Chapter 8
Chapter 8
Hindi ko hinayaang ang mga apo ko lang ang umuwing makinis ang ulo, maging ako ay nagpakalbo na rin.
Nakasuot na sila ng seatbelt at handa na akong patakbuhin ang sasakyan. Tiningnan ko sila sa rearview mirror, ang makikinis nilang ulo ang una kong nakita. Alam kong magagandang lalaki lang ang may lakas ng loob magpakalbo at kaming mga Ferell lang 'yon.
Sigurado akong pasasalamatan ako ng mga apo kong ito sa kanilang paglaki kapag nalaman nilang pinakalbo ko sila minsan. Bihira lamang ang magandang lalaking kalbo, masyado na silang pinalad kapag nakita nilang magkakasama ang lima kong mga apong kalbo.
Hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin sila sa kinis at kintab ng kanilang mga ulo dahil panay pa rin ang paghaplos ng mga apo ko dito. Magkatabi si Nero at Owen, abala si Nero sa paglalaro sa ulo ni Owen habang ganito rin si ginagawa ni Owen kay Nero. Si Tristan at Aldus naman ang magkahawakan sa kanilang mga ulo habang si Troy ay mag isang hawak ng dalawa niyang kamay ang sarili niyang ulo.
"It's smooth Nero.." natutuwang sabi ni Owen sa ulo ni Nero.
"Lolo are we forever kalbo?" tanong sa akin ni Troy habang hawak pa din ng dalawang kamay niya ang makintab niyang ulo.
"Ngayong summer lang Troy after two months tutubo rin 'yan" mas mabuti nang kalbo kami. Mainit naman ang panahon.
"Lolo, can we show this to mommy?" tanong naman sa akin ni Tristan. Siguro ay pagsusuotin ko na lang ng bonet ang mga batang ito kapag nakipag skype kami sa kani kanilang magulang. Madali kong mauuto ang natitirang apat pero si Tristan talaga ang problema ko, patutulugin ko na lang siguro.
"Ofcourse! Matutuwa ang mga mommy nyo kapag nakitang makintab ang ulo niyo.." palakpalakan silang lima sa sinabi ko. Patay ako nito.
Nang makarating na kami sa mansion ay halos mapamura na lang ako nang mapansin kong umuulan. Akala ko ba ay summer na? Napapailing na lang ako, wala akong dalang payong. Mababasa ang ulo ng mga apo ko.
"Dito muna kayo, kukuha lang ng payong si lolo"
"Aye aye captain!" sagot nilang lima. Tumakbo na ako habang tinatakpan ang makintab kong ulo, masama yata itong mabasa kapag babagong kalbo. Kinuha ko ang kani kanilang payong at nagmadali akong bumalik sa van.
"Here.." pinamigay ko na sa kanila ang kanya kanyang payong.
"Wag nyong babasain ang mga ulo nyo. Baka malamigan 'yan, magkaproblema pa tayo sa hinaharap.." sunod sunod silang bumaba sa van habang nakapayong.
"Nero, ayusin mo ang payong mo. Baka mabasa ang ulo mo" sita ko sa kanya. Agad akong tumakbo kay Tristan nang madulas ito at mabitawan ang kanyang payong. Patay basa na ang ulo.
Bubuhatin ko na sana si Tristan nang humampas ang malakas na hangin at nabitawan ng mga apo ko ang kanilang mga payong. Basa na ang mga kalbo kong apo.
"Takbo! Cover your heads!" sigaw ko. Nagtakbuhan na lang kaming maglololo habang nababasa ng ulan. Tuwang tuwa pa si Tristan na buhat ko habang hinahaplos haplos ang ulo ko.
"Lolo my head is wet!" sigaw sa akin ni Aldus.
"It's cold!" sigaw naman ni Owen.
"Slimmery!" napangiwi na naman ako kay Nero.
"SLIPPERY!" sabay sabay na naman kami sa pagtatama sa kanya.
Basang basa at tawa kami nang tawa nang makapasok kami sa mansion.
"Kawawa naman ang mga apo ko, basang basa ang bagong kalbong ulo.." ibinaba ko muna si Tristan at hinayaan ko muna siyang makipagkulitan sa mga pinsan niya.
Mabilis akong kumuha ng towel at naupo ako sa sofa.
