Chapter 28
#EmbracingDarknessCH28
Sick
"H-hey, wake up!" pag-alog ko sa balikat ni Helene nang makahuma ako sa pagkakagulat. Nang hindi siya kumilos ay nagmamadali akong pumasok sa loob.
Hindi naman malakas iyong pagkakabangga ko sa kanya eh. Why did she passed out? For God's sake, I did not do anything bad to her. OMG talaga!
Saktong pagpasok ko ay pababa mula sa taas si Dark.
"Dark!" natatarantang tawag ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at binilisan ang hakbang pababa.
"What's wrong?"
"Kasi ano si...argh!" Hinila ko siya patungo sa labas at kita ko ang gulat sa mukha niya nang makitang nasa lapag pa rin si Helene at wala pa ding malay.
"Helene," tawag niya sa babae at tinapik-tapik ang pisngi nito.
Nang sulyapan niya ako ay nanlalaki ang mga matang inilingan ko siya. "I did not do anything to her! I swear!" sigaw ko.
"Helene!" muli niyang pagtawag sa babae na dahan-dahang nagmulat ng mga mata.
"C-Carter..." anas nito at muling napapikit.
Kita ko ang paghawak ni Dark sa noo ni Helene bago niya binuhat ang huli.
Nilagpasan niya ako karga-karga si Helene papasok sa loob.
Something in me broke as I stared at his back. I'm not blind. I saw it. He's worried.
Dinampot ko ang sling bag ni Helene at ang bento box na napakarami nang pinagdaanan ngayong araw.
Just like me...
Pumasok ako sa loob ng bahay ni Dark. He was still carrying Helene like a princess. They were going upstairs.
Mabagal ang hakbang na sumunod ako sa kanilang dalawa. He brought her to the room beside the guest room that I was using.
She’s sick! She’s sick! Don’t overthink. She’s his past. Nothing else.
“I-is she okay?”
“She has a fever. Where’s her bag?”
“Here,” pag-abot ko ng sling bag ni Helene. Kinuha niya ang cellphone nito sa loob no’n.
“There’s a password,” saad ko nang makita iyon nang lumapit ako.
Pero mabilis niyang nabuksan lang iyon. I took a step back when I saw that. He knows her very well.
Silly, of course kilalang-kilala siya ni Dark. They were together before! They have a history!
“Can you stay here? I’ll just call her family–”
“N-no please C-Carter. You know I don’t have a family…” putol ni Helene kay Dark na nagising na pala.
So what do you want him to do?
Gusto kong isigaw pero ang tanging nagawa ko na lang ay ikuyom ang kamao ko.
“You have. Your mom–”
“She had another man…a-again.”
Natigil sa pag-alis si Dark sa sinabi ni Helene. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang mariing pagpikit.
“I’ll call Lianne–”
“D-Don’t bother, I’ll just go.”
Bumangon si Helene pero bumagsak siyang muli sa kama.
Is she acting?
Dark heavily sighed. “Go when you can! Do you really think you can drive that way?! Stay here, I’ll just get some medicine,” ani Dark na lumabas na at iniwan kaming dalawa.
Nagtagpo ang tingin namin ni Helene. She just looks at me like she’s in pain. I couldn’t tell if she was really hurting or just pretending…but I don’t want to be that bad.
Fine. She’s hurting.
“D-Don’t come between us, please…I want him back.”
“U-us? There’s no us between t-the two of you, Helene.”
Marami pa akong gustong idugtong pero tinalikuran ko na siya. She’s sick. Kapag malakas na siya saka na ulit namin pag-awayan si Dark–No! Why would I fight with her?
My parents wouldn’t like that. That’s not how my Mommy raised me.
But…I don’t want to lose Dark so should I fight?
Sighing, I went out of that room not knowing where to go. Sa huli ay napagpasyahan kong hanapin si Dark. I found him downstairs in the living room rummaging through a medicine box, I guess.
Mukhang hindi niya napansin ang nalaglag na paracetamol sa lapag kaya kinuha ko iyon.
“Here, this is for fever.”
Natigilan siya sa ginagawa at inabot ang binigay ko sa kanya. Saglit niyang binasa iyon bago tumango-tango.
“Thanks, brat.”
“D-do you want me to make some chicken soup for her? Makakatulong sa kanya ‘yon.”
“I can just order–”
“Wala naman akong gagawin. I’ll cook na lang. That’s your kitchen right?” Turo ko sa nahulaan kong kitchen.
Pupunta na sana ako roon nang hawakan ni Dark ang kamay ko. “You don’t have to do this, Claudine,” mahina ang boses na saad niya.
Pilit akong ngumiti sa kanya. “She’s sick. We should help her.”
Hinila ko ang kamay sa kanya at naglakad patungong kitchen. Malalim akong bumuntonghininga nang makarating doon.
It’s okay… she’s sick. I should not be jealous. I should not be hurt.
It took me almost an hour to finish cooking. Pumanhik ako sa taas dala-dala ang tray na naglalaman ng niluto ko. I even put fruits and juice for her.
Ginagawa ko ‘to para gumaling na siya at nang makauwi na siya.
“Please Carter, take me back. This time, I’m willing to runaway with you. I-ikaw na ang pinipili ko.”
Naramdaman ko ang matinding kirot sa naabutan ko. Nakayakap si Helene kay Dark na walang kakilos-kilos. Ni hindi niya nga itinutulak si Helene.
Ibinaba ko ang tray sa harap ng pinto hindi gumagawa ng ingay at tutop ang bibig na tinungo ang kwarto na kinaroroonan ng mga gamit ko. I quickly put my things inside my bag. I just put on my pants since I wasn’t able to wash my shirt.
I don’t know where this place is.
All I know is I just want to get out of this place.
But as soon as I opened the door, I saw Dark standing in front of me.
Nilunok ko ang namuong bikig sa lalamunan ko nang maalala ang naabutan kong estado nila ni Helene kanina. They were hugging each other.
“I-I’m leaving,” tanging ayon lang ang nasabi ko pero napiyok pa ako. Napayuko ako nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko.
Nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
“Don’t go.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top