Chapter 46
Chapter 46
Natahimik ang lahat sa magkasunod na sinabi namin magkapatid. Nagplano na kaming magkapatid na manatiling tahimik at walang kilos na gagawin hanggang sa makapanganak ako pero itong mababait naming biyenan, bigla pa kaming sinugod at pinamumukha sa amin na kaming dalawang magkapatid na naman ang mali at masama.
Ano nga ba ang aasahan mula sa kanila? Wala na kaming ginawang tama sa kanilang mga mata. Magkaroon lang kami ng maliit na pagkakamali, gagawin na agad nila itong magandang oportunidad para siraan kami sa kanilang mga anak.
Hindi lang tatlo, apat o sampu ang bilang ng pang iinsulto at masasakit na salita ang naibato nila sa aming magkapatid at ngayong nasa teritoryo namin kayo, lugar na kaming magkapatid ang reyna sisiguraduhin naming pauulanan namin sila ng sarili naming mga salitang may kakaibang anghang.
We had enough, ang matagal naming pagpapasensiya at pag iwas magkapatid sa ganitong klaseng sagupaan ay tapos na. Tinatapos na namin. Ngayong gabi na ang araw na ibabato na namin ang lahat ng kinikimkim namin.
Napansin ko na pinagkrus ng kapatid ko ang kanyang mga braso at ilang beses siyang humakbang na parang lalapit siya sa aming butihing mga biyenan.
"Tell us, handa kaming makinig lahat." Matigas na sabi ng kapatid ko.
Pansin ko na litong lito ang mga lalaking Ferell sa mga nangyayari, kahit si LG at lolo ay hindi na rin makapagsalita. They can be our audience, a very good audience.
"What? Anong sinasabi niyong dalawa?" mabilis na sagot ng mama ni Nero o tama pa ba na sabihin ko pang biyenan ko?
"What is this Mama?" matigas na tanong ni Nero.
"May alam ka ba dito Ma?" tanong din ni Aldus sa kanyang ina.
Sinimulan ko nang magsalita.
"Mama, hindi mo alam? Hindi ba at magkasama lang kayo noong isang araw? Masaya pa kayong nagtatawanan sa bahay ng Mommy ko. Hindi mo talaga maalala?" tanong ko na may sarkastikong ngiti.
"Kilala ko si Amira! At magkaibigan kami pero hindi ibig sabihin nito ay pwede nyo na akong akusahan ng kung ano ano. Anong mga karapatan nyo? Hindi nyo man lang ako iginalang!" sigaw nito sa akin.
"Mama! Let's go! Umuwi na tayo! Aldus, si Tita." Agad na sabi ni Nero para matapos na ang gulo. Hindi pwede.
"No!" sabay naming sabi ni Sapphire.
"Tutal naman ay nandito na tayong lahat, magkausap usap na tayo. Magkaharapan na, ilabas nyo na ang lahat ng hinaing nyo sa aming magkapatid at ganito din ang gagawin namin ni Florence." Malakas na sabi ng kapatid ko.
"Rogelio.." pakinig ko ang tawag ni LG.
"Bakit hindi ipagpatuloy? Para matapos na ang walang tigil na diskusyon nyo." Sabay kaming tumango ni Sapphire sa sinabi ni lolo. Hindi na namin palalampasin pa ang gabing ito.
Nasa gitna namin ni Sapphire si lolo. Habang kaharap naman namin ang mga Ferell, hawak na ni Aldus at Nero ang kanilang mga ina habang nasa tagiliran si LG at halatang halata ang pagkalito sa mga nangyayari.
"You are friends with Tita Amira?" tanong ni Nero sa kanyang ina.
"Yes, anong masama anak? Kailan pa naging masama ang pakikipagkaibigan? Bakit masyadong binibigyan lagi ng kahulugan ng mga Almerong 'yan ang mga bagay bagay?" mabilis na sagot nito.
Nanatili kaming tahimik ni Sapphire, hahayaan muna namin silang magsalita.
"Bakit parang sa punto ng pagsasalita nyo mga hija ay sinasabi nyong may kinalaman si Nerissa sa anim na taong pagkawala ni Lorenzo? Baka hindi nyo nalalaman ang mga salitang binibitawan nyo." Mahabang sabi ni Tita Beatrice.
"Hindi namin sinabi na may kinalaman siya, we are just asking her opinion. Kung matagal na silang magkakilala ni Amira." Sagot ni Sapphire sa kanyang biyenan sa hinaharap.
"Opinyon lang ang hinihingi namin, huwag pa masyadong kabahan." Tipid na sabi ko. Sabay kumunot ang noo ng ina ng mga lalaking mahal namin.
Why are they like this? Paano nila nagugustuhan ang patuloy na hindi pagkakasundo namin?
"Wala akong opinyong sasabihin!" sigaw ng ina ng asawa ko.
"Wala ka talagang nalalaman sa loob ng anim na taon Tita Nerissa? Anim na taon din kayong hindi nag usap?" gusto kong ngumisi sa tanong ni kapatid ko.
