07 | Official Members

SOLEIA'S POV

"Ang ganda mo talaga..." Narinig ko ang malambot na boses ni Tazyn. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.

"You're very pretty too, don't you know that?" malumanay na tanong ko sa kanya. Totoo naman kasi.

Nahihiya siyang napaiwas ng tingin sa'kin bago siya nanahimik. Narinig ko naman ang hagikhik ni Talia sa tabi ko. 

Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo silang lahat maliban sa'min ni Cole.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng katabi ko.

Kinindatan siya ni Talia."I'm gonna get my allowance, love. Oh my greeks, I'm so excited!" hirit nito na ikinasimangot ni Callie.

"Bilisan niyo na, kanina pa tayong tinitingnan ng iba," reklamo nito. Dahil dito ay wala silang nagawa kundi dumiretso na sa harapan.

These four demigods walked with an unmatched presence. Unlike anyone in this room, their powerful auras combined can make anyone shiver until they kneel. They're basically the unofficial leaders of this academy. 

Hindi katulad namin ay didiretso nalang sila sa statue ng deity nila imbes na pumunta pa sa harapan ng odigo. Katulad nalang ni Amari na pumunta sa harapan ng statue ng isang babae bago siya pumikit. The statue in front of her was a goddess who held a spear in one hand while a shield was in the other. Sa baba ay nakadisplay ang pangalan nung diyosa.

'Athena (Αθήνα)'

Si Callie naman ay nakatayo sa harapan ng isang magandang babae. Her beauty was pure and gentle, the opposite of Callie's who looked fierce. Ang diyosa ay nakachiton at may hawak na... gulay?

Katulad nung kay Athena, nakalagay din ang pangalan niya sa baba.

'Demeter (Δήμητρα)'

Pang-huli naman ay sina Talia at Tazyn na humarap sa statue ng isang diyos na may angking kagwapuhan. Totoo nga siguro ang sinasabi nilang gwapo 'tong diyos na 'to. Isa siyang lalaki na may dalang lyre. Kulot ang buhok niya at may wreath na nakapatong sa ulo niya.

'Apollo (Απόλλων)'

Iminulat na nila ang mga mata nila mula sa pagkakapikit at nagulat ako nang sabay-sabay na umilaw ang kanilang mga mata. May lumitaw din sa mga kamay nila at mukhang ito 'yung kanilang mga grace.

"Oh my greeks, totoo kaya na 30 million ang nilagay ni Apollo sa bank account ko?!" sigaw ni Talia. Namangha ako sa kanya dahil may dala-dala siyang bow and arrow na mukhang magsisilbing weapon niya.

"Eh? 30 million din ibinigay sa'kin ni Apollo eh! We're rich!" hiyaw naman ni Tazyn. Unlike Talia who held a bow and arrow, she received a flute, which was quite interesting.

Napasimangot si Callie nang marinig ang sinabi ng kambal. "Tama na kayong lahat. 20 million nga binigay sa'kin ni Demeter. Well, hindi naman ako nagrereklamo." Lalo siyang gumanda. Mas naging kapansin-pansin na ang kulot na tsokolateng buhok niya. May nakapatong pang flower crown sa ulo niya na lalong nagpaganda sa kanya.

"You're all noisy." Amari started opening her book as soon as she sat back down. Nagtataka akong tumingin sa kanya nang hindi ko makita ang grace niya.

Mukhang napansin niya ito kaya tumaas ang isang kilay niya. "What are you looking for, Soleia?"

I slightly averted my gaze. "Wala naman."

"If you're looking for my grace then it's a shield like my mother's." Pinindot niya ang pendant ng kwintas na suot niya. Saglit itong umilaw bago ito naging isang shield na may babae sa gitna. May mga ahas sa ulo niya at nakilala ko siya dahil dito. Si Medusa, ang cursed gorgon.

Napatango nalang ako sa sagot niya bago ako nanahimik. Ilang demigod pa ang naclaim bago matapos 'yung claiming ritual.

Sa tuwing mayroong demigod na nagkakaroon ng tsansang makilala ang magulang nila ay hindi ko naiiwasang palihim na ngumiti. Masaya akong masaya sila.

"Aelia of the Asphodel Class, daughter of Hecate!" sigaw ni Irisha. Mukhang si Aelia na ang huling demigod na pumunta sa harapan ng odigo. Ibig sabihin nito ay tapos na ang claiming ritual. "That was the last of it. Did everyone enjoy?" tanong nito na nagpahiyaw sa mga kasama namin.

"Woohoo!" sigaw nina Callie. "Grabe, ang saya!"

"Mabuhay si Apollo! Thanks for the allowance, papshie!" hiyaw pa ni Talia na sinundan pa ng halakhak ni Callie.

Maingay talaga silang dalawa.

"I think that's enough shouting, you two," pagsingit ni Amari. Her deathly glare instantly shut them up. I don't think I'll get peace and quiet this school year.

Narinig ko ang tawa ni Irisha sa mikropono. Maganda itong pakinggan at tila hinehele ako ng isang anghel. Bakit ba kasi ang ganda nilang lahat?

"As Headmistress Adhira would always say, shine within the darkness, my fellow demigods. We welcome you with open arms to a new adventure, a new school year..." Binigyan kami ni Irisha ng malaking ngiti. "Where you will be able to improve and showcase your abilities while making new friends."

