Chapter 66

Chapter 66


Sinabi namin sa mga ninong na uuwi na kami ngayong araw, hihintayin na lang daw nila kami sa aming bahay kaya inaasahan na namin na kumpleto silang madadatnan.

Nagpasundo na lang kami sa van dahil pagod na si Nero para magmaneho pa, halos dalawang linggo siyang sumisid nang sumisid at gumapang nang gumapang, sinong hindi magpapagod?

Nasa likod kami ng sasakyan at nakaakbay siya sa akin habang nakahilig ako sa kanya.

"I won't ever forget our vacation Florence, ngayon mo lang natandaan ang birthday ko." Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Sa pagkakatanda ko ay binati ko naman siya noong kabilang taon.

"Binati kita last year Nero, hindi mo tanda?"

"Pinaalala pa sa'yo ni LG," matabang na sabi niya.

Noong hindi pa kami kasal dalawa ni Nero, ni minsan hindi na sumagi sa akin ang mga birthday namin. Masyado na kaming maraming iniisip noon.

"I'm sorry for that, but we can always spend your birthdays together. From now on together with our more more babies." Ngumisi siya sa akin bago niya hinalikan ang noo ko.

"I hope they're all fine," yumakap na rin ako kay Nero.

"Don't worry, mukha naman silang ayos lahat. They look enjoyed, maganda rin na may bonding sila sa mga ninong nila." Nagkibit balikat na lamang si Nero.

"Why? Ayaw mo ba? Are you jealous Nero?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Nero, don't get jealous. Mahal na mahal ka ng triplets, kahit isang linggo o buwan pa nilang kalaro ang mga ninong nila, they can't replace you. The triplets will always look for their Daddy." Paliwanag ko sa kanya.

"I know, I am not jealous Florence." Maiksing sagot niya.

"Okay," hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

Kalahating oras yata kaming hindi nag usap ni Nero, pero nakahilig pa rin ako sa kanya.

"Nakabuo kaya tayo Nero?" pansin ko na napatingin ang rearmirror ang driver dahil sa tanong ko.

"Yes, I'm sure." My handsome husband answered me confidently.

"Sana babae na," hinawakan ko ang tiyan ko na parang may bata na dito.

"Sana nga, do you think you'll have that habits again? Ang paglilihi mo? Maaga pa lang magpapahakbang na ako sa'yo Florence." Bigla na lang akong natawa sa sinabi niya.

"Seriously Nero?"

"I am serious,"

"By the way, nasaan si LG? Bakit hindi ko siya masyadong nakikita?"

"He's travelling from different countries, maybe touring? Nagbabawas ng pera ang matanda." Simpleng sagot nito na parang bumibili lang ng candy si LG sa iba't ibang tindahan.

"May kasama siya?"

"Wala,"

"Nakakaya pa ni LG? Dapat may kasama na siya, medyo matanda na rin siya."

"Malakas pa si LG, Florence. Sinabi niya rin sa akin na minsan, hihiramin niya ang triplets. Is it okay with you?" mabilis akong tumango kay Nero.

"Why not? Wala naman akong problema kay LG."

"Good to know," pinisil ni Nero ang ilong ko.

Muli kaming natahimik dalawa pero pansin ko na parang may gusto pa na sabihin sa akin si Nero pero mukhang nag aalinlangan pa siya.

"What is that Nero?" hindi ko na napigilang magtanong sa kanya.

"Florence..you know.. my mom called, gusto niya rin makasama ang triplets. Kung ayaw mo naman, it's fine with---" marahas akong umiling sa kanya.

"No! It's okay, bakit ko naman pagbabawalan ang triplets sa kanilang lola? Labas ang mga anak natin sa hindi namin pagkakaintindihan namin ni Mama, hindi ko sila pagbabawalan na makilala ang kanilang lola. It's okay Nero," Giit ko sa kanya.

Wala sa isip ko na ilayo ang loob ng mga anak ko sa mga magulang ni Nero. Hindi na kailangang ipaabot pa sa mga bata ang alitan ng matatanda. Kung hindi man kami magkaayos ni Mama, masaya na akong wala siyang problema sa mga anak ko.

"Thank you Florence," muli akong hinalikan ni Nero sa aking noo.

"You don't need to thank me, karapatan 'yon ng mga anak natin." Sagot ko sa kanya.

"Happy to have a beautiful kind hearted wife."

Buong biyahe ay nagkuwentuhan lang kami ni Nero, paminsan ay nagnanakaw ng halik kapag alam namin na hindi na makakasilip sa amin si Manong, nagtatawanan at naglalambingann.

Nakarating na kami sa bahay, si Manong na ang pinagbuhat namin ng mga gamit. Nasa may pintuan si Tristan at abala sa kanyang telepono, naagaw lang ang atensyon niya nang dumating kami ni Nero.

Sa halip na magsalita ito sa amin ay pumasok ito at narinig namin itong bahagyang sumigaw.

"Nandito na ang mag asawa," tumuloy na si Tristan sa pagpasok sa bahay namin habang nakatungo pa rin sa kanyang telepono na pangisi ngisi na parang teenager na may katextmate.

"Tristan, sumasakit ang ulo ko sa pag ngisi mong 'yan." Kahit si Nero ay napansin din ito.

