Chapter 53

Chapter 53

Ninong Sean Owen Ferell

I am currently busy supervising my area for my new art gallery. May tatlo na akong bukas nito sa Manila at naisip ko na maglagay rin ng kahit maliit sa Leviathan.

Siguro sa susunod na buwan na pwede na itong buksan sa lahat, sa ngayon ay kailangan munang pagandahin ang buong lugar.

My gallery will introduce few of my new paintings, sketches and even my newly discovered pottering skills. Hindi ko akalain na may mas igagaling pa ang mga kamay ko bukod sa--- oh never mind. Basta malikhain ang mga kamay ko.

Ngumisi ako sa sarili kong naiisip, nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Mag iisang buwan na kaming hindi nagkikita. Minsan ay pumapasok na sa isip ko na sadya niya na akong iniiwasan. Lagi na lang.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa paligid na magiging art gallery ko, habang abala ang mga tauhan ko sa kani kanilang mga ginagawa. May nagpipintura, nag aayos ng mga bubog na salamin at ilan pa sa mga kagamitan.

Wala na akong pakialam kung may magkakainteres ba na pumunta dito. Who will love arts in Leviathan? They will definitely find this boring. Hindi na ito pag aaksayahan ng panahon ng mga tao. Kahit ako ay tanong ko na rin ito sa sarili ko, bakit ko nga ba natutunan ang lahat ng ito? Bakit ang mga pinsan ko hindi? Iisa naman ang paraan ng pagpapalaki sa amin ni LG.

I am talented while they are talentless, I am gifted while they're not. Magandang lalaki ako may pakinabang, sila? Nakakaawa sila apat, nakakaawa. Naiiling na lang ako sa aking naiisip.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong ngumingisi mag isa habang nakapamaywang akong nakatanaw ako sa dalawang tauhan kong nagpipintura ng pader.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid nang may biglang dumamba mula sa likuran ko at takpan ang mata ko. Agad lumapad ang ngisi sa aking mga labi nang maramdaman ko na sinadya niyang idikit ang dibdib niya sa aking likuran.

"Nakikilala mo ba ako?" malambing na tanong niya sa akin. Alam kong sinadya niya pang hipan ang tenga ko.

"Oh, oh. Nasa dulo na ng dila ko, sino ka nga ba?" narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.

"You're lying babe. Look, lumalalim na naman ang dimples mo. First indicator that Mr. Sean Owen Ferell is lying." Ako ang natawa sa sinabi niya, hindi ko pa rin tinatanggal ang kamay niya sa mga mata ko.

Muli siyang bumulong sa tenga ko, laging ganito ang ginagawa namin sa isa't isa. We love whispering on each other.

"May premyo ka kapag nakilala mo po ako." Nakagat ko na ang pang ibabang labi ko. I like this.

"Ofcourse! You're my Nia Consuella Mendez, my beautiful photographer." Nagulat ako nang bigla niyang kinagat ang tenga ko at bitawan niya akong tumatawa.

"Dyan ka magaling!" mabilis akong humarap sa kanya habang hawak ang tenga ko.

"Come here Nicola, how are you babe? Ang tagal mong hindi nagparamdam." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay habang humahakbang siya paatras. Gusto na naman yatang makipaghabulan sa akin.

"May mga tauhan ako dito, makikita nila tayo." Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanya habang lumalayo siya sa akin.

"Shy of them? Kailan pa nahiya si Owen Ferell?" hindi na ako sumagot sa kanya. Dahil malalaking hakbang ang ginawa ko para maabot lang siya, buong akala niya ay makakatakbo pa siya sa akin nang mabilis kong mahagip ang kanyang bewang. Iniharap ko siya sa akin at siniil siya ng halik.

"Owen!"

"I missed you, bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Sasagot na sana siya sa akin nang biglang lumapit ang secretary ko na bahagyang nag aalangan.

"I'm sorry to bother you sir, may tawag po kayo galing sa may ari ng Gulliver's Art Museum. It's all your agreement with them daw po." Simula nang maging abala ako sa iba't ibang proyekto ko, kumuha na ako ng sekretarya na makakatulong ko sa mga schedule ko.

"Later, kausap ko pa si Nicola." Tipid na sagot ko. Bumalik ako ng tingin sa girlfriend ko.

"Kumain ka na ba? Let's go."

"Owen, kausapin mo muna 'yon. Hindi biro ang museum na tumatawag sa'yo."

"Pwedeng ipagpamamaya Nicola, ngayon lang tayo nagkita. Let's date." Kumindat pa ako sa kanya.

"Owen! Yan ka na naman! Sagutin mo ang telepono!" kumunot ang noo ko sa pagsigaw niya sa akin.

"Minsan na lang tayo magkita, sisigawan mo pa ako?" tanong ko sa kanya.

