Chapter 22
#EmbracingDarknessCH22
Innocent
KISSING Dark was like eating my favorite chocolate.
Iyong pakiramdam na ayaw mong maubos. Iyong gusto mong mas namnamin.
When he kissed me back I felt like I was on fire and only him could put the flames out. May kakaiba akong nararamdaman sa pang-ibabang parte ng katawan ko. Nang umawang ang labi ko ay hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagsipsip sa ibaba ng labi ko. When our tongues met, my mind went blank. I don't know how to properly kiss but he guided me until I learned how to kiss him back.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Pinisil-pisil niya iyon na hindi ko mapigilang mapaungol.
"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan...Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan..."
Malakas ko siyang natulak nang marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya at napasinghap ako nang makitang halos makalas na ang robang suot ko na hindi ko man lang namalayan na naalis na rin ang pagkakabalot ko sa comforter.
"Answer your phone," kaswal niyang saad na tila walang nangyari at tumayo.
"Why don't you change your ringtone? I can sing a new one for you. Clearer version pa," nakangisi niyang sabi at ginulo ang buhok ko.
Patuloy pa rin sa pagtunog ang cellphone ko kaya wala sa loob kong inabot iyon at sinagot.
"Kiss me--"
"What?!"
Natutop ko ang bibig at nailayo ang cellphone sa tenga ko nang marinig ang sigaw ng kakambal ko sa akin. Nakagat ko ang kuko at inisip kung anong palusot ang ibibigay ko sa kanya ngayong araw kapag hinanap niya ako.
"Claudine Leighrah! Anong sinasabi mo?"
"Huh? Wala ah! Hi my so handsome twin!"
"Where are you?"
"With my friend, Tiara--"
"I'm not asking kung sino ang kasama mo. Nasaan ka?"
"Sa condo, I won't be able to come kina Tita Rianne Klodie, kasi masama ang pakiramdam ko baka mahawaan ko pa ang kambal."
"I see, nandiyan ba si Tiara?"
"Oo, nasa kabilang kwarto--"
"Really? Then, sino 'tong nakikita ko rito sa mall? May kakambal ba si Tiara?"
Napalunok ako sa kaba at naibagsak ang katawan sa kama. "Ay umalis pala s-siya. I was sleeping kasi kaya hindi ko siguro namalayan."
Omg Claudine, don't stutter please.
"You're lying. Wala ka talaga sa condo. Wala kang sakit. So, tell me nasaan ka?"
Mariin kong naipikit ang mga mata ko. "Sa palawan."
"Hindi ko na tatanungin kung bakit ka nandiyan, ang itatanong ko sino ang kasama mo?"
"You d-don't know him."
"Dark Carter Tiangco."
Damn it.
"Omg, Klode please 'wag mo akong isumbong kay Daddy! Please!"
Malalim na buntonghininga ang isinagot niya dahilan para mas dumagundong ang puso ko sa kaba.
"Magkasama ba kayo sa hotel room?"
"No! Promise!"
"Don't let him touch you or I swear Claudine Leighrah--"
"A-ano bang iniisip mo! I'm still young. Please 'wag mo akong isumbong."
"Dad would cage you kapag isinumbong kita..."
Tila nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang pagtawa niya. "Kaya nga 'wag mo kong isusumbong!"
"Take care of yourself, kailan ang uwi nyo?"
"Kapag natapos na ang bagyo."
Nang masigurado kong hindi ako isusumbong ng kapatid ko ay tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa labi kong tila nangangapal at napapikit. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi ni Dark sa labi ko. Ramdam ko pa rin ang mahigpit na pagpisil niya sa bewang ko.
Higit sa lahat hindi ko matukoy kung saan nanggagaling ang pamimigat ng puson ko at pagkabasa ng ibabang parte ko.
I guess I need to pee.
Iika-ika akong nagtungo sa banyo at napangiti habang umiihi.
He didn't say he's sorry!
"Why don't you change your ringtone? I can sing a new one for you. Clearer version pa,"
Oh, I need him to fulfill that. Clearer version pala ah.
