Chapter 65
Chapter 65
Ilang araw na akong nagpapasisid at nagpapagapang kay Nero, walang palya. Umaga, tanghali, merienda, hapunan at ang pinakamatinding madaling araw.
Katatapos lang nang pang madaling araw na paggapang, hindi ko alam kung tulog na si Nero na nakayakap sa akin. Abala ako sa pagtingin ng mga pictures ng triplets na ni send ni Aldus.
They are adorable.
"Florence, matulog na ka. May umaga pa para dyan." Bulong sa akin ni Nero, humigpit ang yakap niya sa akin. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtingin ng pictures ng mga anak namin.
"Nero iba ang gagawin natin sa umaga, tandaan mong kailangan nating makabuo ng babae habang binata pa ang mga pinsan mo. Look, hindi mo ba alam na may educational plan na ang triplets dahil kay Troy?"
"Seriously? Baka lagnatin si Troy," idinantay ni Nero ang mabigat niyang binti sa akin at mas pumulupot pa siya sa akin.
"Nero hanggang saan kaya ang yaman ni Troy?"
"Hindi ko alam, matulog na tayo Florence." Muling bulong niya sa akin.
"Why don't you look first to our triplets' pictures? Matutuwa sa kanila." Nagpumilit akong humarap sa kanya, narinig ko siyang napamura sa ginawa ko.
"Masisisid ka na naman Florence, huwag ka malikot. You're bothering him, natutulog na Florence." Natawa ako sa sinabi ng shokoy kong asawa.
"Akala ko ba inaantok ka na?"
"Yes," tamad na sagot niya.
Ilang beses ko siyang pinaulanan ng halik sa labi, sa kanyang pisngi at sa kanyang mga mata.
"Wake up! Wake up Daddy, tingnan mo ang babies natin. Kung ano ano ang pinasuot ng mga pinsan mo sa kanila, they looked so cute. Manang mana sa daddy Nero." Walang nagawa sa akin si Nero.
Bumangon siya at binuhay niya ang lamp shade. Sumadal siya sa headboard ng kama at inabot ko sa kanya ang telepono niya. Naupo rin ako at tumabi ako sa kanya, bahagya kong hinila ang kumot para takpan ang sarili ko.
Nakataas ang kilay ni Nero na humarap sa akin na parang kinukwestyon niya ang ginawa ko.
"Malamig," kibit balikat na sabi ko sa kanya.
"Sit here baby." Ngumisi ako sa kanya.
Naupo ako sa unahan niya habang nakasandal ako sa katawan ni Nero, nakapulupot ang mga braso niya sa akin habang nakasandal ang baba niya sa balikat ko.
"Nilalamig pa ang misis ko?" kinuha niya ang kumot at ibinalot niya ito sa amin dalawa.
"Mas malambing ka pala kapag alas tres ng madaling araw Nero," natatawang sabi ko.
"Anytime Hood," hinalikan niya ako sa aking pisngi bago niya sinimulan magtingin ng picture ng triplets.
"May ipinasa na sila sa akin nang mga unang araw, bago siguro ito." Hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ko habang sabay namin pinapanuod ni Nero ang mga pictures nila.
Unang pictures ay puro selfie ni Troy na siya lang ang nakatingin sa camera at walang pakialam sa kanya ang triplets. Tawa kami nang tawa ni Nero, may mga pictures din sila na puro may chocolate sa mukha.
"Cute dalmatians," ngising sabi ko.
Ang huling picture nila kasama si Troy ay puro sila nakadapa sa kama kasama ang kanilang ninong at nakapangalumbaba sila sa harap ng camera na sobrang daming chocolate sa mukha at kamay nila. Eksaktong tumatawa ang triplets habang si Troy ay nakakunot ang noong hindi na nakatingin sa camera na parang nagulat sa pagtawa ng triplets.
"We need to frame this Nero,"
"Yes.." alam kong natutuwa na din si Nero makita ang mga pictures.
Sunod naman ay puro pictures ng triplets kasama si Owen.
"What the fvck?" napatawa ako sa malutong na mura ni Nero.
Nasa loob ng tatlong maliit na timba na may iba't ibang kulay ang triplets, habang nakababad si Owen sa bath tub na maraming bula.
Makikita sa picture na tuwang tuwa ang triplets sa bula na hinihipan ni Owen.
