25 | Butterflies
SOLEIA'S POV
Kahapon, inayos namin ang mga batong katawan at dinala muna ang mga ito sa hotel sa tulong ni Akira, ang nymph na kaibigan ni Tazyn.
Ngayon, ipapadala namin ito sa sementeryo na pagmamay-ari ng aking ama na si Hades para mailibing sila nang maayos.
Tinitigan ko ang paru-paro na nagpapahinga sa aking daliri. "You're pretty," bulong ko.
Naramdaman ko ang simoy ng hangin na nililipad ang buhok ko. Nakasandal ako sa isang pader at hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking mga nakita.
"I pity them. They didn't deserve to die like that, my love," pang-aalo ni Talia sa kanyang kambal na umiiyak.
Suminghot si Tazyn. "Kung dumating ba tayo nang mas maaga... matutulungan ko kaya sila?"
Napakagat ako sa aking labi habang dinadama ang hangin na patuloy na lumalakas. Inaayos nina Raven, Mavi, at Haze ang mga katawan habang kami ay pasimpleng tumutulong sa kanila.
Wala naman kasing maniniwala kapag sinabi naming naging bato ang mga nawawalang tao.
"Where do we put these anyway?" tanong ni Mavi na nagbubuhat ng mga batong katawan. Nakabalot ang mga ito sa tela.
Hininto na muna namin ang oras dahil 'pag nakita ito ng iba, baka akalain pa nilang kriminal kami.
Amari sighed. "I sent two limousines here. One will be for us. The other one will be for the bodies."
Napatango-tango kami.
"Pwede ba tayong dumaan sa mall?" Biglang tanong ni Tazyn. Napatingin kami sa kanya, nagtatanong ang mga mata. "Gusto ko kasi munang mamasyal para makapag-isip ako nang maayos..." bulong nito.
Out of the nine of us, Tazyn was the most compassionate. Her feelings were understandable.
I secretly frowned when Haze eventually permitted us to go, especially since he had been arguing with me and consistently declining my requests previously.
However, I kept quiet as I would do anything for Tazyn as well.
Maya-maya, dumating na rin ang mga limousine. Namangha ako nang makita kong mga centaur ang nagmamaneho sa mga ito. Kalahating-tao at kalahating-kabayo sila.
"Dito nalang po!" sigaw nung isa. Binuksan niya ang pinto at ipinasok na ng mga kasama niyang centaur ang mga batong katawan.
I needed to look away as anger surged within me. Whoever did this will pay.
I gently stroked the ring my father had given me. The butterfly I was playing with took flight and landed on the ring on my finger. After a few seconds, it was absorbed by the amethyst in the center.
Napangisi ako nang makita kong nawala na parang bula 'yung paru-paro.
Naramdaman kong may nakatitig sa'kin. Tinaas ko ang aking ulo at nakasalubong ko ang tingin ni Cole. Nakatagilid ang kanyang ulo habang sinususuri ako.
Nakita niya siguro ang nangyari.
Before we left for the mortal realm, I discovered that this ring could be used as a storage device. It was a clever mechanism that allowed me to keep precious objects hidden away from prying eyes. Dito ko itinago ang misteryosong aklat na nakita ko sa silid-aklatan. Dito rin nanggaling ang mga paru-parong nakikita ko.
"Is everything ready?" Napabalik ako sa realidad nang marinig ang seryosong boses ni Amari.
"Yes, madam!" pagbibiro ni Callie. Palihim akong natawa.
Amari nodded. "Please make sure they arrive safely and intact," bilin niya sa mga centaur bago pumasok sa loob ng limousine. Sumunod na rin ang iba sa kanila, at ang tanging natira ay sina Haze at Raven na saglit na kinausap ang mga centaur.
Katabi ko ngayon si Callie sa isang tabi. "Ano pa kaya'ng sinasabi nung dalawang masungit na 'yun?" she asked.
Talia chuckled. "They're probably talking to them..." Napatigil siya. "Uh, well, more like commanding them."
"No one can resist children of Zeus and Aphrodite, after all!" dagdag pa niya.
Tama naman siya dun... sana nga lang ay hindi masyadong tinarayan nung dalawa ang mga centaur.
Kausapin ko kaya si Hades para malaman kung nakarating nang maayos ang mga katawan?
Tama, 'yun ang gagawin ko.
Maya-maya, bumalik na sina Raven at sumakay na rin sila.
