recorded ang lahat ng calls ng investors at empleyado ng emerald company. Naninigurado na ang tita nyo na walang makakakontak sainyo mula sa loob. Kahit ako kelangan ko ding mag doble ingat para di kayo matuntun ni Argelie.." Sabi ni Ruel.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top