"Boys! Come here, pupunasan ko ang mga ulo nyo.." nagtakbuhan sila sa akin. Nadulas naman ngayon si Troy at Nero kaya naunang makarating sa akin si Aldus. Kinalong ko siya at sinimulan kong punasan ang ulo niya.
"Lolo, gwapo gwapo ba ang kalbo?" tanong sa akin ni Aldus.
"Ofcourse! Look at lolo, kalbo rin ako. Gwapo gwapo tayong lahat.." tuwang tuwang tumango sa akin si Aldus.
"Kaninong ulo ang sunod?" lumapit na sa akin si Tristan. Mabilis ko lang pinunasan ang ulo niya. Hindi naman talaga matanong ang batang ito dahil marami na siyang nalalaman.
"Sunod na ulo.." walang nalapit sa natitirang tatlo. Napansin ko lang naman na nasa harapan si Nero, Troy at Owen ng estatwang Buddha na nakadisplay sa sala. Itinuro ito sa akin ni Troy.
"Lolo, he's kalbo rin!" namamangha naman si Nero at Owen na nakahawak sa kanilang mga ulo. Lumapit na ako sa kanila at hindi ko maiwasang matawa.
"Did he go to barbers too lolo?" tanong sa akin ni Owen.
"He's always bald!" pagsingit ni Tristan. Mabuti pa si Tristan, mukhang natatandaan niya pa ang mga gamit sa bahay.
"No, he's not! Ni gagaya niya tayo..." sagot naman sa kanya ni Troy.
"Yes, yes.." tatango tango si Nero.
"No, he's always bald. Right lolo?" tanong sa akin ni Tristan.
"Yes, he's always bald mga apo.." lumaki ang ngisi ni Tristan sa sinabi ko.
"I am so smart!" masiglang sabi ni Tristan. Natutuwa kong hinaplos ang ulo niya.
"Smart, smart naman ng apo kong ito" hinalikan ko sa ibabaw ng kanyang ulo si Tristan. Nang mapansin ko na nakanguso ang natitirang apat ay pinaghahalikan ko na rin ang mga ito.
"Lahat kayo smart! Now, let's go. Magbibihis na tayo.." nagpunta na kami sa iisang kwarto kung saan nandito lahat ang mga damit nila. Mabilis ko naman silang nabihisan at hinayaan ko muna silang mag wrestling lima sa kama habang nanunuod ako ng tv.
"Doon kayo sa kabilang kama, baka tamaan ng unan si lolo nanununod ako ng tv.." hindi nila ako pinakinggan dahil masyado na yata silang nagkakainitan. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan ko na lamang sila.
Pero hindi din nagtagal ay natatamaan na ako ng unan sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hanggang sa tumama na sa mukha ko.
"Sorry lolo" si Aldus ang nakatama sa akin. Hinalikan niya ang noo ko bago niya kinuha ang unan na tumama sa akin.
Bumalik na ulit silang lima sa kanilang paghahampasan. Hindi ko maintindihan ang palabas dahil walang tigil sa kakayugyog ng kama. Wala na akong pinagpilian, bumaba na ako sa kama at sa sahig na ako naupo para maintindihan ko na ang pinapanuod ko.
Nasa sukdulan na ang palabas kung saan mababaril na ng bida ang kalaban nang umalingawngaw ang malakas na iyak ni Aldus at Owen. Napatayo na ako sa sahig dahil sa malakas na iyak nila.
"Anong nangyari?" sumampa na ako sa kama. Iyak nang iyak ang dalawa habang hawak ang kanilang mga ulo.
"They bumped with each other lolo.." sumbong sa akin ni Tristan.
"Come here, hihipan natin.." lumapit naman sa akin si Aldus at Owen. Sinimulan kong hipan ang kanilang mga ulo. Wala na ang pinapanuod ko.
"It hurts lolo.." nakakahabag na sabi ni Aldus.
"Wala 'yan. Mga big boys kayo, stop crying.." wala akong ginawa kundi hipan nang hipan ang ulo ng dalawa kong apo.
"Do they have amnesia na lolo?" napatitig na lang ako sa sinabi ni Tristan. He's just six!
"Tristan apo, matulog ka na. Gusto mo ba ng dede? Ipagtitimpla kita" mahipit itong umiling sa akin.
"What is amsia lolo?" tanong naman ni Aldus. Umiling na lang ako kay Aldus, masyado pa sila bata para paliwanagan nito.
