02 | Invitation
"Elysian Class? Elysium Academy? Please stop bombarding me with so many terms," nakasimangot na saad ko.
Natawa si Callie sa inasta ko. "Let's go somewhere more... private."
Napagdesiyunan naming umuwi sa bahay namin ni Mira. Since she's also from the greek realm, she could help me understand more about this situation.
Besides, these demigods... something tells me they're trustworthy.
I guess I still have a lot to learn. Na kahit isang demigod din ako, konti pa lang ang alam ko.
Mula pagkabata kasi ay sa mortal realm na ako tumira. Hindi naman ako nahirapan makisama nung una dahil ano nga ba ang pinagkaiba ko sa kanila?
But then I remembered they're normal... while I'm far from that. The line that the mortals and I have should not be crossed.
Nang makauwi mula sa mall, sumalubong sa'min ang gwardiya na nagbabantay sa labas ng bahay. "Good day, Lady Sol," nakangiting bati nito sa'kin. Tinanguan ko lang siya bilang tugon.
"Sol, my love, mahal na yata kita! Ang yaman mo pala!" Nagtatalon sa tuwa si Talia habang pinagmamasdan ang kapaligiran namin. Napatampal ako sa noo ko.
"Talia, naubusan ka na naman ng allowance, noh? Have you been shopping for clothes again?" pangbabara sa kanya ni Callie. "At this point, iisipin kong anak ka talaga ni Aphrodite at hindi ni Apollo."
"Shut up, everyone," sermon sa kanila ni Amari. Wala tuloy nakaimik sa'ming lahat dahil natatakot kaming mabatukan ng anak ni Athena.
Or worse... she might break my bones.
Nakarating na ako sa harapan ng pinto at pipihitin ko na sana ang doorknob kaso naunahan ako. Bumungad sa'kin ang mukha ni Mira. "Come in," she said. It was like she was expecting us to come.
Hindi man lang siya nagulat na kasama ko sina Callie.
Nagkatinginan kaming lahat bago pumasok sa loob gaya ng utos ni Mira. Pinaupo niya kaming lahat sa sala habang dumiretso muna siya sa kusina.
Pagkaupo ay agad silang tinadtad ni Ali ng tanong. Napatakip nalang ako sa mukha dulot ng hiya. "May mga tanong ako," panimula niya. "Una, anong pakay niyo kay Sol? Pangalawa, sino kayo?"
Napangiti si Talia dahil doon. "To answer your question... we're here to find a demigod named Solstice. Based on your friend's nickname which is Sol, I'm assuming we're right, darling!"
Solstice... that was really me.
"Pwedeng magtanong?" Napatigil ako nang mapagtantong nagtatanong na pala ako. "Ah... how are you sure that I'm the one you're looking for? In fact, there might be another demigod named Solstice out there."
Sumingit si Amari sa'kin. "Our mechanism never lies. It's made by Miss Elliana herself, a daughter of Hermes. It's designed to find those with demigod blood," seryosong sagot niya.
I got chills. Literally. Nakakatakot pala talaga ang mga anak ni Athena.
Pero bakit nila ako hinahanap?
"Nasagot ko na ang pangalawang tanong mo kanina pero sige uulitin ko nalang." Kinindatan kami ni Talia bago magpatuloy. "I'm Talia of the Elysian Class, daughter of the sun god, Apollo. Nice to meet you. Tazyn, love, it's your turn!"
Moments ago, I've been noticing Tazyn's subtle glances at me. Ngumiti siya at pinigilan ko ang sarili kong pisilin ang pisngi niya. Nagmumukha siyang cotton candy ngayon dahil sa kulay ng buhok niya. Pink.
Mukhang ayaw niya pang magpakilala nung una pero nang tumango ako bilang hudyat ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.
"I'm Tazyn of the Elysian Class, twin sister of Talia. Anak din ako ni Apollo," nahihiyang pagpapakilala nito sa'min.
Cute.
Apollo is part of the twelve Olympians. He's the god of the sun, poetry, knowledge, propechy, healing, and a bunch of other stuff I don't want to recite.
Like their deity parent, the twins shined wherever they went.
