Chapter 47

Chapter 47


Ramdam ko ang tensyon sa loob ng mansion ni lolo. Kailan ba huling nagkaroon ng ganito karaming tao dito? Noong bago kami ikasal ni Nero. Tanda ko pa na medyo maayos na ang samahan ng magkabilang pamilya pero mukhang magkakaroon na naman ng malaking distansya dahil sa pangyayaring ito.

Kalmado na ang mga tao, lahat ng mga babae sa bawat pamilya ay nakaupo habang ang mga lalaki ay nanatiling nakatayo. Kinuha ni lolo at ni LG ang mga baril na dala ng bawat pamilya.

Hindi lang pala ang mga tito ko ang may dala, maging ilan din sa mga lalaking Ferell ay may dala rin nito. Mabuti na lang at alerto si Tito Pio at naagaw niya ang baril kay Tito Gil na mainitin ang ulo.

Nakaalalay pa rin sa akin ang aking kapatid dahil napapansin niya ang ilang beses na paghawak ko sa aking tiyan. Kita ko ang tangkang gustong paglapit sa akin ni Nero pero umiling ako sa kanya, mas mabuting sa kanyang pamilya muna siya sumama lalo na at ang pag aaway rin namin dalawa ang dahilan kung bakit kami natipong lahat dito.

Pero ang malaking tanong, ano pa ang pinaplano ni Amira at Mama. Anong pasabog ang gagawin nila? Bakit nila tinipon ang lahat sa iisang lugar? Bakit? Hindi ba at mas mapapasama ang sitwasyon nila kapag nalaman ng lahat?

Hindi ko malaman kung ano ang iniisip nila.

Pansin ko na may dinudukot sa kanyang bag ang magaling kong biyenan at nang makita kong telepono ito, agad kumunot ang noo ko. Siguradong babalaan na niya si Amira. No way!

"Walang hahawak ng telepono!" sigaw ni Sapphire.

Kita ko ang biglang pag asim ng mukha ng mga tiyahin ng mga Ferell sa ginawang pagsigaw ni Sapphire. Ibinalik ni Mama ang kanyang telepono sa kanyang bag at masama niyang tiningnan ang kapatid ko at ako.

"Pwede ba naming malaman kung ano ang pinagmulan ng gulong ito? Habang hinihintay natin ang babaeng kailangan nating lahat." Pormal na sabi ni Daddy Eneru. Nero's dad.

Tama lang na may nalalaman sila sa mga nangyayari, hindi dapat basta na lamang silang susugod at ipagtatanggol ang kamag anak kahit hindi pa alam ang sitwasyon.

"It's because of them hon!" galit na sabi ni Mama.

"Nerissa, papakinggan namin ang bawat panig." Nagtanguhan ang ilan sa mga Ferell, maging ang mga kamag anak ko.

Ipinaliwanag namin ni Sapphire ang totoong nangyari, simula sa pagpunta namin sa bahay hanggang sa abutan namin sila ni Amira, pagpapalayas naming magkapatid kay mama at kung bakit namin siya pinalayas, alam na rin naman siguro ang dahilan. Umabot sa nangyaring pagbato sa akin ni Amira, hanggang sa sabunutan siya ni Sapphire. Ang huling nagpagulat sa lahat ay nang sabihin namin na sinabi ni Amira na matagal na silang magkakilala ni Mama at imposibleng hindi nito nakilala ang asawa nito.

"Nerissa! What's the meaning of this?!" sigaw ni Daddy Eneru.

"Mga sinungaling ang mga babaeng 'yan! Bakit hindi kayo sa akin maniwala?!" pagtanggi pa nito. Pakinig ko ang mga mura ng mga tiyuhin ko mula sa likuran. Ramdam ko na pinipigilan na sila ng mga tita ko.

"Nagmamatigas pa talaga siya Florence." Naiiling na sabi ni Sapphire.

Tahimik na lang ang limang magpipinsan at hindi na makapagsalita sa mga nangyayari. Balisa na rin si Nally, kapatid ni Tristan at ilang mga tiyahin nila na walang tigil sa pagpaypay dahil sa kaunting hangin.

"Tang ina si Lorenzo na naman ang problema! Ang gagong 'yon na wala nang ginawang tama!" Iritadong sabi ni Tito Gil.

Alam kong hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ang buong angkan ng Villacorta kay Daddy, at sigurado akong mahihirapan na itong maayos. Lalo na ngayong kita nilang si Daddy na naman ang problema ng lahat.

Narinig na namin ang ingay mula sa sasakyan, hindi nagtagal ay nakita ko nang parating si Daddy at Amira, kapwa sila nagulat nang makitang napakaraming taong tensyonado ang naghihintay sa mansion.

"What's the meaning of this?!" tanong nito.

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo at 'yang hindi matapos na pambabae mong hayop ka?!" sagot agad ng tiyuhin ko.

Tumalim ang mata ni Daddy sa sinabi ni tito. Nakaupo na rin ang dalawang matanda na kapwa na rin sumasakit ang ulo sa mga pangyayari.

