Chapter 45
Chapter 45
Dalawang linggo na simula nang umalis ako sa bahay. Walang palya sa pagpunta dito sa mansion si Nero para kumbinsihin akong umuwi na at magkaayos na kami. Pero papaano ako uuwi kasama siya kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala sa akin?
I can't see his sincerity, sinasabi niya lang na naniniwala siya sa akin dahil gusto na niya akong umuwi. Kung ako ang bibigay sa aming dalawa, mauulit na naman ang mga pangyayari, hindi siya matututo at kakampihan na naman niya ang daddy at ang magaling na si Amira kung magkataon na magpang abot na naman kami.
Hindi ko siya kayang pakisamahan sa ilalim ng iisang bubong habang naiisip ko na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan, na kilala niya ako bilang asawang buntis na masama ang ugali na walang galang at walang pakialam sa kapakanan ng sariling mga kapatid. Damn it.
Hanggang ngayon, kahit pilit kong inaabala ang sarili ko sa pag iisip nang iba hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang kawalang hiyaan ng Amirang 'yon. Hindi lang ako ang nagulo niya, ang tahimik na samahan namin ni Nero pati na rin ang relasyon ni Sapphire at Aldus. Pati na rin si lolo na araw araw humaharap sa mga Ferell para ipagtabuyan ang mga ito.
Napakinggan ko si lolo kagabi na may kausap sa telepono at nakilala kong si Daddy ang kausap niya, mukhang ayaw pa nitong makipag usap ng personal tungkol sa malaking problemang ito. Masyado na siyang nahumaling sa santa niyang asawa. Wala man lang pakialam sa amin dalawa ni Sapphire.
"Pati ba sa trabaho mo sinusundan ka pa rin ni Aldus?" tanong ko sa kapatid ko na nakaharap sa kanyang laptop.
"Yes, hindi na siya nagsawa." Tipid na sagot niya sa akin.
"Do you think this is really ideal? Na lumayo tayo at mas patagalin natin ang away?" tumingin na sa akin ang kapatid ko.
"Yes, mas mabuting lumayo ka muna Florence. Mas nakakabuti 'yan sa kambal, isa pa baka ma stress ka lang kapag nakikita mo ang asawa mo na ang tingin sa'yo ay isang malditang buntis, na exaggerated sa lahat ng oras at kailangang pagpasensiyahan. You're not like that. Si Amira de santita ang dahilan nang lahat. Don't worry, sasamahan kita dito, habang galit ka kay Nero galit din ako kay Aldus, magsama ang abnoy na magpinsang 'yon. Baka akala nang Aldus na 'yon di ko nakakalimutan ang pinagsasabi niya sa akin." Buong akala ko ay ako lang ang sobrang nagagalit simula nang pumutok ang problemang ito pero pansin ko na sobra na din ang galit ng kapatid ko kay Aldus.
"Paano nga ba kayo nadamay dalawa? Nang huli kitang nakausap sa telepono nasa yugyugan festival lang kayo. What happened?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi kami natuloy sa yugyugan festival dahil tumawag ang mommy niya nang gabing dapat aalis kami. Sinabi nito na ang girlfriend daw ni Aldus ay sobrang sama ng ugali na ang asawa ng kanyang sariling ama ay biglang sinabunutan at dito na siya nagdrama na paano daw kapag nagsasama na kami ni Aldus baka daw gawin ko rin ito sa kanya. Like seriously? Bakit naman ako pupunta sa bahay nila?! Sinisiraan lang ako kay Aldus." Kahit ako ay biglang kumulo ang dugo dahil sa narinig ko.
"Pero paano agad nalaman ng mama ni Aldus?"
"Tinatanong pa ba 'yan Florence? Amira is connected to Nero's mom, baka sinabi na ni Amira sa magaling mong biyenan ang nangyari. Siguradong mabilis kakalat ang balita sa mga anti Almero sisters. Trending." Kibit balikat na sabi nito.
"Ano pa ba ang gusto nila sa atin? Tahimik na tayo, nakikisama na lang tayo sa kanila kung may hindi maiiwasang mga gatherings pero talagang humahanap sila ng butas." Napabuntong hininga na lamang kami ni Sapphire.
"Ganun talaga Florence, kapag ayaw talaga sa'yo ng tao kaunting pagkakamali mo gagawin na nilang isang malaking gulo. At ito ang ginagawa sa atin ng biyenan mo at ang aking biyenan sa hinaharap." Ismid na sabi ng kapatid ko.
"So what happened? Naniwala si Aldus sa sinabi ng mommy niya? Hindi ka man lang pinagpaliwanag? Nabilog agad katulad ni Nero?"
"Syempre ako pa rin naman ang kinampihan ni Aldus, pakinig ko sa usapan nila. Pero nang maibaba na niya ang telepono, ang magaling na Ferell nagmisa na sa akin at sinabing bawasan ko daw ang pagkamaldita ko. Hindi ko na naman sana dadamdamin Florence pero may sinabi sa akin si Aldus na hindi ko kinaya. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Daddy nang palayasin tayo sa bahay." Mahinang sabi ng kapatid ko.
