Chapter 36

#EmbracingDarknessCH36

Mrs. Tiangco

"Claudi, oh gosh, what's taking you so long ba?" pasok ni Tiara sa kwarto ko.

Hindi ko pinansin si Tiara at pinakatitigan ang dalawang outfit na pinagpipilian kong isuot. "Should I wear this short with the midriff top? Pero baka naman kasi masyadong revealing? Baka ayaw ni Dark? Or this jump–"

"Oh gosh, why do you have to choose pa? Manonood lang tayo ng movie sa condo ng Paradox."

Bago kami maghiwa-hiwalay after lunch, nag-aya si Wade kay Tiara na manood daw kaming movies sa condo nila. Nandoon din naman daw si Jillian kaya hindi lang kami ang babaeng dalawa.

Gusto daw muna nilang mag-chill ngayon bago mag-practice ng todo sa mga susunod na araw para sa nalalapit nilang first major concert.

Nginusuan ko si Tiara. Naiinis dahil hindi niya maintindihan ang gusto kong mangyari. Of course, I wanted to impress Dark–he's my boyfriend, now. Gusto ko lagi akong maganda sa harap niya.

"You know what I think you should wear?"

"What?" tanong ko sa kanya, ang tingin pa rin ay nasa damit na nasa kama ko.

Humagikhik si Tiara at narinig kong pinagbubuksan niya ang cabinet ko pagkatapos ay may ibinato siyang oversized t-shirt sa kama.

"Ayan, I'm sure Dark would like that more!" hagikhik ni Tiara at pinamulahan naman ng pisngi na pinulot ko 'yon.

Simple lang naman ang design ng t-shirt na 'yon.

Logo ng Paradox sa harap pero ang nasa likod no'n na imprenta ang makakatawag ng pansin.

You're mine, Dark Carter.

Mrs. Tiangco <3

Few months ago, we bought this unofficial merch from the Paradox fan club. Nakipag-unahan pa kami ni Tiara no'n sa online selling dahil mabilis naubos. Swertehan na na-purchase ko pa 'tong kay Dark dahil si Tiara ay naubusan ng kay Wade kaya kay Rex ang nakuha niya.

Hindi ko pa 'to nasusuot sa labas dahil baka hindi na talaga ako palabasin ng daddy ko kapag nakita niya 'to.

"I-I'm not going to wear that! A-are you crazy?" nauutal ko pang saad at maingat na tinupi 'yon.

Humalakhak siya. "Oh, someone's blushing. Bakit? Ayaw mong makita ng boyfriend mo kung gaano ka kapatay na patay sa kanya? Come on, Claudi, wear it na! I want to see his reaction!" pag-alog niya sa braso ko.

Inismiran ko siya pero nangingiti na. "I don't want to look like a diehard fan. I'm his girlfriend na nga hindi ba?"

Mahina niyang hinila ang buhok ko. "Don't be such a pabebe ah. Iniinis mo ko."

Tinawanan ko lang siya. "You know, I'll wear that if you wear the shirt you also bought–"

"Iyon lang pala eh. I'll wear it."

Nalaglag ang panga ko sa pagputol niya sa akin. "What?"

"Kay Rex ang nabili mo, hindi kay Wade–"

"And so?" irap niya at hinawi pa ang buhok niya't tinalikuran ako. "Isuot mo na 'yan at partneran mo na lang ng short so we could go na."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaibigan ko. I mean, wala nga silang label ni Wade pero hindi ba parang ganoon na din iyon?

Sa huli'y naghubad na ako, muli kong pinag-isipan kung isusuot ko ang shirt na 'to pero nang marinig ang sigaw ni Tiara sa labas na tapos na siyang magpalit ay napapikit na sinuot ko na nga 'to.

Ilulugay ko na nga lang sana ang mahabang buhok ko para hindi na mabasa ang naka-print sa likod ko pero knowing Tiara, hindi 'yon papayag.

Sa huli'y ipinaikot ko sa tuktok ng ulo ko ang buhok ko. Naglagay lang ako ng liptint at powder pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Napapalatak ako nang unang makita ang likod ni Tiara.

It says,

Always belong to you, Rex Albert.

Mrs. Dela Cuerva <3

Napangiwi ako at nai-imagine na ang reaksyon ni Wade sa suot niya.

"Let's go?" tila tuwang-tuwa na saad niya nang makitang sinunod ko siya.

Naka-tuck in sa white shorts ko ang itim na t-shirt dahil umaabot 'yon sa hita ko at magmumukhang wala akong shorts kapag ganoon.

