30 | Blue Skies
SOLEIA'S POV
For the first time in a while, I felt fear.
Dati, payapa ang buhay ko sa mortal realm kasama si Mira. Isa lamang akong hamak na babaeng nag-aaral at nag-eensayo sa bahay.
Hindi ko madalas makasama si Mira, ngunit sa lahat ng sandaling nakausap ko siya, masayang-masaya ako.
But Mira's not here...
Pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako sa bagong mundo ko. Wala akong alam, at marami pa akong dapat na malaman.
"When will I ever see you again?" bulong ko sa hangin, nagbabakasali na madala nito ang mensahe ko sa kanya. Nilipad nito nang bahagya ang aking buhok kaya medyo natakpan ang aking mga mata.
Inayos ko ito bago mapabuntong-hininga.
A few seconds later, I heard a purring sound beside me. It's the cat.
"Hey," bati ko rito. Binuhat ko ito at sinuri ng mabuti. "What's your name, hm?"
It snuggled closer to me, and I gently caressed its fur. It comforted and calmed me down.
"Paano kaya napunta 'yan dito?" takang tanong ni Cole. "Kinuha mo ba 'to, manong centaur?"
Nahawa na yata siya kina Callie at Aelia- uh, Iris pala. Manong centaur na rin ang tawag niya sa driver namin.
"If Zeus himself can't find Medusa, how are we supposed to?" inis na tanong ni Raven. "He really has high expectations, doesn't he?"
Amari turned a page in her book. I wonder where she gets all her books? It seems like she always has one with her. "Or maybe he didn't actually try," Amari said sarcastically.
Raven grinned. "Touché."
Napatawa ako ng konti, pero agad itong nawala nang kumulog ng malakas.
Grabe naman si Zeus, hindi mabiro.
"Ano kaya ang magandang pangalan para sa pusa?" Cole suddenly changed the topic when he noticed how uneasy I looked.
A small smile appeared on my lips when the cat snuggled even closer to me, and I immediately felt its warmth. I gazed into its eyes, and I felt like I could see heaven inside of it. "Skye."
"Skye..." ulit ko, mas mahina.
The cat's eyes seemed to brighten at the mention of the name, and it made me feel relieved at least.
Saglit na nawala sa isip ko ang problemang kinahaharap namin dahil sa pusang hawak ko. Tahimik akong nagpasalamat sa pagdating nito.
Lumingon ako sa bintana upang pagmasdan ang labas, at lalo lamang akong napangiti nang makita kung gaano kaliwanag at kaaliwalas tingnan ang langit.
The blue hues of the sky spread across the horizon, filling my heart with warmth and security.
At nang makita ko ang bahagyang pagliwanag ng araw sa langit, napatingin ako kay Talia. Ngumiti siya sa'kin.
Ngumiti ako pabalik.
Mabuti nalang at kasama ko sila...
Kasi kung hindi, baka hindi ko na malaman ang gagawin ko.
۞۞۞
Nakarating na kami sa hotel muli, at nagulat ako nang makita ang prenteng pagkakaupo ni Hermes sa aming sofa.
Wow, feel at home. Mas nauna pa siyang nakarating sa hotel namin.
"What took you so long?" Kumunot ang noo ko nang sumimsim siya sa tasa niyang may laman na tsaa.
Nakuha niya pang mag-relax matapos makipaglaban?
"Is something burning?" tanong ni Mavi habang inamoy-amoy ang paligid. "Who's in the kitchen, Hermes?" dugtong niya.
Saglit na kumunot ang noo ni Hermes. Bago pa siya makasagot, napakagat siya ng labi bago bumuhos ang kanyang tawanan.
Tumawa siya nang tumawa, hanggang sa akalain ko na siya'y nasisiraan na ng bait.
Gods, is he really an Olympian?
"I think Iris burned the kitchen..." Sinamaan ng tingin ng grupo namin si Hermes. "Again."
"Seriously, you're just making our mission even more complicated," reklamo ni Callie. Napanguso ito bago umupo sa katapat na sofa. "Isumbong kaya kita kay Miss Elliana para matauhan ka?"
Napasimangot si Hermes. "Don't you dare! The last time I visited the academy, Elliana gave me an earful."
Tinaasan lang ni Callie ng kilay si Hermes. Hindi ba siya natatakot?
"Iris, I need you to stop burning the kitchen, dude. Come here quickly," tawag ng diyos sa kanyang kasama.
