Chapter 9

Chapter 9


Bakasyon na naman ng aking butihing mga apo. At ako bilang butihing lolo, kailangan kong mag isip ng mga bagay na makabuluhan na siyang dapat pagkakaabalahan ng aking limang apo sa loob ng kanilang dalawang buwang bakasyon. Hindi yata ako makakapayag na wala silang matutunang bago.

Dalawang taon na ang nakalipas nang makalbo ang buhok naming anim, noong nakaraang taon ay sinabihan ko silang magpakalbo kaming ulit dahil mainit naman ang panahon pero sa pagkakataong ito marunong na silang tumanggi. Sinubukan ko rin silang tanungin ngayong bakasyon pero mahigpit silang hindi sumang ayon. Sa edad nila ngayon hindi ko na sila masyadong nauutong lima, masyado na silang maraming nalalaman.


Kasalukuyan akong naghihintay sa kusina habang may hawak na tasa ng kape. Ilang beses ko nang tiningnan ang wristwatch ko, bakit mukhang nagtatagal pa ang aking mga apo? Ano pa ba ang ginagawa ng mga ito sa taas?

Tatayo na sana ako para akyatin sila sa kani kanilang kwarto nang mapansin kong nagsisimula na silang magpasukan sa kusina.

Agad lumawak ang ngiti ko sa mga labi habang pinagmamasdan ang mga apo ko na mukhang mga anghel na kabababa lamang sa langit. Nakasuot lang naman silang lahat ng puting sutana, na siyang isinusuot ng mga batang sakristan sa simbahan. Sinong may sabing mga loko loko sila? Mga taong simbahan yata ang mga apo ko.


Tuwing linggo ay maaga ko silang ginigising para hindi kami mahuli sa misa, nagseserve ang mga apo ko sa pinakamalapit na simbahan na siyang ipinagmamalaki ko sa mga kumpadre ko. Hindi lamang sila magagadang lalaki, mga taong simbahan din sila at may takot sa diyos. Kung hindi lamang maganda ang aming lahi, pagpapariin ko na silang lima pero dahil nga nabiyayaan kami ng lahing minimithi ng nakararami mas mabuting hanggang pagsasakristan na lamang ang gawin nila. Dahil higit naming kailangan na magpakarami.

Naunang lumapit sa akin si Tristan at nagmano, nasundan ito ni Troy hanggang sa magsunod sunod na sila.


"Madali kayo, baka mahuli tayo sa misa. Magagalit ang pari sa atin.." nagsimula na silang umupo sa kanilang mga posisyon.


"Ingatan nyong kumain, baka magkadumi ang mga sutana nyo.." paalala ko sa kanila.


"Aye aye captain!" sagot nila sa akin na siyang nakasanayan na nila simula pagkabata nila.

Pero hindi pa man naghahati ang kinakain namin ay narinig ko ang boses ni Troy.


"Sana maiksi lang ang homily, inaantok pa ako LG..." humihigab na sabi ni Troy.


"Bakit hindi ka natulog nang maaga? Alam mo namang may misa ngayon" sagot ko sa kanya.


"Natulog po ako ng maaga LG, inaantok pa rin po ako.." napailing na lang ako kay Troy.


"LG may galit po yata sa akin pari, nahuli niya akong nakakatulog sa misa.." napangiwi ako sa apo kong si Tristan.

Natural lamang ito sa mga taong simbahan, oo tama natural lamang ito.


"Naglalaro na ako ng candy crush sa gilid, hindi naman halata.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Owen.


"Crush ako ng isang reader.." mabilis na sabi ni Nero. Bakit naisip niya pa ito habang nasa misa siya?


"May crush din sa akin 'yong mga choir.." sabi naman sa akin ni Aldus. Eksaherado akong tumikhim sa pinag uusapan nilang dalawa.


"Bilisan nyo, magagalit sa inyo ang pari.."

Mabilis na kaming kumain at nagmamadali na kaming sumakay sa sasakyan. Ilang minuto lang naman ang biyahe sa simbahan kaya sakto lamang ang aming pagdating.


"Pupwesto na ako sa unahan" paalam ko sa lima kong apo na nasa may pintuan na ng simbahan na kasama na ang ilan pang mga reader at lay minister.

Nang makapwesto na ako ay agad nagsimula ang misa. Nagmamartsa na papasok ang mga alagad ng simbahan. Si Troy ang may hawak ng bell na siyang pinapaingay niya habang naglalakad. Hindi talaga mga loko loko ang mga apo ko.


