Chapter 74
Chapter 74
Nangangatal akong lumingon kay Nero na hindi maintindihan ang naging reaksyon ko.
"Nero.." hindi ko na alam ang sasabihin ko. I can't just blame him like what I used to do. Ginawa niya ang alam niyang tama, he's after his guilt, he's after his mistakes.
Pero wala na talagang magagawa kay Cassidy, mukhang hindi na siya kayang gamutin. Nilamon na si Cassidy nang matinding galit at ito ang pinakamahirap gamutin sa lahat.
"Nero.."
"What happened to you Florence?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Wala akong makuhang lakas para sagutin siya, nakatitig lang ako sa kanya at walang masabi.
Anong gagawin namin? Anong dapat naming gawin? Our babies are too far from us.
"Florence, answer me—" nawala ang atensyon niya sa akin nang muling tumunog ang telepono.
This time Nero answered the phone.
"Who's this? Tristan?!" ilang segundong natahimik si Nero hanggang sa tuluyan nang kumunot ang noo niya. Narinig ko ang pagmumura niya bago niya iritadong ibinato ang telepono ko.
"Shit! We need to go..shit! shit! This was all my fault!"
"Anong gagawin natin Nero? Ang layo ng Laguna dito, kailangan tayo ng mga bata." Naiiyak na sabi ko.
"Nagpatawag na si Tristan sa mga taga pulis Laguna, we need to contact mom and dad." Kita ko rin ang pangangatal ng mga kamay ni Nero. Hindi na kami nag aksaya ng oras.
Lakad takbo kami sa paglabas sa mansion habang pilit niyang tinatawagan sa kanyang telepono si Mama at Papa.
"Fvck! Answer the phone Mama!" sigaw ni Nero.
"Nero, subukan mo ang number ni Papa." Nanghihinang sabi ko.
Ibinaba ni Nero ang kanyang telepono at tinawagan naman niya si Papa. Nang makita ko ang reaksyon ni Nero pagkatapos niyang idial ang telepono ni Papa ay bahagya akong napahinga ng maluwag.
I picked up the phone.
"Pa! Nasaan kayo? Huwag kayong aalis sa bahay, lock the door! Keep the triplets safe." Nakaloud speaker ang kanyang telepono para marinig ko ang kanilang pag uusap.
"What? What are you talking about son? Sa Mama mo ikaw tumawag, siya ang kasama ng triplets." Nasapo ko na lamang ang bibig ko para pigilan ang pag iyak ko. Sila lang? Wala silang kasamang lalaki? Nero can't contact his mother anymore.
"What Pa? Hindi ba at magkakasama kayo sa Laguna?!" mas lalong lumakas ang pagsigaw ni Nero.
"What is happening Nero? Umalis na ako kagabi dahil may aasikasuhin pa ako. Your mother can handle your kids." Hindi na nakasagot sa kanya si Nero dahil nanghihina na nitong naibaba ang kanyang kamay.
"Fvck! Kasalanan ko ito! Florence.." hinawakan ko ang kamay ni Nero.
Hindi ko rin alam kung ano pa ang mangyayari sa akin kung may hindi magandang mangyari sa aming mga anak. Baka mabaliw ako o baka ikamatay ko na.
I've experienced enough since I was a kid, from my mother's death, Tristan's fake death, my kidnapping incident and now, my kids. Minsan naitatanong ko na lamang, bakit lagi na lang ako? May napakabigat ba akong kasalanan para laging makaranas ng ganito?
Baka hindi ko na makayanan at ako na mismo ang mawala sa tamang katinuan. Pero sa pagkakataong ito, kailangan namin maging matatag para sa isa't isa.
Nangako na kami sa isa't isa na hindi na kami kailanman mag iiwanan, through thick or thin. Hinigpitan niya ang mga kamay niya sa akin habang sabay kaming humahakbang papalabas ng mansion.
Kapwa kami napatingala sa himpapawid dahil sa malakas na ingay na umagaw sa aming atensyon.
"Tristan.." sabay na sabi namin ni Nero.
There's a chopper.
