Chapter 69

Chapter 69


Para akong binagsakan ng langit at lupa nang iwan na kami ni Nero ng doctor pagkatapos nitong ipaliwanag ang nangyari sa akin.

Ilang beses akong nagdasal na sana hindi ako buntis, na sana tama ang PT, sana hindi na lang ako nagpumilit mabuntis. Wala sanang mawawala, hindi sana ako nawalan.

Nakaupo ako sa kama habang nakatayong tulala si Nero. Walang makapagsalita sa amin dalawa, nawalan kami ng anak. Nalaglag ang bata sa sinapupunan ko, nalaglag ang baby ko.

Ang baby girl ko.

Hindi ko na magawang umiyak, sa halip ay humihigpit lamang ang pagkakakuyom ng kamay ko sa puting kumot na gamit ko.

Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko, galit, sakit, lungkot, panghihinayang at walang katapusang panunumbat.

Kahit hindi ako nakatitig kay Nero, ramdam ko na papalapit na siya sa akin.

"Iwan mo muna ako Nero, gusto kong mapag isa. Parang awa mo na," matigas na sabi ko sa kanya.

Hindi na magiging maganda ang pakiramdam ko kapag nasa iisang kwarto kami, alam kong hindi ako marunong mag ingat sa pagkilos ko dahilan kung bakit ako nadulas, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong isumbat kay Nero ang lahat.

This was all started because of his damn secrets. His secrets killed my baby girl. His damn secrets again! Again and again! How can he do this to me?

Talaga ba na kailangan ko itong maranasan dahil sa hirap na pinaranas ko sa kanya noon? Hindi ba at nasaktan din naman ako? Pinagsisihan ko na noon pa man ang mga kasalanan ko sa kanya, alam kong mali ako sa mga desisyon ko noon pero bakit kailangang bumalik sa akin ang lahat?

"Florence, I can't leave you like this." Halos manlisik ang mga mata ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"I said I need some time alone, Nero. Kahit naman sana ngayon pakinggan mo ako, ayaw kitang makita! Ayaw kitang makita! Utang na loob, pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko!" hindi ko na napigil ang biglang pagpatak ng mga luha ko.

Buong akala ko ay wala na akong kayang ilabas na luha pero ito at nag uunahan na itong lumaglag mula sa aking mga mata.

"Florence..baby, I'm sorry.." nang nagtangka siyang lumapit sa akin ay umiiling akong umatras sa kama.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko makaya ang sarili kong magpahawak sa kanya sa mga oras na ito.

"Huwag mo akong lapitan Nero, iwan mo na ako. Gusto kong mapag isa, huwag mo akong hawakan, huwag mo akong hawakan." Natigilan siya sa sinabi ko at hindi niya naituloy ang paglapit sa aking kama dahil sa naging reaksyon ko sa kanya.

"Florence, I'm sorry. You know that I can't leave you like this, hindi kita iiwan nang ganito. Nawalan din ako Florence, nawalan din ako ng anak." Lalong kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi niya.

"We've lost our baby because of you! It was all because of your damn secrets! Lagi ka na lang ganyan Nero, lagi ka na lang ganito sa akin. Mahal naman kita. Mahal na mahal naman kita, pero bakit mo ko laging ginaganito? Paulit ulit mo akong pinaglilihiman, paulit ulit mo akong sinasaktan." Halos mangatal na ang boses ko dahil sa pagsigaw sa kanya.

"Florence, baby..calm yourself. We can't fight like this right, hindi maganda para sa kalagayan mo." Nang muli siyang akmang lalapit sa akin ay mas malakas akong sumigaw sa kanya.

"Parang awa mo na Nero! Iwan mo na muna ako! Hindi ko kayang kumalma habang nandito ka! Iwan mo ako! Iwan mo muna ako, nakikiusap na ako sa'yo!" pagkatapos nang malakas kong pagsigaw ay nabuksan ang pintuan.