Mamaya ka sa akin, Darky.
***
NANG magising ako mula sa mahimbing na pagtulog ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa glass door na magdadala sa akin sa veranda. Hinawi ko ang makapal na kurtina roon na dahilan kung bakit sobrang dilim kanina noong mawalan ng kuryente. Napailing ako nang makitang malakas pa rin ang pag-ulan sa labas.
Wishing na there will be no power interruption again! I can't bear na mawalan na naman ng ilaw! Scary...but I'll be fine basta nasa tabi ko si Dark--
Nag-init ang mukha ko nang maalala ang namagitan sa amin kanina. We kissed again!
This time he didn't say he's sorry!
Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas-singko na pala nang hapon kaya naman pala grabe na ang pagkalam ng sikmura ko sa gutom. I wore a tank top paired with cardigan and tattered shorts.
In fairness, I like his assistant's choice of clothes ah.
Paglabas ko sa room ay saktong paglabas din ni Dark sa suite niya. Basa-basa pa ang buhok niya at napangiti ako nang masamyo ang mabango niyang amoy.
"You smell good."
Ngumisi siya at nilapitan ako. "Pervert," aniyang ginulo ang buhok ko at nilagpasan ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Me? Manyak? Hindi ah!"
"Says someone na bigla-bigla na lang nanghahalik?" sagot niya dahilan para tila nagpipiko akong habulin siya.
"Says someone na tinouch ako sa waist and someone who used his..."
Nahinto ako sa pagsasalita nang bumangga ako sa likod niya sa biglaan niyang paghinto sa paglalakad.
"Used what?"
Napalunok ako at tila napiping hindi na nakasalita pa. Tumawa siya at lumuhod sa harap ko. Hinawakan niya ang paa ko dahilan para mapakapit ako sa balikat niya nang gumewang ako sa ginawa niya.
"Hindi na ganoon kamaga, but you should take a rest, brat. I'll call for a room service if you're hungry."
Mabilis naman akong umiling. "No, nakakasawa na sa room. Ang boring! Why don't we eat na lang downstairs and you know there's a small theater here in the hotel. Let's watch movie after!" excited ang boses kong saad.
Tumayo siya at kinunutan ako ng noo. "You hate and scared of the dark room, right? Madilim sa theater, Claudine."
Oh, how I love it everytime he calls my name.
"I won't be scared if you're with me," matamis kong pagngiti sa kanya.
Tila natigilan siya sa naging reaksyon ko at hindi ko alam kung bakit ako nailang nang hindi siya nagsalita't ilang segundo lang akong tinitigan.
"May dumi ba sa face k-ko?"
"Don't smile."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"
"Nothing."
Umiling lang siya at tinalikuran na ako. "Darky, wait for me!" tili ko at tangkang bibilisan ang lakad nang huminto siya ngunit hindi ako nilingon.
"Hold my arms," muwestra niya sa braso niyang ikinagulat ko.
"A-are you sure?"
"Fine, kung ayaw mo--"
Mabilis akong umabrisete sa kanya bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Nakagat ko rin ang labi ko sa kilig nang mabagal siyang naglakad binibigyan ng konsiderasyon ang paa ko.
Napanguso ako dahil mabilis kaming nakarating sa restaurant ng hotel dahilan para bumitiw na ako sa pagkakahawak sa kanya.
I wish I have the power na pahintuin ang oras.
"What do you want?"
"You."
Narinig ko ang pagtawa ng waitress na hinihintay ang order namin sa naging sagot ko kaya tiningala ko siya at tinaasan ng kilay.
"May nakakatawa ba, Miss?"
Napalunok siya at tila kinabahan sa pagtatanong ko. "Nothing, Ma'am."
Inalis ko ang tingin sa kanya at nakangiti nang binalingan si Dark na napailing na lang sa akin.
"Any allergy?"
Parang bata na umiling-iling ako. Hinayaan ko na lang siyang um-order para sa aming dalawa at kinuha ko ang phone ko para tingnan ang mga mensaheng natanggap ko habang tulog ako.
