Chapter 62
Failed vacation. lol
Chapter 62
Ninong Tristan Matteo Ferell
Hindi pa ako kumakain nang sunduin ko ang triplets, kaya kumakalam ang sikmura ko habang nagdadrive ako. Luckily, it's damn traffic.
Gusto ko nang makauwi at madala na sa bahay ang triplets pero mukhang napakarami pa naming pagdadaanan mag ninong.
Nagsisimula nang umiyak ang triplets sa likuran at hindi ko na alam ang gagawin ko. They could be hungry too? Pinakain ba ni Aldus ang mga batang ito? O pinahalik lang niya nang pinahalik sa mga kalaro nila?
"Anong gusto ng mga bubuyog ni Ninong? Are you hungry? Do you want milk my little bees?" tanong ko sa kanilang tatlo. Lalong lumakas ang pag iyak nila na nagpapikit sa akin.
"What do you want babies?" naalarma na ako sa kanilang tatlo. Kung pwede ko lamang iwanan ang manibela at laruin silang tatlo ay nagawa ko na.
I can always bear the sound of guns and bombs, but the cries of my triplets? Never.
"Alright, ipaparada muna ito ni Ninong. We'll drink milk." Naghanap ako nang pwedeng tigilan namin at ang parking space na pinakamalapit ay sa jolibee. Ang kapwa nila bubuyog.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan para buksan ang likurang pintuan, nag iiyakan pa rin si Rance at Vino. Samanatalang si Tovar ay tinuturo si Jollibee.
"Do you want to go there? Dadalhin kayo ni Ninong sa Jollibee. Please stop crying, si Ninong din nagugutom na." Isinakbit ko muna ang malaking bag na laman ang gamit nila.
Isa isa ko silang binuhat triplets, napabuntong hininga na lamang ako nang tumigil ang pag iyak nila.
"Gusto nyo lang magpabuhat kay Ninong Tristan," itinuturo na nila ang estatwa ni Jolibee.
"That is a big red bee, while you are Ninong Tristan's small yellow bees." Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo ng triplets habang humahakbang kami papasok sa jollibee.
Kakapasok ko pa lang sa pinto ay agad kong tinawag ang crew.
"Please prepare three baby chairs." Tumango agad ito sa akin.
Pansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao habang buhat ko ang triplets, karamihan sa kanila ay puro nakangisi habang habol ang tingin sa amin mag nininong.
"What do you want boys? Do you want fries?" lumapit sa akin ang crew at sinabi nitong may pinaglagyan na siyang mesa.
"Thank you,"
Ayokong iwan ang triplets sa lamesa kaya pumila ako sa counter habang buhat ang tatlo. Ramdam ko na humihikbi na naman silang tatlo.
"Malapit na tayo, I'll buy you fries." Pinapakalma ko silang tatlo. Ilang beses kong iginalaw ang mga braso ko para patigilin ang malapit na muli nilang pag iyak ng sabay sabay.
Ano ba ang ginawa ni Aldus sa mga ito? Bakit ako ang pinag abutan ng sumpong?
Habang nakapila ako, naririnig ko ang bulungan ng mga nakakatapat ko sa pila.
"Nasaan ba ang ina ng mga bata? Hindi kaya ng amang alagaan ang tatlong bata."
"Ang cucute, mana sila sa Daddy nila." Ngumisi ako sa narinig ko.
"Sir? Sir, what's your order?" nawala ako sa pakikinig sa usapan ng dalawang babae nang marinig ko ang boses ng crew.
Pwede ba ang ice cream sa triplets?
I ordered my own foods, fries for the triplets and ice cream. Bahala na.
"Pa assist, thanks," tipid na sabi ko. Hinanap ko na ang lamesang may baby chairs. Pinaupo ko na dito ang triplets at nang sandaling mailapag nan g crew ang pagkain ay sabay sabay na naman silang umiyak tatlo.
Agad kong ibinaba ang bag na may laman ng gamit nila, naglabas na ako ng gatas nila. Ilang beses akong napamura sa aking isipan nang makita kong wala pang timpla.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao, lalo na rin kumakalam ang sikmura ko. Gutom na gutom na ako.
"Alright! Magtitimpla na si Ninong ng gatas," Halos magkatapon tapon na ang pagtatakal ko ng gatas sa pagmamadali ko.
"Can I help you?" may lumapit na magandang babae sa akin at dapat ay bubuhatin niya si Rance. Nanlaki ang mata ko.
"No! I can manage Miss, I'm sorry but I am not used to see my babies with other woman. Still, thank you. My wife is a jealous woman, padating na rin siya." Pagsisinungaling ko habang kinakalog ko na ang dalawang milk bottle na hawak ko.
"Oh sorry, I'm just trying to help." Nahihiyang sabi niya.
"No, it's okay." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang mas lalong lumakas ang pag iyak ng tatlo.
Tipid na ngumiti sa akin ang babae bago ito umalis, nagmadali ulit akong magtimpla ng gatas para sa pangatlo. Napapahid na lang ako sa aking noo ng pawis, alam kong napakaraming nakamata sa akin ngayon.
Hindi ako pinapapawisan sa pagpuputol ng mga delikadong linya ng mga bomba pero sa gatas ng mga batang ito, nagkakagulo na ako.
"Here's your milk," isinubo ko sa kanilang tatlo ang kanilang mga dede kaya natahimik ang tatlo sa pag iyak.
Kasabay nang pagbuntong hininga ko ay ang paglakpakan ng mga tao sa akin na parang nakagawa ako ng himala.
This is Captain Theo Ferell, asking for immediate disappearance. Can't they just focus on their foods? Damn it.
Patay malisya akong naupo sa aking upuan, hinawakan ko na ang kutsara at tinidor para sa hinihintay kong pagkain nang matigil ako nang may tumalsik na tsupon sa plato ko.
