Chapter 31

#EmbracingDarknessCH31

Almost

"Uubusin mo ba 'yang pabango mo, Claudi?" 

Natigil ako sa pags-spray ng pabango nang pumasok si Tiara sa kwarto ko. Ibinaba ko ang bottle na hawak ko at nilapitan siya. 

"Why did you leave him? Baka ma-bore 'yon--"

"Akala ko ba it's your me time today? Aba't pinuntahan ka lang, kandaugaga ka na naman diyan. I don't need to impress him because he's not my boyfriend but I need to take a bath na din. Saka hindi din naman kami nag-uusap, it's so awkward. You've been here for more than an hour. Mukhang may lakad pa yata kayo. Bilisan mo na nga."

"May lakad kami? Did he tell you that? Should I change my clothes--"

"No! You look beautiful in that dress na, please go outside Claudine. Baka maging puno na 'yon sa sala," pag-iling niya at iniwanan na ako.

I looked at myself in the full-body mirror, biting my lip. I was wearing a sleeveless flowing dress that reached my mid-thigh. I quickly twisted my hair up into a bun for easier styling. I had to hurry with my shower as well.

I couldn't believe he saw me in such a disheveled state again. It always seems to happen. It's so frustrating.

But anyway, my mom would always tell me that I don't need to impress everyone around me. I can just be myself.

But we're talking about Darky here! He's my boyfriend, and so I always wanted to be beautiful in front of him.

I snapped back from my reverie when someone knocked at my door. Alam ko kaagad na siya 'yon dahil hindi uso kay Tiara ang kumatok.

"What's taking you so long, brat?" dinig kong saad niya dahil sa maliit na awang na iniwanan pala ni Tiara na nakabukas na pinto. 

I don't want him to see my so-pinky room. Kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanya at lumabas ng kwarto. 

He was taken aback when I accidentally closed the door loud.

"Y-you're still here pala. Do you want something to drink?" pag-iwas ko sa kanya at nagtungo ng mini kitchen.

"Of course, I'd still be here. I'm waiting for you."

Sinarado niya ang binuksan kong ref at napalunok ako nang pagbaling ko'y sobrang lapit ng mukha naming dalawa. 

"You smell nice."

"H-huh?"

Tumikhim siya. "Are you avoiding me, Claudi?"

Agad akong umiling. "No. Why would I do that?" balik-tanong ko at humakbang paatras sa kanya. 

I was taken aback as he wrapped his arms around my waist and drew me closer to him. Napahawak ako sa dibdib niya at napasulyap sa kwarto ni Tiara kinakabahang lumabas siya mula roon at makita kami sa ganitong ayos. That would be embarrassing and I bet she'll tease me nonstop.

"D-Dark..."

"You're not replying to my texts, not answering my calls, and you're telling me you're not avoiding me? Pigs don't fly, brat."

Napapikit ako nang yumuko siya at pinagkiskis ang ilong naming dalawa. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang sunod kong maramdaman ang labi niya sa labi ko. 

"What's wrong? Did something happen?" bulong niya.

Napadilat ako at nakaramdam ng pagkapahiya dahil halatang damang-dama ako ang paghalik niya sa akin. Tinulak ko siya at muling binuksan ang ref, sa pagkakataong ito'y nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw.

"Answer me, Claudine."

Bumuntonghininga ako at uminom ng juice bago siya nilingon. "Malapit na ba, Dark?"

"Ang alin?" kunot-noo niyang balik tanong sa akin. 

"Malapit mo na ba akong mahalin?"

Natigilan siya sa naging tanong ko at nakita ko ang paglunok niya. 

"You asked me to be your girlfriend to avoid the issue, right?"

"Claudi..."

"B-but you're almost there, right? May hinihintay naman ako talaga hindi ba?"

I'm not someone who likes confrontations, but when I heard my father express his disappointment, I started to wonder if this relationship will work out. I'm scared that despite overlooking things, still, he won't love me. 

Hindi ko siya minamadali pero natatakot ako. Natatakot akong baka sa huli masabi kong, tama nga sila, dapat hindi ko ipinilit ang sarili ko. Dapat siya ang unang nagmahal o dapat naging sabay kami. 

I'm scared that he's still not over her. 

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila akong muli para yakapin. 

"You think that I'm only using you?" halos pabulong niyang tanong at hinaplos-haplos ang buhok ko. Ang totoo'y meron sa loob kong nagugulat sa iniaakto niya. Hindi ako sanay na hindi siya mala-yelo kung tratuhin ako. "Is that why you avoided me today? Nagsisisi ka bang pumayag kang maging girlfriend ko?"

Tiningala ko siya at umiling. 

May takot sa puso ko pero hindi ako nagsisisi. 

"I wanted to help you but more than that, I-I want you to be officially mine even though your heart still belongs to someone else--"

"That's not true, brat. Wala na sa kanya ang puso ko. It's free to love someone again."

"C-can it be me?"

Mahina siyang tumawa at yumuko't hinalikan ang noo ko. "Hindi kita papayagang pasukin ang mundo ko kung hindi ko alam na ikaw ang magmamay-ari nito."

Kumalabog ang puso ko sa binitiwan niyang mga salita. Pakiramdam ko'y hindi si Dark ang kaharap ko sa ngiting nakikita ko hindi lang sa labi niya kung hindi mga mata. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at pinakatitigan ako. "There's a lot of things I still didn't tell you but I will eventually. Masyadong mabilis ang lahat at alam kong pakiramdam mo ginagamit lang kita, but I'm asking you to trust me, Claudi. I'm almost there...believe me."

Napapikit ako nang yumuko siya at mariing halikan ang labi ko. Natagpuan ko ang sariling ipinaikot ang braso sa leeg niya mas binibigyang laya siyang palalimin ang paghalik sa akin. 

I'm guilty of disappointing my father but I couldn't help it. I really love this man. Now, I'm really sure of that.

Ang malakas na pag-ubo ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Nanlalaki ang mga matang itinulak ko si Dark palayo sa akin at nilingon si Tiara na nakaroba lang.

"I hate to disturb you guys, but I forgot my skincare in the refrigerator. You're blocking my way."

Why would you forget your skincare there?!

Gusto kong sabihin pero hinila ko lang si Dark para bigyang daan siya papunta ng refrigerator.

"I-I told you to buy a mini fridge for that, Tiara," saad ko nang makuha niya ang pouch doon.

"Yeah, I already ordered one. Go on, continue what you guys are doing," nakangisi niyang saad at iniwanan na kami. 

That's embarrassing! Not so lit!

"Let's go."

Napatingin ako kay Dark nang hawakan niya ang kamay ko. "Where are we going?"

"Basta," sagot niya lang at hinila na ako patungo sa pinto pero hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. 

"I'll just get a jacket, and my bag."

Napatigil ako sa paghakbang nang hawakan niya ang kamay ko. "Two minutes, brat. Don't make me wait too long again."

Bumungisngis ako at tumango. "Just a minute."

But of course that's a lie. I need to find a perfect cardigan for my dress and a bag.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top