14 | The Book

SOLEIA'S POV

Pagkatapos kong makita ang lalaking 'yun, hindi na siya mawala sa isipan ko. Pakiramdam ko ay kilala ko siya... pero sa totoo lang, wala pa akong nakikilalang demigod na may pilak na mata.

"Gods." Whatever. Everything's confusing.

It's the next day. Yesterday, all I did was stay at the clinic to take care of Cole. Thankfully, I wasn't alone. Amari was there too.

Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos kong magbihis. Bumungad sa'kin si Tazyn na may dalawang pigtails. "Holy Hades," I exclaimed.

Napatakip ako sa aking bibig nang masabi ko 'yun. Napatingin sa'kin si Tazyn kaya nakaramdam ako ng hiya. "You look adorable," I said. Biglang namula ang mga pisngi niya.

"Ang ganda mo rin, Soleia."

Napangiti ako nang maliit. Nilampasan ko siya at dumiretso ako sa kusina na katabi lang ng sala kung nasaan si Tazyn. "Where are the others?" tanong ko habang umiinom ng tubig.

"Pinatawag sila ni Headmistress Adhira. Hindi ko rin alam kung bakit eh," nakangusong aniya. "Nga pala, maya-maya pa ang unang klase natin. Isa lang naman. Demigodly."

Demigodly? Ano naman 'yun?

Natawa si Tazyn, 'tila nabasa ang isipan ko. "Demigodly is the subject where we enhance our abilities. Pinakapaborito ko ang subject na 'yun dahil si Headmistress Adhira ang guro natin."

Agad akong napasimangot. Pwede kayang mag-absent dun? "May PE na nga, may Demigodly pa," nakasimangot kong bulong. "Hindi na kayo naawa sa'kin."

Mabubuhay pa kaya ako pagkatapos ng school year na 'to? "'Wag kang mangamba, Soleia!" Humaghikhik si Tazyn. "Magiging malakas ka rin, maniwala ka lang sa'kin."

She truly is a ball of sunshine. I hope she stays this way.

"Do you wanna come with me?"

Nagtatanong ang mga mata ni Tazyn nang tumingin siya sa'kin. Bahagya akong napatawa. "I'm going to the library. Ikaw ba? Wala ka kasing kasama rito eh."

Her eyes lit up and glowed bright pink, a sign of happiness. Agad naman itong bumalik sa dati nitong kulay pagkatapos ng ilang segundo. "Sorry ah, ganun lang talaga ang mga mata ko 'pag masaya ako," pag-amin niya. "Pero sige, sama ako sayo! Wala rin kasi si Talia eh."

Agad kong hinablot ang kanyang kamay at hinatak siya palabas ng dorm namin. "Hihi, pupunta ako sa library kasama si Soleia!" masayang sigaw niya. Para talaga siyang bata.

While we were walking, she would skip happily like a child who was exploring for the first time. "Bakit parang masaya ka, Tazyn?" tanong ko.

Ngumiti ulit siya na halos mawala na ulit ang mata niya. "Masaya lang ako dahil kasama kita, Soleia!" sagot niya. "I would only see you in..." pabulong na dagdag niya kaya hindi ko siya narinig.

Ano'ng sabi niya? Saan niya ako nakikita?

"Pero Soleia, hindi mo ba alam kung anong kapangyarihan ng singsing mo?"

Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Kumikinang ang amethyst na nasa gitna nito.

Napailing ako. "Wala akong alam, pero nung claiming ritual, nakita kong hinigop ng singsing ko ang isang paru-paro," paliwanag ko sa kanya.

Napatango-tango siya. "Maniwala ka sa'kin, malalaman mo din 'yan, Soleia." Saglit siyang napatigil. "Baka nga alam mo na eh..."

My eyebrows furrowed. What? By the gods, simula nang mapunta ako sa paaralan na 'to, pakiramdam ko ay nawala lahat ng talino ko.

"Nandito na pala tayo sa library!" Masaya na ulit si Tazyn at parang walang nangyari. "Sige na, Soleia. Pupunta muna ako roon sa fantasy section hihi. Kukuha ako ng bagong libro para kay Amari."

