Chapter 68
Chapter 68
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Nero. At ang pag iyak lang ng triplets ang naririnig namin sa loob ng kwarto.
How did he know? Since when? Bakit ngayon niya lang ito sinabi sa akin? Who told him about this Aylip? Matagal na akong wala dito at hindi ito magandang dahilan para maglihim siya sa akin.
"How did you know? Hanggang saan ang nalalaman mo tungkol sa aylip? May naging epekto ba ang lihim ko sa relasyon natin? How can you even compare it to your own lies Nero? Sinaktan ba kita dahil miyembro ako ng aylip? How about your secret? Ilang beses mo na akong sinaktan?" halos pumiyok pa ang boses ko sa pangangatwiran sa kanya.
Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko lang ang mga kamay niya. Nagmadali akong lumapit sa triplets habang lumuluha na rin ako.
Nakasunod sa akin si Nero at pilit niyang gustong hawakan ang braso ko.
"Don't touch me!" pabalya kong tinabig ang kamay niya.
"Florence listen to me," hindi ko siya pinansin. Binuhat ko muna si Tovar at sinimulan ko siyang patahanin.
"Sorry, ang ingay ni mommy." Kagat labi akong umiiyak habang pinatatahan ko ang anak ko. Gusto ko rin buhatin ang natitirang dalawa na umiiyak pero si Nero na ang bumuhat sa kanila.
"Florence.." kung wala akong buhat na bata baka napaghampas ko na siya. Gusto kong kalmutin ang mukha niya dahil sa katwiran niya, nag iinit ang ulo ko sa kanya, tumataas na naman ang dugo ko.
Shit.
Tinalikuran ko siya at mas binuhos ko ang atensyon ko sa pagpapatahan sa bata, pero kahit anong gawin ko nagpupumilit sumingit ang galit ko kay Nero.
Biglang bumalik ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, simula nang itago niya si Daddy. She is like his mother! Itinago ni Mama si Daddy gamit si Amira, nauna rin malaman ni Nero na buhay si Daddy, bakit sa halip na agad niyang sabihin na buhay ang Daddy ko ay itinago niya pa sa akin? Why is he enjoying keeping secrets from me?
Hindi ko mapigilang isipin ang mga sama ng loob ko sa kanya, ang hindi niya pagtitiwala sa akin na umabot na sa pagkakagulo ng mga pamilya namin, tapos ito naman?
Hindi ako nasasaktan dahil sa perang nawala, I have plenty of money to burn! From Almero to Villacorta? I don't need Nero's money. But the fact that my husband is damn meeting with his ex? The girl who used to be in his arms? kahit ilang beses pa itanggi sa akin ni Nero, kahit sabihin niya sa akin na hindi sila totoong nagkarelasyon. Hindi ako maniniwala na kahit isang beses walang halik o nangyari sa kanilang dalawa.
Hindi sobrang mababaliw si Cassidy kay Nero kung hindi niya ito natikman! I am a woman! Alam ko 'yon.
I am fine if Nero will shoulder all Cassidy's expenses, pero bakit kailangan pa siyang magkipagkita sa kanya?
May asawa na siya! Hindi niya ba naiisip ang mararamdaman ko? My secret as an aylip is not a damn excuse.
"Florence, tulog na si Tovar." Pakinig kong sabi ni Nero mula sa aking likuran. Nang humarap ako ay agad ko siyang iniwasan at tahimik kong ibinalik sa kanyang higaan ang anak ko.
Nang masilip ko na si Rance at Vino ay nagmadali na akong lumabas ng kwarto namin. Ramdam ko na pagsunod sa akin ni Nero.
"Florence, ayusin natin ito. We can't always fight like this." Fvck you!
"Huwag mo akong kausapin! Hindi ko kayang intindihin 'yan katwiran mo Nero."
"Florence," hindi ako nakatuloy sa paglalakad nang hablutin ni Nero ang braso ko.
"Let me explain baby, naglihim ako sa'yo dahil ayoko nang sobra ka nang mag isip tungkol kay Cassidy. You experienced the worst with her, and I made her do the worst. Everything was all my fault, itinatama ko lang ang kasalanan ko at hindi na kita idinadamay."
"Nero! It is damn fine with me if you want to help her! But you are damn meeting with her! Hindi na tama 'yon Nero! At lalong hindi ko alam? Baka hindi pa ako ganito kagalit sa'yo kung ginagastusan mo lang siya, I can understand! But why do you need to meet with her? Is it part of the medication?! You are meeting with the woman you once shared your bed with, without any knowledge of your wife! At nagsinungaling ka pa sa akin para sa kanya! Sa tingin mo anong mararamdaman ko? Happy that my husband is damn responsible for his mistake!?" halos kapusin ako sa paghinga sa haba ng sinabi ko.
"I am just trying to apologize Florence,"
"Apologize?! Muntik niya na akong patayin at ang mga anak mo! Why are you doing this to me Nero? Gumaganti ka ba sa akin dahil sobra kitang pinahirapan bago tayo nakasal? Pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko sa'yo noon, sa paulit ulit na hindi ko pagpili sa'yo. Nagsisisi na ako, pero bakit kailangan mong gumanti sa akin?!" wala nang tigil ang pagluha ko sa kanyang harapan.
"What the—Florence, what are you talking about? Hindi pumasok sa isip ko na gantihan ka! Stop thinking like that!"
