Chapter 20

#EmbracingDarknessCH20

Kiss

IT felt like time stopped when his soft lips met mine, the fluttering of my heart intensifies as he slowly kissed my lips. As my heart keeps on pounding loudly in my chest, I can feel my knees weakened. My eyes still wide awake as he keeps on nibbling my lower lip.

This is not the first time that we kissed if kissing him that night would be consider a kiss. But this is so different from what I did before.

Is this really happening? He's kissing me?! Wait—why am I acting like a freaking statue?!

Okay...okay...I have read so many novels. I know how to kiss. It's easy as 1 2 3—

But just when I closed my eyes, he suddenly stopped.

Gee! Bakit ka tumigil, Darky?!

Idinilat ko ang mga mata ko nang hindi ko na maramdaman pa ang labi niya sa akin. Tila doon ko lang naramdaman ang kakapusan nang hininga at huminga ako nang malalim para makasagap ng hangin.

"Sorry," anas niyang nakapagpanganga sa akin dahilan para mapatayo ako sa pagkakaupo sa hita niya.

"Could you make ulit what you just s-said?"

Tumayo siya. "Sorry..." ulit niyang muling nakapagpatameme sa akin.

"F-for what?"

"For kissing you," aniya at walang modong tinalikuran ako.

Kinagat ko ang labi ko at kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na siya sa harap ko. Sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang suot kong slipper para batuhin siya pero hindi siya tinamaan no'n. Kaya hinabol ko siya at muling hinubad ang kapares ng slipper ko. Saktong pagbato ko ay ang siyang pagharap niya. Tumama ang ibinato ko sa dibdib niya. Tinitigan niya ang nahulog kong slipper sa paanan niya.

Tinawid ko ang natitirang distansya at pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap niya.

"Bakit ka nag-sorry?"

"Bakit ka namamato?" balik-tanong niya sa aking pinagpag ang suot niyang sando.

"Kasi nag-sorry ka for kissing me!"

Kumunot ang noo niya. "What's wrong with that?"

"You kissed me tapos mag-so-sorry ka?"

"What do you expect me to do?"

Naibaba ko ang kamay ko at napalunok. Ano nga ba?

"W-why did you kiss me ba kasi?" mula sa mataas na tono ng boses ko kanina ay halos hindi na marinig ang boses kong biglang tanong sa kanya.

Ngumisi siya. "Because I'm drunk and you look so damn beautiful that I can't help myself but to kiss you."

Yumuko siya at dinampot ang tsinelas ko at iginala ang paningin sa paligid para marahil hanapin ang kapares ng hawak niya. Nang matagpuan ang hinahanap ay kinuha niya iyon. Parang sirang plaka na inulit-ulit ko sa isip ko ang sinabi niya.

Wait—is he saying na maganda lang ako 'pag lasing siya?!

"Dark Carter Tiangco! Are you telling me that I'm only pretty kapag drunk ka?"

"Tss. Stop shouting, makakabulahaw ka ng tao," aniyang lumuhod at isinuot sa mga paa ko ang tsinelas ko. "Stop doing something na puwede mong ikapahamak, ang tsinelas isinusuot hindi ibinabato. You might injure yourself, brat."

"I don't get you..." bulong ko habang minamasdan siyang nakaluhod pa rin kahit naisuot niya na sa mga paa ko ang tsinelas ko. "One moment, nagagawa mo kong saktan sa mga salita mo then the next moment, you're making me fall hard because of your gestures...hindi kita maintindihan."

Tumayo siya at pinakatitigan ako. "You'll never understand me, Claudine. I won't let you." Ngumisi siya na tila nang-aasar sa akin.

This is the first time that I find him annoying, really.

So, I stomp my right foot and left him.

Pero kailan ba nagtagal ang inis ko para sa mga taong mga mahal ko?

Sa paglalim ng gabi, ay para akong tangang ngumingiti habang dinadama ang labi ko.

I spent the entire night, still thinking about that kiss under the moon and stars—

Kidding. There's no stars and moon. It's just me and Dark.

