05 | Deity Parent
"Ano'ng gagawin sa banquet hall?" tanong ni Ali kina Amari. Kakaalis lang namin sa opisina ni Headmistress Adhira at sinabihan niya kaming dumiretso sa banquet hall.
"This is where you get claimed and get your divine name, love! As your deity parent acknowledges you, you'll also receive your grace! It could be money, power, a weapon and more," nakangiting paliwanag ni Talia. Pero ilang segundo lang, napawi ang ngiti niya dahil binatukan siya ni Callie.
"Puro allowance nasa isip mo," saad nito na ikinasimangot ni Talia.
"Divine name?" tanong ulit ni Ali.
"Yeah! Every demigod is bestowed with a divine name that they'll use in this realm. Just like the others, Talia is not my real name and is my divine name."
Marami pa silang ipinaliwanag sa'min. May tatlong category daw ang mga klase nila. Ang Elysian Class, Asphodel Class, at Tartarus Class.
Ang Elysian Class ay ang protectors ng academy. Sila ay mga anak ng higher gods katulad ng Olympians. Binibigyan sila ng mga misyon dahil direct descendants sila. I also found out that they had seven members, but because Ali and I got added to their class, we're nine now.
I hope they're nice.
The reason why they're only four is because the boys are on a mission. Callie was even smiling from ear-to-ear because they won a bet where they had to finish their mission first.
Sunod naman ay ang Asphodel Class. Direct descendants naman sila ng minor gods. Ngayon ko lang din napansin na galing sa realms ng underworld ang pangalan ng mga klase dito.
Tartarus Class, ito daw ang pang-huli. Ang mga estudyante dito ay indirect descendants ng mga diyos at diyosa. Dito rin isinasali ang mga oracle, keeper ng mga temple, at mga demigod na unclaimed.
At dahil nasa Elysian Class kami ni Ali, ibig sabihin ay anak kami ng mga Olympian o ng higher god o goddess. Ang tanong... sino sila?
I really hope I can meet them later.
Napatigil ako sa pag-iisip nang mapagtantong nandito na pala kami sa banquet hall. Parang ang haba nang nilakad namin, ah? Kanina pa kaming nagkwekwentuhan dito pero ngayon lang kami nakarating.
"Sabi ko sa inyo, dito eh!" sigaw ni Tazyn. "Hindi kayo nakikinig."
Ah, kaya pala nagtagal kami. Naligaw pala sila.
Binuksan ni Amari ang pinto at bumungad sa'min ang isang magandang hall. Mukhang nagsisimula na ang claiming ritual.
The banquet hall was extravagant. There were a lot of circular white table-clothed tables and chairs. Sa gitna naman ng kisame ay isang chandelier. Several gems were dangling from its ends.
Are these real diamonds?
May lamesa rin sa baba ng chandelier kaya aalalahanin ko na hindi ako diyan uupo mamaya. Natatakot ako na baka mahulog ito tas sa'kin ang bagsak.
Maganda ang lahat... pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga statue na nakapatong sa stage na nasa dulo. There were fourteen statues. The Olympians plus Hades and Hestia.
Kasali si Hades sa big three kasama sina Zeus at Poseidon pero hindi siya isang Olympian dahil sa Underworld siya nakatira at hindi sa Mount Olympus.
On the other hand, it was either Hestia or Dionysus who would take the twelfth throne in Olympus, but Hestia gave it up because she didn't want competition.
Well, 'yun ang alam ko.
"Hala, late na naman tayo. Nagsisimula na pala," reklamo ni Tazyn. Nakanguso siya at parang gusto ko nalang siyang ibulsa.
"Ang bagal kasi ni Callie!"
"Ako? Baka nga ikaw eh!"
Habang naglalakad, tinakpan ni Amari ang mukha niya gamit ang librong hawak niya. Katulad ng anak ni Athena, tinakpan ko na rin ang mukha ko pero gamit ang kamay. Wala naman kasi akong dalang libro eh.
We were getting so much attention!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sina Callie at Talia sa pag-aaway kaya tiningnan ko si Tazyn para manghingi ng tulong. She could use her charms, right?
Kinulbit ko siya kaya napatingin siya sa'kin. May pagtataka sa mga mata niya nang ngisian ko siya. Itinuro ko ang kambal niya. Ngumiti siya bilang tugon kaya't nagpapasalamat talaga ako dahil nakuha niya ang gusto kong sabihin.