Kinawayan ko siya. Naghiwalay na kami ng landas at dumiretso ako sa section ng mga Olympians. Nasaan ba 'yun?

Hm... Section A, Section B, Section C...

Section O!

"What in the realms-"

There were about a thousand books in this library. Paano ko naman mahahanap ang librong kailangan ko?Wala bang librarian dito-

"Are you looking for this?" Napaliyad ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Uh, who is this?


He was a man who looked like the same age as me. Nung una, akala ko ay siya ang lalaking nakita ko kahapon, pero kulay tsokolate ang mata niya. Sigurado rin akong hindi itim ang buhok nung pigurang nakita ko.

"I'm the librarian here." Napakamot siya sa kanyang batok. "You're trying to find a book about the Olympians, right?"

Napatango ako. "Well, yeah, but I can't exactly find the perfect book..."

Napangisi siya bago niya itinuro ang isang section ng library. "Everything about the Olympians is over there. Since they reign over this realm, their files are exclusive."

Napatingin ako sa isang sulok. Hindi katulad ng hanay-hanay na sections ng mga libro rito, sa pinakadulo ng kwartong ito, may bubog. Sa loob ng bubog na 'yun, nakapaloob ang ilang libro.

"Do you want me to open it for you? You're part of the Elysian Class, after all."

This was the first time I've met him, but I felt comfortable talking to him. He looked nice although he looked serious. His eyes looked empty as well.

"Thank you..." saad ko. "What's your name again? Are you a student here?"

He chuckled lowly. "I'm only a librarian. You can call me Zae. I'm unclaimed."

Agad na nawala ang ngiti ko at mukhang napansin ito ni Zae. Lalo siyang napatawa. "It doesn't hurt me anymore," tugon niya. "Shall we, Miss Soleia?"

Alam kong bakas ang gulat sa mukha ko nang sabihin niya ang pangalan ko. Today is really a weird day... perhaps he heard my name from the other demigods.


Hindi naman sa pagmamayabang, pero madalas banggitin ng ibang klase ang pangalan naming dalawa ni Cole dahil bago kami rito. 

Agad kaming dumiretso sa bubog at napansin kong nakapadlock pala ito. Out of nowhere, Zae summoned golden keys, and he was able to open the glass in a matter of seconds. "Enjoy reading, I'll be there at the counter." He smiled at me before leaving.

Zae... saan ko ba narinig ang pangalan na 'yun?

Napatingin ako sa mga librong nasa loob ng bubog. Ilang segundo pa lamang ang nakakalipas pero may nakaagaw na sa'king pansin. Sa lahat kasi ng libro, ito ang mukhang luma.

I grabbed it. It was nothing special. It was a plain brown book with golden linings.

"Secrets of the Chosen." Kasabay ng pagbasa ko sa pamagat nito ay ang pag-ihip ng hangin na tila hinehele ako. 


I felt a chill across my spine with each passing second, and my curiosity was starting to consume me. Why is this book in the Olympians section?

I opened it and began to flip through the pages. Aside from the first page, there was nothing written in it.

The pages were all blank, except for the first page where a quote was written.

"To change the future, you must be able to predict it. Open your eyes, and you shall see what has been hidden within history."

Slowly, as I read it over and over again, the wind around me intensified, despite the fact that there were no open windows. What started as a gentle breeze turned into a strong gust.

As time went on, I began to hear a faint voice speaking in my mind. It felt like a record player, playing a repetitive message.


N

abitawan ko ang libro dahil sa paulit-ulit na boses ng isang babae.


"Nightingale..."

"Nightingale..."

Napatakip ako sa aking tenga nang lalong lumakas ang kanyang tinig. Paulit-ulit ang pagtawag niya.

"Soleia... my light." The woman's voice was cold, but she still sounded sweet.

Naramdaman ko ang kakaibang sensasyon sa aking katawan. "Soleia..."

"My nightingale."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top