Chapter 48
Chapter 48
Mas lalong bumigat ang tensyon sa loob ng na napakalaking mansion. Karamihan sa mga kamag anak ko ay nakaawang ang mga bibig habang nakatitig kay Tristan.
Lahat ng mga tao sa loob ng mansion ay alam ng matagal nang patay si Tristan, magpipitong taon na ang nakakalipas. Tanging kami lang ng mga pinsan niya, si LG at ang kapatid ko ang may alam na buhay siya.
Ramdam ko ang bahagyang paghawak ni Nero sa aking bewang para alalayan ako sa mga nangyayari. Kahit ang tatlong pinsan niyang, si Troy, Aldus at Owen ay tulalang hindi inaasahan ang pagdating ni Tristan. Kung ganon, siya ang nagbigay ng maling balita sa dalawang pamilya.
Minsan na rin nasabi sa akin ni Nero na nagtatalo na rin sila ni Tristan noon pa man kung kailan ito magpapakita sa kanilang pamilya, pero hindi ko inaasahang ngayon siya magpapakita, sa ganitong sitwasyon.
Lalong lumakas ang iyakan ng mga babaeng Ferell, ang ilan sa mga lalaki ay inaalalayan na ang kanilang mga asawa na nawalan ng malay.
"What the hell is going on here?!" malakas na sigaw ni Gio.
"Stop this already, Florence had enough of blaming since my fake death. Handa akong akuin ang galit nyong lahat, sa akin nag umpisa ang malaking gulong ito. Gusto ko nang tuldukan ang lahat." Mahinang sabi ni Tristan.
Pansin ko na nakaawang na ang bibig ng Mama, tulala na rin si Daddy habang patuloy lang sa pag iyak si Amira. Litong lito na rin si lolo, habang tulala naman si LG.
Tulala na ang mga lalaking Ferell, pansin ko na kasama ang mama ni Tristan sa nawalan ng malay. Samantalang ang kanyang daddy ay parang naiiyak na rin.
"You're alive?!" malakas na sigaw habang umiiyak na sabi ng ate ni Tristan. Nagmadali itong tumayo mula sa sofa, buong akala ko ay yayakapin niya ang kanyang kapatid pero napasinghap na lang ako nang sunod sunod niyang pinagsasampal si Tristan.
"Natiis mo kami! Natiis mo kaming lahat! Anong klaseng anak ka?! Anong klaseng kapatid ka?! Anong klaseng tao ka?! Tristan, anim na taon! Anim na taon mo kaming ginawang tangang lahat! Nasaan ka?! Anong pinaggagawa mo. sa buhay mo?! Bakit mo kami pinaniwalang patay ka?! Wala kang puso! Wala kang puso! Anong tingin mo sa aming pamilya mo?! Tristan! Bakit!? Anim na taon! Anim na taon!" walang tigil sa paghampas at pagsampal sa kanya ang kanyang ateng umiiyak.
"I'm sorry, I'm sorry. I'm sorry Ate.." mahinang sabi ni Tristan habang tinatanggap lang ang bawat paghampas sa kanya ng kanyang ate.
"Gago! Sinalo lahat ni Florence ang galit ng buong angkan mo! Sinalo lahat ng pamangkin ko! Anim na taong hirap na hirap ang pamangkin ko! Tingnan mo! Tingnan mo! Hanggang sa pagbubuntis niya, pinepeste pa rin ang pamangkin ko nang mga walang alam mong kamag anak! Ginawa mong miseble ang buhay ni Florence!" Malakas na sigaw ng tito ko.
Muling nagsigawan ang mga tita ko, malalaki na ang hakbang ni Tito Gil papalapit kay Tristan. Buong akala ko ay pipigilan siya ni kuya Nik at Gio pero hindi ito ginawa ng mga pinsan ko. Hinayaan nila itong makalapit kay Tristan. Agad itinulak ni Tristan ang kanyang kapatid bago siya tamaan ng suntok mula kay Tito dahilan kung bakit ito nawalan ng balanse at matumba.
"Tito No! No! Please stop!" sigaw ko.
Napangibabawan niya si Tristan at pinaulanan niya ito ng suntok.
Nagtayuan na si Owen, Troy, Aldus at maging si Nero at mabilis silang nagtakbuhan para tulungan si Tristan. Akala ko ay aawat ang mga tito ko pero karamihan sa kanila ay gusto rin kuyugin si Tristan.
