Chapter 64

Chapter 64

Ninong Troy Alvis Ferell

Lumusong na kaming magpipinsan sa dagat, inilagay ko sa aking balikat si Vino na mukhang excited sa gagawin naming pagsisid. Mahigpit ang sabunot niya sa buhok ko habang lumulubog na ang katawan ko sa tubig.

"Nong.." napapangiwi na ako sa pagsabunot niya sa akin.

"Don't be scared, malulunod muna si Ninong bago ka malunod." Kinuha ko siya sa balikat ko at binuhat ko siya.

"Hindi malamig Vino," marahan kong hinawakan ang maliit niyang paa at dahan dahan kong inilagay ito sa tubig.

"See? It's not cold," ngising sabi ko.

Ilang segundo lang niyang nilaro ang paa niya sa tubig bago siya yumakap sa leeg ko at magsumiksik sa akin.

"Bakit takot ka sa tubig Vino? Hindi ka ba pinaliliguan ng daddy mo?" lalong humigpit ang yakap niya sa akin nang unti unti na kaming lumulubog sa tubig.

Humiwalay na rin sa amin ang mga pinsan ko dala ang kanilang mga alaga, mamaya na lang daw kami magsasama sama. Mas gusto ko rin ito para makapagsarili kami ni Vino.

Sa triplets si Vino ang pinaswerte dahil sa akin siya napatapat. Walang maituturong maganda si Tristan at Owen kay Rance at Tovar, ako tuloy ang naaawa sa dalawang inaanak kong 'yon.

Dahil ayaw pa ni Vino na lumubog sa tubig, ibinalik ko na lamang ulit siya sa aking balikat.

"You should love the seas, the islands and the whole nature Vino. You know your LLG? Lagi niya kaming dinadala sa kung saang mga lugar nang mga bata pa kami. You need to be a handsome adventurous Vino, just like ninong Troy." Paliwanag ko sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay pumayag na si Vino na magbasa ng katawan, ilang beses pa siyang nagtatampisaw at nakikipagbasaan siya sa akin.

"Sinong favorite mong ninong?" ngising tanong ko sa kanya. Wala siyang isinagot sa akin dahil tuloy lang siya sa pagkampay ng paa niya sa tubig. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at itinuro ko ito sa sarili ko.

"If someone asked you Vino, who is your favorite ninong? Pinpoint me, ninong Troy. Ninong Troy, okay?" tinawanan lang ako ni Vino.

"Hey, makinig ka sa Ninong. Sige ka babawiin ko ang educational plan mo," inangat ko muna ulit siya at sinimulan ko siyang kausapin ng masinsinan.

"Who is your favorite ninong?" tanong ko ulit siya. Kinuha ko ang kamay niya para ituro ako.

"Just like that, okay Vino?"

"Who is your favorite ninong?" masigla niya akong itinuro ko.

"Very good! Kapag pumapasok ka na at walang maibigay na baon sa'yo si Nero. You can always ask Ninong Troy, okay?" ako na mismo ang nagbaba taas ng ulo ni Vino.

Nagsisimula na siyang magpumiglas sa akin dahil gusto na naman niyang magtampisaw sa tubig.

"Vino, do you love Ninong?" hindi niya ako sinagot at nagsisimula na siyang mainis sa akin. Napakasumpunging bata.

"Alright, tayo sa mas malalim. Gusto rin ni Ninong lumubog sa tubig." Walang tigil sa pag ngisi at pagtawa si Vino habang naglalakad na ako sa mas malalim. Abot na sa dibdib ko ang tubig, nakayakap na ulit sa akin si Vino habang tuwang tuwa niyang kinakampay ang kanyang paa.

Mabuti na lang at hindi malamig ang tubig, siguradong hindi kami tatagal ni Vino sa dagat. Gamit ang isang kamay ko ay marahan kong hinihilamusan si Vino, natatawa ako habang napapapikit siya sa ginagawa ko.