"Dahil matigas ang ulo mo, alam mo ba kung bakit hindi ako nagparamdam sa'yo? Dahil maayos ka kapag wala ako sa tabi mo!"

"What-- what Nicola?"

"Fly high Owen, huwag mo akong laging binubuhat, huwag mo akong laging iniisip. Akala mo ba hindi ko nalalaman ang ginagawa mo sa trabaho ko? You are manipulating everything for my own good! Na ooffend ako Owen! Gusto ko rin magtagumpay ng dahil sa sarili kong kakayahan! You are making me feel hopeless. Aminado akong nanliliit ako sa'yo dahil sa mga achievements mo! That the great Sean Owen Ferell with number of talents is dating an ordinary woman with nothing to be proud of. Gusto kong maging karapat dapat sa'yo sa sarili kong paraan. Tapos ganito pa ang ginagawa mo? You are doing something for my own success!" umawang ang labi ko sa haba ng sinabi niya. She suddenly burst out.

"Nicola.."

"Let's cool off Owen."

"Nicola! Yan ka na naman!"

Wala na akong pakialam sa mga nakakarinig sa amin.

"I am serious Owen, hindi ko gusto ang ginawa mo. You are manipulating me and it's not healthy."

"Then I'm sorry! I'm sorry, walang cool off Nicola. Wala.."

"Then let's break! Hindi dahil Ferell ka at may kakayahan ka ay magagawa mo na ang lahat gusto mo! Learn your lesson!"

Itinigil ko na ang pag alala sa nangyari kahapon. Nakikipag break na naman siya sa akin, sa tuwing nagkikita kami gusto niya na laging makipagbreak sa akin.

Kasalukuyan akong nagmamaneho nang tumawag sa akin si LG.

"Yes LG?"

"Pumunta ka muna sa bahay ni Nero at Florence, samahan mo ang pinsan mo. Baka magpatiwakal na naman." Ngumiwi ako sa ginamit na salita ni LG.

"Alright.."

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at nang palabas na ako mula dito nang nasa tapat na ako ng bahay ni Nero ay napansin ko ang ukulele na regalo sa akin ni Nicola. Wala sa loob na kinuha ko ito.

Sinimulan kong magdoorbell, pero walang nagbubukas. Nagsimula na akong magstrum sa ukulele ng theme song ng probinsyano. Hindi ito para kay Nero, kundi para sa sarili ko. Bagay na bagay ang kantang ito sa sarili ko.

Pangit ba ako Nicola? Ka break beak ba ako? Saan ako nagkulang? Mayaman naman ako, malalim ang dimples, talented at higit sa lahat magandang lalaki. Saan ba ako nagkulang?

Kaya nang buksan ni Nero ang pinto ay mas matindi na ang pagkanta ko. Masyado na akong emosyonal na ako, natauhan lang ako nang pagsarhan niya ulit ako ng pintuan.

Nakapasok naman ako matapos ang ilang minuto hanggang sa naging tatlo na kami at abutin ng gabi. Hindi ko akalain na matutulog na naman kami sa iisang kama.

"Nakipag break na sa akin si Nicola. She's serious, magpapari na lang ako." Sabay umismid si Nero at Troy na pinaggigitnaan ako.

"Buntisin mo, pumasok din sa isip ko na magpari Owen. Pero hindi ako kakayanin ng holy water. Lalo ka na siguro." Mabilis na sabi ni Nero.

"Agree, bakit hindi mo na lang itanong kung anong gamit na condom ni Nero? Nabubutas 'yon. You can deceive Nicola."

Ito ang mga payo ng pagmamahal mula sa mga pinsan. Buntisin at gumamit ng butas na condom.

"I won't follow that, you have your own agenda Troy." Narinig ko lang ang gagong tumawa.

Mainit na ang ulo ko nang mga sumunod na linggo, nabalitaan ko na bumalik na rin sa kanila si Wada na siyang pinagpasalamat ko, iwas suicide na si Nero. Alam ko ilang araw na lang ay manganganak na siya.

Nandito ulit ako sa pinapagawa kong art gallery, siglang sigla ang mga tauhan ko dahil tumutugtog ang Despacito sa buong lugar. Nagmamasid lang ako sa kanila nang maramdaman kong nag vibrate ang telepono ko.

"Hello?"

"Owen---- na—an---ak..." kumunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan.

"What? What Nally? I don't understand." Narinig ko na sumabay na sa pagkanta kahit mali mali sa lyrics ang mga tauhan ko. Damn.

"Turn off the music!" sigaw ko. Pero wala silang naririnig dahil sa lakas na tugtog. Shit.

"Nally?" nagmadali na akong maglakad para makalabas pero nakita kong namatay na ang telepono ko.

"Fvck!" sinubukan kong tawagan ulit ito pero hindi na siya nasagot.

