Chapter 2


Nanatili ako sa tabing dagat habang tinatapos ang pinipinta ko. Naroroon sa dagat ang lalaki at masayang naliligo. Para itong bata na nakawala sa hawla sa kinikilos nito. Walang bahid ng kalungkutan at sakit ang mukha nito gaya ng kagabi. His smiling and playing with the waves as if it is the first time. Ang saya lang niyang tingnan.

“Alam mo iha, sa tinagal tagal ko rito sa isla. Nong gabi ko pa lamang nakita ang takot na takot kong alaga. Karga karga ka niya sa kanyang mga bisig habang sinisigaw ang pangalan ko. Nanghihingi ng tulong para magamot ka. Nabigla lang ako kagabi dahil sanay ako ang mga luhaan nitong mukha ang una kong makikita kapag pupunta siya rito. Nagsusumbong at nagsusumamo. Pero tingnan mo nga naman. Ang sayasaya ng alaga ko habang naglalaro sa tubig. Ngayon ko lamang ulit nakita ang kanyang mga ngiti pagkatapos ng iwan siya ng kanyang ama.”malumanay nitong sabi habang nakatitig sa lalaki.

“Talaga po?”

“Oo, ngayon ko pa ulit nakitang ganyan siya. Siyangapala iha, nasabi niya sa akin kong bakit kayo nagkakilala. Hindi ko akalain na makakaya niyang gawin ang bagay na iyon. Gusto kong magpasalamat sayo dahil niligtas mo siya. Hindi ko na alam kong anong mararamdaman ko kapag nawala sa akin iyang alaga ko. Hindi ko lang siya tinuring na alaga ko. Dahil para sa akin ay anak ko na siya. Kaya iha salamat.” sabi nito at yumuko. Nanalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nito.

“Manang naman wag kang yumukod sa akin. Estranghero lamang po akong napadpad rito. At tungkol sa sinabi ninyo, hindi lang po ang alaga niyo ang may balak tumalon sa tulay kagabi. Ako rin po, sa sakit na nararamdaman ko kagabi, kamatayan na lang ang nakikita kong solusyon. Pero nakita ko ang alaga ninyo. Handa ng tumalon sa tulay mabuti na lamang at nahawakan ko anh kanyang kamay baho tuluyang mahulog. Mabuti na lamang at nagawa ko pang ituwid ang aking isipan at gawin ang tama. Kaya manang, hindi ka dapat nagpapaslamat sa akin. Dahil sa totoo lang iniligtas rin ako ng alaga ninyo.” nakangiti kong sabi sa matanda. Naluluha naman itong tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Susmaryosep! Ayos lang naman iha na magpahinga muna sa sakit. Bakit ba inimbitahan niyo pa sa inyong isipan ang ganoong bagay? Nako po diyos kong mahabagin. Wag niyo po sanang pabayaan ang mga batang ito.” nakapikit nitong sabi. Napangiti naman ako dahil sa narinig.

“Wag po kayong magalala manang. Hindi napo mauulit iyon. Alam ko naman pong masama talaga ang magpakamatay. Palaging pinapaalala ng lola ko sa akin na pahahalagahan ko ang aking buhay dahil isang beses lamang tayong mabubuhay sa mundong ibabaw. Nakalimutan ko lamang iyon kagabi dahil sa sakit na aking nararamdaman. Ngunit makakaasa po kayong hinding hindi na ako magiisip na gawin ang bagay na iyon. Pangako ko po yan sa inyo.”  nakangiti kong sabi. Tumango naman ito at malumanay na ngumiti sa akin.

“Naniniwala ako sayo. Sige iha mag meryanda ka na muna.  Tatawagin ko lang muna si señorito para makapag meryanda narin.”

“Sige po.” mabilis namang tumalima ang babae at pinuntahan ang lalaking naglalaro parin sa dagat. Napangiti na lamang ako at tinigilan na muna ang ginagawang pagpipinta para maka pag meryenda na.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating rin ang lalaki at umupo sa harapan ko. Napapagitnaan namin ang meryendang hinanda ni manang rita.

“Wow! Ang ganda naman niyang pinipinta mo.” nakangiti nitong sabi habang tinitigan ang pininta ko. Ngunit ilang saglit ay sumeryuso ang mukha nito habang pinagmamasdan ang obrang hindi pa natatapos. Narelize niya siguro kong ano ang pininta ko.

“Hindi pa iyan tapos. Tsaka muna purihin kapag tapos na.” nakangiti kong sabi ngunit parang hindi ako nito narinig at nasa pininta ko parin ang mga mata.

“Why did you paint that? I think you want to move forward and forget what happened yesterday? Pinting that scenario will never help you to move on.” kunot noo nitong tanong. Ngumiti lamang ako at tinitigan ang pinipinta ko.

May isang tulay kong saan nagyayakapan ang dalawang tao habang lumuluha. Iyong pa lamang ang natapos kong ipinta.

“You're right. I want to move on and leave the life i want. Pero hindi ko naman dapat na kalimutan ang nangyari kagabi. Because of what happened Iam here at this moment. Breathing the fresh air and seing the beauty of nature in everywhere. I will consider what happened yesterday as a life lesson. That even how hurt you are, how life fuck you up, you should consider life as the most important. That we only live once. Kaya hindi dapat natin ito sasayangin. I dont want to forget what happened yesterday. I want it to be my alarm clock when i feel down and dont know what to do in my life. Na realize ko kasi na pwede namang gawing lesson iyong nangyari kagabi.” mahaba kong salaysay. Malumanay naman itong nakatitig sa akin habang nagsasalita ako. He staring at me as if i did something great.

