Chapter 34
#EmbracingDarknessCH34
Ex
I wasn't really a fan of being the center of attention. I mean I can perform in front of everyone without getting nervous and all since I love what I'm doing which is music.
But I really disliked it when I became a center of attention this way.
I don't give a care about them but I'm feeling so frustrated hearing their murmurs while Tiara and I walked on the hallway. Hindi lang kasi ako ang pinag-uusapan nila kung hindi mismong pamilya ko na.
I guess, everyone's done with their assignments. Getting to know the girlfriend of Paradox' vocalist--me.
Although my dad doesn't really like showing us in public. There's a couple of times we have to attend parties as his family. Hindi rin naman ganoon karami ang merong ka-apelyido namin.
Monteciara.
Hotels. Agencies. Malls. Restaurants. Resorts.
Nakapangalan iyon sa apelyido namin karamihan. Ngayon ko lang yata hindi ginustong gamitin ang apelyido ko, though I'm still proud of being my parent's daughter.
"She's Dark's girlfriend?"
"Yes! Siya nga 'yon!"
"Well, she's really pretty naman kaso parang mas pretty si Helene."
"I heard her dad's the owner of MEC. She's a Monteciara."
"Ohhh, maybe that's the reason why Dark make patol to her. Must be because she's a heiress? Richie kid."
"Hindi lang basta rich. Generational wealth daw ang meron sila--"
"Pwede ba, kung magbubulungan naman kayo. Make sure 'wag n'yo na iparinig sa pinagbubulungan n'yo?"
Napatigil ang apat na group ng girls na nagbubulungan nang lapitan sila ni Tiara at komprontahin. Agad ko namang hinawakan sa braso ang best friend ko. Ayokong mapaaway siya dahil sa akin.
"Tiara, male-late na tayo sa class natin. Let's go," paghila ko sa kanya.
"Don't make patol na to them, Tiara. They're not worth it," pagbuntonghininga ko nang malapit na kami sa first class namin.
"I just don't like what they're doing. Seriously? Pati family background mo inalam nila? They're soo--argh!"
"Hayaan na lang natin sila. Magsasawa din silang i-gossip ang buhay ko."
First class went by so slow, ganoon din ang sumunod na klase namin ni Tiara. Siguro'y dahil nasa isip ko na kaagad ang lunch with Darky. Tuloy ay gusto ko nang bumilis ang oras para makasama na siya this afternoon.
This is so bad. I should focus. Masyado na akong nalulunod sa boyfriend ko.
Kaya naman nang sumunod na klase ay determinado akong mag-focus na. But a knock before our class starts distracted me.
Naalis ang tingin ko sa pink notebook kung saan ko binabasa ang discussion kanina namin na hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin nang umugong ang bulungan.
"Is that Helene?"
"OMG! That's her. She's so pretty!"
"Hello Sir, I'm sorry. Is this Music History Class?"
"Yes, Ma'am. You're quite early, aren't you, Miss?"
Yumuko si Helene. "I'm sorry. I'm not familiar with the building so I got lost."
"It's okay, for today. Take a seat."
Iginala niya ang tingin sa klase at napalunok ako nang makitang sa tabi ko na lang ang natitirang bakante. May ngiti sa labi na naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa huminto siya sa harap ko.
"Do you mind?" tukoy niya sa upuan na nasa tabi ko.
Yes.
Umiling ako at nagkunwaring abala na sa ginagawa. I don't know why she's here. The last time I remember, mas matanda siya sa akin at sa ibang school nag-aaral although alma mater niya ang school namin nila Tiara. I didn't even know that she's a music student, per se. All I know is that she's a famous theatrical actress who's in a relationship with the famous actor in the Philippines.
Tuloy ay ang pinangako ko sa sariling pagpopokus sa klase ay hindi ko nagawa. Buti pa 'tong katabi ko alam na alam ang lahat ng tanong ng Professor namin. Kita at dinig ko ang paghanga sa kanya ng mga kaklase namin.
There it is again.
The insecurity I shouldn't feel.
Nagmadali ako sa pagligpit ng gamit ko nang ma-dismissed na ang klase namin.
"Can we talk?"
Napatigil ako sa paglalagay ng pen sa bag ko nang marinig ang sinabi ni Helene sa akin.