"Sinong cameraman ng mga 'yan?" nagtatakang tanong ni Nero. Kahit ako ay nagtataka kung paano sila nakuhanan ng ganito kagaganda.
Bigla ko tuloy naalala ang unang beses na nakita ko ang magpipinsang Ferell, they are the most camera shy of all. Masyado silang mga takot sa camera at mukhang nakuha ng mga anak ko ito sa kanila.
Sunod na pictures naman ay kay Aldus, parang natunaw ang puso ko nang makita ko ang pictures ng triplets na nakasuot ng angel habang natutulog at katabi nila si Aldus.
"Oh, they looked so innocent Nero. Ang babait nilang tingnan,"
"Yeah, manang mana sila sa daddy."
Kahit alam kong may pagkashokoy ang apat na ninong ng triplets, hindi man lang ako nag alinlangang iwan ang mga anak ko sa kanila. I've witnessed Ferells on how they value their family, saksi ako ng samahan ng magpipinsan, alam ko kung paano nila pahalagahan ang isa't isa at alam kong doble o triple pa ang ipapadama nila sa mga anak ko.
Minsan ko nang naramdaman kung papaano protektahan at alagaan ng magpipinsan at alam kong higit pa dito ang kaya nilang ibigay sa mga anak namin ni Nero.
Sino ba ang triplets na kasama nila? Anak lang naman ni Nero, ang paborito nilang pinsan. Kahit ilang batuhan pa ng mura ang naririnig ko sa kanila, alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa.
I want to build that to my triplets, sa mga magiging mga anak pa namin ni Nero. Hindi ko man malampasan ang paraan ng pagpapalaki ni LG sa magpipinsan, gusto ko man lang mapantayan ito.
I admired LG so much and I will forever admire him for giving me my Nero Sebastian Ferell with his loving personality. Isama pa ang pagpapakilala niya sa apat na natitirang Ferell.
I can't help but to remember the past, hindi nakakasawang balikan ang nakaraan. Mga unang araw na tumawa kami ng sabay sabay, unang araw na halos isuka na nila ako sa mansion, unang araw na lumuha ako sa kanilang harapan.
Para sa akin hindi lang dapat mahal ka ng lalaki, hindi katwiran na wala kayong pakialam sa nakapaligid sa inyo hangga't nagmamahalan kayo. Dahil sa huli, kahit magbaliktad pa ang mundo may pamilyang nakapaligid sa atin.
May pamilya ako, may pamilya si Nero. We can always feel each other's warmth, but will it never give a better warm without the support and love of our own family.
Nahulog ako kay Nero, hindi lang dahil magandang lalaki siya. Hindi dahil magaling siyang sumisid o gumapang, minahal ko siya dahil sa ugaling meron siya. To love a family oriented guy is the greatest, at alam kong dadalhin ito Nero sa paglaki ng pamilya namin.
Hindi ako nagsising naglayas ng gabing 'yon. Hindi ako nagsising pumasok sa mansion na pinamumugaran ng mga shokoy, sinong mag aakala na ang lalim ng dimples ni Owen ay minsang magpapangiti sa akin? Ang mapupungay na mata ni Tristan ay minsang nagpagaan ng pakiramdam ko, pinatawa ng kalokohan ni Troy at minsang nakinig sa mga salita ni Aldus.
"They love their Ninongs Nero,"
"Yes," kahit hindi ko nakikita si Nero, alam kong nakangiti siya sa mga oras na ito.
"Nakakawala pala ng antok, kaya pala hindi kita mapilit matulog Florence." Muli niya akong hinalikan sa aking pisngi.
Sunod na picture naman ay Tristan, nakasakay na sa crib ang triplets. May hawak na dalawang marshmallow si Tristan at kapwa nakanganga na si Tovar at Rance para subuan habang bahagyang nakanganga rin si Tristan dahil susubuan naman siya ni Vino.
Hindi ko alam kung bakit naluluha ako ngayon, hindi ko maiwasang maalala ang mga pinagdaanan naming lahat bago namin makasama ng masaya ang triplets. Ilang taon, ilang pagtatalo, ilang iyakan at mga pagkakamali.
"I love you Florence," lumukso ang puso ko nang muling bumulong sa akin si Nero.
"I love you too Nero." Ibinaba ko na ang telepono bago muling naglapat ang aming mga labi.
Sino ba ang may sabi na matutulog kami ngayong araw?
"Lamp's off? Lamp's on?" tanong sa akin ni Nero habang pinaliliguan niya ng halik ang leeg ko.