"Florence!" nag aalalang kapatid ko ang nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin. Kasama niya si Aldus na lito na rin ang mukha dahil sa biglaang nangyari.

"What is damn happening? Pakinig ko ang sigaw mo Florence hanggang sa labas," yumakap na ako nang mahigpit kay Sapphire at mas lalo akong humagulhol dito.

"Ang baby ko Sapphire, ang baby ko. Ang baby ko Sapphire, napakapabaya ko. I should be careful. I've lost my baby, I've lost my baby girl."

Hindi ako sinagot ni Sapphire sa halip ay hinagod niya ang likuran ko.

"Florence.." narinig ko ang tawag sa akin ni Nero.

"Paalisin mo siya Sapphire, paalisin mo siya." Paulit ulit na sabi ko.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa? Bakit biglaan? I thought you're not pregnant?"

Hindi ko magawang magsalita tungkol sa buong nangyari, pakinig kong magsisimula na sanang magsalita si Nero nang muling mabuksan ang pintuan.

Dumating pa ang dalawang Ferell, si Owen at Troy.

"Shit, what happened?" tanong ni Owen.

"Don't worry, nasa bahay nyo na si Tristan. Siya ang bantay sa triplets." Agad na sabi ni Troy.

"Florence.." muling tawag sa akin ni Nero. Kumalas ako sa yakap ni Sapphire at marahas kong pinahid ang luha ko.

"Owen, Troy, Aldus sa inyo na ako nakikiusap. Send your cousin out, we've lost our baby because of him. We've lost our baby girl because of his damn secrets, I had enough Nero. Hindi ko na kaya.."

"Florence.." mahinang tawag sa akin ni Sapphire.

"I can't look at him right now, I just can't please." Nagmamakaawang sabi ko.

"Florence, I'm sorry. Please don't be like this, I love you."

"No, you are not.."

"I love you, Florence naman.."

"Aldus, kailangan ni Florence ng pahinga. Nero, please? Hayaan mo munang magpahinga si Florence. She'll talk to you once she recovered." Hindi ako nag aangat ng paningin kay Nero.

"Florence.." kumikirot ang dibdib ko kapag tinatawag niya ang pangalan ko.

"Aldus, Troy, Owen please.." nakikiusap na rin si Sapphire.

"No, bakit nyo ako palalabasin? She's my wife!" angil na sabi ni Nero.

"But she can't even look at you! Bakit ba ang titigas ng ulo nyong mga Ferell kayo?!" sigaw na rin ng kapatid ko.

"Nadamay pa.." narinig kong sabi ni Owen.

"Nero let's go.." sabi naman ni Troy.

"No, hindi ako lalabas. Sa pagitan namin ito ni Florence, bakit hindi kayo ang lumabas? Give us some time alone," madiing sabi ni Nero.

"Then what? Let my sister die of stress because of you?! Ano na naman ba ang ginawa mo sa kapatid ko Sebastian?!"

"Shit, let's end this." Agad na sabi ni Aldus.

Walang nagawa ang pagpupumiglas ni Nero nang pagtulungan siyang palabasin ng mga pinsan niya habang tinatawag niya ang pangalan ko. Kung pwede ko lamang takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang pagtawag niya ay nagawa ko na.

Naiwan kami ng kapatid ko sa kwarto, hindi siya nagsasalita at alam kong pinakikiramdaman niya ako.

"He's meeting with Cassidy, Sapphire. Si Cassidy ang dahilan kung bakit siya ginagabi ng uwi, pinaglilihiman niya na naman ako, nagsisinungaling na siya sa akin. Paano pa namin ipagpapatuloy ang pamilya namin kung sa umpisa pa lamang ganito siya?"

"Fvck! What is damn wrong with him? Hindi niya ba kilala ang babaeng kinikita niya? Why is he meeting with that Cassidy?!"

"His reason is acceptable Sapphire, yes he can support Cassidy financially. Kahit ako ang tanungin, malaki ang dahilan ni Nero kung bakit nagkaganito si Cassidy. But the fact that he's also meeting with her without my knowledge? Bakit kailangan niya pa makipagkita sa babaeng muntik nang pumatay sa asawa at anak niya?"

