Chapter 24

#EmbracingDarknessCH24

Inlove

Monday came and the magic ends.

Kidding.

The magic between Dark and I will never end.

Lalo pa ngayon! He likes me. As in like!

L I K E.

Like!

At ano ba ang kasunod ng like?

It's love.

I can't wait for that time to come.

He'll ask me to be his girlfriend. Then I would say yes!

After college and my master's degree. We'll get married then we'll have kids--

"Are you with me, brat?"

I snapped out from daydreaming when Dark pushed his forefinger on the side of my forehead.

Not a romantic way to call me.

Nakangusong hinarap ko siya habang kinakamot ang gilid ng noo ko na dinutdot niya.

"Ano bang iniisip mo at para kang wala sa mundo?"

"Ikaw. Tayo."

Kita kong natigilan siya bago nag-iwas ng tingin sa akin.

Tumikhim siya. "Puro ka kalokohan."

"Thinking of a future with you is not kalokohan, Darky."

Umiling-iling siya. "Fine, fine. Whatever you say. Sige na, bumaba ka na. Nandito na tayo sa inyo."

Doon lang ako napatingin sa labas at nakitang nasa labas na kami ng condo.

"Bakit dito? Hindi ka ba sasabay sa akin papanik?" takang tanong ko sa kanya.

"I have some photoshoot with Paradox. I'm actually running late, kaya pumasok ka na sa loob."

"Can we see each other tonight?" parang batang tanong ko sa kanya habang inaalis ang seatbelt ko.

"Wala ka bang klase, Claudine? It's monday."

"Mamaya pa namang lunch 'yon. I have a lot of time this evening--or not?" nakangiwing saad ko nang maalala na pupuntahan ko nga pala ang mga kapatid ko kina Tita Riane.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dark. "See? You're busy. I'm busy."

"But I can always find time for you, Darky."

Silence.

"Sige na, get inside na. We can see other tomorrow at campus."

"Sabay tayong mag-lunch?" pinakurap-kurap ko pa ang mga matang tanong sa kanya.

"Let's see."

Kinuha ko na ang sagot niya na 'yon na yes. Sa sobrang tuwa ko ay inalis ko ang seatbelt ko para halikan siya sa pisngi pero humarap siya sa akin kaya sa labi niya dumiretso ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong lumayo para lang mapasinghap nang hawakan niya ang batok ko at muling halikan ako.

Thump...thump...

"Get inside," Dark said and I quickly got out from his car feeling like my face is burning.

Sapu-sapo ko ang dibdib ko nang makapasok sa elevator. I couldn't control my breathing. Like am I going to have an asthma attack because he kissed me again? Like this is so nakakahiya!

Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang paghinga ko. 

This is not your first kiss, Claudine! Get a grip!

"Are you okay?"

Nagdilat ako ng mga mata at sinulyapan ang nagsalita.  

Sinalubong ako ng pamilyar na berdeng mga mata. I think I saw him before but I couldn't remember when and where.

Ngumiti siya nang matamis sa akin na lumitaw ang magkabilang biloy sa pisngi niya. 

He's handsome. Like really handsome. He's foreigner, too.

But...

Kay Darky pa din ako.

"Claudine, right?" 

Namilog ang mga mata ko dahil kilala niya ang pangalan ko. "You know me?"

"Don't you remember me? I was the one who helped you right after your performance when you almost tripped?"

Napitik ko ang daliri ko. "Ah yeah! I remember you na! You're from AU din?"

"Yep. Late enrollee," sagot niya at tinanong kung anong floor ko. Doon ko lang napansin na nasa ground floor pa rin pala kaming dalawa.

"18," sagot ko.

"Oh, I'm from 18th floor, too. Coincidence, huh?" nakangiti niya muling baling sa akin. "So, as I was saying, are you okay? Parang hindi ka kasi makahinga kanina."

Umawang ang labi ko. "I'm fine, nainitan lang ako outside. But hey, you can speak tagalog fluently huh."

"I grew up here in the Philippines. Though I just got back from San Diego."

"Nice, welcome to the Philippines and AU, of course. Thanks din nga pala ulit sa pagtulong sa akin no'ng party. I would probably look like a fool if you didn't catch me."

"Welcome, I'm Bentley by the way," saad niya at inalok ang kamay sa akin.

Nakangiting tinanggap ko naman 'yon. "Claudine but call me Claudi, iyon ang tawag ng mga friends ko sa akin." Saktong bumukas ang elevator nang bitiwan ko rin iyon.

"Claudi?"

Pinagpalit niya ang tingin sa amin ni Bentley at nakita ko ang pagningning ng mga mata niya sa tuwing napapasulyap kay Bentley. 

Akala ko ba si Wade ang type mo?

Gusto kong sabihin pero lumabas na ako ng elevator kasama ni Bentley.

"Nice meeting you again, Claudine--I mean Claudi."

Nang makaalis na siya ay napangiwi ako sa pag-alog ni Tiara sa braso ko. "Omg! Omg! Why are you with Bentley?!"

"You know him?"

"Of course! He's a model, sinong hindi makakakilala?"

Napangiwi ako. "Me?" pagturo ko sa sarili ko. 

Umiling-iling siya. "Palibhasa si Dark lang ang kilala mo. Pero bakit nga kayo magkasama ni Bentley--wait he dropped off from this floor.  Is he living here, too?" namimilog ang mga matang tanong niya sa akin. 

"Yes," sagot ko naman at hinila na siya pabalik sa unit namin kahit na naka-bag siya at mukhang may pupuntahan.

"You like him? What will happen to Wade na?"

Hinampas niya ako sa braso. "Kay Wade pa din ako. Besides halata namang hindi ako magugustuhan no'n. Ikaw pa pwede. Iba ang tingin sa 'yo eh," panunukso niya.

"Well sorry, pero hindi ko siya magugustuhan. Alam mo kung sino ang gusto ko."

Tumawa siya at pinanood akong buksan ang unit namin. "Ang tanong gusto ka ba?"

Nakangisi kong hinagis ang shoes ko at hinarap si Tiara. "Well, guess what's the answer."

Her mouth formed an O. "OMG, he told you he likes you?!"

Tinakbo ko ang kwarto ko at sinubsob ang sarili ko sa unan ko't tumatangong tumili. Bumangon ako at sinulyapan ang best friend ko na sinundan ako siyempre.

"He likes me, Tiara! He told me likes me! And..."

"And what?"

Napahawak ako sa labi ko at siya naman ang tumili ngayon.

"He kissed you?!"

"We k-kissed," I told her with a shy smile curving on my lips that Dark kissed not once but a lot of times.

This is so lit and so nakakakilig!

I'm so inlove!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top