"Manuod na lang kayo ng tv, tama na ang wrestling.." kalong ko si Owen at Aldus nang biglang tumunog ang laptop ko. Hindi ko pa pala napapatay ito. Hahayaan ko na sana ito nang makilala kong ringtone ng skype ang tumutunog.
Agad kong binitawan si Aldus at Owen, nagmadali akong naghanap ng limang bonet sa cabinet.
"Wear this, wear this.." mabilis kong pinagsusuot ng bonet ang mga apo ko. Agad kong inihiga sa dulo si Tristan, ako na mismo ang nagsubo ng daliri niya sa kanyang bibig.
"You can use your thumb finger tonight, sleep.." tumango sa akin si Tristan habang tangay ang kamay niya.
"Don't remove that bonet. That's an order!"
"Aye aye captain!" kinuha ko na ang laptop at dinala ko sa kama. Ipinatong ko ito sa hita ko. Mukhang ang mommy ni Aldus ang natawag.
Agad siyang tumawa ng malakas nang sagutin ko ang tawag niya.
"Anong nangyari sa ulo mo Papa?" napahawak na lang ako sa ulo ko. Muntik ko nang makalimutan na ako din pala ay kalbo.
"Uso sa Pilipinas ang kalbo ngayon.." sagot ko na lamang.
"Where's my baby Papa?"
"Aldus come here.." ikinalong ko ulit si Aldus.
"Mommy!"
"I miss you Aldus! Miss na miss ka na ni mommy, pakabait ka lagi kay lolo. Okay?"
"Yes mommy!" mabilis na sagot ni Aldus.
"Bakit parang bagong iyak yata si Aldus Papa?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Nagkaumpugan sila ni Owen.."
"Yes mommy, look at my head.." hindi ko na napigilan si Aldus dahil tinanggal na niya ang bonet. Patay na.
"Oh my god! Pati si Aldus pinakalbo mo Papa?!" ilang beses na lang akong tumango. Napabuntong hininga na lamang ako, mabuti pa ay aminin ko na.
"Come here mga apo, ipakita nyo kay Tita ang new style natin.." naglapitan naman sila at lahat ng kalbo sa kwarto ay nakaharap na sa laptop.
"Oh my god Papa! Hindi ko alam kung matatawa na lang ako sa inyo! Wait I'lll screen shot this, everyone should know..." tumango na lang ako.
"Your mom is so happy Owen.." nagngisian lang kaming maglololo.
"Beatrice, lagyan mo ng hastag kalbo" humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko.
Mabilis kumalat ang picture naming maglololo na kalbo. My family is active in social media kaya alam ko rin kung papaano gumamit nito. Si Liam na nakakatandang kapatid ni Owen ang nagpost ng picture sa closed group ng pamilya namin. With hashtag kalbo and a caption.
Shaolin is <3 I love you LG, uuwi din akong kalbo sa Pilipinas. Punong puno na kami ng comment na mga 'bola bola' 'bagong taon' 'pakwan' ng mga nakakatanda nilang pinsan. Speechless ang mga magulang nila.
Si Liam lang ang nireplayan ko, 'Make sure that you're bald next year, tatanggalin ko ang mamanahin mo.'
Sumagot naman siya. 'Kidding LG, I love you'
"Okay, solve na tayo mga apo. Matulog na kayo, magbebeach tayo bukas.." pinatay ko na ang laptop. Ang mahalaga alam na nilang lahat na kalbo kaming anim.
--
Kasalukuyan na kaming nasa Montenegro Hotel and Resort, ang isa sa pinakamagandang resort sa buong Pilipinas. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kaming maglololo habang hilera kaming naglalakad.
Kapwa kami naka beach shorts at nakashades. May kanya kanyang dalang buko na may straw ang mga apo ko, abala sila sa pag inom.
"Huwag nyo silang pansinin mga apo, lagi nyong tatandaan. May mga buhok nga sila, wala naman silang mga pera.." kumbinsidong sabi ko.
"Kahit mga kalbo tayo maraming marami tayong pera, ang mga bank account nila barya lang natin, ang mga bahay nila? Kasya lang sa mansion natin. Walk straight, masilaw sila sa kintab ng ulo natin. Mahihirap silang lahat.." higop lang sila ng higop ng buko juice.
