Chapter 21
#EmbracingDarknessCH21
Third kiss
Klode would always say that I can survive in any place I go. It's so easy for me to mingle with different people and I don't have what they call hiya.
But my brother, I beg to disagree.
I don't think I can survive this night. With everything that my Dark witnessed.
I am so embarrassed and I want to disappear right at this moment.
Nang mailapag ako ni Dark sa kama ay agad kong kinuha ang makapal na comforter at ibinalot iyon sa katawan ko pero napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa paa ko.
"I don't get it."
Kahit nahihiya ay hindi ko maiwasang tingalain si Dark sa sinabi niya.
"You don't get what?"
"You getting hurt everytime I'm around." Pag-iling niya at inilagay sa tenga ang telepono na nasa bedside table ko.
"Could you get me an ice bag and a first aid kit with elastic badge? Yes, room 501. Okay, thank you."
Pinagmasdan ko si Dark na malalim na bumuntonghininga at sinulyapan ako. Tila pagong na itinago ko ang ulo sa comforter.
"So, you finally know how to be shy?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya lalo na nang tumawa siya. I know he's laughing because of my epic fail moment a while ago. I should be mad because it seems like he's insulting me but I found myself smiling while staring at him.
Tila mabilis nawala sa isip ko ang kahihiyan kong eksena kanina at napalitan ng saya ang puso ko dahil sa nakikita ko.
Dark is sad because of her Mom and I'm sure because of her ex-girlfriend, Helene. But because of my clumsiness and unlucky fate, he's laughing.
I'm making the man I love laugh! This is amazing!
Nang tumigil siya sa pagtawa ay doon ko lang napansin na nakatitig na pala siya sa akin. Napalunok ako nang makitang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Wala sa loob kong nakagat iyon habang sinasalubong ang tingin niya.
"Are you seducing me, Claudine?"
"H-hindi ah! Gusto kita but I'm not that desperate--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako nang gahibla na lang ang layo ng labi niya sa labi ko.
OMG! Another kiss!
"Then, don't bite your lips in front of me again, brat," ani Dark na hindi ko maintindihan ang ibig iparating. Nang lumipas ang segundong hindi dumampi ang labi niya sa akin ay pinamulahan ako ng mukha.
So much for hoping. Paasa talaga ang aking Darky!
Pagdilat ng mga mata ko nakita ko si Dark na kumuha ng beer sa ref.
Alak na naman.
Is he like alcoholic?
"You know that alak is bad to your liver. Why don't you tone down your drinking habit?"
Malakas siyang dumighay at kung ibang lalaki ang gagawa no'n. Baka napangiwi na ako pero iba talaga ang tama ko kay Dark at tingin ko pa'y ang hot niya sa ginawang pagdighay.
"What do you want me to drink? Milk? Katulad mo?"
Milk? Anong tingin niya sa akin kaedad ng mga bunso kong kapatid?
Sasagot pa sana ako nang tumunog ang doorbell sa hotel room na kinaroroonan ko. Naglakad siya patungo roon at ilang sandali lang ay bumalik siya tangan ang box ng first aid kit at ice box.
"Labas mo paa mo."
Sinunod ko siya at inilitaw ang paa ko. Pinagmasdan ko si Dark na nilagyan ng ice pack ang paa ko. Dahan-dahan ang pagdampi niya roon na tila ingat na ingat na huwag akong masaktan. Pinagtagal niya ang pagpatong no'n sa namumula kong ankle at tumayo siya para kunin ang beer na iniwan niya sa ibabaw ng ref. Naupo siya sa kama habang nilalagok ang beer na akala mo tubig lang ang iniinom niya.
"Dark?"
"What?"
"Umiinom ka ba kasi malungkot ka?"
Natigilan siya't pinakatitigan ako. "Kailangan ba ng dahilan para sa pag-inom ng alak? Gusto ko lang, anong malungkot pinagsasasabi mo." Magkasalubong ang kilay niyang sagot at inalis na ang ice pack sa paa ko.
Kinuha niya ang elastic badge at inumpisahan niyang ipaikot 'yon sa paa ko. Nang matapos siya sa ginagawa ay tumayo na siya pero isang malakas na kidlat at kulog ang narinig ko't bigla na namang namatay ang ilaw.
