Chapter 54


Chapter 54


Ninong Tristan Matteo Ferell

Buong akala ko ay lilipad na ako ngayong araw papuntang ibang bansa gaya ng nasa schedule ko, pero tumawag si Enna at sinabi nitong naudlot ang misyon namin kaya pwede muna akong tumigil ng ilang linggo sa Pilipinas.

Nasa mansion ako ni LG at pumipili ako ngayon ng salamin na isusuot ko. Simula nang maoperahan ang mga mata ko, sinimulan ko nang magsuot ng salamin. Wala man itong grado, wala akong pakialam. My eyes are my treasures, kahit mapuwing ay hindi ko hahayaang mangyari sa aking mga mata.

Sinabi ko na rin sa mga pinsan ko na hindi ako makakapunta sa hospital kapag nanganak na si Warden Doll, ginawa ko na lamang dahilan ang trabaho ko pero ang totoo nito, hindi maganda ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng doctor o nurse.

I just want to kill them all. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman kung saang lupalop nagtatago ang doctor na nag opera sa akin at sa babaeng pinaka mamahal ko.

Nang matapos akong makapili ng salamin ay sinimulan kong maghanap ng movie sa aking laptop. Today, I planned to train myself to face my fears.

It's such a shame if the whole Sous L'eau agency discovered that their almight Cap Theo is damn afraid of horror movies. Ilang beses na akong nakakita ng patay, dagat ng dugo, putok ng baril at kung ano pang kaharasan pero simpleng palabas lang ay tumitiklop ako.

I blamed LG for this, nang mga bata pa kami. Siguro isa o hanggang dalawang beses lang kami pinalo ni LG, ayaw niyang pinagbubuhatan niya kami ng kamay kapag dinidisiplina niya kaming lima. Kung hindi niya kami pinatatayo ng tatlong oras habang nakaharap sa pader at walang kausap, pahaharapin niya naman kami sa tv na nagpapakita ng mga nakakatakot na palabas.

Ganito lagi ang ginagawa sa amin ni LG kapag may kalokohan kaming ginagawa ng mga bata pa kami, kinatakutan na namin ang horror movies dahil ipinapantakot ito sa amin ni LG noon pa man. Hanggang sa lumaki na kaming lima at dito na kami habang buhay na natakot.

Kaya ito ako ngayon, sa buong bakasyon ko sa Pilipinas manunuod ako ng maraming nakakatakot para patapangin ang sarili ko. Fvck! I can play with guns but this simple movie I can't? Ikakahiya ako ng buong ahensiya ng Sous L'eau kapag nalaman nila ang bagay na ito.

I tried to play the movie. Umpisa pa lang at nang marinig ko ang background music nito ay agad akong kinilabutan. Para akong gago na tumitingin sa kaliwa't kanan ko na parang may nagmamasid sa akin. May nakapagsabi sa akin na pinaka nakakatakot daw ang Sadako, kaya nagmagaling ako at pinanuod ko ito mag isa.

Ang higpit na nang kapit ko sa aking upuan habang pinapakita ang balon sa video sa tv, ramdam ko na unti unti ko nang naitutulak paatras ang inuupan ko habang dahan dahan nang may nagpapakitang kamay mula sa balon.

"Fvck! Shit! Oh!" kaliwa't kanan ang tingin ko sa paligid habang naglalakad na siya papalapit sa screen na parang ako ang pupuntahan.

Lumalakas na ang background music, hindi ko na kinaya. Tumayo na ako sa aking upuan at hinubad ko ang salamin ko at nabato ko ang laptop. Halos takbuhin ko na hindi tumitingin sa screen at marahas koi tong sinaraduhan.

Bakit ko ba kailangang magsanay manuod ng horror movie?! Ililihim ko na lang! Ililihim ko na lang ito sa Sous L'eau habangbuhay!

Naghanap ako ng diversion, hindi na ako lumapit sa laptop ko at nagsaksak na lamang ako ng flashdrive sa malaking tv. I watched rated x videos with this huge screen.

Hindi ko hininaan ang volume dahil ako lang naman ang tao. Nasa kalagitnaan na nang pag ungol ang babae nang bigla nang sumabog ang buhok niya sa kanyang mukha habang abala siya sa kanyang pagsakay. Napakapit na lang ako sa sofa, bumalik ang imahe ni Sadako sa utak ko.

"Tang ina!" hindi ko na napatay ang tv.

Lalabas muna ako ng mansion. Kakabukas ko pa lang nang pintuan palabas nang mapatungo ako sa isang batang babae na mukhang gagaling lang sa iyak.

Who is this kid? Wala kaming kapitba---

Hindi ko alam kung bakit biglang bumigay ang tuhod ko at mapaupo na lang ako habang nanlalaki ang mata kong nakatitig sa bata.

"Who are you? Wala akong itinatapon sa balon!" lalo itong humagulhol ng pag iyak sa sinabi ko.

"Kuya! Tulungan mo naman ako, sumabit po ang saranggola ko sa bahay nyo." Bahagya akong napaatras ng lumapit siya sa akin. Totoong bata? Totoong bata.

"Bakit sumabit dito?"

"Tinangay po ng hangin, hindi ko po kayang abutin." Napakamot na lang ako sa aking ulo.

"Alright, kukunin ko lang ang salamin ko." Natuwa ang bata sa sinabi ko. Nang tumayo ako ay pansin ko na sumunod siya sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako pero agad akong humarap sa kanya nang maalala ko na bukas pa ang tv. Naririnig ko na rin dito ang boses ng babae sa video.

"What is that?"

"Cat, stay here. Huwag kang susunod sa akin, hindi ko kukunin ang saranggola mo." Tumango ang bata sa akin.

