46 | Echoes
SOLEIA'S POV
"Good and evil... light and darkness... peace and chaos..."
"You may defeat evil and darkness, nightingale..."
"But you will never be able to defeat Chaos."
Hingal na hingal ako nang buksan ko ang aking mga mata. Napabuntong-hininga ako nang makaupo ako nang maayos. "Gods, I hate nightmares," I whispered.
Nag-ayos muna ako bago ko sinuot ang uniporme ko at lumabas sa aking kwarto. Bumungad sa'kin sina Talia, Tazyn, at Callie na kumakain. "Hi, Soleia!" bati sa'kin ni Callie. Kumakain siya ng tinapay.
"What time is it?" tanong ko nang makaupo. Unlike the Asphodel and Tartarus Classes, we have classes today because we missed some lessons during our last mission.
"7:55 na, bakit-" Nanlaki ang mga mata ni Callie nang sabihin 'yun ni Tazyn. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Why?"
Mukhang nagets din ni Talia ang iniisip ni Callie dahil dali-dali nilang ginamit ang kanilang kapangyarihan para malinis ang mga pagkain. Dahil hindi pa ako kumakain, agad akong humablot ng isang tinapay bago pa nila itong tuluyang malinis.
"Bakit ba, kambal?" Maging si Tazyn ay nalito. "9:00 pa naman ang klase natin ah."
Napasimangot sina Callie at Talia bago nila hinablot ang aming mga kamay upang hilahin kami palabas. Tumakbo sila nang mabilis, walang pakialam sa paligid.
"8:00 ang pasok natin! Nakalimutan ko lang, pero sinabihan ako ni Amari kanina!"
Driven by Callie's words, I sprinted with all my might. Ngayon na nga lang ulit ako papasok, malalate pa ako!
"7:59. Right on time, girls." Nakuha pa kaming asarin ni Mavi nang makarating kami sa classroom. Sinamaan namin siya ng tingin bago umupo. Katabi ko ngayon sina Cole at Amari.
"Why are you late?" seryosong tanong sa'kin ng anak ni Athena.
Amari...
It's frightening that she continues to treat me the same way. I thought she was just being aloof, but it turns out she has been harboring hidden anger towards me all along.
Bakit hindi ko napansin?
"Kasalanan ko naman..." bulong ko. Tumaas ang kilay ni Amari nang marinig niya ito. "Ah, kasalanan ko kung bakit nalate kami. My alarm didn't ring," palusot ko. She squinted her eyes before nodding.
Ilang segundo lang, pumasok na rin ang guro naming si Miss Elliana. Namiss ko siya!
"Good day, Elysians," bati niya. Agad kaming tumungo bilang respeto bago namin siya binati pabalik.
"Parang gumanda kayo, Miss Elliana!" biro ni Callie. Agad na natawa ang guro namin. "Parang deserve naming mag-enjoy ngayon," pagpaparinig niya pa. I smirked.
Miss Elliana rolled her eyes. "Instead of talking to the Olympians all day, wouldn't you be more interested in an adventure?"
Akala ko ba ay Greek History ang klase namin ngayon? Ano'ng balak ni Miss Elliana?
"Well, once I talk to my father, he'd never shut up so..." Biglang bumulong-bulong si Talia. "An adventure it is!" sigaw niya.
Our teacher chuckled. "I need you to find some aconite. I'm not sure where it might be, but it's likely in the academy's forest, greenhouse, or garden... or even in all of those areas. Regardless, you have to bring me some," paliwanag niya. May forest pala sa academy? "First, I have to split you up into pairs."
Dahan-dahan akong kinabahan sa sinabi niya. Sana ay ayos lang ang maging kapares ko.
"Cole and Amari. Mavi and Talia. Haze and Tazyn. Raven and Soleia," saad niya. "Callie, you'll work alone."
Agad na nagprotesta si Callie. "Miss Elliana naman!"
Our teacher raised a brow. "If you've forgotten, you're Demeter's daughter, Callie. This should be a piece of cake for you. After all, plants and herbs are your specialty, aren't they?"
Napasimangot si Callie. "Sabi ko nga."
"What are you waiting for? Go!"
Tumingin ako kay Cole, nanghihingi ng tulong. "Kaya mo na 'yan. Malaki ka na," bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sana maligaw kayo."
Sa lahat nang pwedeng maging kapares ko, 'yung anak ni Zeus pa!
When I moved closer to Raven, he looked at me with a menacing stare. Bad mood na naman yata siya.
Nauna siyang maglakad kaya wala akong nagawa kun'di sumunod sa kanya. Kapag nagalit siya sa'kin, baka makidlatan niya pa ako.
I don't want to die yet.
