08 | New Start

SOLEIA'S POV

"Tada! What do you think?"

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at palihim akong namangha sa aking nakita. Nasa dorm na kami at ang unang bumungad sa'kin ang sala. May TV na nakakabit sa kulay abong pader. Sa harapan ng telebisyon ay isang mahabang couch. Sa dalawang gilid nito ay dalawa pang maliit na pabilog na upuan.

I noticed how their dorm did not have much color. Their color scheme was mostly grey, black, and white. "The dorm looks great... but isn't it a bit too dull?" Cole asked jokingly. "Feeling ko nga nasa underworld na ako eh."

Natawa sina Talia at Callie. "Ayaw kasi nina Raven ng masyadong makulay. Actually, I wanted rainbow colors, but the sudden lightning strike that hit our dorm changed my mind," nakasimangot na paliwanag ni Talia.

"I actually like it this way. Maganda siya," komento ko habang tumitingin sa paligid. "It's dark and gloomy... just perfect."

Narinig ko agad ang mga bayolenteng reaksyon nila kaya napasimangot ako. "What?" tanong ko nang mapansin ang mga tingin nila sa'kin.

"Seriously? Love, you're beautiful, but I can't say the same for your taste. Rainbows are the best!" magiliw na sigaw ni Talia.

Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga. "By the way, where's our rooms?" pagbabago ko ng topic. Mukhang napansin na rin nina Callie na medyo pagod na kami kaya tinuro niya ang mga kwarto na nasa dulo.

"Your room is beside Tazyn and Talia's. Rest well, Soleia!" Nginitian ako nina Callie at Talia. "Cole, yours is beside Mavi's. Nasa dulo rin ang iyo. Pupuntahan lang namin sina Amari, ayos lang ba kayo rito?"

Agad kaming tumango ni Cole. Nagpaalam muna sila bago kami iwan dito. I sighed once more. Naninibago kasi ako.

Kahit ganon, mas maayos na 'to. Mas maliit ang dorm kumpara sa malaking bahay namin ni Mira, at ibig sabihin nito ay mas makakasama ko sina Callie.

"Papasok na ako sa kwarto ko, ayos lang ba sa'yo, Sol?" tanong sa'kin ni Cole nang mapansin na medyo nalulungkot na ako.

Dahil dito, nginitian ko siya. "I'm fine, papasok nalang din ako sa kwarto ko. Kailangan ko na rin kasing magpahinga dahil pasukan na bukas."

He inspected me from head to toe before squinting his eyes. "Sigurado ka?" he asked once again, making me chuckle.

"Don't worry about me, Cole," I reassured him. I tapped his shoulder before leaving to enter my room.

Bumungad sa'kin ang isang kwartong katamtaman lang ang laki. Sa gitna ng kwarto ay 'yung queen-sized bed na may katabing dalawang stand table. It's what a typical expensive bedroom would look like.

Umupo ako at napabuntong-hininga. Ngayong mag-isa ako, hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang magiging kalagayan ko rito? Tama kaya na pumunta ako rito?

Pero sa tuwing naiisip ko na masasagot na ang mga tanong ko, may nagsasabing dapat ay dito nalang ako. After all, this... is where I belong.

Bukas ang bintana sa kwarto ko kaya nararamdaman ko ang magaan na hampas ng hangin sa balat ko. Sa tuwing tumatama ito sa'kin, napapapikit ako. It feels comforting.

Lumipas ang ilang minuto na nakapikit lang ako bago ko mapagisipang mag-ayos nalang ng mga gamit ko at maghanda na ng susuotin ko bukas. Pagkatapos, humiga ako sa kama. Tumingin ako sa bintana na nasa gilid ko at nakita ko ang mga bituin na kumikislap.

They shined brighter as time passed by, and before I knew it, the night sky was the last thing I saw before darkness consumed me.

۞۞۞

"Child, release what you have hidden all these years. You are safe here."

