Chapter 52

Chapter 52


Ninong Aldus Raphael Ferell

Simula nang malaman ko na hindi ako kasama sa listahan ng pinaglihian ni Warden, hindi na ako sumasagot sa tawag ni Troy, Owen at Tristan. Masama ang loob ko, masamang masama ang loob ko.

Hindi ako bitter, hindi lang talaga katanggap tanggap ang nangyaring paglilihi. I was expecting that she'll crave for my innocent face. Wala nito ang mga pinsan kong gago.

Hindi mukhang inosente si Troy, mukhang siyang pera. Hindi mukhang inosente si Owen, mukha siyang manyak. Hindi mukhang inosente si Tristan, mukha siyang laging mga masamang iniisip. At lalong hindi mukhang inosente si Nero, mukha siyang laging mainit ng ulo.

Kung tutuusin sa aming magpipinsan ako ang dapat paglihian ni Warden para maging mukhang anghel ang kambal. Sinong paglilihian ang pagiging tagapagmana ni Troy? Si Owen na laging nakakagat ng aso? O si Tristan na laging tulog. Wala, walang matino sa kanila kundi ako lamang. Pero ano naman ang ginawa sa akin ni Warden? Isinantabi niya ang pagiging magandang lalaki ko.

Hindi ko pinapansin si Sapphire na kanina pa akong inaasar at tinatawanan dahil sa pagkainit ng ulo ko. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi pinaglihian si Troy, Owen at Tristan. Natapakan ang dignidad ng pagiging ninong ko.

"You're so funny Aldus, hayaan mo na ang kapatid ko. Wala tayong magagawa, wala ka naman kasing talent." Napangiwi ako sa sinabi ni Sapphire. Bakit sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay mas ginatungan niya pa?

Nagpatuloy lang ako sa pag babrowse ng picture ko na may kasamang babae na nag eendorse ng isang kilalang alak, isa dito ang mapipiling ilagay sa billboard sa Manila sa susunod na buwan.

"I have talents Sapphire, you're my girlfriend. Dapat alam mo." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Oh, nagtatampo ka na niyan sa akin Raphael? Come here baby boy. Don't worry, paglilihian naman kita kapag nabuntis ako." Hindi na ako nagulat nang bigla siyang naupo sa kandungan ko at hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Ito ang pinakagusto ko sa mga ginagawa ni Sapphire, gustong gusto ko na naglalambing siya sa akin kapag sumasama ang loob ko. Sa isip ko gusto ko na siyang halikan, and even more on my own table. Pero nasa opisina kami, sa susunod na lang siguro. Magpapalambing na lang muna ako.

"Paano mo ako mapaglilihian? ayaw mo namang makabuo." Matabang na sagot ko sa kanya.

"Because it's too early babe. Don't worry, maabutan din natin ang dami ng anak ni Florence at Nero. Pagkatapos kong manganak, siguro pagkatapos ng isa o hanggang dalawang buwan pwede na ulit akong magbuntis." Ako ang napanganga sa sinabi ni Sapphire.

"Hindi ba delikado 'yan?" ngiwing tanong ko.

"Depende, malakas naman ako Aldus. I can do it, we can do it. Gagawa tayo ng maraming babies, hindi ba at padamihan kayo ng anak magpipinsan? Don't worry mangunguna tayong dalawa. Sa galing mong sumisid." Kumindat pa sa akin ang magaling na babae.

Ngumisi na ako sa kanya, bigla siyang napahawak sa balikat ko nang maramdaman niya ang ginawa ko. I did unhook her bra.

"Nakalock ba ang pintuan?" nakataas na ang kilay niya sa akin.

"Always, basta nandito ka."

Walang nagawa ang opisina, hindi kami mapipigilan ng babaeng mahal ko.

Natapos ang pag alala ko sa nakaraan, kung mag isa si Nero. Mag isa rin ako, magkasama ang magkapatid sa mansion ng lolo nila at halos isang buwan ko na rin hindi nakakausap o nahahawakan si Sapphire.

She's really mad, damn mad. Pinagsabihan ko lang naman siya, pero nakatanggap ako ng sampal sa kanya hanggang sa magkagulo na ang lahat, buong akala ko ay wala na itong katapusan pero malaki ang pasasalamat ko nang matuldukan na ito nang magkasama sama kaming lahat sa mansion ni Don Rogelio. Naayos ang mga pamilya namin pero hindi pa rin kami pinatawad ni Nero ng magkapatid.