"Apo ko 'yan.." bulong ko sa babaeng katabi ko.

Sumunod si Tristan, Nero, Aldus na may hawak na tatlong malalaking krus. Para silang mga anghel kung maglakad, hindi talaga sila mga loko loko, siguradong mali ang naririnig ko sa mga usapan sa kanilang eskwelahan. Posibleng sinisiraan lang nila ang mga apo ko, hindi sila magwawalang hiya dahil mga taong simbahan sila.


"Mga apo ko 'yan.." bulong ko naman sa isa pang katabi kong babae.

Sumunod si Owen na may hawak na bibilya. Ako na yata ang pinakaproud na lolo dahil ang mga apo ko ay mga taong simbahan.


"Apo ko din 'yan.." bulong ko ulit sa babaeng katabi ko.


"Opo, apo nyo na po! Apo niyo na po! Wala namang umaagaw! Ang ingay nyo po.." iritadong sabi ng katabi kong babae. Inirapan niya pa ako bago siya umalis sa tabi ko at naghanap ng ibang upuan.

Nang lumingon ako sa isa ko pang katabi ay masama na rin ang tingin nito sa akin hanggang sa umalis na rin siya at humanap ng ibang upuan. Palibhasa hindi mga taong simbahan ang mga anak nila.

Nagsimula na ang misa, panay ang silip ko sa mga apo ko na parang mga anghel na nasa altar. Mabuti na lang at naisipan ko silang magsakristan, pampalubag loob ko man lang kung sakaling totoo ang mga nababalitaan kong kalokohan nila sa kanilang eskwela.

Nakarating na sa sermon ng pari, noong una ay nakikinig pa ako, tumatango at sumasagot kapag nagtatanong siya pero hindi ko alam kung bakit nagsisimula nang bumagsak ang talukap ng aking mata hanggang sa hayaan ko na at makatulog na ako sa aking kinauupuan.


"Lolo!" nagising na lang ako sa boses ni Aldus.


"Natutulog lang naman si lolo sa misa magkatulad kayo ni lolo Tristan" pakinig ko namang sabi ni Owen .


"I am not, hindi ako natulog ngayon. Binulungan ako ni father kanina, wiwisikan niya daw ako ng holy water kapag nakatulog pa ako.." narinig ko silang nagtawanang lima.

Iminulat ko na ang aking mga mata at bahagya koi tong kinusot.


"Lolo tapos na ang misa" bungad sa akin ni Nero. Lahat sila ay nakapangalumbabang nakaharap sa akin, nakaupo sila sa unahang upuan.


"Naintindihan nyo ang homily?" tanong ko. Bakit wala akong matandaan?


"Sabi ni father ang mga natutulog daw sa misa, sila ang naghihirap.." napangiwi ako sa sinabi ni Nero.


"Totoo?" tanong ko.


"Syempre lolo hindi kami naniwala, dahil alam namin na napuyat ka lang sa pagbibilang ng madami nating pera" natuwa ako sa sinabi ni Troy kaya ginulo ko ang buhok nito.


"Good, may pupuntahan tayo mamaya. Kailangan na nating umuwi.." nang makauwi kami ay mabilis ko silang pinagbihis ng mga pinahanda ko sa kanilang lima.

Nakahilera na silang lima sa aking harapan na kanya kanya ang reklamo sa init ng kanilang mga suot.


"What's with this camouflage lolo?" tanong sa akin ni Tristan habang kinakamot ang ulo.


"We're going for adventure!" sabay napaawang ang mga bibig nila sa sinabi ko.


"Adventure?" tanong ni Nero. Mabuti na lang at natuwid na ang dila ng apo kong ito pero minsan ay sumasabit pa rin.


"Attention! Ayusin nyo ang tayo nyong lima!" seryosong sabi ko. Dahil lagi naman nilang sinusunod ang mga sinasabi ko, mabilis silang tumayo ng tuwid na parang mga sundalo.

Nagpalakad lakad ako sa kanilang harapan habang walang nagsasalita sa kanila pero pansin ko na nagpipigil ng pagtawa si Troy at Owen.


"Dahil malapit na kayong tulian lima, dapat ko lamang masukat ang inyong pagkalalaki!" sabay muling umawang ang mga bibig nila sa sinabi ko.


"Malapit na kaming tulian lolo?" ulit na tanong sa akin ni Owen.


"Oo, kailan pa kayo tutulian kapag malalaki na kayo? Mahiya kayo sa mga nurse at doktor.." tumango ang mga ito sa sinabi ko.


