12 | Companions

SOLEIA'S POV

Paulit-ulit akong umatras habang siya'y naglalakad palapit sa'kin. Patuloy siya sa pagtapon ng mga bolang apoy na hinahati ko lamang sa gitna gamit ang sandata ko.

It's so hard to breathe. 

So this is how powerful Hephaestus' son is...

Kahit gaano kami kalayo sa isa't isa, ramdam ko pa rin ang kapangyarihan niyang unti-unti akong hinahatak papunta sa kanya.

Cole's eyes looked scary. They were unrecognizable. They glowed bright yellow.

"Soleia, down!" May narinig akong sigaw mula sa likod ko. Out of impulse, I followed the voice.

From the shield that landed in front of me, I assume it was Amari who called me. I turned to their direction and saw them running towards me.

"Callie, now!" Sunod kong narinig si Sir Saint. His voice was authoritative and commanding, to the point it gave me goosebumps.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong ginalaw ni Callie ang kamay niya at kasabay nun ang pag-ikot ng mga ugat sa mga braso ni Cole kaya napatigil ang pag-apoy ng paligid ko.

His eyebrows furrowed, trying to resist Callie's strength, but he failed. Unlike us, she has great control.

Gods, I aspire to be like her.

"Let me go, demigod!" With each passing second, I slowly realized that Mira's words were true. The moment you unleash a power you can't control, you lose sight of everything—including yourself.

Nakakatakot isipin.

"Ayos ka lang ba, Soleia?" Sunod kong tiningnan si Tazyn na hinihila ako palayo sa kaguluhang nangyayari. "Nasaktan ka ba?" mahinahon niyang tanong.

Umiling ako. "I'm not hurt, but I'm pretty sure Cole is." Lumingon ako sa kaibigan kong pinagtutulungan ngayon ng limang Elysian kasama si Sir Saint.

"That must hurt. Imagine getting struck by lightning, light, and water all at the same time while being pinned down by vines," dugtong ko.

Kinuha ni Tazyn ang palad ko at nilapat ito sa palad niya. Ilang segundo lamang, nakita kong may lumabas na kakaibang ilaw mula sa kamay niya na nagbigay ng ginhawa sa'kin. "What in the realms?" tanging komento ko. "You have healing powers?"

Masigla siyang tumango at ngumiti. "Mhm! Astig, 'di ba? Namana ko 'to kay Apollo," natatawang sagot niya sa'kin. "Ano, ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tuluyan na akong nahawa sa kaniyang mga ngiti. "Yeah," I replied. "Thank you... daughter of Apollo," I whispered gently.

Napahagikhik siya bago tumayo. "Diyan ka lang, ah? Pasensya na, hindi naman namin inaasahan na mapapalabas agad ni Cole ang kapangyarihan niya. Tutulungan ko lang sila," paalam niya sa'kin bago umalis.

Naiwan akong mag-isa sa upuan. Nakita kong maayos na rin ang sitwasyon ni Cole. Nahimatay yata siya, at naiwan niyang sunog ang field.

"Soleia, love, let's go," Talia called softly. She let out a smile before offering her hand which I gladly took.

"Sir Saint and the two boys took Cole to the clinic. The five of us will go straight to the dining hall," saad ni Amari na kasabay kong maglakad. "Haze will take care of this mess."

Wait, what time is it?

Hinintay kong sabihin ni Amari ang oras sa'kin dahil nababasa niya naman ang isip ko pero hindi niya ito ginawa. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"What?" she asked innocently.

I tilted my head and blinked my eyes a few times. Hindi niya ba talaga nababasa ang isip ko? "I couldn't read your mind anymore after Hades claimed you..." she said. "If that's what you're thinking about."

"Huh? Then how'd you know I was thinking of-"

"Your facial expressions. It's too obvious. I think you need to eat," pangbabara niya sa'kin bago manguna sa paglalakad.

"That rude daughter of Athena..." pagrereklamo ko. "Pero ayos lang. Baka wala sa mood," pagkumbinsi ko sa sarili.

Nagmadali akong maglakad kasama sina Talia at naabutan namin ang Asphodel at Tartarus Class na kumakain. Saglit silang napatigil at napatingin sa'min.

"Ate Callie! Mga ate!" Tumingin kami sa babaeng may malawak na ngiti. Agad siyang yumakap kay Callie, at kapansin-pansin din ang ngiti ng mga kasama ko.

"Lianna, nandito na rin pala kayo," mahinahong sagot ni Callie. Isa-isa kaming tiningnan ni Lianna, at huling dumako sa'kin ang patingin niya.