"He's an asshole.."

"Sapphire, napapagod na ako kay Nero. I love him, I love him so much, pero bakit ganito ang isusukli niya sa akin? Nangako na kami na wala na kaming ililihim sa isa't isa pero bakit paulit ulit niya pa rin itong ginagawa sa akin?"

Pinatigil na ako ni Sapphire sa pagsasabi sa kanya ng lahat. Sinabi nito sa akin na mas mahalaga sa kanya na magpahinga ako kaysa malaman niya ang buong pangyayari.

Tatlong araw akong tumigil sa hospital, sinabi ko na hindi ko gustong dalhin ang triplets sa hospital kaya si Sapphire at Nally na lamang ang halinhinan sa pag aalaga sa kanila.

Nasa labas lang ng kwarto ko si Nero at nakakapasok lang siya kapag natutulog ako. Hanggang sa makalabas ako ng hospital at bumalik ako sa bahay ay malamig ang pakikitungo ko kay Nero.

Gusto ko man lumayo sa kanya katulad ng dati, hindi ko na ginawa dahil alam kong posibleng madamay na naman ang dalawang pamilya. Mas pinili ko na lamang bumalik sa bahay kasama niya kahit hindi man lang nabawasan ang galit ko sa kanya.

He's giving me space, tulad ng gusto ko. Isang buwan kaming hindi magkatabing matulog, hindi ako nagsasalita sa kanya kung hindi importante.

Nakiusap ako kay Gio na pagtakpan ang buong nangyari, ayokong malaman ng mga Villacorta at Almero na nalaglagan ako dahil sa pagtatalo namin ni Nero.

Malaki ang paniniguro ko na mabubugbog ng mga tiyuhin ko si Nero, ayokong mangyari ito. Hindi dahil ayaw ko siyang masaktan kundi dahil gusto kong presentable si Nero humaharap sa mga anak ko.

Tulad ng dati ay sanay ang tripets na hinihintay si Nero, maaga na siyang umuwi ngayon. Simula nang lumabas ako ng hospital, hindi na kami nag usap tungkol sa mga kalokohan niya. Ayoko na.

He tried to explain again, but I refused to listen. Magtatalo na naman kami, hindi ko pa kaya. Kahit ngayong isang buwan na ang nakakalipas, sariwang sariwa pa rin sa akin na nawalan kami ng anak.

"Rance, Tovar, Vino!" lumapad ang ngiti ng triplets nang marinig nila ang boses ni Nero. Sabay sabay pa nilang ipinalakpak ang kamay nila habang papalapit ang daddy nila.

"Binantayan nyo ba si Mommy nyo?" umismid ako sa sinabi niya. Kalong ko ngayon si Rance, binuhat naman ni Nero si Tovar at Vino. Nakailang halik siya sa dalawang batang buhat niya.

Hindi ako gumalaw nang lumapit siya sa akin. Alam kong hahalikan niya si Rance na tuwang tuwa rin makipag lips to lips sa daddy niya. At nang akmang ako naman ang hahalikan ni Nero, mabilis kong iniliihis ang mukha ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa ginawa ko.

"Nakahanda na ang pagkain, you can eat. Patutulugin ko na ang triplets."

"What about you? Kumain ka na?"

"Yes.." tipid na sagot ko.

"Hindi mo na ako hinihintay sa pag---" tumaas ang presyon ng dugo ko sa dapat niyang sasabihin.

"Dala mo ang plato Nero? Hinihintay kita dati sa pagkain para lagi tayong sabay kahit gutom na gutom na ako, pero anong ginawa mo? You are damn eating with someone else while your wife is waiting for you! Sa tingin mo mahihintay pa kita sa pagkain ngayon?!" napatitig sa akin ang triplets dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. Anumang oras ay alam kong iiyak na naman sila.

"Florence.."

"Nero, I want an annulment."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top