"Anong gagawin natin lolo? Ang init.." reklamo ni Nero sa kanyang suot.


"Kailangan nating mangubat, maghahanap tayo ng kamatis, bayabas at puso ng saging.." paliwanag ko sa kanilang lahat.


"Lolo, anong gagawin natin sa kamatis, bayabas at puso ng saging? Pwede bumili na lang tayo?" agad na sagot sa akin ni Aldus na panay ang punas sa kanyang pawis.


"Hindi! Kailangan nyo itong paghirapan! Para masubok ang inyong pagkalalaki, ganito ang ginagawa namin bago kami tulian, kailangan namin kumain ng kamatis para hindi 'mamaga' ang sandata, bayabas para hindi kabahan at puso ng saging para maging maganda ang pagkakatuli.." paliwanag ko sa kanilang lima. Mabilis na tumango ang apat pero ito na naman si Tristan ang matalino kong apo at nakataas na naman ang kamay.


"Question! I have a question lolo" sobrang taas ng kamay ni Tristan na talagang gustong gustong magtanong sa akin.


"Anong tanong mo Tristan?" kabado na naman ako sa tanong ng batang ito.


"Wala po akong nabasang ganyan sa book lolo. Is this proven?" huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa tanong niya.


"It is proven Tristan, kulang ang kaalamang ibinibigay sa'yo ng libro. Always remember, experience is the best teacher. Napagdaan ko na ito apo, ako na ang pinaka magandang ebidensya. Kailangang maging matagumpay ang pagkakatuli sa inyong lima dahil nakasalalay dito ang lahi natin.." sabay sabay muling tumango ang apat sa akin pero parang lito pa rin si Tristan.


"Kung ayaw mong maniwala Tristan, maiwan ka na lamang dito. Malapit na ang birthday ng lola mo kung sakaling kamustahin kami mamaya habang nasa kagubatan kami ikaw na ang bahalang sumagot.." sa sinabi kong ito ay namutla si Tristan.


"Sasama ako lolo!"


"Good! Nakahanda na ang panungkit sa labas, buhatin nyo na" sumakay na kami sa malaking sasakyan habang dala ang aming mga kagamitan.

May alam akong pinakamalapit na kagubatan na siyang maaari naming puntahan. Nang makarating na kami dito ay agad na akong umuna sa kanila.


"Kailangan nating makahanap ng limang kamatis, sampung bayabas at isang puso ng saging.."


"Aye aye captain!" sabay nilang sagot.

Pumasok na kami sa kagubatan, pinagbibigyan ko pa sila ng compass na kahit ako hindi ko alam gamitin. Si Tristan lang yata ang marunong.


"Uupo lang ako dito, maghanap na kayo ng pinapahanap ko. Pumito na lang kayo kapag naliligaw na kayo. Maaari kayong mag magrupo, bahala na kayo. May reward sa akin ang makakuha ng puso ng saging.." nakahanda na rin naman sa mga bag nila ang tubig at pagkain, hindi na sila magugutom kung saan sila magpunta.


"Aye aye captain!" nang makasagot sila sa akin ay mabilis na silang nawala sa harapan ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung may kamatis, bayabas at puno ng saging dito. Wala lang akong magawa sa bahay.

Lumipas ang kalahating oras at maiidlip na sana ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Owen na parang naiiyak na.


"LOLO! LOLO!" mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon ko si Owen habang yapos ang bag niya. Punong puno na agad siya ng dumi sa mukha na parang batang dugyot.


"Hinahabol ako ng baboy ramo!" nanlaki ang mga mata ko nang may itim na baboy ramo na humahabol nga kay Owen. Mabilis akong tumayo at niyakap ko si Owen. Agad ko siyang binuhat at nakitakbo na rin ako.


"Lolo faster! Faster!" hingal na hingal na sabi ni Owen habang binabato nito ng kung ano ano ang baboy ramo na humahabol sa amin.


"Bakit habulin ka ng mga hayop Owen? Sinabong ka rin ng manok noong isang araw hindi ba? Kinalmot ka rin ng pusa noong nakaraang buwan.." hindi ako nito sinagot dahil abala ito sa pagbato ng kung ano ano mula sa kanyang bag.


"Lolo! Bilisan mo! Aabutan na tayo!" napapagod na akong tumakbo.


"Aakyat tayo sa puno Owen, tingnan mo ang puno sa unahan natin. Doon tayo aakyat.."