"Welcome to Elysium Academy, a school and a safe haven for demigods." Natapos ang kaniyang speech sa malakas na palakpakan. Pagkatapos nito ay bumaba na siya mula sa stage na kinatatayuan niya at bumalik na siya sa kaniyang klase, ang Asphodel Class.

Napatingin ako kay Amari nang marinig ko ang matunog na pagsarado ng librong hawak niya. Tumayo na siya mula sa upuan at nagsimulang maglakad. "Let's go," utos niya na agad naming sinunod.

Habang naglalakad ay nakita ko ang bahagyang pagyuko ng ibang klase sa'min bilang paggalang. Is this because we're Olympian descendants?

This is the first time I've experienced this...

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ni Cole na inosenteng nag-hihintay ng sagot nila. Ako naman ay nakikiusyo lang sa tabi-tabi habang pinagmamasdan ang hallway ng academy.

Kumunot ang noo ni Talia. "Ah, hindi ko ba nabanggit kanina?" Nakita ko ang simpleng pag-irap ni Callie na nasa tabi niya.

"Malamang hindi. Pera kasi laman ng utak mo," pangbabara nito. Hindi ko tuloy alam kung magkaibigan ba talaga sila o magkaaway. "Anyways, pupunta tayong faculty. Malapit lang 'yun. Kailangan niyo kasing iregister yung information niyo, at kasama na doon yung divine name."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tazyn mula sa gilid. "Yep! Tsaka makikilala niyo na rin si Miss Elliana hihi." I knew Apollo's children were balls of sunshine, but the twins exceeded my expectations.

They not only gave bright smiles, they also gave light to everyone around them.

Naglakad pa kami ng ilang segundo bago kami nakarating sa faculty na sinasabi nila. Si Amari ang unang pumasok at ako ang huli kaya nagulat ako nang makita ang isang babae na may maikling buhok sa loob.

She looked as old as Headmistress Adhira. I remember her. She was one of the six demigods I saw in the Headmistress' picture awhile ago.   Katulad ng headmistress, may portrait din ang babaeng nasa harapan ko. Mukhang office niya 'to.

Binasa ko ang nakasulat sa baba. 'Lady Elliana, daughter of Hermes, second generation protector of Elysium Academy.'

Siya pala ang sinasabi nilang si Miss Elliana, ang anak ni Hermes na isang ring Olympian. He's the god of speed, consciousness, trade and a lot of other stuff. Hermes was known to be cunning and mischievous.

Parang nabanggit na rin nila ang pangalan ni Miss Elliana. Siya yata ang gumawa nung mechanism na ginamit nila kahapon.

Tazyn smiled with joy. "Miss Elliana! I missed you po!" Agad siyang dumamba ng yakap dito.

"Tazyn, it's good to see you, sunshine."

Humarap sa'min si Miss Elliana at dumako ang paningin niya sa'ming mga baguhan. "New members," she muttered. "I'm Elliana, but you may call me Miss Elliana. I'm Hermes' daughter. I can't believe you're finally here."

"Kilala niyo po kami?" tanong ni Cole. Umiling ang kausap namin pero nakita ko ang bahagyang pag-ngiti niya.

"Why don't you sit down? This registration will only take less than thirty seconds." Dahil sa sinabi niya ay agad kaming napaupo. Ginaya niya kami at pagkatapos, may kinuha siyang papel at pluma.

"Let's start with you, Cole," aniya. "Name? Oh wait, I already said it," natatawang dagdag nito. Anong trip niya?

"State your real name, divine name, age, and deity."

Agad namang sumagot si Cole nang mabilisan. "Alastair Davis po... uhm- Cole, 18, at si Hephaestus." Sa isang segundo ay naisulat ito ni Miss Elliana.

"Hephaestus is the god of?" tanong ulit nito. Mahinang napatawa si Cole. Hindi siya tawa na puno ng saya, tawa siya ng kaba.

I didn't know they had oral recitations here.

"Next question po, hindi yata ako nakinig sa teacher ko nung inaral namin 'yan," nahihiyang tugon nito habang kumakamot sa kaniyang leeg. Agad namang napatawa sina Talia.

"Wala, bawas na siguro allowance mo," pagbibiro nila.

Miss Elliana chuckled. "You're quite funny, child. I'm just joking. Anyways, you're done. Who's next?"

Ako ang sunod na umupo sa harapan niya. "State your name, divine name, age, and deity," pag-uulit niya. Ngumiti siya sa'kin bago ako sumagot.

"Solstice Adair, Soleia, 17, and Hades." Parang may humaplos sa puso ko nang sabihin ko ang pangalan ng deity ko.

Katulad nang kanina, sinulat ulit ito ni Miss Elliana pero sa isang pang papel. May kinuha siya mula sa loob ng drawer niya bago niya istinamp 'yung pinagsulatan niya. "Amari, take these to the clinic. Afterwards, show them to your dorm."

Tumango si Amari bago niya kinuha ang papel. "Talia, Callie, accompany them to the dorm. Tazyn, come with me," utos nito. Ngumiti sa'min si Tazyn bago magpaalam at sabay na silang umalis.

Tumingin ako sa mga natirang kasama ko na ngumisi-ngisi. "Welcome to the Elysian Class, darlings! Pareho na kayong official members!" sigaw ni Talia. I secretly smiled.

This is where our story starts...

Elysium Academy... where my destiny awaits me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top