Habang nasa elevator ay humahagikhik pa si Tiara at tinutukso-tukso ako.

"Shut up na ah."

"What? Hindi naman ako nagsasalita?"

Inilingan ko siya at nauna nang lumabas ng elevator pero nang malapit na sa penthouse na siyang unit nila Dark ay napatigil ako sa paghakbang.

"Oh, ba't ka natigil diyan?"

Mahina kong hinampas si Tiara. "Don't tease me! Baka talagang ma-turn off sa akin si Dark nito. I think I should change–"

Bago pa ako makabalik sa elevator ay napapitlag ako nang bumukas ang unit nila at lumabas doon sila Wade. They were laughing about something but stopped when they saw us.

Napangisi siya nang makita ang t-shirt na suot namin ni Tiara.

"My my, I think I've seen those shirts before. Cute."

Napatingin ako kay Dark na lumapit sa akin. Napalunok ako nang yumuko siya at ilapit ang mukha niya sa akin.

Narinig ko pa ang impit na pagtili ni Tiara sa ginawa niya habang ako ay parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"Not cute, but beautiful," bulong niya at pinisil ang pisngi ko. May maliit na ngiti sa labi niya at ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.

Binalingan niya sila Wade. "Kayo na lang ang bumili ng snacks. Pipili na kami ng movie na papanoorin."

"Ehem, pipili o bebe time–"

"Shut up, Rex," masungit na putol niya kay Rex at hihilahin na sana ako patungong unit nang hawakan ni Tiara ang pulsuhan ko.

"Wait, Claudi, may sasabihin lang ako."

Kumunot ang noo ko at nagpatianod sa kanya. Napatalikod ako kina Dark nang akbayan niya ako at may ibubulong sa akin.

"He needs to see your back–"

"What the f*ck!?"

Hindi na natapos ni Tiara ang sasabihin niya at napabaling na ako sa mga Paradox partikular sa taong nagmura na walang iba kung hindi si Wade.

Madilim ang tingin niya kay Tiara at namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang dahilan no'n.

Napatingin ako kay Dark na may naglalarong ngisi sa labi at muling kumabog ang puso ko't naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko nang matantong nabasa niya na rin kung anong nasa likod ko!

Hindi lang siya pati ang mga bandmates niya. I mean, alam ko namang mababasa niya 'to kaso kasi, nakakahiya pala talaga!

Oh gosh! I mean, I'm vocal to my feelings about him pero nakakahiya pala talaga.

"Kayo na muna ang bumili ng snacks! Magpapalit lang si Tiara ng damit," masungit na saad ni Wade at hinila na paalis si Tiara na nagpupumiglas naman.

"Ano ka ba! This is just a shirt! Ang OA mo!"

"OA? Always belong to you? Kay Rex? Talaga, Tiara Ynes?"

Napangiwi ako at naririnig ang pagtatalo nila hanggang sa elevator. Napatingin ako kay Dark na hinawakan na pala ang kamay ko.

"Let's go–"

"Magpapalit na lang din siguro ako–"

"Why? That shirt looks good on you, Mrs. Tiangco."

Sumipol sila Rex na nakarinig at nagtawanan. "Kami na nga lang ang bibili. Nakakahiya naman sa mga lovebirds na 'to," ani Drew na tinapik pa ang balikat ni Dark nang dumaan sa harap namin.

"One lucky bastard!"

"Do you think Wade will punch me later? Ang sama ng tingin sa akin kanina. As if that's my fault. Ako pala bias ni Tiara?" ani Rex kay Drew at muli naman akong napangiwi.

Hindi ka niya bias, ikaw na lang talaga iyong available na shirt.

Pero siyempre hindi ko sinabi 'yon.

"Let's go, Mrs. Tiangco."

Hinampas ko si Dark dahil talagang inaasar niya na ako! Nakakapanibago pero pinamumulahan ako ng mukha sa pang-aasar niya.

"What?" tumatawang saad niya.

"Stop teasing m-me."

"Why? Do you prefer to be called mine since I'm yours?" bulong niya sa tainga ko at kinilabutan naman ako sa ginawa niya.

Sa taranta ko'y nauna na tuloy akong pumasok sa loob ng unit nila pero nang mapagtantong walang katao-tao ro'n ay nilingon ko siya na pumasok na din.

"Where's Jillian?"

"Hindi siya makakasama. May meeting daw."

"A-ah ganoon ba? Why don't we–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sapuhin niya ang pisngi ko at siilin ako ng halik sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top