"Tutal nandito na rin ang hinihintay natin lahat, bakit hindi natin pakinggan?" agad na sabi ni LG.

"Totoo ba na matagal na kayong magkakilala ni Nerissa?" tanong ni lolo. Magkahawak kamay na kami ni Sapphire, sana ay matapos na sa gabing ito ang lahat. Pansin namin na nagkatinginan sila ni Mama.

"Nitong nakaraang buwan lang." Sabay kaming napatayo ni Sapphire.

"No way! Sa bibig mo mismo nagmula at sinabi mo na matagal na kayong magkakilala! You're lying!" sigaw ni Sapphire.

"She's lying! Daddy! Nandon ka ng oras na sabihin niya sa atin!" sigaw ko rin.

Nag aalala na ang mga mata ni Nero sa akin, alam kong gusto niya akong kumalma, pero paano ko magagawa 'yon kung patuloy pa rin magsisinungaling ang mama niya at itong si Amira?

"Sapphire, Florence umupo muna kayo mga apo." Kalmadong sabi ni lolo.

"Daddy!" muling sigaw ko. Hinahaplos haplos ni Amira ang kamay ni Daddy na nakahawak sa kanyang balikat.

"Oh my gosh, bulag ka na daddy! Wala ka man lang sasabihin?!" pansin ko na naiiyak na si Sapphire.

"Gumagawa lang kayong dalawa ng kwento, para sa isang kwintas at painting. Pinalaki nyo pa ng ganito mga hija? Hindi na kayo nahiya sa dalawang pamilyang naabala niyo." Mahabang sabi ni Mama.

Hindi na kami makapagsalita ni Sapphire.

"Anong klase kang ama dad? Alam mo ang katotohanan, alam mo kung sino ang nagsasabi ng totoo. Mas pipiliin mo pa na magmukha kaming mga sinungaling, kaming mga anak mo para lamang sa babaeng 'yan? Ganito na lang ba talaga daddy?" nanghihinang sabi ko.

"We need to go home, kung mananatili tayo dito mas lalaki ang gulo." Sabat ni Tita Beatrice.

"Daddy.." halos sa sabay na tawag namin ni Sapphire.

Mas lalong dumiin ang kamay namin sa isa't isa ni Sapphire nang makita namin na bahagyang humiwalay si Daddy sa nakaupong si Amira.

"Yes, sinabi mo Amira na matagal na kayong magkakilala ni Nerissa." Pakinig ko ang mura ng mga Villacorta sa likuran at singhapan ng mga Ferell.

"But that doesn't mean that those Almero sisters are free to blame me for everything!"

"Okay! We are not blaming you Tita, bakit ka naman namin sisisihin. Ibuhos natin ang lahat kay Amira ang galit! Kung wala siya, hindi magkakaroon ng eskandalo sa mansion, wala nito! Si Amira ang sisihin sa lahat!" muling sigaw ni Sapphire.

Agad naalarma si Amira sa sinabi ng kapatid ko, lalo na nang makita niyang may ilang baril na nakapatong malapit sa lamesa ng dalawang matanda.

"Napag utusan lang ako, inutusan lang ako." Nakatungong sabi nito.

Sabay kaming sarkastikong ngumisi ni Sapphire kay Mama na namumutla.

"What are you saying Amira?!" sabi ni Mama.

"Akala ko ba hindi mo ako pababayaan kapag nagkagipitan na? Ano itong ginagawa mo sa akin? Iniiwan mo ako sa ere Nerissa." Mahinang sabi nito.

"Amira, what's this?" tanong ni Dad.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Amira, huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo." Napanganga si Amira sa sinabi ni mama.

"Ikaw ang nag utos sa akin! Sinabi mo sa akin na binata pa si Lorenzo! Walang pamilyang iniwan! Wala akong alam dito! Biktima lang ako at nagmahal! At ngayong hindi nasunod ang gusto mo, ako ang iiwan mo sa ere?!" lumuluhang sabi nito.

Kahit nagkakagulo na si Mama at Amira, unti unti nang gumagaan ang pakiramdam ko. Mukhang matatapos na dito, malalaman na ng lahat ang gusto naming iparating ng kapatid ko.

"What's the meaning of this Amira?!" tanong ni Daddy.

"Nagpabayad ako kay Nerissa! Kinupkop kita gaya ng gusto niya! Sinabi niya sa akin na paibigin kita kapalit ang pera pero habang tumatagal ay napamahal na rin ako sa'yo Lorenzo." Napapikit na lang ako nang sampalin siya ni Daddy.

Lumuluha si Amira habang hawak ang kanyang pisnging sinampal ni Daddy. Sobrang tahimik na ni Mama habang pinagmamasdan na siya ng lahat.

"Nerissa, pinagkaitan mo ng ama ang dalawang batang ito. Anim na taon Nerissa, anim na taon ang inagaw mo sa dalawang anak ni Lorenzo." Matigas na sabi ni Daddy Eneru.

"Naniniwala kayo kay Amira?! Nangungutang siya sa akin ng malaking halaga, humihingi siya ng tulong sa akin nang makita nyo ako sa mansion at ngayong hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya, gumagawa siya ng kwento! Idinadamay niya ako sa kalokohan niya!" mahabang paliwang ni Mama.