Why is she looking at me like that? Do I look hideous today?

"Hala, ang ganda mo po! Bagong member po siya, Ate Talia?" tanong niya. Agad akong nakahinga nang maluwag. Akala ko ay nagmukha akong bruha pagkatapos ng labanan na 'yun.

Tumango si Talia. "Love, she's Ate Soleia. She's our new member at kasama niya rin si Kuya Cole pero nasa clinic siya ngayon," paliwanag nito. "Do you wanna sit with us for lunch today?"

Lianna nodded cutely like a kid. I guess she's a bit younger than us. "Sige po! Pwede ko bang tawagin sina Kuya Kai at Ate Aelia?" tanong niya muli.

Pamilyar ang mga pangalan nila... saan ko nga ba ulit narinig 'yun?

Oh, they were the demigods I saw at the claiming ritual!

"Oh my greeks, nandito si Kai?" Talia shrieked in glee. Napasimangot nalang ako nang pinagtinginan na naman kami ng mga tao.

"Pogi 'yun," bulong ni Callie. Magkasundo talaga ang dalawang 'to pagdating sa mga kalokohan. "Sige, Lianna, invite mo sila," dagdag nito habang may nakapaskil na ngiti sa labi niya.

Natatawang tumango si Lianna. She's cute, just like Tazyn. "Sige po!" Agad siyang umalis kaya napagdesisyunan naming maghanap ng lamesa na kasya para sa'ming lahat.

"Kakain ba sina Raven?" biglang tanong ni Callie. Nakita kong umiling si Amari.

"I talked to Raven through telepathy, and he told me they were busy fixing the training field," paliwanag ng anak ni Athena. Napatango-tango nalang kami bago umupo nang makahanap ng upuan.

Sakto naman, dumating na si Lianna kasama sina Kai at Aelia.

"Holy Hecate! Oh my gosh, Talia!" magiliw na sigaw ni Aelia. "Oh my magic, you're still so gorgeous!" Magkakilala pala sila.

"Aelia, darling! Sit down na kayo ni Kai!" pag-aya ni Talia na agad nilang sinunod.

Kasabay ng pag-upo nila ay ang pagdating ng maraming pagkain. Saan galing 'tong mga 'to?

"Your face is too obvious, Soleia." Saglit akong napatigil. "We're from the Elysian Class, so the nymphs already know what we usually order." May biglang nagsalita sa isip ko. What in the realms?! Minumulto na ba ako?

"You're a headache," sambit ng boses. "I'm Amari. I'm using telepathy. It's an ability the Elysian Class possesses."

Telepathy... nabasa ko na 'to sa isang libro na nakita ko sa bahay namin ni Mira.

It's an ability wherein demigods can communicate through their minds.

"Try to talk to me through your mind. Just feel your energy," paliwanag ni Amari. Agad ko siyang sinunod.

Unti-unti kong naramdaman ang enerhiya ko kahit na mahina lamang ito.

Feel your energy...

Paano ba kasi?!

"Calm down."

Inayos ko ang paghinga ko at pinakiramdaman ko ulit ang aking enerhiya...

Feel your energy.

"L-like this?"

I... did it?

Nakita ko ang bahagyang pag-ngisi ni Amari sa tabi ko. Mukhang natutuwa siya. "You're a fast learner," she commented. "I'll be watching you, Soleia."

Well, that's reassuring. Very reassuring.

Napabalik ako sa katinuan nang magsalita si Talia. "Before we eat, introduce yourself muna," Talia giggled. "We have a new member after all!"

Nginitian ako nina Aelia at Lianna habang tumango lamang si Kai. Ngumiti naman ako pabalik.

"Hello po, ate Soleia!" Naunang magpakilala si Lianna. "I'm Lianna of the Tartarus Class. I'm a descendant of Ares!"

Lalo akong napapangiti tuwing ngumingiti siya. "I'm Soleia of the Elysian Class, daughter of Hades." pakilala ko. Nakita ko ang pagkamangha sa mata nila.

"Aelia of the Asphodel Class, daughter of Hecate. Nice to meet you! Hindi mahilig magsalita ang kasama ko kaya ako nalang din ang magpapakilala sa kanya." Natawa siya saglit. "He's-"

"Kai of the Asphodel Class, son of Eris." Hindi natuloy ni Aelia ang sasabihin niya.

Natigilan sila nang magsalita si Kai. Seryoso ang boses niya.

Nalilito man ay nginitian ko rin siya. "It's nice to meet all of you," sambit ko.

Sila ang mga bagong makakasama ko rito...

Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top