“You are really an angel. Ok then! I will do the same. I have a little talent about painting and doing that stuff. I will pain my alarm clock kahit hindi naman kailangan pa.”

“Anong ibig mong sabihin?.” kunot noo kong tanong.

“I already have you as my alarm clock kaya hindi na dapat.” nakangisi nitong sabi. Napailing na lamang ako dahil sa narinig.

“Alarm clock ka diyan.”

“Alarm clock naman talaga kita. Remember you stop me from doing that sinful atemp yesterday? Kahapon palang alarm clock na kita.”

“Iwan ko sayo. Mag meryenda kana nga lang. Alarm clock, alarm clock ka pa diyan.” natawa naman ito bago nagsimula naring magmeryenda.

Pagkatapos naming magmeryenda tinawag nito si manang sita at nagpadala ng sariling upuan at misa sa mga gwardiya niya. Nag utos rin ito ng mga painting materials at sinimulan ang pagpipinta.

Hinalo halo nito ang ibat ibang kulay bago sinimulan ang pagpipinta. Nanatili kaming tahimik habang nagpipinta. Nakailang ulit rin ng hatid ng meryenda si aling sita bago tuluyang mamaalam ang araw sa kalangitan.

Dinalhan na lamang kami ni aling rita ng pa ilaw dahil hindi na umaabot sa aming pwesto ang ilaw ng mansion.

“Tapos kana?.” tanong nito. Tiningnan ko naman ang aking pinipinta bago lumingon sa lalaki.

“Malapit na. Para kasing hindi ko nagustuhan itong kulay na nilagay ko. Balak kong gawing dark, mas bagay kasi sa at mas magandang tingnan.” sagot ko rito at nilagyan ng ibang kulay ang aking pininta para magiging dark na ang kulay nito. Hinalo ko lamang ang bagong kulay sa naunang kulay na inilagay ko.

“Tapos na ako.” nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa sariling obra. Napangiti na lamang ako at tinuloy anv pagpipinta.

“Gusto mong tingnan muna ang gawa ko?.” excited na tanong nito habang nakatingin sa akin. Umiling ako bago sumagot.

“Wag na muna baka hindi kuna matapos itong obra ko kapag titingnan ko ang gawa mo.” natatawa kong sabi. Natawa naman ito sa sinabi ko bago tumayo at lumapit kong saan ako nakaupo.

“Ang galing.” puri nito at umupo sa tabi ko. Umiling lamang ako at patuloy na pinapahid ang painbrush. Tahimik naman itong nakatingin sa ginagawa ko. Nakakahiya naman at nandito pa talaga ito sa tabi ko para tingnan ang ginagawa ko. Hindi ako sanay na tinitingnan habang may ginagawa. Nasanay kasi akong walang nakakakita sa mga ginagawa ko. Kahit siguro nakikita naman ng pamilya ko iyon ay parang wala lang rin naman sa kanila. Gusto ko lang naman sanang marinig ang mga salitang proud sila sa akin o kaya naman papuri nila habang may ginagawa ako para sa kanila. Ngunit kahit isa roon ay hindi ko narinig mula sa isa sa kanila. Para ngang hindi nila ako kapamilya kong ituring.

Hindi ko naman kasalanan at pinanganak ako na babae. Gusto kasi nilang lalaki ang maging panganay nila ngunit wala silang nagawa ng lumabas na ako at isang babae pa. Malas raw kasi sa pamilya kapag babae ang panganay. Malas sa negosyo at sa buhay nila.

Mabuti na lang talaga at may lola akong handang akong tulungan kapag inaaway ako ng mga kapatid ko. Napaka unfair lang kasi dahil lahat naman kami babae pero kapag ako ay ituring ay parang ibang tao. Sinisisi rin kasi nila sa akin kong bakit naging babae ang mga kapatid ko. Hindi ko talaga minsan maintindihan komg bakit ganon na lamang sila sa akin. Kong wala naman sila ay wala rin ako. Ayos lang naman sana kong hindi nila ako ituring na ganon e. Pero wala, ganon na talaga ang turing nila sa akin mula pa noon.

“You ok?.” tanong nito na ikinagulat ko. Lalo na ang mga daliri nitong nasa aking pisngi.

“A-ayos lang.” nauutal kong sabi ngunit hindi ito naniniwala na ayos lang talaga ako.

“Hindi ako naniniwala. If you don't want to remember what happened yesterday, you can't stop painting.” natawa ako sa sinabi nito. Pinaniwalaan talaga niya dahil sa nangyari kahapon komg bakit umiiyak na naman ako.

“Hindi naman dahil sa nangyari kahapon. Naisip ko lang ang mga pinagdaanan ko sa puder ng pamilya ko.”

“Ayos lang 'yan. Nandito ako pwedeng pwede kang magsabi ng mga ptoblema mo sa akin. I would gladly listen to you.” sabi nito at pinahiran ang luhaan kong mukha.

Nakakapanibago lang talaga sa pakiramdam ang mga sinasabi nito. Ngunit kahit ganon naramdaman ko naman kong gaano ito ka seryuso sa mga sinasabi niya. It just knew to me amd it feels good. Ganito pala ang feeling namay dumadamay sayo. May nandiyan sayo at pinaparamdam sayo ang dapat na pamilya mo naman talaga dapat ang nagpaparamdam sayo.

I promise i will be there for him too. Hindi ko siya iiwan at ipaparamdam ko sa kanya ang mga pagaalaga at pagmamahal na pinaparamdam niya.

I promise to be with him whenever he needs someone. Always.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top