"Where are we going?" I asked. We passed through the garden where students were talking to each other.
Hindi niya ako sinagot, at sa halip ay patuloy siyang naglakad. Nakakatakot ang katahimikan niya...
"We're heading to the greenhouse. I can feel Demeter's presence there. Since we visit the garden frequently, I'm confident there's no aconite around, and the forest poses too many risks for us both. The greenhouse is the safest choice." Napatingin ako sa kanya. Ang haba ng sinabi niya ah.
"Can you stop staring and keep walking?" he asked. I could hear the irritation in his voice though I couldn't see his face. Mas nauuna kasi siya sa'kin at likod niya lang ang nakikita ko.
"Oo na. Bakit ba kasi ang hahaba ng pasensya ng mga anak ni Zeus?" bulong ko sa sarili. Mabuti nalang at hindi niya ako narinig. Mas binilisan ko nalang ang lakad ko.
Pagkatapos ng ilang segundo, nakarating din kami sa greenhouse. Gawa ito sa bubog, kaya't kitang-kita ang mga halaman sa loob. Medyo nakakatakot lang dito dahil katabi lamang ng greenhouse ang gubat.
Sandali akong napatulala nang makita ko ang isang magandang babae na nagdidilig ng mga halaman. Nang ikumpas niya ang kanyang kamay, sumibol ang ilang bulaklak.
Nakakabighani ang kanyang ganda at sigurado akong isa siyang diyosa. Ang kanyang mahabang tsokolateng buhok at kumikinang na berdeng mga mata ay bumabagay sa suot niyang chiton.
"Goddess Demeter," Raven greeted the goddess as we entered the greenhouse.
She beamed a big smile. "Oh my," she exclaimed. She welcomed us with such warmth. "What brings you here, children of the big three?"
Pasimpleng napamulsa ang katabi ko, hindi alintana na isang diyosa ang kausap namin. Sa bagay, parang hindi naman siya sanay na magbigay ng respeto sa iba.
"We're here to find some aconite," singit ko. Demeter looked surprised, probably wondering what we intended to do with such a toxic plant.
Hindi ko rin alam ang trip ni Miss Elliana eh. Sa nabasa kong libro dati, ang aconite o kaya naman ang wolfsbane ay isang halaman na may lason.
"You've come to the right place then!" The goddess clapped her hands in glee. "I just grew some. How many do you want?"
"Just one would suffice," Raven answered calmly. Mukhang naubusan na ng energy ang kasama ko.
Hm, nakabalik na kaya ang iba? O nahihirapan din sila sa paghahanap?
Agad na inabot ni Demeter ang halaman kay Raven. To ensure its safety, the goddess even wrapped it in a leaf and adorned it with a small flower.
Tinanguan ni Raven ang diyosa. "Thanks." Naglakad na siya paalis. Pinigilan ko ang sarili kong batukan siya. Hindi man lang ako hinintay. Sa bagay, ano pa bang inaasahan ko?
"Can you slow down for a second?"
"Less talking, more walking, Soleia."
Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya ako nakikita. Paano kaya siya natitiis ng iba?!
"Thank you." Unlike a certain son of Zeus, I thanked the goddess Demeter properly. She chuckled.
"You don't have to worry, my dear. Everyone knows that Zeus' sons have a temper as bad as his," Demeter said, still laughing. Nahawa ako sa kanyang tawa.
Bahagya akong nagulat nang umilaw ang kanyang kamay at lumabas ang isang bulaklak mula sa kanyang palad. Inilagay niya ito sa tenga ko. "There. You look beautiful, little flower." Pinindot niya ang ilong ko. "Now go, or else the skies will rumble. Please send my regards to Haze. Tell him I miss him." Si Haze?
At dahil ayaw kong makidlatan, pinasalamatan ko siya ulit bago maglakad paalis.
I was smiling, captivated by the flower the goddess had given me, when I suddenly halted as I walked by the forest.
A chill ran down my spine. A gust of wind swept my hair back, causing the flower I had tucked behind my ear to fall to the ground.
I squinted my eyes as my gaze shifted toward the forest's entrance. Despite the bright sunshine, it seemed dark within.
"Soleia, what are you doing?" Bahagya akong nagitla nang sumulpot si Raven sa tabi ko. Umiling nalang ako at pinulot ang nahulog na bulaklak bago maglakad ulit.
But just a few seconds later, another voice suddenly spoke. I could hear their words through the wind. It sounded eerie, yet there was also a hint of sweetness to it. Their voice echoed throughout the area...
And their words never left me.
"To defeat the most evil heart, one must fight with a good one..."
"While to defeat darkness' desires, one must become the light that shines above all..."
"But to overcome Chaos' tragedy..."
"One must become chaos itself."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top