"Nito lang kami naging magkaibigan ni Amira at kahit minsan hindi namin napag usapan ang tungkol sa mga asawa namin, talagang hinahanapan nyo ako ng bagay na ikasisira ko sa sarili kong pamilya. Napaugnay lang ako sa taong kinaayawan nyo rin, gagawa na kayo ng kwentong magkapatid. Anong matinding galit nyo sa akin?" halos sabunutan na ni Aldus at Nero ang kanilang sarili sa batuhan namin ng mga salita. Kami pa ang naghahanap ng masama sa kanila?
"What the hell is this Mama?!" sigaw muli ni Nero.
"At naniniwala ka sa kanila Nero?!"
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. Sapphire did her part, it's now my turn. Pansin ko na nakaalalay sa akin si lolo kung sakaling sumabog ang emosyon ko. Pero sa mga oras na ito, kalmado ako dahil alam kong pabor sa amin ni Sapphire ang usapang ito.
"Mama, sinasabi mo ba na nagsisinungaling ang step mother ko? Ang step mother ko na magaling mang unawa ng tao ay hindi nagsasabi ng totoo? Na matagal na kayong magkakilala, sinabi niya na magkakilala na kayo simula pagkabata at malalim na ang pinagsamahan nyo? Malalim na samahan na hindi kayo nag usap ng anim na taon at wala ka na lang nalaman tungkol sa takbo ng buhay niya? Nabuntis siya at nanganak na hindi mo kilala ang asawa? Anong klaseng malalim na samahan ang sinasabi ni Mommy Amira?" tanong ko dito na namumutla na.
Lahat kami ay nakatitig sa kanya at hinihintay ang anumang sagot niya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo! Sinisiraan mo lang ako sa sarili kong anak. Palibhasa simula't sapol ayaw mong hatiin ang atensyon ng anak ko mula sa'yo at sa sarili niyang pamilya! Gusto mo sa'yo lahat!" Sabay kaming natawa ng kapatid ko.
"Ngayon naman attention seeker ang kapatid ko? What else? Ibato nyo na lahat sa amin ngayong gabing ito." Sagot ni Sapphire.
"Ano na ba ang nangyayari?!" naipahilamos na lang si Aldus.
"May hindi ba kami nalalaman sa pagitan nyong apat?" tanong ni LG.
"LG, alam nyong matagal na. Matagal nang alitan ito, ayaw nila sa amin. Ito ang malaking problema, hinding hindi kami mga magkasundo." Sabi ni Sapphire.
"Paano tayo hindi magkakasundo? lagi kayong nakikipag kumpetensya sa amin. Hindi kayo marurunong gumalang!" sigaw ng mommy ni Aldus.
"Paano namin igagalang ang mga taong wala nang ibang ginawa kundi insultuhin kami? Paano namin igagalang ang mga taong kahit kailan ay hindi kami tiningnan ng maganda? Sabihin nyo nga paano? Umiiwas na kami ng kapatid ko, tahimik na kami pero kayo itong mga ayaw tumahimik." Mahabang sabi ng kapatid ko.
"Tell me Tita Nerissa, anong dahilan ng galit mo sa akin? Tama ang kapatid ko, we can understand Tristan's mother for hating me, hating us. But you? Ina ng lalaking mahal ko, bakit sukdulan na ang galit mo sa akin?" tanong ko dito.
"Dahil alam kong sasaktan mo lang nang paulit ulit ang anak ko! Katulad ng ginagawa mo ngayon, dahil alam mong mahal na mahal ka ng anak ko malaya ka na gawin ang gusto mo. Ito namang anak kong uto uto, habol sa'yo. I hate your attitude! At kahit kailan hinding hindi ko 'yan magugustuhan!"
"Nerissa!"
"Mama!"
Pakinig ko ang pagprotesta ni LG at Nero.
"Fvck! wala na kaming pakialam sa kung paano nyo kaming tingnan magkapatid, ang gusto naming tapusin at lagyan ng tuldok sa gabing ito ay ang koneksyon mo Tita Nerissa kay Amira, you and her words are conflicting, sobrang layo sa isa't isa." Naiiling na sabi ng kapatid ko.
"Ibig sabihin, isa sa inyo ang hindi nagsasabi ng totoo. Sinungaling ang isa." Tipid na sabi ko.
Pansin ko na nakikinig na lamang ang mga lalaki pero alerto sila sa kung anong pwedeng mangyari. Alam kong hindi rin naman sila makakasali sa usapan namin dahil hanggang ngayon ay mga wala pa silang alam.
"Bakit masyado nyo akong idinidiin sa gawa gawa nyong kwento? Kayong dalawa hija ang nagpapalaki ng gulo. Everything was just because of what necklace? Paintings? Pinagsabihan lang kayo ng mga asawa nyo na mali ang ginawa nyo, nagtago na kayo sa likuran ng lolo nyo. Ngayong nakita nyo kaming mga ina na nag aalala sa mga anak namin na masaya nyong pinaiikot at pinaglalaruan, nagsimula na kayong gumawa ng mga kwento na sisira sa amin."
"My granddaughters are not liars!" sigaw ng lolo ko.