"Tama na! Tama na!" sigaw ko habang umiiyak. Pilit yumakap sa akin si Sapphire at binubulungan niya akong kumalma para sa kambal. Pero papaano pa ako kakalma sa sitwasyong ito?
Habang nagkakagulo ang lahat ay walang habas kinuha ni Daddy ang braso ni Amira at marahas niya na itong hinila papalabas ng mansion. Hindi ko na sila pinansin at mas binigyan ko ng atensyon ang nagkakagulong mga lalaki.
Binubugbog na ng tito ko si Tristan, nagsisigawan na ang mga babaeng Ferell. Halos lahat ng mga lalaking Villacorta at Ferell ay pilit nang umaawat sa nagkakagulo sa gitna.
"Tama na! Tama na, utang na loob. Itigil nyo na 'yan!" sigaw ko.
"Florence please, hindi natin sila mapipigilan. May punto ang pamilya mo, ang mga Villacorta para magalit. Sila ang saksi kung paano ka mahirapan dahil sa pagkamatay ni Tristan. Sa lahat ng sisi ng mga Ferell, mula sa mommy ni Nero, sa pamilya ni Tristan. Sa'yo ibinunton ang lahat. Alam kong mangyayari ang bagay na ito sa sandaling pumutok ang katotohanan."
"Alam nating hindi kasalanan ni Tristan, Sapphire! Sobra na 'yong sakit na natatanggap ni Tristan, sobra sobra na. He doesn't deserve this, gusto lang tumulong na tao."
"Can you blame your family? Can you blame Villacortas for hating him? Mahal na mahal ka ng Villacorta, Florence. At naaawa sila sa'yo dahil hanggang sa pagbubuntis mo ramdam mo pa rin ang bigat ng sisi nila sa'yo. Galit na hindi naman dapat." Hindi ko nagawang masagot si Sapphire.
Hindi man perpekto ang pamilya ko sa parte ni Daddy at tanging si lolo lamang ang tama, kahit kailan hindi ako nagkaroon ng problema sa mga Villacorta. Kahit wala na si mommy, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal nila sa akin.
"Tama na! Huwag nyo nang saktan si Tristan, ang dami na niyang napagdaanan! Tama na. Huwag lang siya ang sisihin nyo, ako! Alam kong buhay siya! I know that he's alive!" sigaw ni Nero habang pilit inihaharang ang sarili sa pinsan niya na may bahid nan g dugo ang mukha.
Hindi na si Tito Gil ang sumuntok kay Nero dahil si Gio at Kuya Nik ang magkasunod na sumuntok sa kanya.
"Nero!" muli akong napasigaw.
Pansin ko na hindi na rin makatayo o makagalaw man lang ang dalawang matanda na siyang namumuno ng usapan. Sobra sobra na ang gulong nangyayari.
"Anong klaseng gagong asawa ka! Tang ina mo! Tang ina mo Nero! Kita mo! Kitang kita mo na kung paano mahirapan ang sarili mong asawa dahil sa walang katupusang pagsisi ng pamilya mo sa pekeng pagkamatay ng gagong 'yan! Anong katangahan ang umiiral sa inyong magpipinsan?! Si Florence ang pinahirapan nyo!" sigaw ni Kuya Nik.
Pilit na akong pinaupo ni Sapphire sa sofa, nakakaramdam na ako ng panghihina sa pangyayari.
What's going on? Bakit mas lalong lumaki ang gulo? Napakarami na naming tulala habang nagkakagulo na ang mga lalaking Villacorta at mga Ferell.
"Huwag lang sila ang sisihin nyo, kami rin! Kami rin!" Pilit humarang si Owen at Aldus sa harapan ni Tristan, habang si Troy naman ay kay Nero.
Humahagulhol na ako sa pag iyak habang walang tigil sa pagyakap sa akin si Sapphire at paghaplos sa likuran ko. Katabi ko na rin ang mga tiyahin ko at pilit akong pinapakalma.
Hindi pinalampas ng mga tiyuhin ko ang tatlong Ferell, lahat ang mga ito ay nakatanggap ng suntok. Nagsisigawan ang mga babae para patigilin ang mga lalaking nagkakagulo.
