10 | Greek History

SOLEIA'S POV

"Grabe, Greek History agad ang first subject? Luh, 'di pa man nagsisimula, pagod na ako!" Rinig na rinig ang sigaw ni Callie sa buong academy. Ang lakas talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

"Ugh, ayoko na, suko na ako!" Pang-ilang reklamo na ni Callie 'to. Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Sa bagay, mahirap din kasi ang Greek History pag baguhan ka pa lang. Fortunately, Mira made me read a whole stack of books, solely dedicated to this certain topic. Kaso nga lang, halos magtagal ako ng isang oras sa limang pahina pa lang.

"How was Elysium Academy so far, Cole and Soleia? Hindi ba kayo naiingayan kina Talia at Callie?" pang-aasar ni Mavi.

Agad na natawa si Cole dahil dito. "Maganda rito, mabait pa ang mga demigod. They treat us warmly." Marami pa silang tinanong at halos si Cole lang ang sumasagot dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Parang nahihilo kasi ako.

Naramdaman kong may humila sa laylayan ng vest ko. "Soleia..." bulong ni Tazyn. "Ayos ka lang ba?"

Tazyn keeps asking me how I am ever since she healed both mine and Haze's wounds. Even the Elysians were confused about why we had drawn our swords on one another to begin with.

Sa bagay, hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa 'yun.

Mukha nag-aalala talaga si Tazyn para sa'kin dahil nakanguso siya ngayon. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "You don't have to worry about me, Tazyn. I'm fine."

"Pero hindi ka mukhang okay eh..."

I let out a small chuckle before patting her head. "'Wag ka nang mag-alala. Sasabihin ko sayo 'pag masama ang pakiramdam ko," I assured her. Nginitian niya nalang ako bilang pagsang-ayon.

Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. Minsan, palihim akong natatawa dahil pakiramdam ko ay may kapatid ako.

Nakakalungkot din kasi minsan sa bahay namin ni Mira. Malaki ang tirahan namin pero kaming dalawa kasama ang mga katulong lang ang nakatira rito. Madalas pa namang umalis si Mira... kaya naiiwan akong mag-isa. Masaya sa pakiramdam na may mga kasama na ako rito.

"You're late, Elysians." Bumungad sa'min ang isang pamilyar na mukha ni pagpasok. Wait- Miss Elliana?

Siya ang magtuturo sa'min ng Greek History?

"By a minute," sarkastikong sagot ni Amari. "We apologize, Miss Elliana."

Napahinga nang malalim si Miss Elliana. "I will let this slide as I know that your new members just arrived today but the next time this happens, you'll have to run 10 laps around the field, do you understand?"

I shivered at the thought of running 10 laps around the field. Isang lap pa nga lang ay halos hindi ko na kayanin, sampu pa kaya?

Sa huli, sumang-ayon nalang din kami at umupo na sa kanya-kanyang upuan. Katabi ko si Callie sa kaliwa habang si Tazyn ang nasa kanan ko.

Fortunately, after holding Tazyn's hand, I felt better. Hindi na sumasakit ang ulo ko.

"Kilala niyo na naman ako kaya magsisimula na tayo. What do you know about Gaea?"

Agad na nagtaas ng kamay sina Amari at Raven. Parang nagpapagalingan silang dalawa. "Aside from these two, of course. Sino pa ang may alam sa ina ng mga diyos?"

Walang nakataas ng kamay maliban sa dalawa. Kinakabahan ako. Alam ko naman ang sagot pero ayaw kong itaas ang kamay ko dahil baka mali pala ito. "Let's ask our new members. Cole? What can you say?"

Narinig ko ang pag-"yes" nina Callie sa gilid ko. Pati ako ay nakahinga nang malalim, pero mukhang hindi ako makakatakas sa susunod na mga tanong.

Tumayo si Cole para sumagot. "Ano po kasi eh..." Napakamot siya sa kaniyang batok at pekeng tumawa. "Mukhang tulog yata ako nung naglecture 'yung prof namin tungkol diyan, sorry po."

"At least honest," bulong ni Talia sa likod ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil ayaw kong tawanan ang kaibigan ko.

I heard Miss Elliana's sigh. Hindi siya mukhang galit, mukha ngang sanay na siya sa mga estudyanteng katulad ni Cole. "You remind me of a certain someone..." saad nito. "Isn't that right, Talia? Why don't you stand up and tell me who Gaea is?"

Sina Mavi naman ang tumawa pero agad silang pinatahimik nina Raven at Amari. "Akala mo siguro, ma'am, hindi ako nag-aaral. Well, you're partially right, but I do know that Gaea is the personification of the earth. She's also the mother of the titans."

Napatango-tango si Miss Elliana bago ngumisi. "Keep it up," tanging nasabi niya.

She continued with the lecture, starting with the creation of the titans who were born from Gaea and Uranus, the earth and the sky, and how the current Olympians defeated them and sat on the thrones of Olympus.

Miss Elliana also introduced Zeus, Poseidon, and my father, Hades, to us and what their domains were.

Nagpatuloy ito hanggang sa dumating ang isa sa mga kinakatakutan ko. "Get a sheet of paper. May surprise quiz tayo."

Agad kong narinig ang samu't saring reklamo at nangunguna na ang mga boses ni Callie, Cole, at Talia rito. "Miss Elliana naman! Unang araw, pop quiz agad?!"

Sinamaan sila ng tingin ng guro namin. "Quiz o bagsak? Pili ka."

Sa huli, wala kaming nagawa kun'di sumunod sa kanya. I can't wait for this to be over. I don't care if I fail, I just want to leave this classroom.

"Pst, Soleia, pakopya." Callie nudged me. I raised a brow and gazed at her with a blank expression before focusing my eyes on my paper. "Soleia, dali na!"

Hindi ko pa rin siya pinaringgan hanggang sa pinagpalit namin ang mga papel namin para macheck na. Kamalas-malasan pang napunta kay Amari ang papel ko. Bakit naman sa matalino pa? Nakakahiya kung puro mali 'yun!

I checked Cole's paper. I tried my best to maintain a calm expression because his paper was full of X marks. He didn't even get a single question right!

"Return the papers to their owners."

Halos malagutan ako ng hininga nang lumapit sa'kin si Amari. I felt her pat my shoulder before releasing a smirk. Why do I have a bad feeling about this?

Nakahinga ako nang malalim dahil isa lang ang mali ko. Napasimangot ako nang mapagtanto kong mali ang nailagay kong spelling sa isang sagot ko. Well, at least I passed.

Kinuha na ni Miss Elliana ang mga gamit niya. "That's all for today's class. Please research more about the Olympians. That will be our next topic. Class dismissed."

We all cheered as our first class ended. Sabay-sabay kaming lumabas at halos matawa kami dahil sa nakabusangot na mukha nina Callie. Mukhang bumagsak sila.

"What's our next class?" tanong ni Mavi na nasa unahan. Sina Raven at Haze naman ay kasama namin ni Amari sa hulihan. Tahimik lang kaming apat habang dumadaldal ang iba.

Naagaw ng atensyon ko ang isinigaw ni Callie. "ANO?! P.E. ANG SUNOD?!"

P.E. daw. Napatigil ako sa paglalakad.

Gods, I'm doomed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top