"Don Rogelio, nagpunta lang kami dito para sunduin ang mga anak namin. Pero ano ang ginawa ng mga apo nyo? Gumawa ng sariling gulo, gumawa ng iba't ibang kweto, gusto nyo talagang tuluyang sirain ang relasyon namin sa sarili naming mga anak." Mahabang sabi ni Tita Beatrice.
"Tama na ang usapang ito, umuwi na tayo! Tayo ang mag uusap sa bahay!" sigaw ni LG.
Magpoprotesta pa sana kami ng kapatid ko nang mapansin namin na marami nang mga Ferell ang nagdadatingan.
"What the hell Nero? Why are they here?!" tanong ni Aldus. Mas lalo nang lumaki ang gulo. Nandito ang mga magulang na mga Ferell, ang ilan pa sa kanilang mga pinsan.
"Anong ginagawa nyo dito?!" malakas na sigaw ni Aldus.
"Ano ang ibig sabihin nito Garpidio?!" matigas na tanong ni lolo. Nakaawang ang bibig ni LG na nagugulat din sa mga nagdatingan.
Pansin ko na humahangos si Owen at Troy na huling dumating sa mansion. Narinig ko rin ang mura nilang dalawa nang makita ang dami ng mga Ferell sa mansion namin.
"Ano nangyayari Florence?" tanong sa akin ni Sapphire.
"I don't know.."
Pero hindi din nagtagal ay nanlaki ang mga mata ko nang dumating si Kuya Nik at Gio, dala ang buong lahi ng Villacorta na nakatigil ngayon sa Pilipinas. Bakit sobrang dami na ng nadamay?
"Narinig naming pinagtutulungan daw ng mga Almero at Villacorta, si Nerissa at Beatice." Sabay kaming natawa ng kapatid ko.
"What?!"
Lumapit sa akin si Gio at Kuya Nik.
"Anong nangyayari? Narinig namin na maraming Ferell ang sumugod dito." Halos kapusin ako ng hininga nang makia kong ilan sa mga Tito ko ay may dalang baril sa nakaipit sa kanilang likuran.
Lahat ng mga Villacorta ay sumuporta sa amin magkapatid, habang ang mga Ferell ganon din. Pero iisa lang ang ekpresyon naming lahat, bakit kami natipon dito?
"Someone gave false news in both parties." Pakinig kong sabi ni Gio.
"Bakit kayo nandito Nerissa?!" pakinig kong sabi ng Daddy ni Nero.
"Unang una po, hindi namin pinagtutulungan si Tita Nerissa at Tita Beatrice. Kitang kita nyo, mas nauna kayong dumating sa mga Villacorta. This is damn trespassing!"
"Ano ba ang pinagtatalunan nyo? Bakit umabot sa ganito?!" pakinig kong sabi ng Tito ko.
"Bakit hindi nyo po itanong kay Mama? Sila ang nagpunta dito at kung ano ano ang ibinatong mga salita sa aming magkapatid." Sagot ko.
Pilit kong iniisip kung sino ang may pakana nito, bakit sinadya niyang pagsama samahin ang dalawang pamilya. Sinasadya niyang mag away, sinasadya niyang sirain ang nagsisimula na sanang magandang samahan.
Is it? Is it? Parte pa rin ba ito ng plano ni Nerissa at Amira? Sinadya niyang magsalubong ang dalawang pamilya para tuluyan na kaming masira ni Nero.
"Ako pa ang tatanungin mo hija? Sino ba ang nagpalaki ng gulo? Kayong magkapatid, kung hinayaan nyo na lamang kami ni Beatrice na makaalis kasama ang mga anak namin, walang mangyayaring ganito. Palibhasa kayong dalawa, gusto nyo lagi ng gulo, atensyon. Tandaan nyo lumipas man ang panahon, kahit ipagsiksikan nyo ang sarili nyo sa pamilya namin. Hinding hindi ko kayo tatanggapin sa pamilya ko, mga babaeng---"
"Nerissa!" sigaw ng maraming Ferell sa kanya.
"Bastos talaga!" napasigaw na lang ang mga tita ko. Nang lingunin ko kung bakit sila nagsigawan ay halos kapusin ako ng hininga nang makitang kinakasa na nito ang baril.
Nanlalaki ang mata kong lumingon sa direksyon ng mga Ferell, nakayakap na si Nero sa kanyang ina. No, huwag si Nero.
"Tito!" sigaw ko. Halos magsigawan na kaming lahat habang pilit inagaw ng Tito Pio kay Tito Gil.
"KUMALMA KAYONG LAHAT!" sigaw ni LG.
Napahawak na lang ako sa aking tiyan, sumasakit na ang tiyan ko. Nakita kong humakbang sa unahan ang kapatid ko at halos sabunutan na niya ang kanyang sarili, sobrang laking gulo nito.
"This is all because of Amira and you Tita Nerissa! Bakit ayaw mo na lang aminin nang matapos na ang gulo?! That you planned all of this?!"
"Wala akong dapat aminin! Sinisiraan nyo lang ako!"
"Wala?! Wala?! Sige! Gio! Call Daddy, papuntahin dito si Amira at panuorin natin lahat kung pareho ang sasabihin nilang dalawa ni Tita Nerissa!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top