"Then, what's this? Anong ginagawa mo sa akin Nero? Stop lying! Stop keeping secrets! Sinasaktan ako ng mga sekreto mo! And that Aylip? I can give you the damn whole story! Huwag na huwag mong ibabato sa akin ang sekretong 'yan dahil sa umpisa pa lamang, iniwan ko na ang organisasyon na 'yan dahil mahal kita. Then what? Ginagamit mo ito para isumbat sa akin na wala akong karapatan magsumbat sa'yo tungkol sa mga sekreto mo dahil meron din ako?!"
"Because you are always insisting that my secrets are always intended to hurt you, it was not like that Florence."
"Hindi nga ba? Nasaktan ako nang itago mo si Daddy! Si Tristan! Ang kaalaman na kilala mo na pala ako simula pa lang! That everything was all planned! Then this? Sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan?"
"Florence, hindi ko agad sinabi sa'yo na buhay pa si Dad dahil sa kondisyon niya! Inisip ko ang mararamdaman mo kung sakaling ipagtabuhayan ka niya dahil wala pa siyang alaala sa'yo. I did hide Tristan because of his dangerous identity, hindi pa ayos ang trabaho ni Tristan noon. At itinago ko ang pakikipagkita kay Cassidy dahil alam kong kahit pumayag ka hindi pa rin maiiwasan ang pagsama ng loob mo."
"But still! Kahit anong klase ng paliwanag mo Nero, mali pa rin! Okay, you have a point for my Dad and Tristan. What about your secret about Cassidy?! May nakaraan ka sa babaeng 'yon! Anong mararamdaman mo Nero kapag nalaman mo na nagkikita pala kami ni Ashong?!" malakas na sigaw ko sa kanya.
Kitang kita ko ang pagtatangis ng bagang niya sa sinabi ko.
"Let's stop this fight Florence, I'm sorry then. I'm sorry." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Just like that?
"See? Kahit ikaw hindi mo maisip ang sarili mong ginawa. That is my damn feeling, Nero nasasaktan ako dahil sa sekreto mo. Naghahalo halo na, galit, inis, selos! I felt so betrayed by my own husband." Tatalikuran ko na sana siya nang muli niyang hablutin ang braso ko.
"Florence, I will never cheat on you. Walang ibang dahilan ang pakikipagkita ko kay Cassidy, it was all because of my guilt. Wala nang iba, I love you. I'm sorry Florence." Umiling ako sa kanya.
"No, paulit ulit na lang na ganito Nero. Your secrets will definitely wreck us apart." Hinawakan na ni Nero ang magkabilang braso ko.
"What? Hindi ba at nagpaliwanag na ako sa'yo Florence? Pareho lang tayong naglilihim sa isa't isa Florence, I am not the only one. But I can always understand you." Napapahanga na ako sa katwiran nitong si Nero.
"Because my damn secret is understandable! Sinaktan ka ba ng aylip? Nasaktan ba kita dahil sa aylip? They did help me in million times! Nasa harapan mo ako, buhay at humihinga dahil sa kanila!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at muli ko siyang pinaghahampas.
"But you tried to break my heart because of that organization, right Florence? While I'm busy protecting you inside our mansion, you're busy plotting on how will you break my heart. Kaya ba iniwan mo ako noon Florence?" natigilan ako sa sinabi niya.
Saan niya na naman nakuha ang mga ganito? Bakit lagi na lang siya nabibilog ng mga tao? Why can't he just ask me?
"Who told you that?! Kanino ka na naman nakikinig Nero?! So ngayon bumabawi ka sa akin dahil nalaman mo na iniwan kita dahil pinagplanuhan ko nang matagal na saktan ka?! Ako na naman ang masama ngayon?! Ako na naman! Kung kanino ka na naman nakinig! Ako na lang lagi ang mali! Ang masama! Bitawan mo ko!" lalong bumuhos ang luha ko.
Malakas akong nagpumiglas sa kanya at agad ko siyang tinalikuran.
"Florence! Ano ba ang sinasabi mo?! Hindi ako bumabawi! I'm sorry! I'm sorry baby, that was the last. Let's make up, huwag tayong mag away nang ganito. We can't always fight like this." Hinahabol na niya ako sa pagbaba ng hagdan.
Marahas akong lumingon sa kanya.
"Bakit ang dali dali sa'yong makinig sa iba?! Hindi mo ba naintindihan ang mga sinabi mo sa akin Nero?! Masyado ba kitang pinahirapan noon at ganito ang nararanasan ko nga--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magkamali ang pagkakatapak ng kanan kong paa dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse at madulas ako sa hagdan.
"Florence!" malakas na sigaw ni Nero.
Kahit ilang baitang na lang ng hagdan, ramdam ko pa rin ang sakit pero ang mas ipinagtaka ko ang biglang pagtindi ng pagsakit ng puson ko.
Dinaluhan na ako ni Nero at akma na niya akong bubuhatin habang namimilipit na ako sa sakit nang mapansin ko na may dugo na sa mga hita ko.
Pakinig ko ang malutong na mura ni Nero. Ilang beses akong umiling habang nakikita ko ang dugo. I delayed, pero negative ang lumabas sa PT ko. But what's this? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Hindi ako buntis, hindi ako buntis Nero. Hindi pa ako buntis..hindi mali ang PT. Hindi pa ako buntis.." Binuhat na ako ni Nero habang walang tigil ako sa pag iyak.
"I'm sorry Florence.." hindi ko na nagawang iwasan ang halik niya sa aking noo. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon. Physically and emotionally.
"Nero, not my baby girl.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top