Kung sila maloloko niya sa pag arte niya, hinding hindi kami ni Sapphire. Hindi man lang ako maawa kay Amira habang patuloy siyang iniiwan sa ere ni Mama. Masyado siyang uto uto.

"Anong pinagsasabi mo Nerissa?! Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito! Biktima lang ako ng galit mo sa magkapatid na 'yan! Biktima lang ako!" paulit ulit na sabi ni Amira.

"Nerissa!" sigaw ni LG at ni Daddy Eneru.

Wala akong ibang marinig mula sa mga kamag anak ko kundi mura, mura kay Daddy na tanga daw. Kay Amira na mukhang pera at kay Nerissa na impakta.

"Mama, why? Why Florence? Alam mong mahal ko si Florence. Bakit galit na galit ka sa babaeng pinakamamahal ko?" lumapit na si Nero sa akin. Si Sapphire na mismo ang tumayo para hayaan si Nero na tumabi sa akin.

Lahat ay natahimik sa tanong ni Nero at hinintay namin ang isasagot ng ni Mama, ito rin ang matagal nang tanong sa aking isipan. Bakit siya galit na galit sa akin?

"Because I am seeing Alyanna on her! And I am seeing you Nero as your father!" sigaw nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

"What?" naguguluhang tanong ni Nero.

"Is that all Nerissa?! Ito na naman ba tayo?!" sigaw na ng Daddy Eneru.

"Eneru's first love was Alyanna, right? Hanggang ngayong patay na ang kapatid namin Nerissa, nakikipag kumpetensiya ka pa rin sa kanya? Hindi mo man lang ginalang ang kapatid namin. Nasayo na si Eneru, ikaw ang pinakasalan. Bakit kailangang magtanim ka pa rin ng galit hanggang sa anak niya?" tanong ng tita ko.

Hindi ko alam na may nakaraan ang mommy ko at ang daddy ni Nero. Alam kaya ito ng daddy kong babaero?

"Paano ako matatahimik?! Eneru's still having Alyanna's picture with him! And he is damn happy that Nero and Florence are together! Nakikita mo ang sarili mo at si Alyanna sa kanila!" sigaw muli nito.

"She's crazy.." pakinig kong kumento ni Gio kahit alam nitong mapapakinig siya ni Nero.

"Nerissa, that was a long ago. Walang kinalaman ang mga bata sa pagseselos mo kay Alyanna! Pinalalala mo ang sitwasyon!" napahilamos na lang sa kanyang sarili ang daddy ni Nero.

Hindi na nakapagsalita si Daddy at Amira, natahimik na rin ang dalawang matanda, namumutla na ang karamihan sa mga Ferell sa kaalamang ang partido nila ang mali habang ang mga kamag anak ko ay nagpapaulan na ng bulong na punong puno ng mura.

Biglang nagsalita ang isa sa mga tiyahin ko.

"Alam kong magkaribal na kayo ni Alyanna, Nerissa noon pa man. Sa academics, sa mga pageants at sa marami pang bagay pero ang kapatid namin kahit kailan hindi siya nakipagkumpetensiya sa'yo kay Eneru. She's already chasing that fvck Lorenzo, hindi na niya nakikita ang asawa mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tita.

Ang akala ko ay ang first boyfriend ni mommy ay si Samuel na inagaw ni Daddy. I don't understand.

Hindi sumagot si Mama at nag iwas lang ito ng tingin na parang ayaw makinig.

"Wala kayong karapatang pagsabihan ako." Sagot nito.

Ramdam kong nagkakagulo na muli sa aking likuran, alam kong may gusto nang sumugod sa mga kamag anak ko.

"Mama that's too much, because of your jealousy look what happened. Alam mo ang pinakamahirap ayusin na klase ng away? Away pamilya tita, dapat kinausap mo na lang ako ng maayos tungkol sa bagay na ito. Kinausap mo si Nero, si Daddy Eneru para malinaw. Hindi mo na kailangang palakihin pa ang gulong ganito. Ang daming nadamay at muntik pang umabot sa puntong may muntik nang mabaril. Bakit kailangan mo pang tawagin ang lahat ng angkan?" Mahinahong paliwanag ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Florence! Bakit ako na lang lagi ang sinisisi mo?! Isa pa hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ayaw ko sa'yo! Ayaw namin sa'yo! Nalagasan kami ng isa! Nalagasan kami ng isang Ferell ng dahil sa'yo! At hindi na maibabalik 'yon!"

"Tama na, tama na Tita. Stop blaming her, ako ang dapat sisihin sa lahat. I am damn alive! I am damn alive!"

Lahat kami ay napalingon sa bagong dating, karamihan sa mga babaeng Ferell ay nawalan ng malay at nag iyakan dahil sa pagdating ni Tristan.

Umuwi na si Tristan at kitang kita pa rin lungkot sa buong awra niya.

"Stop blaming Florence, buhay ako at ako ang nagpatawag sa inyong lahat."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top