Habang naglalakad kami ng mga apo ko ay may magtitinda na pahara hara sa aming dadaanan. Hindi niya ba ako nakikilala?
"Suklay! Suklay kayo dyan! Suklay!" bakit nagkaroon ng tindero ng suklay dito?
"Niloloko mo ba ang mga apo ko?" seryosong tanong ko. Agad siyang namutla nang mapansin niyang may nakasalubong siyang anim na kalbo.
"Nako hindi po!" halos madapa pa siya sa paglayo sa amin.
"Let's go mga apo.." sunod lang sila nang sunod sa akin habang hawak pa rin nila ang buko na kasing laki yata ng mga ulo nila.
"Lolo, kanina pa tayo lakad lakad lakad.." nagreklamo na si Troy.
"Kailangang mainitan ang ulo, vitamin C pa ito Troy. Just keep walking.." lakad lang kami ng lakad hanggang sa mapagod din kami.
Nagpahanda ako ng anim na beach umbrella at higaan. Nakahilera kaming anim habang nasa harap ng dagat.
"Mag relax lang tayo mga apo. Dapat lagi tayong cool, look at them hinahangaan na nila tayong lahat..." nasa amin na ang lahat ng atensyon. Kailangan ng mga apo kong masanay sa ganito.
Nakaunan sa akin ang sarili kong braso na siyang pilit ginagaya ng lima.
"Yes we are cool!" masiglang sabi ni Troy.
"We are famous!" sabi naman ni Aldus.
"We are rich!" sabi naman ni Owen.
"We are smart!" si Tristan naman.
"We ar---" hindi ko na pinatapos si Nero.
"Nero apo, sa bahay ka na lang magsalita. Nandito na 'yong coolness nating anim, nandito na lampas na sa ulo ni lolo kapag narinig nila ang pagsasalita mo bababa na naman hanggang talampakan ko ang coolness natin, hindi pwede 'yon. Troy! spokeperson ka muna ni Nero, okay?"
"Aye aye captain!" mabilis na sagot ni Troy.
"Yes or no na lang ang sabihin mo muna Nero, okay? Love love ka naman ni lolo" malambing na sabi ko kay Nero.
"Aye aye captain!" sagot niya. Buti na lang hindi sablay.
"Lumanghap lang kayo ng sariwang hangin mga apo. Inhale, exhale, inhale, exhale, inhale, exhale.." sunod lang sila nang sunod.
Nasa kalagitnaan kami ng paglanghap ng sariwang hangin nang may tumalbog na bola malapit sa amin.
"Opps, sorry po" gumulong ang bola malapit sa beach bed ni Troy. Kita ko na napapangisi sa amin ang binata. Ayusin niya ang buhay niya mga apo ng Don ang nginingisian niya.
Nang makalayo na ito ay nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya na akala niya siguro ay hindi ko narinig.
"Nalito ako sa dadamputin ko, akala ko bola ulo pala ng bata.." walang modo!
"Tandaan nyo ang mukha non! Tandaan nyo ang mukha ng mayabang na 'yon mga apo. Kapag lumaki kayo agawan nyo ng girlfriend! Wala naman siyang sinabi sa kagwapuhan niyong lima! Huwag niyang nilolokong kalbo ang mga apo ko! Agawan nyo ng girlfriend kapag lumaki kayo!" dinampot ko ang telepono ko at kumuha ako ng litrato ng lalaki. Isinend ko ito kay Kevin na siyang tauhan ko.
'Hanapin mo ang sasakyan, butasin ang gulong. Tanggalin mo rin ang side mirror'
"Yes he's ugly!" mabilis na sabi ni Troy.
"Panget!" natatawang sabi naman ni Aldus.
"He's the enemy!" si Tristan naman.
"Poor!" tama 'yan Owen. Agad akong naalerto at tinawag ko na ang pangalan ni Nero.
"Nero apo.." humihigop na lang ito ng buko juice.
"Good boy! Now, Dj Tristan turn on the music!"
"Aye aye captain!" pinindot ni Tristan ang radio na malapit sa kanya. At umalingawngaw ang malakas na kantang pang Hawaiian. Pinahanda ko talaga 'yan.
Huwag nilang hinahamak kaming mga kalbo. Marami kaming pera, nag uumapaw. Magagandang lalaki pa.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top