Mukhang nag-e-enjoy sa bakasyon sila Mommy dahil wala sila ni isang mensahe para sa akin. Natawa ako nang makita ang sinend na picture sa akin ni Clarence na punong-puno ng chocolates ang mukha nila Kieran at Keegan.
Mukhang may panibagong kalokohan na namang ginawa ang dalawa.
"What are you laughing at?"
Agad kong iniharap ang cellphone ko kay Dark at ipinakita sa kanya ang picture ng mga kapatid ko.
"Your kids?"
Sinimangutan ko siya sa biro niyang hindi funny. "They're my brothers."
"Twins din?"
Kumunot ang noo ko. "How did you know that I have a twin?"
Nagkibit-balikat lang siya. "You have a happy family."
"And a disaster one, walang araw na hindi tahimik sa bahay because of these two."
Hindi na siya sumagot kaya nangalumbaba ko siyang minasdan. "Anong gusto mo? Maingay or tahimik?" tanong ko kahit na alam kong ang huli ang isasagot niya given his personality.
Akala ko hindi niya papansinin ang tanong ko pero sumandal siya sa kinauupuan at nginisian ako.
Iyong ngising ewan ko ba pero talagang iba ang epekto sa akin. Parang pakiramdam ko inaakit niya ako at ako naman naaakit talaga.
"It depends. Saan ba?"
"Anong saan? Sa bahay?"
Natawa siya tila may kalokohang naisip habang nakatingin sa akin. "Saang parte ng bahay? Sa kwarto? Hmmmm...kung doon, I prefered someone loud."
"Bakit may preferred ka pang lugar sa house? Bawal bang maingay sa 'yo sa sala? I mean if it is in the room, hindi ba dapat quiet so you can rest?" sunod-sunod kong tanong kumukunot ang noo.
He laughed again as If I told him a joke 'eh napakaayos ng tanong ko. "Why are you laughing at me ba?" tanong ko sabay kuha ng bread na nasa lamesa para kahit paano mabawasan ang gutom na nararamdaman ko.
Umiling-iling siya. "The way you kissed me back kanina...I thought you're not that innocent. Seems like inosente nga," tila sa sarili niya sinasabi 'yon sabay inom ng tubig.
Habang ako pakiramdam ko nakakain ako ng sili sa pag-iinit ng mukha ko sa sinabi niya. Natigil nga sa ere ang pagnguya ko sa sinabi niya.
"I-is there a problem with being innocent?" nauutal kong tanong sa kanya.
Kung sasabihin niyang may mali sa akin. I'll ask my friends how to be not that innocent. Sila kasi hindi na.
They said you shouldn't change yourself for someone. You should do it for yourself.
Pero kung magbabago ako para magustuhan niya ako. Hindi ba binigyan ko rin naman ng pabor ang sarili ko no'n?
Ngumiti siya. Iyong ngiting walang halong biro at napalunok ako nang tumayo siya sa kinauupuan. He leaned on me and using his thumb he wiped something on my lips.
Napalunok ako nang balewalang inilagay niya iyon sa bibig niya at bumalik sa kinauupuan niya.
"Sweet...I like it."
Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong nalasahang tamis sa kinain kong tinapay. Pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya at muling inulit ang tanong ko.
"Ano? May problema ka ba sa mga inosente, Dark?"
Umiling siya. "Walang mali sa pagiging inosente. As long as you don't let someone tramples you for being one."
"I'm innocent but not a fool, Dark."
Tumango-tango siya. "That's good to know...because remember someone said the trust of the innocent is the liar's most useful tool," he said with a serious face.
"So, do you like innocent or not?"
Isang mahiwagang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. "Let's just eat, brat," nguso niya sa paparating na pagkain namin.
T B C
-Unedited. Have to re-read the entire story just to update hohohoho. Sorry, won't promise na kung kelan ang susunod. Hindi ko talaga sure kung mapapanindigan ko.
Sa nagbabasa ng TLB ko sa d.re.ame mukhang na-spoil na kayo sa ending ng story na 'to. Hahahahahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top