"I cannot stay for long... but do not fret for I am always here. Remember, Soleia..."

"Remember me... what you have forgotten."

"Soleia!"

Kailan ba ako titigilan ng mga bangungot? Sa bawat pagtulog ko, isang masamang panaginip ang naghihintay para sa'kin.

Today, I was stuck in a dark dream, and I didn't know where to go... not until a woman's voice guided me.

Pamilyar siya... lalo na ang boses niya. 

"Soleia, bangon na! Malalate na tayo!"

Agad akong napaupo sa higaan ko nang marinig ang nagmamadaling tinig ni Callie. Nang tignan ko naman ang orasan ay nagtaka ako dahil alas-sais palang ng umaga samantalang alas-otso ang klase namin.

I cast a bored look at Demeter's daughter when I opened my door. "Hehe, sorry, hirap mo naman kasing gisingin eh," nakangiting aniya.

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ko dahil ayoko talagang ginigising sa umaga. "Sorry na nga, Soleia! Lumalabas na masyado 'yang dugo ni Hades sayo, magchill-chill ka naman! Alam mo, libre nalang kita, gusto mo?"

Napangisi ako sa sinabi niya. "Wala nang bawian." At kahit pumunta na ako sa banyo para mag-ayos ay naririnig ko pa rin ang mga reklamo ni Callie mula sa labas ng pinto.

"Aba, mukhang nascam ako doon ah!"

"Callie, tone down your voice."

"Amari, binudol ako!"

"Is it really Amari's fault that your brain isn't flourishing the same way your flowers do, my love?"

I secretly chuckled.

Bahagyang humina ang tawa ko nang maalala ko ang napanaginipan ko... ano ang pinapahiwatig nun?

Mula nang dumating ako sa paaralang 'to, mas lalong dumami ang mga tanong ko. Kaysa masagot ang mga ito ay lalo silang nadagdag. Nakakasakit talaga ng ulo.

When will all my questions end? When will I finally get to know who I really am?

Napabuntong-hininga ako bago lumabas. Nakasuot na ako ng uniporme. Kumpleto na rin ang aking mga kasama at unang bumungad sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Callie.

"Ang bilis mo maligo, 'di pa ako prepared mawalan ng pera," sambit nito na akala mo ay hindi siya binigyan ng deity niya ng limpak-limpak na pera. Agad na natawa sina Talia at Cole dito.

May narinig akong kalabog at nakita kong si Amari pala 'yun. Sinarado niya lang ang libro niya. "Is everyone ready?" she asked seriously.

"6:25 pa lang naman, tara punta muna tayo sa shopping center."

There's a shopping center here?!

"That sounds fun. What do you say, Soleia?" segunda naman ni Cole. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa bago kong pangalan.

Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. "It's fine with me... but I don't have any money," nahihiyang bulong ko.

Nginitian ako nina Talia at Tazyn. Kinuha nila ang mga braso ko at sabay nilang niyakap ito. "Ayos lang 'yun, ililibre ka naman ni Callie eh. Besides, sigurado akong may bigay si Hades sayo..." Tazyn's smile really brightened my mood. She's really cute.

At dahil doon, siyempre, wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanilang lahat hanggang sa makarating kami sa mall.

Habang papunta doon, nakita ko ang ibang mga estudyante. Ang iba ay galing sa Asphodel Class habang 'yung iba ay galing sa Tartarus Class. Nakakatuwa nga kasi kahit magkaiba 'yung klase nila, nagsasaya pa rin sila.

Nakakatuwa silang tingnan.

Hindi ko maiwasang mapaisip... na sana ganon din ako pagdating sa Elysian Class. Sana masaya rin sila 'pag kasama nila ako, at ganon din ako sa kanila.

Wala naman akong nakikitang problema dahil masaya silang kasama.

It makes me wonder what the future has in store for us...

A blessing or a tragedy?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top