Ayokong tuluyan siyang ilubog sa ilalim ng tubig, masyado pa siyang bata.

"Nong!" tumatawa ako habang umiiling na siya sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko naman siya nilulunod, ayaw niya lang talaga na hinihilamusan ko siya.

Lakad lang ako nang lakad, nasisipa na ni Vino ang katawan ko dahil sa pagkampay ng paa niya. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko na nakatitig sa akin si Vino habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa pisngi ko, napadaing ako sa sakit nang mahigpit niyang kinurot ang mga pisngi ko.

Nanggigigil na naman ang bata sa akin.

"Vino, masakit.." natatawang sabi ko. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa pisngi ko nang bigla niya akong halikan sa aking labi.

Napangisi ako sa ginawa ni Vino, biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahong kami pa ang mga batang magpipinsan. Laging sinasabi ng mga pinsan ko na ako lang ang hinahalikan ni LG noon, pero ang totoo lahat kami ay nalunod sa halik ng matanda. Lunod na lunod kami ng halik mula kay LG simula nang tumapak kami sa mansion.

"My sweet Vino, love love mo talaga si Ninong." Ginulo ko ang buhok nito.

"Kiss ninong again," ako na ang humalik sa maliit na labi ng inaanak ko. Hinalikan ko rin siya sa kanyang noo, pisngi, ilong hanggang sa naglaro kaming dalawa.

Habang tumatawa kaming mag ninong, nakarinig ako ng ilang hagikhikan ng mga babae mula sa hinid kalayuan.

"How sweet, saan pa ba makakahanap ng lalaking mahilig sa bata?" hindi ako nag alangang lumingon sa dalawang babaeng nag uusap.

"I'm afraid, kaunti na lang kami." Kumindat ako sa kanilang dalawa bago ako tumungo kay Vino.

"Say hi to them Vino," ako ang nagtaas ng kamay ni Vino para kumaway sa dalawang babae.

"Hi cute baby!" hindi na ako nagulat nang lumapit na sa amin ang dalawang babae.

"Bakit kayo lang? Where's the mother?" tanong ng babaeng nakasuot ng blue bikini.

"I'm a single dad," ramdam kong nanibago sa dalawang babae si Vino dahil humigpit ang yakap nito sa akin. Nagsumiksik ito sa leeg ko.

"Oh, I'm sorry for that. Bakit naman kayo iniwan dalawa? Can I carry your baby? He's so handsome, hindi naman nakakapagtaka." Makahulugan akong tinitigan ng babaeng nakasuot ng putting bikini.

"Baka umiyak, hindi siya sanay sa ibang tao. Oh, what baby? Are you telling something to ni—daddy?" nagkunwari akong parang may binubulong si Vino sa akin.

Humarap ako sa dalawang babae na parehong nakangiti sa akin.

"Pinapasabi ng anak ko na maganda daw kayo, no doubt. Pareho kami ng matang mag ama, are you free tonight girls? Let's have some dinner," Ngising sabi ko.

"Sure," agad na sagot ng babaeng nakabikini.

"Threesome?" tumaas ang kilay ko sa tanong ng babaeng nakasuot ng putting bikini.

"I am just asking for dinner, but if you insist." Nagkibit balikat ako sa kanilang dalawa.

Sila na mismong dalawa ang nagsabi ng hotel room nila, nagawa pa nilang dalawang humalik ng sabay sa aking pisngi bago kami nagpaalam sa isa't isa. Nakatitig lang sa akin si Vino nang halikan ako ng dalawang babae.

"Soon, you'll be like this. But for the meantime, you'll just kiss your mommy, daddy and ofcourse Ninong Troy."

Nang makalayo na kami sa dalawang babae ay binasa ko ang pisngi ko. Mas gusto ko pa rin ang halik ni Vino kaysa sa kanila. Wala rin akong balak pumunta sa mga kwarto nila. Niyaya ko lamang silang kumain para hindi sila mapahiya.