Agad na lumabas si Iris mula sa kusina, magulo ang buhok. Nakanguso siyang umupo sa tabi ni Hermes.
Sinamaan namin siya ng tingin.
"I was hungry..." depensa niya nang makita ang mga tingin namin. "I was on vacation when Zeus suddenly called me to Olympus and gave me a mission, so I didn't get the chance to eat!"
Raven scoffed. "Yeah, about that mission my father gave you..." Ramdam namin ang pagka-irita sa boses ni Raven. "What's that all about, huh? Are you toying with us or something?"
Napabuntong-hininga si Hermes at umiling. "Take a seat, and I shall explain everything."
Umupo kami sa harap niya. Ang ilan sa amin ay masama ang tingin sa kanya, habang ang iba ay nakakrus ang mga braso.
Me? I sat up straight, my eyes blinking as I stared at two deities in front of me.
Ano kaya ang sasabihin nila?
"So it basically goes like this... well, I was on vacation when Zeus called me and gave me a mission! I immediately packed my things because, of course, I had to comply, unless I wanted to be struck by lightning, but unfortunately, I was with Hermes-" Tinakpan ni Hermes ang bibig ni Iris bago siya ngumiti sa amin.
Bahagyang siniko ng diyos si Iris bago umayos muli ng pagkakaupo.
"Elysians..." tawag niya. "Listen carefully, children."
Nagseryoso siya, kaya't nagseryoso rin ako.
"This whole mission, at first, was just a test," sabi niya na sinabayan ng mga bayolenteng reaksyon.
Nanatili akong nakayuko, naglalaro ng daliri habang malalim ang iniisip.
Bakit ganito?
"You..." bulong ni Talia, may galit sa boses. "You chose to play with us? You chose to play with lives?!"
Umiling si Hermes. "Zeus told me it would be harmless, that you would only need to find Iris and I, but... things took a turn."
Mabilis na sumingit si Iris. "This was supposed to be a test for both Cole and Soleia, your new members, to see if they were worthy..." Humina ang boses niya. "But we failed to see the new threat."
Dahil dito, bigla akong nakonsensya nang marinig ang pangalan ko.
Nanatiling tahimik ang lahat. Walang naglakas ng loob na magsalita. Maging sina Callie at Talia ay tahimik.
Ano ang mga plano namin? Ano na ang susunod?
Ilang araw pa lang akong narito, pero... gusto ko nang bumalik sa tahimik na buhay ko kasama si Mira.
But the truth is, can I really return to my old life knowing there’s danger lurking here? Danger that I might be able to confront alongside the others?
"You call yourselves rulers..." Napatingin kami kay Haze. "Acting all high and mighty, yet you show no concern for us at all."
His fists were clenched, and in his eyes, I could feel the anger he had wanted to express for such a long time.
I waited. I waited for him to explode.
But he remained silent.
Even Hermes did not object to what he was saying.
"So, what do you plan to do now, huh?" tanong ni Mavi matapos ang ilang segundo ng katahimikan. "Ngayon na bumalik na si Medusa para sa kanyang paghihiganti, at hindi siya nag-iisa..."
"Now that she has declared war, what do we do next?"
Napayuko si Hermes at napabuntong-hininga. "All I know is that we have to fight back."
Kaya ba namin 'yun... kung hindi namin kilala ang tunay na kalaban?
May nagsasabi sa akin na hindi si Medusa 'yun.
"How certain are you that we could defeat them without your help?" tanong ni Amari. "How do we end this chaos?"
Tanging bahagyang ngiti na lang ang naibigay ni Hermes.
Hindi nga pala pwedeng makialam ang mga diyos sa mga problema namin...
"The only certainty in these realms, child, is that chaos is truly unpredictable..." sambit niya. "So I am unsure. I am not sure on how to end it."
Sa sinabi niya, tila nawalan na kami ng pag-asa upang manalo kung magkakaroon nga kami ng laban.
"But I am certain that all of you possess the ability to end what she has started."
Nakuha niya ang aming atensyon.
"Children... remember that even the strongest of the strong falls," aniya. "That it is not the measurement of power that saves us all."
Tumingin siya sa akin nang direkta, at sinalubong ko ang tingin niya.
"It is the heart of one's soul," dugtong niya. "It is your greatest defense."
Lumawak ang ngiti niya.
"I believe that this will be your ultimate key to victory."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top