01 | Demigods
SOL'S POV
"Nightingale..."
"Nightingale..."
"I will find you... my nightingale."
Agad akong nagising at napaupo sa aking higaan. I held my head when it began to ache.
Sino ba kasi 'yung nightingale na 'yan? Nakakasakit ng ulo.
I glanced at the clock placed on my bedside table. My eyebrows furrowed as I realized it was morning. I guess I won't be able to sleep anymore.
I was always afraid to sleep. At first, it was my escape from reality but as time passed by, I hated sleeping because of the nightmares it brought me.
Napabangon nalang ako sa higaan ko at bumaba para kumain. Papunta na sana ako sa kusina nang mapadapa agad ako sa sahig dahil may nagtapon sa direksyon ko ng isang-
Kutsilyo?!
Curse the gods. I'll kill whoever threw that knife. If I were not in my right mind, I would've dropped dead.
"Who threw that?" tanong ko nang makatayo na. Pinagpag ko ang dumi sa damit na suot ko at napatigil nang makakita ng pamilyar na mukha. Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng bumato ng kutsilyo.
"Ali, do you have a death wish?" reklamo ko. As he saw me, his lips started to tug upwards.
He playfully put his arm around my shoulder and though I kept glaring at him, he still managed to display a playful grin. "It's you again," sambit ko pero binalewala niya lang 'yon.
"Can the two of you stop bickering all the time?" pagbabanta sa'min ni Mira. She walked towards us with a heavy aura as she carried a plate full of bread.
"Mira... it's you." Napakunot ang noo ko nang sabihin ko 'yon. Parang may sariling buhay ang bibig ko at kusang gumalaw na lamang.
Maging siya ay nalito dahil tumaas nang bahagya ang kilay niya. "Yes... it's me, Sol," saad niya bago ibinaba ang platong hawak.
Although she has adopted me since before, Mira doesn't want me to acknowledge her as my mother since she didn't give birth to me. Kahit ganon ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.
I owe my whole life to her.
Mukhang hindi na naman niya pinansin ang sinabi ko. "Since you're here, I have a favor to ask of you," aniya nang makaupo sa silya. Nasa dining room na kami. Nakiupo na rin ako at pumwesto sa harapan niya.
Unfortunately, Ali had to sit beside me.
"What is it?" tanong ko kay Mira habang kumakagat ng tinapay. Afterwards, I glared at the man who tried stealing my piece of bread.
"Can you stop it?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. He stuck out his tongue at me. The man beside me is Ali, someone who shares the same origins as me.
"I want you to accompany Ali to the mall today. He has to buy the required supplies for his new school," sabat ni Mira sa aming dalawa ng katabi ko. My eyebrows furrowed.
"Kailangan ko sumama? Bakit naman? At lilipat na si Ali? Kailan pa?" I asked all at once.
"Calm down, Sol." Palihim na lumaki ang simangot sa mukha ko dahil sa sinabi niya pero kalaunan ay tumango na rin ako.
Aalis na ba talaga si Ali?
Tumingin nalang ako kay Ali na nang-iinis sa'kin. "I guess you'll be stuck with me for the whole day, Sol."
"Yeah, and the idea of being with you makes my skin shiver." Napatawa nalang siya sa inasta ko.
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain. The whole time we were eating, Mira kept glaring at the both of us because we kept bickering.
Sinubo ko ang huling piraso ng tinapay na kinakain ko bago tumayo. "Wait for me. Stay here."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumaas na pabalik sa kwarto ko. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. I just wore something simple and fixed my hair into a braided crown with some loose strands dancing in front of my face.
Kinapa ko ang kwintas ko sa leeg para masigurong suot ko ito. Nang matapos, bumaba na rin ako.
I sighed. This is gonna be a long day.
۞۞۞
"Can you please stop tugging my hair?"
"Paano ba 'yan? Ayoko eh."
Nandito na kami sa mall. Sinusubukan kong itago ang mukha ko mula sa mapanuring mata ng ibang tao pero hinahawi lamang ito ni Ali.
I hated going out to public places. There was a chance our secret would get exposed.
I tried to calm my mind because this man beside me keeps testing my patience. He's like a dog who keeps bugging his owner.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid namin. Tinuro niya ang isang maliit na store na hindi kapansin-pansin.
"Olympian Supplies?" basa ko sa nakalagay. "This is it?"
Ang creative naman nilang mag-isip ng pangalan.
Tumango si Ali sa tanong ko bago ngumiti. Nauna siyang pumasok kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Nang makapasok, napansin ko na wala masyadong tao sa loob. Though this place looked extravagant, it was only the two of us and the staff inside the store.
"Letter, sir?" tanong ng isang staff. Agad itong nilabas ng kasama ko at ipinakita niya ito sa lalaki. Napatango-tango naman ang staff na kausap namin. "You may enter, my lord."