"Damn it! Wala bang generator ang hotel na 'to?!"
Kinapa ko ang kamay ni Dark at lumuwag ang paghinga ko nang mahawakan 'yon.
"Aalis k-ka?"
"Inaantok ako. Matulog ka na din." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at walang balak na pakawalan 'yon.
"D-Don't leave me, please."
"It's just a dark, Claudine. Walang nakakatakot sa dilim. You're old enough to overcome that phobia of yours. Why don't you do it now?"
Nataranta ako nang hilahin niya ang kamay niya palayo sa akin.
"Huwag mo ko sabing iwanan eh!"
Wala na akong narinig na boses kaya unti-unting pumatak ang mga luha ko. Nangatal ang labi ko kasabay nang panginginig ng kamay ko.
"D-Daddy! Daddy!" Parang bata kong palahaw makalipas ang ilang minuto na madilim pa rin ang paligid ko.
I felt like I'm no longer in my room.
Nasa kotse ako habang naririnig ko ang patuloy na pagtatalo ng dalawang tao sa harap ko. Napahawak ako sa tenga ko sa ingay hanggang sa gumewang sa kinauupuan ko't namalayan ko na lang na pula na ang lahat sa paligid ko.
"I-I'm sorry..."
"M-Mommy! D-Daddy... Claudi is hurt, save m-me please!"
"Claudine Leighrah!"
Ang malakas na pagtawag sa pangalan ko at mahigpit na yakap na naramdaman ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Calm down, I'm here."
"I-I'm begging you, please don't leave me just until the lights are back."
"Fine. Stop crying."
Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin pero hinigpitan ko ang pagkakapulupot ng braso ko sa bewang niya. Walang balak na pakawalan siya.
Inakala kong ipipilit niyang makakawala siya mula sa akin ngunit hindi na siya kumilos at hinayaan na lang ako.
"Wala ka ba talagang nakikita sa dilim?"
Umiling ako. "Wala. Bulag ako kapag madilim."
Natahimik siya at hindi na sinundan ang tanong.
"I-I was kidnapped when I was a kid. Iyong dating girlfriend ng Daddy ko, that a-actress na pinanood nila Jillian sa condo. She was the one who kidnapped me kasama ang isang lalaki. Then we met an accident, they died in front of me." Suminghot ako at malalim na huminga dahil sa nag-uumpisang paninikip ng dibdib ko sa alaala ng nakaraan. "Sobrang dilim sa lugar na pinagdalhan nila s-sa akin and I remember how I ran just to get away from them."
"You don't have to tell me this kung nahihirapan kang pag-usapan."
"I want to because I wanted you to understand, Dark, that I really wanted to overcome this phobia of mine. They said there's nothing wrong with my eyes. Magaling na ako, it's all just in my mind. G-gusto kong lumaya sa nakaraan, Dark, gusto kong kalimutan ang araw na 'yon para sa Daddy ko dahil alam kong sinisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin. B-but I don't know how."
"You can never forget what hurt you in the past, Claudine. It will always be there in your mind and in your heart. We don't get over it or move on from our trauma. We carry it. We live with it. We thrive inspite of it. But even if we can never forget it, we should believe that there will come a time that we'll heal from those things that made us suffered."
"Kailan kaya 'yon?"
"When our mind and hearts are ready."
Magsasalita pa lamang sana ako nang lumiwanag na ang paligid. Humiwalay ako kay Dark at nagtagpo ang tingin naming dalawa.
Namumula siya nang itaas niya ang kamay niya at pahirin ang mga luha sa kamay ko. Napalunok ako sa ginagawa niya at naramdaman ko ang pabilis na pabilis na tibok ng puso ko.
Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko. Tila natauhan siya sa ginagawa niya't tangkang aalisin ang pagkakahawak ko sa kanya pero hinigpitan ko ang kapit doon.
Nagkatitigan kami at mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin ko sa labi niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inilapit ang labi ko patungo sa labi niya. Bago pa siya makaiwas ay tuluyan ko na siyang hinalikan.
Our third kiss.
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top