"Sol... parang gusto ko nang umatras. Uwi na tayo," bulong ni Ali habang naglalakad kaming lahat papunta sa table na para sa'min.
Siniko ko siya. "Ali, nandito na tayo, aatras ka pa ba?" ani ko.
Tahimik na ang mga kasama namin kaya naisip ko na hulog talaga ng langit si Tazyn. Payapa kaming nakaupo sa mga silya namin dahil sa kanya. Narinig ko ang sinabi niya kay Talia. Gutom na daw siya at pag hindi pa raw kami nakaupo ay isusumbong siya nito kay Apollo.
Nginitian ko siya bilang pasasalamat at kinindatan niya ako pabalik. Ang cute niya talaga!
"Now that everyone is seated..." The host giggled. Tinutukoy niya kami, mukhang nagpaparinig. "Shall we continue the claiming ritual?"
May isang lalaki na nakapikit sa unahan. Sa harapan niya naman ay isang odigo na umiilaw. An odigo is a small ball of light. "How do you determine your deity parent?" tanong ko kay Talia na nasa tabi ko.
"Well, the odigo will transform into a statue, the statue of your deity parent, to be exact," paliwanag nito sa'kin. Mukhang bad mood siya dahil sinasamaan niya ng tingin si Callie na nasa tabi ni Amari.
Tumingin nalang ulit ako sa harapan at namangha ako nang mag-iba ng anyo ang odigo. Nakita ko ang statue ng isang babae. She was wearing a white chiton, the traditional attire of the gods. Judging from the golden apple she was holding, it was the goddess Eris, the goddess of strife, discord, and chaos.
Nagulat ako nang magmulat ng mata ang lalaki. Nakakamangha ang gintong mata niya. He seemed powerful too.
"Kai of the Asphodel Class, son of Eris!" sambit nung host. Nalaman ko ring Irisha ang pangalan niya, anak ni Iris, ang goddess of rainbows. Kaya pala makulay ang buhok niya.
Sunod na tiningnan ni Irisha ang table namin. Kay Ali unang dumako ang paningin niya at base dito, mukhang kami na ang susunod na matatawag. By the gods.
"I see that the Elysian Class has new members. Why don't you join us here?" nakangiting aniya.
"What in the realms..." I muttered.
"Sol, ako na muna. Alam ko namang takot ka eh," pang-aasar sa'kin ni Ali nang makatayo na siya. I rolled my eyes.
"Go, Ali!" pag-cheer nina Callie at Talia. Si Amari naman ay pilit na itinatago ang mukha niya mula sa mata ng ibang demigod.
Nginitian ni Irisha si Ali pagkarating niya sa harapan. "Ali, am I right?" tanong nito sa kasama ko. The latter nodded. "Welcome to Elysium Academy! It's time for you find out your deity."
"I'm kind of nervous..." bulong ni Ali pero rinig na rinig ko ito. Tumingin siya sa'kin kaya nginitian ko siya.
"Good luck," I mouthed. He smiled back.
"Please stand in front of the odigo, Mr. Ali. Close your eyes and feel the presence of your deity." Sinunod niya naman ang sinabi ni Irisha at kahit hindi pa naman ako ang nasa unahan ay kinakabahan na agad ako.
Sana... sana makilala na namin ang mga magulang namin.
He stood there with clenched fists, a sign that he was nervous and anxious. Nawala naman ang mga tinik sa puso ko nang ilang sandali lang ay biglang umilaw ang odigo.
And then it started to take shape of a familiar statue... his father.
"They say he's an ugly god, but why is he actually kinda hot-" Tinakpan ni Amari ang bibig ni Talia dahil sa komento nito.
Napailing nalang ako at pinanood ang kaibigan kong nakatayo sa harapan ng statue ng ama niya. The god was wearing a traditional chiton for men. In one of his hands was a hammer, and it looked like he was crafting something.
From what I know, there was only one Olympian god that crafted weapons...
And it was the same god that claimed Ali as his son.
Binuksan ni Ali ang mata niya at bumungad sa'min ang tsokolateng mata niya na lalong tumingkad. It matched his orange hair.
His gaze landed on me, and a joyful smile was painted on his lips. It screamed relief and happiness.
"Cole of the Elysian Class, son of Hephaestus!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top