Nag angat ng paningin sa amin si Tristan na parang mas natauhan dahil sa sinabi ni Nero, pinatay niya ang telepono niya.

"Ako ang sumakit ang ulo dahil sa triplets mo, bakit iyak sila nang iyak sa akin?" hindi na kami nakasagot ni Nero nang dumating na si Owen, Troy at Aldus na buhat ang triplets. Nakasuot sila ng costume na parang mga pagong.

Nakikipagtawanan lang sila sa mga ninong na may buhat sa kanila pero nang makita nila kami ni Nero, bigla na lang silang sabay sabay humikbing tatlo hanggang sa sabay sabay na rin silang umiyak. Pilit nila kaming inaabot ni Nero.

"Oh my, my triplets. Namiss nyo si Mommy at Daddy?" sabay na kaming humakbang papalapit sa mga anak namin.

Kinuha ni Nero si Vino at Rance, binuhat ko naman si Tovar. Isa isa nang tumapik sa balikat ni Nero ang kanyang mga pinsan na magpapaalam.

"Sa susunod huwag naman kayo masyadong magtipid, kami na ang nag aalaga? Pag gatas pa namin?" naiiling na sabi ni Troy. Ngumisi lang ako sa kanya, walang pakialam si Nero dahil nakikipaglaro na siya kay Rance at Vino.

Tumango na rin sa akin si Owen, Aldus at Tristan para magpaalam.

"Sige, salamat sa inyong apat. Sa uulitin." Sabay sabay silang lumingon sa akin na parang nagulat sa sinabi ko.

"Nakabuo ba Nero?" tanong ni Aldus.

"Success, magpakasal na kayo. Nakakarami na ako, mahirap na akong habulin." Ngising sagot ni Nero. Lalo lang nangunot ang mga noo ng apat na ninong.

Hindi na nagpaalam ang mga ito kay Nero at nagtuloy na sila sa pag alis.

"Huwag mong laging inaasar ang apat na 'yon Nero, baka mamaya bumuntis sila nang bumuntis. Makahabol lang sa atin." Naiiling na sabi ko.

Walang tigil sa pangiti sa akin si Tovar habang hinahawakan niya ang mukha ko.

"Miss miss mo na si Mommy," ilang beses kong hinalikan ang anak ko. Lumapit din sa akin si Nero para halikan niya si Tovar, hinahalikan ko naman si Vino at Rance na buhat ni Nero.

Tumigil na sa pag iyak ang triplets nang mabuhat namin sila.

"See? I told you Nero, kahit ilang linggo nilang hawakan ang triplets iba pa rin kapag Daddy ang makikipaglaro. Mahal na mahal ka ng triplets, come on babies. Let's kiss Daddy," tumingkayad ako para halikan sa labi si Nero.

Gumaya sa akin si Tovar at humalik siya sa pisngi ni Nero, kahit si Vino at Rance na buhat niya ay nakihalik din sa kanya.

"It's our birthday kiss," ngiting sabi ko sa kanya. Ngumiti sa amin si Nero.

"Thank you for giving me these wonderful triplets, Florence." Pinaglapat niya ang aming mga noo at bahagya naming pinaglaro ang aming mga ilong. Natawa kami ni Nero nang pilit nagsumiksik ang triplets sa gitna namin.

"Inaagawan nyo na naman si Daddy, iiwan ko na kayo sa mga ninong nyo." Ngusong sabi ni Nero.

Buong araw kaming nakipaglaro ni Nero sa triplets pero ilang araw din ay bumalik na sa trabaho si Nero kaya kami na lamang ulit ng mga anak ko ang magkasama.

Mabilis lumipas ang panahon, siyam na buwan na ang triplets. Muli kong sinulyapan ang telepono ko, ito ang pang anim na beses na nagsabi sa akin si Nero na gagabihin siya ng uwi. Lagi niyang sinasabi na may meeting siya pero nang minsan akong tumawag sa secretary niya dahil may importante akong sasabihin ay sinabi nitong maaga pang lumabas si Nero.

Pinalampas ko ang unang beses at natatakot akong tumawag ngayon dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung pareho ang isasagot sa akin ng secretary niya tulad nang unang pagtawag ko noon.

Hindi ko na lamang ito masyadong iniisip, ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa paghihintay sa kapatid ko. Madalas dumalaw sa amin si Sapphire at ngayon ay hinihintay namin siya ng triplets.

"Ang tagal tagal naman ni Ninang, ano kaya ang pasalubong niya sa inyong tatlo?" naglalaro lang sa carpet ang triplets habang nanunuod ako ng tv.

Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang sasakyan ni Sapphire, malayo pa lang ay narinig ko na ang boses niya na tinatawag ang triplets.

"Hey my baby boys!" tuwang tuwang tumabi sa kanila si Sapphire at pinaulanan niya ito ng mga halik.

"Florence, nakasalubong ko sa mall ang dating girlfriend ni Owen. May kapalit na pala agad, I pity Sean Owen Ferell. Umiiyak pa 'yon kay Aldus noong isang araw."

"Hindi ko na alam sa kanila, bakit niya pa iniwan si Owen? Kung tutuusin parang na kay Owen na ang lahat." Nagkibit balikat si Sapphire.

"Maiba ako, I have a bad news little sister. Lumabas na sa mental si Cassidy."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top