"Tovar!" umiyak na ulit ito. Mali ba ang timpla ko ng gatas? Walang lasa?
Hindi lang si Tovar ang nagtapon ng tsupon sa akin, maging si Rance at Vino. Nagsimula na naman silang umiyak tatlo.
Napapatitig na lang ako sa manok at kanin na dapat kakainin ko. Gutom na gutom na ang Ninong nyo, pakainin nyo na naman ako.
"Wala bang lasa ang timpla ko?" narinig ko ang ilang mga customer na natatawa na sa sitwasyon ko.
Tumayo na ako, itinaas nilang tatlo ang kamay nila na parang gusto na namang magpabuhat.
"Gutom gutom na si Ninong," ngusong sabi ko. Binuhat ko na silang tatlo kaya tumigil na naman ang pag iyak nila.
Si Tovar ay tinuturo ang pagkain ko. Muntik ko nang makalimutan na ibinili ko pala sila ng fries. Ibababa ko na sana ulit sila sa kanilang upuan pero humigpit ang yakap nilang tatlo sa akin.
Wala akong nagawa kundi kalungin silang tatlo habang sinusubuan ko sila ng fries, sa tuwing magtatangka akong sumubo ng sa akin ay may isang iiyak sa kanila kaya isinusubo ko na sa kanya.
"Gugutumin nyo pala akong tatlo," hirap na hirap ako kung paano ko sila kinakalong na walang mahuhulog habang ang isang kamay ko naman ay nagsusubo sa kanila ng ice cream.
Walang napapadaan sa lamesa namin na hindi mapapangiti kapag nakikita kaming apat.
Lumamig na ang kanin at manok na dapat kakainin ko, kahit ang yum ko ay hindi ko man lang nagalaw. Hindi rin yata ako nakakain kagabi, maghahapon na ngayon.
"Love love naman kayo ni Ninong Tristan, hindi ko kayo tinuturuan ng bad. Bakit sa akin pa kayong tatlo nagkasumpong?" tanong ko sa tatlo na hindi naman ako naiintindihan.
Nang may dumaan na crew, agad kong kinuha ang atensyon nito.
"I will take this out,"
"Okay sir, saglit lang po." Tumango ako.
Tuloy pa rin ako sa pagsubo sa triplets nang mapansin ko ang dalawang pamilyar na babae. Kapwa tumaas ang mga kilay nila nang makita nila ang sitwasyon ko.
Sa halip na sa counter sila magdiretso ay sa lamesa ko nagpunta ang dalawang ito.
"Oh my, the almighty Captain Theo Ferell is now under a baby sitting mission."
"Shut up Enna, anong ginawa nyong dalawa dito?" tamad na tanong ko. Panay ang subo ko sa triplets.
"They're so adorable, kamukha kamukha sila ng pinsan mo Cap."
"Stop calling me Cap outside." Mahinang sabi ko.
"Bakit ikaw ang bantay?" tanong sa akin ni Hazelle.
"Just answer my question, akala ko ay nasa labas kayo ng bansa?" Sabay silang nagkibit balikat sa akin.
"Change of plans,"
"Kumain ka muna kaya Cap? Ibigay mo na muna ang triplets sa amin ni Enna." Umiling ako.
"Sorry, pero ayaw kong may hahawak ng ibang babae sa mga bubuyog ko. It will always be their mommy. Ayaw din ng pinsan ko,"
"Oh, the forever beautiful Queen Bee. Our Cap's first love," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hazelle.
"Alam namin Cap, sinabi sa amin ni Commander--" kita kong sinadyang sikuhin ni Hazelle si Enna.
"Yes, this triplet's mother was my first love or should I call it puppy love?"
Before I entered Sous L'eau I already knew Florence Almero, I was still young back then, very young. But since, I am a highly intellectual child I can easily analyze the whole situation.
We're in the same class in painting, siguro ay ako na lang ang nakakaalala pero kasama na namin noon pa man si Warden Doll. I liked her during our kid's days, beautiful bad girl. She's always standing out among the girls in our class, to be exact her beauty and attitude. She's a bad painter like the rest of us.
I liked her, but LG liked her for my cousin, not for me.
I respected that because I lived in LG's wordings, love your cousins first than any girls out there. I love Nero than Warden Doll during those times, kahit naman ngayon.
Napangisi na lang ako sa naalala ko.
"Sir, ito na po." Dumating na ang ni take out ko.
"Thanks, so? Mauuna na kami ng mga bubuyog ko. I can't stay here any longer." Ginawa ko ang makakaya ko para makatayo ako nang maayos. Kinuha ko na ang bag at ang ni take out ko.
"See you soonest Cap!"
"Yeah,"
Lumabas na ako sa Jollibee, pinili ko na maupo muna sa likuran upuan ng sasakyan ko. Kalong ko pa rin ang triplets, sinubukan kong kunin ang isa pang fries.
Gutom na gutom na ang ninong.
"Hayaan nyo naman akong kumain, huwag na kayong umiyak." Susubo na sana ako nang makiagaw pa rin silang tatlo sa akin.
Buong akala ko ay isusubo nila, pero napangisi na lang ako nang sabay nila akong pilit subuang tatlo. I felt a sudden warmth in my heart, hindi lang si Nero ang swerte ang triplets na nasa harapan ko.
Even the ninongs have overwhelming feeling. Isa isa kong kinagat ang fries na hawak ng triplets na tumatawa na habang ngumunguya ako, pumapalakpak pa si Rance at Vino.
Niyakap ko silang tatlo gamit ang isang braso ko at pinagsalikop ko ang maliliit nilang kamay at ilang beses ko itong hinalikan.
"Mahal kayo ni Ninong Tristan.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top