Minsan lang may mapadpad na bata dito sa mansion. Pinatay ko muna ang tv at nagsuot ako ng panibagong salamin.

Nakita kong kumislap ang mata ng batang babae nang bumalik ako.

"Malabo na ba ang eyes mo kuya?" binuhat ko na ang batang babae.

"Hindi naman, kaso ayaw ni kuya na mapuwing. These eyes are my life." Nagulat ako nang hinawakan ng batang babae ang magkabilang pisngi ko at pilit niyang sinalubong ang mga mata ko.

"Ang ganda ganda naman ng eyes mo kuya." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Ofcourse.."

Itinuro niya sa akin ang saranggola, kumuha pa ako ng hagdan at umakyat ako para kuhanin ito. At nang makuha ko ito, pansin ko na may dalawang bata nang kasama ang batang babae kanina.

"Who are they?" nagtatakang tanong ko.

"Kuya, sumabit din po ang saranggola namin." Ngumiwi ako. Bakit ang daming nagsasaranggolang bata ngayon?

Dinala ako ng mga bata sa punong pinagsabitan ng saranggola nila, dahil gubatan ang dadaanan bago makarating sa mansion marami talagang puno ang pwedeng sabitan dito.

Saan ba nagpapalipad ng saranggola ang mga batang ito? Umakyat na ako sa puno at inabot ko ang saranggola ng bagong bata pero nang bumaba ako ay nadagdagan na naman sila.

"Kuya sumabit po ang saranggola namin." Sa pangatlong pagkakataon nagturo sila sa akin ng puno at inakyat ko. Naririnig ko nang tumutunog ang telepono ko pero nang makita kong kapwa nakatingala sa akin ang mga bata at umaasang kukuhanin ko ang mga saranggola nila hindi ko na binalak sagutin ito.

Pagbaba ko mula sa puno ay bigla nang humaba ang pila ng mga batang nasasabitan ng saranggola. Saan ba sila nanggagaling?

"Kuya 'yong saranggola ko naman!"

"Kuya kanina pa ako dito, naunahan na ako ni Maricar!" nagsimula nang umiyak ang ilan sa kanila. May nag aaway na rin, nagsisigawan at may muntik pang magsuntukan.

"Quiet! Aakyatin ko lahat ang saranggola nyo! Behave! Nasaan ang mga magulang nyo? Saan kayo nagpapalipad?" May itinuro sila sa akin na direksyon.

Nakita kong maraming mga sarangggola na lumilipad sa direksyong 'yon. Bakit ako ang napag abutan ng mga batang ito?

Tumunog ulit ang telepono ko at nang makita ko na si Nally ang natawag sasagutin ko na dapat ito pero, nagsabitan na sa akin ang mga bata at hinila na ako sa panibagong puno.

Wala akong ibang pinagpilian, hanggang sa mamamatay na ang tawag. Mga apat na puno pa ang inakyat ko bago maubos ang mga makukulit na bata. Binigyan nila ako ng lollipop, napabuntong hininga na lamang ako at naupo sa ilalim ng puno habang tangay ang lollipop na bigay sa akin ng isang bata.

Anong meron sa saranggola ngayon? Bigla ko tuloy naalala si Warden Doll, nahilig siya sa saranggola simula nang magbuntis siya. Eksaktong bubuksan ko na ang telepono ko nang makita kong tumatawag na ulit si Nally.

"Yes?"

"I heard hindi daw natuloy ang flight mo? Nanganganak na si Florence, kanina pa kitang tinatawagan." Umawang ang bibig ko dahilan kung bakit nalaglag ang lollipop na nasa bibig ko.

Pagkatapos sabihin ni Nally ang hospital ay nagmadali na akong bumalik sa mansion para kuhanin ang sasakyan ko. Sinimulan ko nang tawagan si LG, pero kahit isa sa mga tawag ko ay hindi niya sinasagot. Ayokong pumunta sa hospital, siguro ay sisilip na lang ako.

Nauna akong dumaan sa may emergency room at agad nangunot ang noo ko nang nasisilip ko sa likod ng berdeng kurtina ang mga pinsan ko. Si Nero na walang malay, si Aldus na nasa wheelchair at Owen na wala rin malay?

Damn, nakakahiya sila. Iniling ko na lamang ang ulo ko. Uuwi na lamang ako kaysa, madamay sa kanilang mga kahihiyan. Eksaktong tumalikod na ako para umalis nang biglang may sumalubong sa akin na babaeng nakaputi na nakatabing ang buhok sa kanyang mukha. Biglang bumalik na nasa akin ang napanuod ko.

"WHAT THE---" sa gulat ko ay nakaramdaman ako nang pagkahilo hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang buong paligid ko.

Nagising ako dahil sa boses ng isang babae at ng isa sa pinsan ko.

"Hindi ko po alam Sir, nagsusuklay lang po ako sa daan dahil sobrang late na po ako. Tapos bigla po siyang nag collapsed nang nagkasalubong kami." Napabangon ako sa narinig ko.

"I've seen Sadako!" pansin ko na napatingin sa akin ang ilang nurse, doctor at pasyente. Natauhan ako sa sinabi ko. Damn. Fvck!

Mangangakyat na lang ako ng saranggola!

Nang lumingon ako ay masama na ang tingin sa akin ni Aldus at Owen. Nakahiga na ulit sa kama si Owen habang nakaupo na sa wheelchair si Aldus na namumula na habang nakatitig sa akin.

"Isa ka pang gago Tristan! Anong ginagawa mo dito?! Sasadakuhin ko na kayong tatlo!"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top