"Aye aye captain!" mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at nang makarating kami sa puno agad kong pinaakyat si Owen. Muntik pang maabot ng baboy ramo ang sapatos ko kung hindi pa ako nakaakyat nang mabilis.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Owen nang tuluyan na kaming makaakyat.


"I'm worried lolo, how about my cousins? Baka hinahabol na rin sila ng baboy ramo.." napalingon na lang ako sa sinabi ni Owen.


"Don't worry Owen, they're all fine. Ikaw lang ang hinahabol ng mga animals.." sagot ko na lamang kahit kinakabahan na rin ako.

Lumipas ang ilang minuto ay muling nagsalita si Owen.


"Are we going to stay like this lolo?" napatingin na lang ako sa baboy ramo na nakaabang sa aming maglolo.

Anong gagawin ko sa baboy ramong ito? Kung nagkataon sinaktan nito si Owen, aadobohin kita.

Napapitik na lang ang mga kamay ko nang maalala kong may dala akong baril.


"Cover your ears Owen, may hapunan na tayo. Isasama natin sa kamatis at puso ng saging.." itinutok ko ang baril sa baboy ramo at sa isang iglap ay bagsak ito.


"Woah! Ang galing mo lolo!" humahangang sabi ni Owen.

Bumaba na kami ni Owen sa puno pero hindi pa man kami nakakailang hakbang ay narinig ko ang boses ni Aldus na humahangos at pawis na pawis.


"Lolo! Nahimatay po si Nero!" nagtakbuhan na kami sa lugar kung saan daw hinimatay si Nero.

Nadatnan namin dito si Tristan na hindi makaalis sa kanyang posisyon dahil nasabit ng sanga ang kanyang damit, si Nero na walang malay. Hindi ko makita si Troy.


"Napatakan ng puso ng saging sa ulo si Nero lolo!" sumbong sa akin ni Aldus. Nilapitan ko na ito at napahinga muli ako ng maluwag, mukhang nagulat lang siya at nakatulog.


"Umuwi na tayo, mga tunay na lalaki na kayo.." tamad na sabi ko. Nakita ko na pinagtutulungan na ni Owen at Aldus na hilahin si Tristan na nasabit sa sanga. Hanggang sa sabay sabay silang tumilapon tatlo dahil sa pwersa ng paghila. Tawa pa sila ng tawa.


"Nasaan si Troy?" tanong ko.


"Naghahanap siya ng kamatis.." napansin ko na pinupulot na ni Tristan ang mga bayabas na natapon sa kanyang bag. Paborito nga pala ng apo kong ito ang bayabas.


"I'm back!" napalingon na lang kami kay Troy na maraming dahon sa ulo habang may hawak na mga kamatis.


"Mission Accomplished naman pala tayo. Now let's go.." binuhat ko na si Nero. Pinulot naman ni Aldus ang puso ng saging. Habang naglalakad kami ay napansin ko na nakahawak pa rin sa akin si Owen, gusto yatang magpabuhat.


"Ilang taon ka na Owen? Magpapabuhat ka pa.."


"Baka may kumagat na naman sa akin lolo!" wala akong pinagpilian at naupo ako para makasakay si Owen sa likuran ko.

Nagsimula na kaming maglakad maglololo.


"Lolo, ano po ba ang gagawin natin sa mga ito?" tanong ulit ni Tristan.


"Kakainin! Kakainin Tristan, tanong pa nang tanong!" sagot ni Troy sa kanya.


"Sa totoo lang mga apo, walang kwenta ang pinaggagawa ko sa inyo"


"WHAT?" malakas na sagot nila sa akin.


"Nakikipaglaro lang sa inyo si lolo, sinusulit ko lang ang mga pagkabata niyo dahil hindi habang buhay mga bata pa kayo na pwedeng makipagkulitan kay lolo. Lalo na at nararamdaman ko na ang paglaki nyo. Time will come na magiging abala na kayo sa ibang mga bagay, baka nga daan daanan nyo lang ako, mga henerasyon ngayon.." naiiling na sabi ko.


"NO WAY!" sabay nilang sagot lima.


"I won't do that" mahigpit na sabi ni Owen na buhat ko sa likuran.


"Me too!" sagot naman ni Aldus.


"What's with that lolo? Hindi ka namin dadaanan daanan lang" mahabang sabi ni Tristan.


"Maglalaro pa din tayo kahit malalaki na kami lolo!" masiglang sabi ni Troy. Napangiti na lang ako sa sinabi ng mga apo ko.


"Tatandaan ko 'yan Troy.." 



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top