Hindi na kami nagsayang ng oras, nagmadali kaming nagpunta sa lugar na paglalandingan ng dalang chopper ni Tristan. Kabababa pa lamang nito ay agad bumaba si Troy, Owen at Aldus.
"Faster!" sigaw sa amin ni Troy.
Halos tumakbo na kami ni Nero, nagmadali na kaming pumasok at kinakabahan na akong naupo. Kung nasa ibang pagkakataon ako bago mamangha pa ako sa ganda ng dalang chopper ni Tristan.
I am expecting that he'll use a military type helicopter, but we ended up sitting in a first class chopper or should I better call this as a luxury chopper?
Si Nero na mismo ang nag ayos ng seatbelt ko. Wala sa magpipinsan ang nakapagsalita habang nagsisimula nang lumipad ang chopper.
"How did you know?" tanong ni Nero sa kanyang mga pinsan.
"May tumawag sa akin, it's unknown." Sagot ni Troy.
"Ganon din sa akin," sabi naman ni Owen.
"Sapphire told me, may tumawag din sa kanya. Hindi ko na siya pinasama." Tumango ako sa sinabi ni Aldus.
"Gaano tayo katagal sa ere?" tanong ni Nero.
"45 mins, nasa Laguna na tayo. Have you called your relatives in Laguna Nero? Natawagan mo na ba si Tita? This is damn serious." Hindi na tumitigil ang pangangatal ng mga kamay ko.
Sobrang tagal pa namin sa ere at marami pang pwedeng mangyari sa oras na nasa himpapawid pa kami. Ang mga anak ko.
"I've been calling my relatives, but I can't reach any of them. Shit!" Hindi na ako magtataka kung bigla na naman ibato ni Nero ang telepono.
Bakit hindi sumasagot sa tawag si Mama?
"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo Nero na huwag ka nang lalapit sa babaeng 'yon!" biglang sabi ni Owen na ikinagulat ko. Ibig sabihin, alam din ng magpipinsang ito na nakikipagkita si Nero kay Cassidy.
"Alam nyong lahat? At kinunsinte nyo pa ang pinsan nyo?" bakit pa nga ba ang magtataka. No to secrets, Ferell's brother code.
"Hindi ko kinonsinte ang gagong 'yan. From the very start, I never liked that Cassidy. Her case was not all your fault Nero, matagal nang baliw ang babaeng 'yon. Pinabuklat ko ang medical history niya, simula bata pa lang ay may problema na siya sa pag iisip!" Malakas na sigaw ni Troy.
Pansin ko na natigilan si Nero sa sinabi ng pinsan niya.
"We never told this to you Warden, hindi namin magawang sabihin sa'yo na dinadalaw niya si Cassidy dahil gusto namin ay siya mismo ang magsabi nito sa'yo. Marunong din kaming lumugar apat." Paliwanag ni Aldus.
Hindi ako makasagot sa kanila.
"Wala na kaming balak makisali pa sa pagitan nyong dalawa, but this time? With those little angels involved? Fvck. She needs to go in hell, huwag ang mga tuta ko. Huwag ang triplets." Sa pagkakataong ito, ramdam ko na parang muling hinaplos ang puso ko.
I am so glad that my triplets got the best ninongs, mahal na mahal nila ang mga anak ko.
Nakita kong nagtanguhan ang si Owen at Aldus sa sinabi ni Troy. Hindi kami nakasagot ni Nero sa mga pinsan niya, we have this mixed emotions. Ano na lang ang mangyayari sa amin ni Nero kung wala ang mga pinsan niya na sumusuporta sa amin?
Lumipas ang ilang minuto na wala nang nagsasalita sa amin, hanggang sa marinig namin ang boses ni Nero.
"Mama! At last! Oh god! Nasaan kayo ng triplets? Huwag kayong lalabas, parating na ang mga pulis pa--- What?!"
"Nero.." lahat kami ay nakatitig sa kanya.
"Bakit pa kayo lumabas ng bahay?! Bumalik kayo! You are safe there! May mga pulis na magbabantay sa inyo sa bahay! Where are you? What the ---" lalo akong kinakabahan sa pakikipag usap ni Nero kay Mama.