I can reserve some foods for them, silang dalawa na lang ang magsabay kumain.

Umahon na kami ni Vino, hindi ko na rin makita ang mga pinsan ko. Siguro ay mga umahon na rin ang mga ito.

Magdidiretso na sana kami ni Vino sa aming cottage nang may sumalubong sa akin na crew at sinabi nitong lumipat daw ang mga pinsan ko sa isang malaking kubo, dito na daw kami magpapalipas ng gabi.

Kung sa bagay mas gusto ko na rin muna sa may tabing dagat kaysa sa isang mamahaling kwarto. Inihatid kami ng crew sa bago naming lugar. Humahakbang pa lamang ako sa maliit ng hagdan ng kubo nang sumalubong sa akin si Aldus.

Inilagay niya ang daliri niya sa tapat ng kanyang labi para balaan kami ni Vino na huwag kaming gumawa ng ingay. Agad kong nakita si Tristan na nakabalot sa napakalaking puting towel habang nakaupong natutulog na nakasandal sa kawayang upuan, kalong niya si Tovar na natutulog rin habang nakabalot din ng tuwalyang puti. Nakayakap si Tristan kay Tovar habang nakayakap din si Tovar sa braso nito.

Si Owen naman ay natutulog na rin at nakadapang natutulog sa katawan niya si Rance, pareho silang nakangangang dalawa.

"Oh, we're late. Are you sleepy my Vino?" humihikab na rin ito, yumakap na lang ulit siya sa akin.

Inabutan kami ni Aldus ng towel.

"Masyadong napagod ang triplets, join him to sleep. Ako na lang muna ang bantay," ngising sabi ni Aldus habang tumitingin siya ng mga litrato.

"Salamat.."

Inayos ko muna si Vino na halatang inaantok na rin bago ang sarili ko, pumasok na kami sa kwarto at sabay kaming humigang mag ninong.

"Do you want milk, my little kissing monster?" ilang beses kong pinisil ang ilong nito habang humihikab siya. Papikit pikit na si Vino sa akin.

"Mamaya ka na lang uminom ng milk, inaantok na rin si Ninong." Napangisi ako nang pilit niyang gustong yumakap sa akin.

Hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Sleep well Vino, we'll play after we recharge our energy again." Ipinikit ko na rin ang aking mga mata.

Nagising na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Aldus.

"Gumising na kayo! Let's show the sunset to our triplets!" Naunang nagising sa akin si Vino, nilalaro na nito ang mukha ko.

Binuhat ko na siya, pagkalabas ko ay narinig kong may kausap si Owen sa kanyang telepono.

"Uuwi na daw bukas ang mag asawa," sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Owen.

"Oh, this will be our last day. Back to normal again," natatawang sabi ni Tristan.

"Lumabas na kayo, I'll take your last picture for this trip." Ngumiti kami sa sinabi ni Aldus.

Habang lumalabas kami ay narinig kong nagsalita si Aldus.

"I thought being a photographer in this trip will bore me like hell, but it wasn't. I enjoyed this day, watching the whole details of the trip."

May upuan sa labas at pinaupo kami ni Aldus.

"Puro stolen ang mga pictures nyo, I want something decent." Inaayos na ni Aldus ang camera.

Kailan ba nang huli kaming ngumiti sa mismong harap ng camera? Hindi ko na matandaan. Kalong na namin ni Tristan at Owen ang triplets.

"Alright, one, two..three. Say cheese!" sa halip na ngumiti ako sa harap ng camera ay marahan akong yumuko para halikan sa pisngi si Vino. Tipid akong napangiti nang makita kong hindi lang ako ang humalik sa batang kalong ko.

Hinalikan rin ni Tristan at Owen si Rance at Tovar.

Dahan dahang ibinaba ni Aldus ang kanyang camera mula sa kanyang mga mata at tumitig siya sa litrato namin.

"Atlast, I captured the best picture." 

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top