Chapter 23
#EmbracingDarknessCH23
Vampire
"Hey, masyado nang mahigpit ang kapit mo sa braso ko. Baka matanggal mo na 'yan."
Napanguso ako sa sinabi ni Dark at niluwangan ang pagkakayapos sa braso niya.
"I can't see anything kasi. Please bear with me..."
Pumalatak siya. "You should stop going to dark places, since bulag ka naman sa dilim."
"But there's fun in dark places, right?" bulong ko.
I heard him chuckled. Napangiti tuloy ako. Another laugh because of me. I'm so magaling talaga.
"May fun ka pang nalalaman, the last time you almost died because of your asthma dahil sa fun na sinasabi mo."
Napangiwi ako at hindi na nakakibo pa. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay makaupo na kaming dalawa pero nagtaka ako nang maramdaman ang pagtayo ni Dark.
"Saan ka pupunta?" natataranta kong tanong sa kanya.
"I'll just get the soda and popcorn," tila batang pagkausap niya sa akin. Kahit hindi ko nakikita ay tiyak kong napapailing na siya.
Nang muli ko siyang maramdaman sa tabi ko ay doon lang muli ako nakahinga nang maluwag. Saglit pang nag-adjust ang mga mata ko sa malaking movie screen sa harap namin at doon ko lang nakita ang film na ipapalabas.
"OMG!"
"What?!" gulat na turan ni Dark sa tabi ko.
"That film!"
"Anong meron diyan?"
"That's my mom's work! Prinoduce nila daddy, it's her tenth wedding anniversary gift to my mom. Isn't he so sweet?"
"Sweet," walang kagana-ganang reaksyon niya sa sinabi ko.
"And you know what?"
"What?"
"I was there! Extra nga lang, 'coz dad never wanted me to enter the show business. Well, ayaw ko din naman."
"Why?"
Kumuha ako ng popcorn at ngumuya-nguya. "I just don't like to. It's loud and magulo."
"Really? Or because of..."
"Nood na nga lang tayo!"
"Hindi mo pa ba napapanood 'yan?"
"Of course, napanood na. I'll always support my mom's work ano. Besides, that's my favorite movie. It's so nakakakilig and nakakainlove! I like how the characters, both scarred from their pasts learned--okay, I'll stop na. I don't want to be a spoiler."
Kahit ilang beses ko nang pinanood ang movie na hango sa sinulat ni mommy ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko doon. Sa katunayan, mas damang-dama ko pa yata ang panonood ngayon dahil siguro, nakakarelate na ako sa karakter ng babae.
I, too, is in love with a man with scarred past.
Gusto kong gaya din ng karakter niya ay magawa kong ma-heal ang sugat na meron si Dark Carter Tiangco. If only, he'll let me.
Namalayan kong napahilig na ako sa balikat ni Dark habang nanonood. Tumulo ang luha ko sa nakakaiyak na scene at suminghot-singhot.
"It's your choice! Hindi kita pinilit na mahalin ako, ang ipagsiksikan sa akin ang sarili mo! So, bakit parang sinisisi mo ako ngayon na nahihirapan ka?!"
"Hindi kita sinisisi! I knew what I was doing! Alam ko kung anong pinasok ko, Ralph. Ang paghihirap na meron ako ngayon? You're right. Kagagawan ko 'to. Niyakap kita kahit alam kong masusugatan ako sa gagawin ko. While trying to fix and heal you, I didn't notice na ako din mismo kailangan 'yon...I was in pain, too. Sinasabi ko sa 'yo na nahihirapan na ako but it doesn't mean sinisisi kita."
"He's a b-bastard," pag-iyak ko nang iwan ni Agatha si Ralph.
"You're too affected, brat," bulong ni Dark sa akin.
Umismid ako. "Ikaw ba? Hindi? Nakakadala kaya!"
"You should take that movie as a lesson. Huwag mong gayahin si Agatha, tingnan mo nasaktan lang siya."
Napalunok ako at umalis sa pagkakahilig sa balikat niya. "Movie's still not done, Darky."
He groaned. "Stop that pet names."
Natawa ako at bumalik sa pagkakahilig sa balikat niya. "What? You're calling me brat nga eh."
Nang hindi na siya sumagot ay tahimik na muli kaming nanood na dalawa. Magkakasunod akong napalunok at tila nakaramdam ng uhaw nang dumako na sa awkward scene ang movie. I wasn't like this when I watched this with my parents, pero ngayon parang may nararamdaman akong kakaiba.
