06 | Moment of Truth
Masayang-masaya si Ali... I mean si Cole. He's the son of Hephaestus, the Olympian god of fire and woodcrafting.
"Alam mo, Sol, binigyan niya ako ng weapon! Tignan mo, oh!" Pinakita niya ang isang hammer sa'kin. 'Yung parang kay Thor pero mas maliit ito.
"Congrats, Cole!" pagbati ni Callie. "Holy Demeter, this is unreal." Natutuwa rin ako para kay Cole pero hindi ko maiwasang kabahan.
Ako kaya? Katulad ni Cole... makikilala ko rin ba sila? Ang magulang ko?
Masaya naman talaga ako dahil alam na alam ko kung paano naghirap si Cole. Katulad ng ibang bata, nagtaka rin siya kung bakit wala siyang ama. Nainggit siya sa iba na kumpleto ang pamilya at napaisip siya kung mahal ba talaga siya ng ama niya.
Our only wish was to find our true parents, but because we were demigods... we weren't able to.
Iwinaksi ko nalang ang mga isipin na 'yun. Ayaw ko rin namang mainggit kay Cole hangga't hindi pa ako pumupunta sa harapan. Baka palarin din naman ako katulad niya.
Pero kung hindi man... at least nakilala ni Cole ang ama niya. Sapat na siguro 'yun.
"Sol, ikaw na," bulong niya sa'kin. Napatingin muna ako sa kanya nang ilang segundo bago magpatuloy sa harapan.
I can do this.
Kaya ko naman to, diba?!
"Miss Sol, welcome to Elysium Academy." Katulad nang kanina, ganon din ang naging pagbati sa'kin ni Irisha. Nakakagaan ang mga ngiti niya kaya medyo nabawasan ang kaba ko.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti pabalik. "Are you ready? If so, please stand in front of the odigo." Sinunod ko ang utos niya.
Like Cole, I closed my eyes and tried to feel the presence of my deity parent. Seconds felt like minutes... but nothing.
Isang hiling lang ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Please.
Please acknowledge me.
Ilang segundo pa ang lumipas, pero hindi... hindi siya dumating.
Isang ngiting may simpatya ang ibinigay sa'kin ni Irisha nang buksan ko ang aking mata. "Sorry..." she mouthed. Surprisingly, I didn't feel anything.
I was not disappointed nor ashamed.
I stayed in front for a second, hoping for a miracle. Sighing when nothing happened, I finally decided to walk away... but I paused when the odigo in front of me shined brightly.
My eyes slightly widened. Agad akong napatingin kina Callie na namamangha rin.
Slowly... the odigo took shape of a familiar god. A familiar statue.
He's here.
My father is here.
"Soleia, my daughter."
Nagbago ang kapaligiran ko. Kung kanina ay nasa banquet hall ako, puro kadiliman naman ang nakapalibot sa'kin ngayon. I was trapped in a room of endless darkness, and I didn't know a way out.
Napatingin-tingin ako sa paligid bago magsimulang maglakad. Anong lugar 'to?
Unti-unti akong nakaramdam ng lamig mula sa likuran kaya napatigil ako. Nang mapansin ko na may naglalakad papalapit sa'kin ay tumalikod ako at hinarap ang misteryosong diyos.
He's breathtaking.
Nakatayo ako sa harapan ng isang lalaking may balbas na nakahawak sa kaniyang dalawang-tulis na sibat.
A bident. 'Yun ang tawag sa hawak niya.
At sa likod ng diyos, nakasilip ang isang aso na may tatlong ulo. Medyo nakakatakot.
I raised my head and mustered up the courage to look into the god's eyes. As his and mine met, he gazed at me with a strange look. Opposite to his stoic face, his eyes held different emotions.
Hindi katulad ng kanyang malamig na ugali at mukha, malambot at mapagmahal ang kaniyang pagtingin sa'kin.
Ang ganda. Ang ganda ng mata niya. His statue did not even give his beauty justice.
"You are my deity parent." That was not a question but a statement.
At nang tumango siya, parang tumalon sa tuwa ang puso ko.
"We finally meet... Soleia."
Soleia. It was my divine name.
Pero parang narinig ko na siya dati...
Soleia...
I secretly smiled. I like it.
"Do you know me?" tanong niya. Kinabahan ako sa paraan ng pagtanong niya sa'kin. He stood mighty and tall, like a ruler you could not defy.