"Lamp's on, my dear husband." Umangat na ang mga kamay ko sa kanyang buhok at sumunod na ang katawan ko sa bawat paglalakbay ng kanyang mga labi.
Tanghali na kami nagising ni Nero, naligo kami ng sabay, kumain sa iisang plato at walang tigil na halikan sa bawat sulok ng condo. Para kaming mga bagong kasal.
Gumala lang kami maghapon, naglalakad na magkahawak ang kamay, nag aasaran at nagtatawanan. Hindi na kami nangangamba sa triplets dahil sinabi sa amin ng apat na nasa resort daw sila ngayon.
While our babies are enjoying, the mommy and daddy will enjoy too.
"Florence, papano kung lalaki ulit ang baby natin?" tanong sa akin ni Nero.
"Gagawa ulit tayo," masiglang sabi ko.
"Paano kung lalaki ulit?"
"Gagawa ulit tayo," kaswal na sagot ko.
"Paano kung lalaki ulit? Tapos lalaki ulit?"
"Hindi tayo titigil Nero hanggang wala tayong baby girl. Hindi naman mapuputol 'yan hindi ba?" nagbibirong tanong ko.
"What the fvck?!"
"Kidding Nero," tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa kanyang labi.
"I am just worried about you, triplets ang inilabas mo Florence. Gusto ko sana magpahinga ka muna."
"No, I am fine. I am healthy, gusto ko nang maraming anak Nero kasi ako lumaki akong mag isa, walang kapatid. Kahit lagi kong kasama si Gio at kuya Nik, iba pa rin ang kapatid Nero. Malaki na ako ng nakilala ko si Sapphire." Hinalikan ni Nero ang kamay ko.
"Alright, kahit ilan pa 'yan. Dadamihan natin Florence." Ngumiti ako sa kanya.
Gabi na nang bumalik kami sa condo, nakapulupot na ang mga binti ko sa bewang niya habang pumapasok na kami sa aming kwarto.
Sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang ang mga sarili namin sa ibabaw ng kama at walang tigil kong tinatawag ang kanyang pangalan.
"Nero.." habol ko ang paghinga ko habang naririnig ko ang ingay ng paggalaw ng kama.
"Hood.." napaungol na lang ako nang mas bumilis ang paggalaw namin hanggang sa umabot kami sa sukdulan.
Naunang nakatulog si Nero, eleven thirty na ng gabi nang dahan dahan akong bumangon mula sa kama. Halos mapapikit ako nang bahagyang gumalaw si Nero nang tinatanggal ko ang braso niya.
Tinawagan ko ang service crew at sinabi ko na dalhin ang pinareserve ko kanina nang may kausap si Nero sa kanyang telepono. Kinuha ko na ang wine sa refrigerator, lasagna at ang pinasadya kong rambutan cake.
Ilang minuto na lang, August 22. It's my husband's birthday.
Nagawa niya akong surpresahin nang birthday ko, I can do the same. Dahan dahan kong inilagay sa side table namin ang wine, ang lasagna, sinindihan ko na rin ang cake niya.
Marahan akong yumuko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago ako bumulong.
"Wake up Nero..wake up.."
"Florence, let's browse pictures tomorrow." Tinatamad na sabi niya.
Ngumiti ako at nagsimula akong kumanta.
"Happy birthday to you..happy birthday my dear husband..happy birthday to my king of shokoys.." nagising siya nang narinig niya akong kumakanta.
"Florence.." ngingisi siya sa akin habang nagkukusot ng kanyang mata.
Naupo na siya at marahan niyang pinisil ang pisngi ko.
"Akala ko nakalimutan mo na,"
"Bakit ko naman kakalimutan?" ngusong tanong ko sa kanya.
"Thank you Florence Celestina Almero Ferell," hihipan na sana ang cake na hawak ko pero iniwas ko ito sa kanya.
"No, ako ang dapat magpasalamat sa lahat Nero. Thank you for loving me, thank you for giving me our beautiful triplets, thank you for being your rambutan."
"Florence.."
"Salamat dahil sa akin mo ipinangako ang magandang lahi mo. I love you so much Nero, mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Mahal na mahal." Naiiyak ako, hindi ko mapigil ang luha ko.
Inagaw ni Nero ang cake na hawak ko at kinabig niya ako papalapit sa kanya.
"Mas mahal ko kayo Florence. Walang kapantay.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top