Nang gabing 'yon, umuwi pa rin kami ni Nero na mag isa. Hindi kami tumigil at ilang araw kaming nanliligaw, pero sablay pa rin.

Tumatawag na sa akin si Troy na nasa bahay daw sila ni Nero at nag iinom, tanghaling tapat. Mga gago.

Hindi ako pumunta sa kanila dahil umiinit pa rin ang dugo ako kapag naalala ko na hindi ako kasama sa mga napaglihian ni Warden.

Lumabas na ako sa aking kwarto nang marinig ko na biglang nabuksan ang tv sa sala, para akong sira ulong biglang nanigas sa aking kinatatayuan. Bakit nabuhay ang tv? Ako lang ang tao sa condong ito.

Kinakabahan akong humakbang papunta sa sala at napamura na lang ako nang makilala ko kung sino ang nakaupo sa sofa.

"Tristan.." hindi ito sumagot sa akin. Naupo na rin ako sa sofa.

"Bakit wala ka sa bahay ni Nero? Hindi ka tinawagan ni Troy?"

"Tinawagan" matabang na sagot ko.

"Bakit hindi ka pumunta?"

"I'm tired. Ayoko rin mag inom, ikaw bakit nandito ka?"

"Ayoko rin mag inom." Sagot niya sa akin.

Natahimik kami ng ilang minuto bago ko basagin ang katahimikan.

"How are you Tristan?"

"Struggling as fvck" I can understand him.

"Bakit hindi mo na lang iwan ang trabahong 'yan? Live normally." Sabi ko sa kanya.

"I can't.."

"Kung sabagay, ang tagal na rin namin sinasabi ito sa'yo. Hindi ka talaga nakikinig, aalis ka na naman ba?" tanong ko.

"Baka hindi ko na mahintay ang panganganak ni Warden Doll, kailangan kong lumipad sa ibang bansa. Kayo na ang bahala kay Nero, Dad told me about that weird family curse. Baka himatayin si Nero." Tumango ako sa sinabi ni Tristan, nasabi na rin ito sa amin.

Kaya ito ako ngayon at kasalukuyang nagpapalit ng gulong ng aking kotse sa tabi ng daan. Nanganganak na si Warden at kailangan kami ni Nero.

Ngayon pa nag flat ang gulong ko!

Nang maalala ko na may dala naman akong pera, mabuting mag commute na lang muna ako. Nasa akto na akong kukuhanin ang wallet ko sa aking likuran nang may mabilis na lalaking tumatakbo at agad hinugot ang wallet ko sa aking bulsa sa likuran.

"Fvck!" sinubukan kong habulin ang lalaki pero nang hindi ko na siya makita dahil sa bilis ng pagtakbo niya ay tumigil na lang ako. Nakailang mura pa ako bago ako tumalikod para bumalik sa aking kotse.

Pero sa malas na buhay! Biglang may tumigil na dyip malapit sa akin at tumalsik sa aking mukha at puting dami ang maduming tubig mula sa dinaanan nito.

"Fvck!" sigaw ko nang umalis ang dyip na may makapal na usok pa. Wala akong pinagpilian kundi magpalit ng gulong.

Lalo pa akong kinabahan nang itanong ko kay Sapphire kung ano ang isinigaw ni Florence. He'll definitely collapse.

Nakarating ako sa hospital na parang basahan ang damit ko, eksaktong kakadating lang din ni Troy at Owen na mukhang mga pawis na pawis rin. Nagdiretso na kami sa may harap ng operating room.

Tama nga ang hinala namin, hindi na maganda ang lagay ni Nero. Sinubukan namin siyang kausapin.

"Fvck! Huwag nyo akong kausapin! Umiikot ang paningin ko! Gutom lang ako! Gutom lang ako!"

Hinayaan na namin si Nero. Umupo na ako katabi ni LG, narinig kong kanina pang tumutunog ang telepono niya pero hindi na niya nasasagot. Si Owen naman ay hindi na mapakali sa pagkakasandal sa pader habang paulit ulit na tinitingnan ang relo. Si Troy naman ay nakailang inom na ng mineral water.