They were kissing in the movie. Doing more than kissing, I guess.
Nakagat ko ang labi nang bumaba ang labi ni Ralph sa leeg ni Agatha at dinig na dinig ang mga ungol ni Agatha sa kabuuan ng theather.
Habang pinagmamasdan ko ang paghahalikan nilang dalawa, nagbalik sa isip ko ang kiss namin ni Dark. Ganyan din ba ang hitsura naming dalawa kagabi?
Inabot ko ang soda pero napapitlag ako nang magdikit ang kamay namin ni Dark na kukunin din pala 'yon.
"That's my drink. Nasa kabila ang sa 'yo," aniya sa akin.
Hindi ko alam kung may mali lang sa pandinig ko pero tila nang-aakit ang boses na 'yon ni Dark.
"I-I see. S-sorry, hehehe,"
Inabot ko ang soda pero nabitiwan agad iyon nang maramdaman ang kamay ni Dark sa pisngi ko. Kumurap-kurap ang mga mata ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Tanglaw ang liwanag mula sa screen ay mas nakita ko ang mukha ni Dark.
He's so handsome...
Before I could even say anything, he lowered his head and kissed me again.
This time, wala na iyong gulat na naramdaman ko sa tuwing ginagawa niya ito. Tila alam ko kaagad kung saan dadako ang braso ko na pinaikot ko sa leeg niya. But the fast heartbeat of my heart, butterflies in my stomach, it's still here.
I have another definition of kissing.
It's like dancing. Parang sayaw na sinusundan ko ang bawat galaw ni Dark. When our tongues met, it's as if I knew exactly what to do.
Hinihingal ako nang maghiwalay ang labi namin. Akala ko'y doon na iyon magtatapos pero napasinghap ako nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang tila bampira siyang sinipsip ang balat ko roon.
Katulad nang ginawa ni Ralph kay Agatha.
Oh gosh...
Mula sa leeg ay napunta ang kamay ko sa buhok niya, sinasabunutan siya at mas idinidiin siya sa leeg ko. Inuudyukan siyang mas pag-igihan ang ginagawa.
"Ahhh!" ungol ko nang makaramdam ng hapdi sa leeg ko dahil hindi niya na lang sinisipsip iyon. Naramdaman ko na ang ngipin niyang bumabaon sa balat ng leeg ko.
But still... I want him to continue.
And then, there's feeling again.
Napagdikit ko ang hita ko nang makaramdam ng pamimigat sa puson ko.
"I-I need to pee, Darky."
Natigilan siya sa ginagawa sa leeg ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Yeah, me too... let's get out of here."
"H-huh? But the movie's still not finish--omg!" singhap ko nang walang babalang binuhat niya ako.
"I-I can still walk," saad ko pero humilig agad sa dibdib niya.
"I know, pero mas mabilis 'to kesa madurog ang braso ko sa pagkapit mo," bulong niya.
"Hindi pa tapos ang movie--"
"We can finish it some other time."
Yieee! May other time pa daw kami.
Nakangiting ipinaikot ko ang braso ko sa leeg niya at nakapikit na hinilig ang pisngi sa dibdib niya pinapakinggan ang malakas na tibok ng puso niya.
"Darky..."
"What, brat?"
"Are you a vampire? Why d-did you do that?"
"Hmmmm... yes I am. Your blood smells sweet, that's why I did that. You don't like it?"
Kinagat ko ang labi at umiling. Hindi ko namalayang nakalabas na kami ng theater kung hindi pa siya huminto sa paglakad. Tiningala ko siya nang hindi niya pa rin ako ibaba.
"I would have slap you if I didn't like it."
He chuckled, and my world began to brighten again, just like when the sun and moon appear.
His laughter and smile were like that to me; they bring me happiness.
I hope this moment never ends.
"Dark..."
He stopped laughing when I called his name.
"What?"
"I really like you--no, I love you."
Nakita ko ang paglunok niya at dahan-dahang paglapag sa akin. Ngunit hindi ko ginawang pakawalan siya at pinagsalikop ko ang kamay ko sa leeg niya.
"I'll wait until you like me too--"
"Do you really think I didn't like you? I won't kiss you that way if I didn't, Leighrah Claudine."
"W-what? You like me, too?"
Nag-iwas siya ng tingin. "I am, but that part... I'm not there...yet."
Masayang niyakap ko siya nang mahigpit naintindihan kung anong tinutukoy niya. "You'll be there din! You'll love me din, Darky. I'll wait no matter how long it takes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top