"Ayan, nandito na ang dalawang masungit! Grabe, ngumiti naman kayo! Lalo ka na, Haze!" pang-aasar ni Callie.
Haze and Raven both directed an emotionless stare at her. She chuckled in return. "Dadating din ang araw na makikita ko mga ngiti niyo," aniya.
I'm curious as well... what would they look like if they smiled? The demigods who gets to witness that unbelievable moment are lucky. Still, I doubt Haze would smile, given his grumpy nature.
"Well, is everyone ready?" Mavi asked. Nang tumango kaming lahat, inutusan niya ang driver na dalhin kami sa pinakamalapit na mall.
I sighed.
Namimiss ko na si Mira... kailan ko kaya siya makikita?
۞۞۞
"Oh my greeks, this mall is so spacious! Let's go shopping-" Talia suddenly frowned. "Oh, wait, I forgot we had two gods on the run."
Palihim din akong napasimangot.
Nakalimutan ko rin.
"Can't we just spend atleast one day of our lives not worrying about our duties for Apollo's sake?!" Talia ranted like a child. "Ba't ba kasi nawala pa 'yung mga diyos na 'yan, ha?! Tas ipapahanap nila bigla sa'tin?!"
I smirked at her words. Tama naman si Talia eh.
Now that we've restored the order of time, some people turned to look at us because of Talia's outburst. I subtly covered my face out of embarrassment.
"Bakit hindi sila ang maghanap ha?!" Patuloy pa rin ang pagsigaw ni Talia sa kabila ng pagpapakalma nina Tazyn at Haze. "Inaabala pa nila tayong nananahimik lang!"
"Uhm, Talia-" Sinubukang sumingit ni Callie.
"'Wag mo muna akong kausapin, Callie! Nagmomoment ako!"
"Talia, nandito si-"
"Sabing 'wag muna eh-"
"Hinahanap ka kasi ni-"
"Callie, ano ba-"
"Nandito nga kasi sina Aelia at Kai!" Biglang sumigaw si Callie. Nanlaki ang mga mata ni Talia nang sumulyap siya sa isang direksyon.
Sumulyap na rin ako.
"Oh my magic!" I heard Aelia's signature line. "Talia, darling!"
Tumatakbong pumunta sa amin si Aelia habang pasimpleng lumalakad si Kai sa likod niya. Ito ba 'yung emergency na sinasabi ni Aelia dati?
"Nandito rin pala kayo sa Greece?" natatawang tanong ni Mavi sa kanila. Agad niyang binati ang dalawa.
"Well, if that's not obvious, yeah," sarkastikong sambit ni Kai. He was like Haze and Raven but a bit more sarcastic.
"You're on a mission too, dude?" dagdag na tanong ni Kai.
"Well, if that's not obvious, yeah," Mavi mocked, chuckling.
"What mission?" tanong muli ni Kai. "Do we have the same one?"
"Just tasked with some simple stuff."
Simple pala ang tawag nila rito?
"Is it connected to Hermes and Iris? If it is... well, why don't you join us?" magiliw na wika ni Aelia. "That's the reason we're here too."
"Really? The more the merrier then, my love! Nasaan ang iba niyong kasama?" Talia asked with curiosity.
"Well, they're at the park trying to find clues."
Biglang kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong kakaiba. Nang makita ko na normal pa rin ang mga ekspresyon ng mga kasama ko, nagtaka ako kung tunay ba talaga 'yung naramdaman ko.
Dahil sa pangamba, nagpalabas ako ng mga paru-paro galing sa singsing ko. These really come in handy.
One flew, and it landed on my ring finger. "Search the area for me," I commanded before letting it fly away.
Nang humarap ulit ako sa iba, nakatingin na sila sa'kin. "Sayo pala galing 'yung mga paru-paro, Soleia?" manghang tanong ni Callie. "Angas, ah!"
Alam na nila ngayon...
"Yeah," nakangising sagot ko.
Callie was about to touch one butterfly, but I stopped her. "Wait-" pagpigil ko sa kanya. "Don't touch them."
Napanguso siya bago tumingin sa'kin muli, nagtatanong ang mga mata. "They're uhm..." Hinintay nila ang sasabihin ko.
I bit my lower lip to suppress the chuckle I've wanted to let out. "They're poisonous."
A brief silence enveloped us before they looked at each other.
They all shouted. "WHAT?!"
۞۞۞
#FreePalestine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top