Wala pa rin tigil si Nero sa paglalakad. Nagkakasenyasan na kaming tatlo dahil sa pagmamasid namin kay Nero.

"Tang ina, Nero! Tumigil ka na sa kalalakad!" iritadong saway ni Troy habang nagbubukas na naman ng panibagong mineral water.

"Gago ka! Tatawanan kita kapag si Laura na ang nanganganak!" angil ni Nero.

"Bakit ang tagal nang panganganak ni Wada?" sa pagkakasabing 'yon ni Owen ay lalong namutla si Nero at halos lumuhod siya sa harapan ni LG.

Napapatingin na lang sa amin magpipinsan ang nagdadaang mga tao, sa hitsura ko na mukhang basahan. Si Owen na basang basa ng pawis at si Troy na amoy ipot na marami ng bote ng mineral water na ubos sa kanyang tabi.

"LG.. sadya ba na ganito ang panganganak? Dapat pala ay sumama na ako sa loob." Sabay sabay kaming napailing tatlo.

"Siguro ay nahihirapan si Florence, kambal ang dinadala niya." Umawang ang bibig ni Nero at mukhang natulala na kay LG.

"Nero, tubig!" mabilis siyang inabutan ni Troy ng tubig na hindi na nito napansin dahil biglang may lumabas na doctor mula sa delivery room.

"Doc, ano po ang balita?" mabilis nakatayo si Nero at sinalubong ang doctor ng tanong.

"Nahihirapan pong manganganak ang misis nyo, mukhang matatagalan pa po ang kanyang panganganak." Sagot ng doctor.

Lahat kami ay nasa doctor ang atensyon, pero nang mapansin namin na humakbang paatras si Nero agad na kaming naalarmang tatlo. Shit.

He's going to fall!

"Nero!" sigaw namin ni Troy na mabilis nakatakbo sa likuran niya. Sabay namin siyang nasambot. Putlang putla ang mukha ng gago, parang hindi na rin humihinga.

"Tang ina?! Hinimatay ang gago!" sigaw ni Troy.

Natulala na ang doctor sa aming magpipinsan, kumakamot ng ulo si LG habang inaalalayan namin si Nero.

"Shit! This can't be happening, my reputation." Pilit tinatakpan ni Owen ang kanyang mukha.

"LG, dito ka na lang muna. Kami na dito.." hindi nagtagal ay nagpatawag ang doctor ng nurse para tulungan kami. Dadalhin sa emergency room ang gago! Tang ina, nakakahiya na kami.

Inilagay pa ang gago sa stretcher! Nag paiwan si Troy at sasamahan na lang daw si LG. Kaya ang nangyari kaming dalawa ni Owen ang sumasalo sa kahihiyan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Nakasunod kaming dalawa sa magkabilang stretcher na parang nabaril ang aming pasenyente.

"Nerbiyoso pala po ito." Komento ng nurse.

Kapapasok lang namin sa emergency room nang makakita kami ng hindi lang lilimang batang nag iiyakan at may mga isinusugod pa. Karamihan sa kanila ang dumudugo ang mga binti.

"Bakit ang daming nakakagat ng aso ngayon?" malakas na sabi ng doctor. Ako ang kinabahan sa narinig ko.

Dahan dahan akong lumingon kay Owen na namumutla nang nakatitig sa mga batang dumudugo ang binti. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.

Nasa kama na si Nero at inaasikaso ng mga nurse.

"Owen!" Nasabunutan ko na ang sarili ko nang bigla na lamang ito mawalan ng balanse, binilisan ko ang pagkilos ko para masambot siya pero natumba pa rin kaming dalawa.

Ang drama na ng nangyayaring panganganak na ito! Hindi na nga ako pinaglihian ako pa ang napapahiya dahil sa mga gagong ito! Naiiyak na ako sa kahihiyan.

"Tulungan nyo ko, nahimatay ang pinsan ko." Naiiyak na ako sa kahihiyan. Tinulungan ako ng mga nurse at inilagay sa kabilang kama si Owen.

Nang hihina na akong napaupo sa pinaka malapit na wheelchair.

"Ayaw ko na! Ayaw ko kayong maging mga pinsan! Nakakahiya na kayo!"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top