Bumalik na ako sa loob, ito pa rin ang kanta. This song is not my favorite, nagkataon lang na gusto ni Wada na kinakanta ko ito.

Pinagpatuloy ko ang magsusupervise nang magvibrate na naman ang telepono ko. Si Nally na naman. Sumigaw na ako ng malakas.

"Turn off that damn music!" naalarma ang mga tauhan ko at mabilis itong pinatay.

"Yes?" sagot ko.

"Nanganganak na si Florence." Halos mabitawan ko ang telepono ko. Nang sabihin sa akin ni Nally ang hospital ay nagmadali na akong lumabas. Nasa parking lot na ako nang may lalaking may malaking bag na itim at may ipinapakita sa akin na papel.

"Ito ang death certificate ng tatay ko, hindi ko po siya matubos sa morgue. Humihingi lang po ako ng kaunting donasyon." Naalala ko na sinabi sa akin ni Troy na hindi daw tunay ang mga ito.

"Wala akong pera, sorry." Nagmadali na akong pumunta sa kotse ko pero nakasunod pa rin ang lalaki sa akin. Hanggang sa marinig ko na parang nabulong siya at makilala ko ang binabanggit niya.

What the hell is he singing Despacito? Hindi ko alam kung bakit hindi na nawala ang pagtitig ko sa kanyang mga mata hanggang sa unti unti na akong nahilo at biglang nagdilim ang paningin ko.

Nagising na lang ako nang may tumatapik sa pisngi ko.

"Sir! Sir! Sir! Gising!" pinilit kong magmulat ng mata. Nakadungaw sa akin ang mga tauhan ko. Napahawak na lang ako sa aking noo habang bumabangon sa parking.

Fvck! Parking? Anong nangyari sa akin? Huli kong naalala ay may kumanta ng despacito. Shit! Agad kong kinapa ang wallet ko.

"Fvcking fvck! Nabudol budol ako!"

Biglang nagpanting ang tenga ko nang may teleponong tumunog at mukhang ringtone pa ito.

Halos magpanting ang tenga ko nang may isa sa kanila na biglang tumunog ang

"Tang ina! Babasagin ko kung kaninong teleponong 'yan! Sagutin mo 'yan! Patigilin mo ang kantang 'yan! Tang inang Despacito 'yan! Hindi na ako aabot sa kambal!" iritado akong sumakay sa kotse at pinaharurot ko na ito.

Sa kamalas malasan inabot ako ng traffic at kaliwa't kanan ay despacito ang music sa mga sasakyan. Halos ihampas ko na ang ulo ko sa manibela. Ayoko na! Ayoko na ng despacito!

Bakit kailangang ngayon pa ako malasin, lalabas na ang mga inaanak ko. Halos lakad takbo ako sa hospital, nagkagulo na kami nang himatayin si Nero. Pero bigla na namang umikot ang paningin ko nang makakita ako ng napakaraming batang umiiyak dahil nakagat ng aso.

Biglang nagflashback sa akin ang lahat, kung paano nilaspastangan ng aso ni Antonia ang binti ko. Kung paano ako tahulan nito, habulin at kagatin. Kaya sa pangalawang pagkakataon ngayong araw, alam kong mawawalan na naman ako ng malay. Tang ina.

Muli akong nagising, dahil naman sa amoy ng alcohol at sa boses ni Aldus na bumubulong bulong. Nang dahan dahan kong imulat ang aking mata ay nasa kabilang kama si Nero. Wala pa rin mala yang gago.

"Nero.." Hindi ko alam kung bakit kumilos ang kamay ko na parang aabutin ko si Nero. Pero natigil ito nang tabigin ni Aldus ang kamay ko.

"Tang ina mo Owen! Gago ka! Anong gagawin mong 'yan? Agaw buhay kayo ni Nero? Saan mo napanuod 'yan?! Nakakahiya na talaga kayo. Hiyang hiya na ako. Ayoko na. Ayoko na." Gigil na bulong ni Aldus. Naka kurtina naman kaming tatlo. Pansin ko na nakaupo na si wheelchair si Aldus.

Nahihilo pa rin ako.

"Kamusta ang nanganganak?" tanong ko kay Aldus na nakasubsob na sa kanyang palad.

"Gago ka ba talaga Owen? Gago ka?! Hindi ko alam kung nakaanak na si Warden! Bakit kayo mga hinimatay?!" sasagot pa sana ako nang mahawi ang pangatlong kurtina.

Halos sabay umawang ang bibig namin ni Aldus nang makilala namin ang buhat ng dalawang nurse na lalaki.

"Tristan?!" napabangon na ako sa kama.

"Kilala nyo po ito?" sabay kaming umiling ni Aldus. Hindi nagtagal ay mas lalong bumilis ang pag iling ni Aldus.

"Hindi ko na kaya, nurse! Saksakan nyo na ako ng dextrose!"

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top