Umawat na ang mga nakakatandang Ferell at pilit inilalayo ang kanilang mga anak sa mga Villacorta na biglang sumiklab ang kanina pang tinitimping galit. Kapwa na may bahid na dugo sa kanilang mukha ang limang Ferell.
"Sabihin nyo sa amin! Sabihin nyo sa amin kung anong matinding dahilan nyo at kailangan nyong itagong buhay ang isang 'yan! Kahit saan nyo tingnan ang kawawa kong pamangkin ang lubos na naapektuhan sa loob ng anim na taon! Isinisi sa kanya ang lahat at hanggang ngayon pinahihirapan nyo pa rin siya! Anong mga klase kayong mga tao?! Anong klase kang asawa Nero?! Anong klaseng impakta 'yang ina mo?!" sigaw ng tito ko.
"Oh, ngayon Nerissa! Mag isip ka pa ng ibabato sa pamangkin ko. Magbato ka pa ng salita sa pamangkin ko, paduduguin ko na 'yang nguso mo!" biglang sigaw ng isa sa mga tiyahin ko na kanila lamang ay kalmado pa.
"Magsalita kayo!" sigaw ni Sapphire.
Hindi ngayon makapagsalita si Mama, wala na siyang maaari pang sabihin sa akin. She's on her dead end.
"Kayo ang mawalan! Kayo ang tumayo sa sitwasyon namin! Hindi ba at sisihin nyo rin naman ang siyang alam nyong may dahilan?!" sagot ni Tita Beatrice.
"But everything was too much!" sigaw ulit ng tita ko.
"Please, tama na..tama na Tita, tito. Alam ko rin na buhay si Tristan.." lalong nagsinghap ang lahat sa sinabi ko.
"Bakit ang tatanga nyong lahat?! Kayo ang gumagawa ng gulo! Kayo ang gumagawa ng malalang problema! Anong rason nyo at nagtago kayo ng ganitong klaseng sekreto?! Buhay ang pinag uusapan dito! Ano kami?! Hindi ba kami pamilya?!" sigaw ng ate ni Tristan.
Walang nakasagot sa aming mga nakakaalam na buhay si Tristan. Hindi namin pwedeng sabihin sa kanila ang klase ng trabahong meron si Tristan.
"Sagutin nyo kami!" sigaw ng Ate ni Tristan sa limang Ferell na puro nakatungo. Pansin ko na wala pa rin malay ang mommy ni Tristan habang walang tigil sa pagpaypay dito ang mga babaeng Ferell.
"Ano?! Ganito na lang tayo? Lalabas lang bigla si Tristan at akala nyo matatapos na ang lahat?! Sa tingin nyo yakap ang maisasalubong namin at ngingiti kaming lahat sa ginawa nyong pagtatago sa amin?!"
"Stop this Tiana, alam ko rin na buhay ang apo ko." Narinig ko ang sunod sunod na mura ng mga kamag anak ko sa sinabi ni LG.
"Shit! I can't hear this anymore! Your damn family is a mess! Florence! Pumunta ka bukas sa bahay kakausapin ka namin! Makakapatay kami kung magtatagal pa kami dito!" Huling sabi ni Tito Gil. Sumunod sa kanya ang mga tito na masasamang tinapunan ng tingin ang limang Ferell.
Nagpaalam na rin sa akin ang mga tita ko bago sila nagsunuran sa kanilang mga asawa. Nagpaiwan si Kuya Nik at Gio.
"What? What? Pati ba naman ikaw LG? Oh god! Anong mga problema nyo?!" umiiyak na sabi ng kapatid ni Tristan.
"Ate.."
"Stop calling me Ate, Tristan! Dahil kahit kailan ay hindi mo ako itinuring na kapatid!"
"Ate.."
"Ito na nga ba ang sinasabi ko, palibhasa kayong lima lumaki kayong sama sama. Nasanay kayong, kayo lang lima. Paano naman kaming pamilya nyo? Ano kami? Nakalimutan nyo na kami?" pakinig kong sabi ni Tita Gwen, mommy ni Troy.