"You are dri---" hindi na naituloy ni Nero ang sasabihin niya nang mabitawan niya ang telepono dahil sa narinig naming malakas na ingay ng pagputok mula sa likurang parte ng chopper.
"What's that Tristan?!" malakas na sigaw ni Troy. Lahat kami ay napahawak sa aming mga seatbelt.
Ramdam namin na nagsisimula nang lumipad ng hindi maayos ang chopper.
"Anong nangyayari Tristan?!" sigaw naman ni Aldus. Marahas
"Fvck! I don't know, there's something wrong with my controls. We need an emergency landing, someone sabotage this chopper. Damn it! I should have checked this first!"
"What?!" malakas na sigaw ng mga pinsan niya. Pilit sumilip sa bintana ang mga Ferell para tingnan kung may malalandingan kami ng maayos.
Hinawakan na ni Nero ang kamay ko habang mahigpit na rin ang kapit ng magpipinsan sa kanilang mga seatbealt. Bumubulusok na ang chopper na sinasakyan namin.
"Shit! Hold on everyone," ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy ang paghigpit ng kamay ni Nero sa akin.
Why do we have to experience all of this? Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ng magpipinsan habang patuloy kami sa pagbulusok.
Halos mapasigaw na kaming lahat nang mas lalo na namin nakikita ang babagsakan namin.
We're crashing on a broad field, kitang kita namin ang nagtatakbuhang mga magsasaka na mukhang nagulat din maling paglipad ng aming sasakyan.
"Hold on tight!" sigaw sa amin ni Tristan.
Nakailang dasal ang ginawa ko habang marahas nang sumasadsad sa lupa ang chopper, kung hindi mahigpit ang seatbelt malamang ay kanina pang nagpabalik balik sa iba't ibang direksyon ang katawan ko.
Wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko hanggang sa tumigil sa pagkilos ang chopper.
"Florence.."
"Huwag na tayong mag aksaya ng oras! We need to move! Sasabog ito!" muling sigaw ni Tristan.
"Shit! Shit! What is damn happening with us?" nagmamadaling nagtanggal ng seatbelt si Nero at tinulungan niya akong magkalas.
Nagmadali na rin lumabas ang mag pipinsan at pilit nilang itinaas ang kanilang mga kamay para balaan ang mga taong huwag lumapit sa amin.
"Run! Fvck! I am serious!" kanina pang sigaw nang sigaw si Tristan. Inaalalayan ako ni Nero habang tumatakbo kami sa gitna ng palayan. Kasabay naming tumakbo ang kanyang mga pinsan.
"Faster! Aabutan tayo ng pagsabog!"
Nakita kong ilang beses lumingon si Tristan sa chopper na tinakbuhan namin.
"Shit! Down!" hindi ko na nasunod ang utos sa amin ni Tristan pero si Nero na mismo ang yumakap sa akin para agad kaming makapada sa lupa para sa maiwasan sa malakas na pagsabog.
Mahigpit ang yakap sa akin ni Nero para maprotektahan ako, pakinig ko ang magsabog at malakas na pagliliyab ng apoy.
"How's everyone?!" tanong ni Tristan.
"Buhay pa ako, tang ina!" malutong na mura ni Troy.
"Breathing," sagot ni Owen.
"Shit, what the hell is this?"
"Are you alright Florence?" nanghihina akong tumango kay Nero.
Mabilis naglapitan sa amin ang mga tao para tulungan kami at ilayo sa malaking pagsabog. Nandito kami para tulungan ang mga anak namin, bakit nauwi kami sa ganito?
Pero hindi pa man kami nakakaalis sa malaking palayan, halos lahat kami ay napayuko dahil sa isa pang napakalakas na pagsabog. Para may kung anong bagay na sumuntok sa dibdib ko nang makita ko ang makapal na usok mula sa di kalayuan.
"May isa pang aksidente! Yung sasakyan ng mayamang babae na may kasamang mga bata!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top