"Sorry, may lunch date pa kasi si Claudi kasama ang boyfriend niya," ani Tiara na sumagot para sa akin.
Pero tila hindi naman siya narinig ni Helene na nanatiling nakatingin sa akin. Sa gilid ng mga mata ko'y kita kong kuha na rin namin ang atensyon ng mga kaklase namin.
I sighed and squeezed my right hand. "Sure. Pero pwedeng saglit lang, may naghihintay kasi sa akin."
Kita ko ang pagkadisgusto ni Tiara sa pagpayag kong kausapin si Helene pero wala rin naman siyang nagawa. Lumabas kami ng room at nagtungo sa fire exit para doon mag-usap.
Tumikhim ako at hinarap siya. "Anong gusto mong pag-usapan?"
"We both know kung ano 'yon. It's Carter--"
"Dark. He's Dark Carter I know, but I think it's time for you to call him by his first name," pagputol ko sa kanya.
Ngumisi siya. "That's how I used to call him. Kasi ako lang ang gumagawa. It's our thing, Claudine. I can't change it and I don't want to."
Kinuyom ko ang kamao. "Okay. So, ano ngang gusto mong pag-usapan tungkol sa kanya? Aawayin mo ba ako? Or you're going to accuse me again that I'm not his girlfriend--"
"No. If you're his girlfriend then it's fine. Hindi na ako magdududa pa. I just want to wish you luck with your relationship to Carter, at tulungan kang mas makilala siya."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Carter hates loud places though it's contradicting to his career, he loves music kasi. Pet peeves niya ang hindi tinatapos ang sasabihin sa kanya. He also hates texting, he prefers call. He's allergic to almonds. He doesn't likes vegetables. He hates beans above all. He can't sleep with lights--"
"Stop."
"--he always have chocolates with him. He hates other sweets beside that--"
"Enough! Kaya kong kilalanin ang boyfriend ko, Helene. There's no need for you to tell me everything about him. I can perfectly do that."
Ngumisi siya at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Really? What about his relationship with his dad? Do you know him? Nasabi niya na ba sa 'yo kung anong pamilyang meron siya--"
"Helene! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Napatigil sa pagsasalita si Helene samantalang ako'y napatingin sa nagsalita na si Dark. Mabilis ang hakbang na nilapitan niya kaming dalawa at hinila ako palapit sa kanya.
Ngumiti si Helene. "I'm just giving her a heads up about your family, Carter. Sinasabi ko lang din sa kanya ang mga alam ko tungkol sa 'yo--"
"Na hindi mo na kailangang gawin pa. Dahil kaya kong sabihin lahat ng gusto at hindi ko gusto sa girlfriend ko."
Kita ko ang paglaho ng ngiti sa labi ni Helene nang sabihin 'yon ni Dark maging ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Agad din namang nawala 'yon at tumango-tango siya.
"I know. Sorry."
"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito--"
"I'm studying here now, Carter."
Nagtagis ang bagang ni Dark sa pagputol sa kanya ni Helene. "Bakit?"
"Bakit hindi?"
Nagdikit ang labi ni Dark bago hinawakan ang kamay ko. "Let's go, brat," aniya at hinila na ako paalis.
"Aunt Celia saw Tita Cheska, Carter. She called me this morning."
Tumigil sa paghakbang si Dark sa sinabi ni Helene at nilingon niya ang huli.
"Where?"
Humakbang palapit sa amin si Helene at nginitian siya. "We can ask her personally. We can go to her house. It's only thirty minutes away from here."
Naramdaman ko ang pagluwag ni Dark sa pagkapit sa kamay ko ngunit hindi niya naman 'yon binitiwan.
"Just tell me her address. I can go there alone."
"No. I could even call her and tell her na 'wag sabihin sa 'yo kung saan niya nakita si Tita Cheska."
"Helene!" galit niyang sigaw sa kaharap namin. Naglaho ang ngiti sa labi niya at naging seryoso ang mukha.
"You know me, Carter. I'm not really someone who's a giver. Kailangan laging may kapalit."
I remember how he's so desperate to find his mom. Hinila ko ang kamay ko kay Dark.
Fool, Claudine!
"S-sige na. Sumama ka na sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top