Sunod akong tiningnan ng lalaki. "She's with me," agad na sagot ni Ali. Napansin ko ang pagngiti ng lalaki sa'kin bago kami tuluyang nakapasok.
Bumulong ako sa katabi ko. "Bakit tayong dalawa lang ang nandito?"
Napatawa nang mahina si Ali. "Sol, this place is exclusive for beings like us." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"This is exclusive for demigods?" Well, it makes sense. Not a lot of demigods roam around the mortal realm like us.
"That letter..." My voice started to trail off. "You're going to Elysium Academy?"
"Yeah, I received it this morning. Kaya ako pumunta sa inyo para masabi ko kay Mira," sambit niya sa'kin. Napatango-tango naman ako. "You know, this place is covered with heavy mist. In the mortals' eyes, it's nothing but a shabby place."
Hindi ko pinakinggan ang ibang sinabi niya. Tumatak sa isip ko na aalis na talaga siya. Mukhang wala na naman akong makakasama.
"Hey, don't cry, Sol," biro niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi naman ako umiiyak. I don't think I'd ever cry for him.
Nanatili akong tahimik habang naghahanap siya ng mga gamit niya. Napakukunot nga ang noo ko dahil ang dami ng nakuha niya. Kuha lang siya nang kuha, hindi na tinitingnan ang presyo.
In total, there were more than five books, at hindi pa kasali doon ang notebooks.
Mas lalo akong nagulat nang makita ko kung magkano lahat. Oh my demigods.
Fifteen thousand pesos. Bakit ang mahal naman? Gawa ba sa ginto 'yung mga libro?!
"You bought a lot of things," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng store.
"Yeah," natatawang sambit niya. "Tapos na tayo, pero gusto mo bang maglibot muna?"
Napaisip muna ako bago sumagot. Altough I'd prefer to stay at home, naisip kong aalis na si Ali. I can't turn down his offer-
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapansin na tila tumigil ang oras. Literal.
Walang gumagalaw na tao maliban sa'ming dalawa ni Ali. Sa mga sandaling 'to, medyo naguguluhan na ako.
Anong nangyayari?
"Hey, kid! Stop right there!" I stared at the four girls who ran through the mall, chasing a little kid who's holding a mechanism he seemingly stole from the girls.
All four girls had unique colored hair... and they were moving even if time stopped.
"Holy Apollo! How does a kid run so fast?!" pasigaw na tanong nung isa pang babae.
Nagkatinginan kami ni Ali. "What on earth is happening?" Hindi ako nakasagot dahil wala naman akong maisasagot sa kanya. Basta ang alam ko...
Kakaiba ang apat na babaeng ito.
"Callie, use your ability for Athena's sake!" sigaw naman nung isa pa. Mukhang nauubusan na siya ng pasensya.
Dahil sa inutos ng babaeng may puting buhok, napaatras nalang ako sa sunod kong nakita. Mula sa kulay tsokolate, umilaw ang mata nung isang babae at naging berde ito. Pagkatapos, may mga halamang tumubo sa ilalim ng lupa hanggang sa makagawa ito ng panangga para hindi na makatakbo ang batang lalaki.
Natigilan ang bata at wala nang mapuntahan kaya nahuli siya ng apat na babae.
"Naghirap pa tayo," nakangusong reklamo nung pang-huling kasama nila. Now that I see it, she looks like their other companion.
Kambal?
"Sol? Nakita mo yon?!" Biglang napasigaw si Ali kaya nakuha niya ang atensyon ng mga nilalang na nasa harapan namin. Lagot na.
"What in the realms?! Amari, ba't nakakagalaw ang dalawang 'to? 'Di ba't itinigil mo na ang oras?"
"Callie, calm down," seryosong utos nung isa. Siya siguro si Amari. Nakakatakot siya. Parang kaya niya akong patayin sa mga tingin. "I'll take care of the kid-" She looked at me with a questioning gaze. "While you find out if one of them is the demigod we're looking for."
Demigod...
Tama, mga demigod din sila.
Kinuha ni Callie ang mechanism na nasa kamay ng bata at itinapat ito sa'kin. When it beeped, she smiled brightly. "Guys..." tawag niya. "Mukhang makakabalik na tayo sa academy."
Saktong pagsabi niya nun ay ang paglapit ng dalawang babae sa'kin at ang pagbalik ng daloy ng oras. Gumalaw na ang mga tao at nag-ingay na muli ang paligid ko.
"Oh my greeks, really?" The girl with blonde hair smiled at me.
"Who are you?" seryosong tanong ko nang medyo kilabutan na ako sa mga pangyayari.
Napanguso ang kausap ko. "Hala, anghel yata 'to, hindi demigod," bulong nito kahit rinig ko. Matatawag bang bulong 'yon kung ang lakas ang boses niya? "Anyways, let me introduce myself."
"Hello, love. I'm Talia of the Elysian Class. Like you, I'm a demigod."
May inabot siyang isang sulat sa'kin. "We want to invite you to Elysium Academy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top