"Callie of the Elysian Class." Sunod akong tumingin sa babaeng may tsokolateng buhok at mata. Siya ang may abilidad na magpatubo ng halaman mula sa ilalim ng lupa. "I'm Demeter's daughter, goddess of harvest and agriculture. Hoy, Amari, galingan mo introduction mo, ah? 'Wag kang magpakabog!"
Amari rolled her eyes. Siya na ang huling magpapakilala. "Amari of the Elysian Class, daughter of Athena, Olympian goddess of wisdom and war," maikling sambit niya. Napakurap-kurap ako nang mapagtantong wala na siyang gusto idadagdag.
Palihim akong napasimangot. Hindi na sana ako magsasalita pero nagtaka ako nang tingnan nila akong lahat. "Bakit?" Hindi ko alam pero kinabahan ako sa paraan ng pagtitig nila.
"Introduce yourself daw," bulong sa'kin ni Ali. I scoffed in disbelief.
Kasali pala ako sa introduce yourself portion nila?
"Uh, my name is Solstice, but I'd prefer it if you'd call me Sol... well, I'm a demigod?" patanong kong wika. Ano ba kasi ang sasabihin ko? "I mean, alam ko naman na demigod ako pero-" Nagsasalita pa ako nang marinig ko ang boses ni Mira mula sa likod.
"Elysians. What brings you here?" aniya. Una siyang tumingin sa apat na babae bago ito bumaba sa sulat na hawak ko. "Ah... Adhira summoned her already."
Sa mga oras na 'to, medyo kinakabahan na ako. Pareho kasi silang magsalita ni Amari. Maybe it's because they're both warriors. After all, Mira is an amazonian while Amari is Athena's daughter.
Umupo sa tabi ko si Mira bago niya hinablot ang hawak kong sulat. Nakibasa naman ako sa kanya.
Elysium Academy
School for Demigods
Lady Solstice Adair,
We humbly ask you to join Elysium Academy, a safe haven for demigods like you. We hope you accept our offer and become an official student in our institution to enhance your abilities because we believe that you are worthy.
You may ask your companions for the supplies needed.
We hope to see you soon.
Sincerely yours,
Headmistress Adhira
Ah, siya pala ang sinasabi na Adhira ni Mira. Siya ang headmistress ng Elysium Academy.
After reading the letter, Mira immediately closed it. "There's no need to persuade me. I approve."
Napakunot ang noo ko nang sabihin niya yon. Bakit ang bilis niya pumayag? Teka, pinapamigay niya na ba ako?
Pati sina Amari ay nagulat sa sinabi niya. "Talaga po?" pasigaw na tanong ni Tazyn. Napatakip nalang siya ng bibig niya nang samaan siya ng tingin nina Amari at Talia. "Hindi naman po sa ayaw namin... pero bakit parang hindi na po kayo nagdalawang-isip?"
Mira sighed beside me. "I have always known that Sol would join the academy, but I didn't expect this day to come so early. Truth be told, this institution is something I am familiar with and the same goes for your headmistress. So, I trust that you will protect my child well, Elysians."
Elysians?
Tumango si Amari kay Mira. "You have my word, my lady," she said. She eyed Mira with an intense gaze.
Pagkatapos nun, lumingon naman sa'kin si Mira, tila namamaalam ang tingin.
"You're... letting me go?" I whispered.
Pero bakit... parang ayaw ko? Ayokong mahiwalay sa kanya.
Sanay na akong laging nandyan siya para sa'kin, at maraming pagbabago ang mangyayari sa buhay ko kapag pumunta ako sa akademya.
Handa na ba talaga ako?
"You need to go in order to grow, child. You cannot stay here all your life."
If I was a mortal, then maybe I could. Pero naalala kong hindi nga pala ako ganon. May lahi akong diyos at hindi ako normal katulad nila. Baka... makasakit lang ako.
I realized I wanted to belong somewhere... and it's not here.
"You have to go, Solstice," malumanay na sambit niya. Seryoso na siya dahil tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.
Though her words sounded strict, her eyes never lie. She was commanding me but in reality, her eyes spoke a different language only the both of us could understand. They were soft and gentle as she gazed at me.
She was telling me something using her eyes... and I immediately understood.
"You have to go, Solstice..."
"Even if I don't want you to."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top