"Ang akala ng limang 'yan. Kaya na nila ang lahat! Papa naman, ano naman ang itinuro mo sa kanila? Masaya kami at napalaki mo sila ng maayos pero bakit dumating naman sa puntong gumagawa na sila ng desisyon na hindi man lang iniisip ang kanilang sariling pamilya? Owen, Nero, Troy, Aldus at Tristan, alam namin na pinalaki kayo ni Papa na isang pamilya pero ano ang tawag niyo sa amin? Bakit kayo nagdedesisyon kayo na hindi kami iniisip? Ano kaming mga magulang nyo? Hindi habang buhay sapat kayong lima sa isa't isa, kakailanginin nyo rin kami." Mahabang sabi ng mommy ni Owen habang umiiyak.
"Mom.."
"I'm sorry for everything. Mom, Dad..Ate, sa mga pinsan ko, tita, tito. To all Villacortas and you Florence. It was all because of me, my identity.. and all.." piniling magpaalam na ng dalawa kong pinsan dahil nararamdaman nilang usapang pamilya na ito ng mga Ferell.
Si lolo ay bahagyang nahirapang huminga kaya sinamahan siya ni Sapphire sa kwarto nito.
Ipinaliwanag ni Tristan sa buong pamilya niya ang totoong pagkatao niya, at pilit pa rin niyang sinabi na hindi nito kayang iwanan ang kanyang trabaho. Maraming nagprotesta pero matigas ang paninindigan ni Tristan sa pananatili sa kanyang trabaho.
Katabi ko na muli si Nero at wala siyang tigil ng pagbulong sa akin na matatapos na rin ang lahat ng ito. Matatapos na rin ang gulong ito.
"Ito pa! Isa pa ito lolo sa napansin ko sa mga apo nyo! Paano mo tinuruan magmahal ang limang ito?! Itong limang ito! Kapag nagmahal ng babae masyadong mga na uulol! Look! Look what happened to you Tristan? Habol! habol sa pagkatao ng babae hanggang kamatayan! Si Nero?! Ilang beses nagpakamatay nang iniwan ni Florence!"
"Tiana, hindi ako nagpakamatay!"
"Shut up!" sigaw sa kanya ng mga babae niyang pinsan.
"Then, 'yan si Aldus! Akala mo ba hindi namin alam na kasal ka na kay Saffira! Nagpakasal na agad ang gago para matali ang babae!" umawang ang bibig ko sa sinabi ng kapatid ni Tristan. Pansin ko na hindi nagulat ang limang magpipinsan sa sinabi ni Tiana, alam nila.
"Si Owen! Ititigil na daw ang career at magmamahal na lang! Mga tanga na kayong lima! At 'yang si Troy wala nang ibang ginawa kundi humabol sa babaeng ayaw sa kanya!" Walang nakapagsalita sa limang magpipinsan.
"Ang ibig kong sabihin dito kapag may nakilala kayong babae, huwag nyong hayaan na sa kanila lang umikot mundo nyo kasi nandito pa kami. Nandito pa kaming pamilya nyo, dapat hindi kami kinakalimutan. Kaya nakakagawa kayo ng mga maling desisyon dahil hindi na kayo umaasa kahit minsan sa amin."
Hindi na nakapagsalita ang limang magpipinsan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang isa isang naglapitan sa amin ni Nero ang mga babaeng Ferell. Nanguna ang mama ni Tristan at ang kanyang kapatid, sumunod ang mama ni Troy, Owen at Aldus at ang mga kapatid nito. Hinawakan ni Tiana ang kamay ko.
"Patawad Florence, humihingi kami ng tawad sa lahat. Sorry for blaming you for six years." Naiiyak akong ngumiti sa kanila.
Naiintindihan ko ang emosyon nila sa akin noon pa man, sobrang tindi nito na halos hindi ko na mapaniwalaan na magkakatuldok na ito sa mga oras na ito.
"Humingi kami ng tawad sa lahat Florence, ang buong pamilyang ito ay humihingi ng tawad sa'yo. Sa mga Villacorta.." nangunguna ang mama ni Tristan.
"Mama!" pakinig ko ang sigaw ni Nero.
Hindi pa rin lumapit sa akin si Mama at sa inis ng Daddy ni Nero ay inilabas na nito ang kanyang asawa. Nailing na ang mga babaeng Ferell sa inasta ni Mama. May mga bagay talaga na hindi kayang ipagpilitan at mukhang hindi na talaga.
Pansin ko sa likuran na niyakap ni LG si Tristan.
"Naiintindihan ko po kayo, tama na. Tapusin na natin ang malaking alitang ito. Let's start a new, a fresh start. Para sa kambal namin ni Nero."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top