***

KINABUKASAN ay nagising ako sa malakas na hampas ng hangin sa bintana ng kuwarto ko. Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas-diyes na pala ng umaga pero ang dilim-dilim pa rin ng kalangitan. Bumangon ako at hindi magawang alisin ang sarili sa pagkakabalot sa comforter sa sobrang lamig.

I immediately went to the bathroom and started doing my morning routine. I love taking showers after waking up no matter how cold the day is. After making sure na tama ang init ng tubig sa bathtub ay lumusong na ako roon at satisfied na pinaglaruan ang tubig na pinuno ko ng bubbles. Still feeling giggly because of what happened last night.

Pakanta-kanta pa ako habang ini-i-scrub ang sarili ko nang biglang kumidlat nang malakas at dumilim ang paligid. Napalunok ako nang mabalot ng dilim ang paligid ko. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko.

Okay. This is a hotel. They have a generator. Hindi sila matagal mawawalan ng kuryente.

Breathe, Claudi...

I started breathing in and out but seconds, minutes passed by. It's still dark.

The silence is killing me. I feel like any moment someone would grab me and hurt me.

I can feel my hands shaking but I promise myself that I'll never act like a kid again. I'm stronger now. I need to be brave. I have to stand on my own.

Idinilat ko ang mga mata ko at tinandaan kung saan ko iniwan ang roba ko. Tumayo ako at dahan-dahan akong umalis sa bathtub.

But I think this year is not really my year. I'm so blessed with accidents this past few weeks.

I slipped and I scream loudly due to frustration. My freaking butt hurts and so is my ankle!

"Mommy!" parang batang tili at iyak ko.

Then a loud knock came from the outside causing me to stop crying. "Help! Somebody help me—" Hindi ko natapos ang pagsigaw ko nang biglang magkailaw na.

Nanlalaki ang matang minasdan ko ang seradura ng pinto ng shower room na unti-unting bumukas as I realize my situation right now. I'm... naked.

Pilit kong tinakpan ang sarili ko nang tuluyan nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Dark na agad tumalikod nang makita ako.

May nakita ba siya? Bakit ba I forgot to lock the door?!

Hiyang-hiya ako sa sarili ko at gusto kong bumuka na ang lupa at lamunin ako ng buo. Paano ko pa magagawang tingnan siya knowing na nakita niya na ang lahat-lahat sa akin.

"Damn it!" narinig kong saad niya. "A-are you hurt?"

Hindi ako nakasagot at napahikbi na lang ako sa kahihiyan.

"Shit! Look, it's just a glimpse I didn't see your—"

Hindi niya napagpatuloy ang sasabihin niya nang bumunghalit ako ng iyak.

"Wala akong nakita! Stop crying as if I molested you!" singhal niya na mas nagpaiyak sa akin. Pumalatak siya at umalis sa kinatatayuan niya. Akala ko ay aalis na siya pero nakita kong nagtungo siya sa switch ng ilaw. Dumilim ang paligid at kahit wala akong nakikita ay naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"Nakapikit ako if you're thinking that I'm looking at you." He said then I felt something on my shoulder.

"That's your robe. Wear it."

Sisigok-sigok na isinuot ko ang roba. Napangiwi ako nang maramdaman muli ang sakit sa ankle ko maging sa puwetan ko.

"Are you done?"

"Y-yes..."

Naramdaman ko ang yabag ng paang papalayo sa akin. Tumungo ako nang lumiwanag na ang paligid at nagpanggap na inaayos ko ang robang mahigpit kong isinuot.

"Can you stand up?"

Tumingala ako pero nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay muli ulit akong tumungo. Idinantay ko ang palad sa lapag at tinangkang tumayo pero muntik-muntikan na naman akong madulas kung hindi maagap na akong nahawakan sa bewang ni Dark.

He heavily sighed. "Why are you so clumsy?"

Bago pa ako makapagsalita ay mabilis niya akong binuhat nang walang kahirap-hirap. Kahit gusto kong kiligin ay hindi ko magawa dahil mas lamang pa rin ang kahihiyan sa akin.

You're such a pain in the ass, Claudine Leighrah... how could you make him fall for you?

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top