Well, he was a king after all.
Specifically, a king of the underworld.
Bahagya akong ngumiti sa kanya. "You are Hades, the king of the underworld. The god of the dead and wealth," sambit ko.
Napangiti din siya sa sagot ko. "It's nice that you know me... I thought you would've despised me," pag-amin niya sa'kin. Nagkagulo naman ang mga damdamin ko.
Galit ba ako sa kanya? Galit ba ako dahil hindi man lang siya nagpakita sa'kin? Galit ba ako dahil iniwan niya ako?
To be honest, I don't know.
Pero nang haplusin niya ang ulo ko ay tila nagkaroon lahat ng tanong ko ng sagot. "I have never abandoned you, child. Never. I only tried to save you, but in the end..." Halata ang lungkot sa tinig niya.
He flashed a sad smile. "You know, I thought that we've failed, but seeing you like this... I'm sure that your mother would be proud of you too. She would've been glad to know that you've grown into a beautiful lady like her."
Sa totoo lang, nagalit ako sa kanila nung una. Mula pagkabata ko ay inaasam kong magkaroon ng pamilya. Katulad ng iba. Sa bawat araw na lumipas, nagtaka ako kung bakit hindi sila nagpakita sa'kin. Kung hindi ba ako sapat para manatili sila sa tabi ko.
"We only did what we needed to do, but we did not think about how you would feel. I hope you forgive me."
Pero ngayon... nawala lahat ng pangamba ko.
"You only did what you thought was right... and I understand," sagot ko. "I may not be able to process everything right now but I assure you..." Napatigil muna ako nang makita ang galak sa mata niya. "That I am thankful."
He caressed my hair in a manner that I would not get hurt. "Your guardian raised you well. I'm glad she raised you without any hatred," he said with relief. "I cannot stay that long so may I... may I embrace you?"
There were no other questions. He held me in his arms, and what I felt was not the warmth of a god but of a father who longs for his daughter.
Nanatili kaming nakayakap sa isa't isa at parang ayaw ko na siyang bitawan dahil baka hindi ko na siya makita muli.
"It was nice talking to you, Soleia... but before I go, I will give you something-" He patted my head. "So that wherever you may be, I will always be a part of you."
Humiwalay siya sa'kin at napalunok na lamang ako nang makita ko ang katawan niya na unti-unting nawawala na at nagiging abo.
Bago pa siya mawala ay nagtanong ako sa kanya. "Hades... will I ever see you again?"
He lifted a corner of his lips before nodding. "I have never been apart from you... my nightingale." Kumindat siya sa'kin bago siya nawala.
Doon ko na napansin na bumalik na ako sa banquet hall. Narinig ko ang malakas na palakpakan kaya napatingin ako kina Talia na masayang pumapalakpak din para sa'kin.
"Soleia of the Elysian Class, daughter of Hades, king of the underworld!" And as they clapped for me, I noticed something different.
Tinitigan ko nang maayos ang buhok ko at napansin kong nagbago ang kulay nito. From black, it became midnight blue.
Habang naglalakad pabalik sa lamesa namin ay may isang paru-paro na lumipad patungo sa ilong ko. Napatigil muna ako kasi baka mabigla 'yung paru-paro.
Wait, isn't this the butterfly I saw awhile ago? Doon sa garden namin ni Mira?
I gently raised my hand to touch it. From my nose, the butterfly flew onto my finger with a strange silver ring. It was decorated with diamonds but in the center... a purple amethyst with two crescent moons on its sides shined brightly.
Wait, why did Hades give me so many graces?
"Sol- or should I call you Soleia now? Either way, my love, you look so pretty!" magiliw na sigaw ni Talia na sinegunduhan ng iba nang makabalik ako sa lamesa namin.
Maliit akong napangiti. This is embarrassing. I'm not used to all of this attention.
"Welcome to our class, Cole and Soleia!" pagbati nilang lahat sa'min. Cole and I stared at each other before we smiled.
"Kapag dumating na ang boys, magcelebrate tayo," natatawang saad ni Tazyn.
Ngunit sa kabila ng saya, hindi ko pa rin maiwasang magtaka sa huling tinawag ni Hades sa'kin. Hanggang ngayon kasi ay hindi 'yon maalis sa isip ko.
"I have never been apart from you... my nightingale."
Bakit parang pamilyar sa'kin yon?
My nightingale...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top