Gusto kong paulanan ng mura si Aldus, sensitibo si Sapphire tungkol sa bagay na ito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong sabihin ngayon.
"At hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin." Hindi ko na tinangka pang tanungin kay Sapphire kung anong masakit na salita ang binitawan sa kanya ni Aldus. Kahit ako kung ano ano na ang natanggap ko mula kay Nero at ayoko nang muling isipin pa.
"Huwag kang umasta na parang nasa sindikato ka pa rin na madaling nakakapanakit ng tao. Hindi na tama Sapphire, hindi na tama. Sinabi niya 'yan sa akin. That was below the belt Florence, at naiiyak pa rin ako sa tuwing naalala ko. Ganun na ba ang tingin sa akin ni Daddy at Aldus, wala na ba akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko? Na kapag may nasaktan akong tao dahil ipinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko, na pinuprotektahan ko lang ang sarili kong kapatid pinaiiral ko na agad ang kapaligiran na nakalakihan ko." Napasinghap na lamang ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Sinabi 'yan sa'yo ni Aldus?! Fvck him!" iritadong sabi ko.
"Parang ang pinaparating nila sa akin na nanakit ako ng tao kasi sanay ako. Hindi ba nila naiisip na marunong naman akong lumugar? Na hindi ako basta manghihila ng buhok kung wala namang problema? Nakakasakit lang sila, 'yong dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko ganito ang tingin sa akin, hindi ko naman ginustong lumaki sa loob ng sindikato Florence. Hindi ko ginusto." Tumayo na ako at marahan kong niyakap ang kapatid ko habang nakaupo pa rin siya.
"Don't worry, kilala kita. Kilala ka ni lolo, mahal ka namin dalawa. Tama nga lang na layuan muna natin ang mga Ferell na 'yon. Alam lang nila sumisid at gumapang, mga buwiset."
"Bahala siya sa buhay niya, yumugyug siya mag isa." Ismid na sabi ng kapatid ko. Muli siyang tumingin sa kanyang laptop.
"Umupo ka na Florence, ako ang nahihirapan sa'yo." Natawa ako sa sinabi niya kaya bumalik na ako sa upuan ko.
"I have this plan Florence, we need to eliminate that Amira."
"Now, someone is talking like syndicate." Ngumisi sa akin si Sapphire.
"Sa tingin ko hindi natin makakasundo ang dalawang Ferell na 'yon hangga't hindi natin naisasampal sa kanila ang katotohan na tama lang ang ginawa natin at wala tayong kasalanan."
"Yes, hinding hindi kami magkakasundo ni Nero."
"Ang pwede lang natin gawin sa oras na ito ay hintayin ang panganganak mo. Saka tayo gumawa ng kilos, it's too risky to make our plans and actions while you still have your twins. Baka bigla ka na lang mapaanak." Tumango ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Babalikan natin si Amira kapag wala na tayong kahinaan. At isasampal natin sa magpinsan na sila ang mga gago." Bigla na naman uminit ang ulo ko. Hindi lang pala ako ang nakatanggap ng sermon, ang kapatid ko din pala. Masyadong magagaling ang mga Ferell.
"Kung sabagay, dalawang buwan na lang naman." Ngumiti sa akin si Sapphire.
"Mag online shopping na lang tayo para sa gamit ng mga pamangkin ko. Wait, I'll go there." Tumayo na si Sapphire habang hawak ang kanyang laptop nang marinig namin ang boses ni lolo.
"Nandito na naman ang mga hinabol ng aso, kasama na nila si Garpidio. Makikipag usap daw sa inyo. Gusto nyo ba na kausapin?" Umarko ang kilay ko sa sinabi ni lolo.
"Nagsumbong ang magagaling. Let's go Florence, pagbigyan ang gusto." Sumunod na kami ni Sapphire sa likuran ni lolo.
Malayo pa lang ay pakinig ko ang boses ni Nero.
"Miss na miss ko na si Florence, miss na miss ko na ang kambal. Ang mga kalapati lang ang kasama ko sa bahay." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ko ang aking pagtawa. Para siyang nagsusumbong kay LG.
Agad kong tinanggal ang ngisi ko nang mapansin na kami ng maglolo. Tumayo silang tatlo.
"Florence.."
"Sapphire.."
Hindi kami sumagot magkapatid.
"Garpidio, napadalaw ka ng ganitong oras." Pormal na sabi ni lolo.
"Nakaabot sa akin Rogelio ang alitan ng mga bata, baka maaari natin itong pag usapan." Sagot ni LG.
"Pinahabol kami sa aso LG, pinahabol kami." Pakinig ko ang pabulong na sabi ni Aldus. Narinig kong tumawa ang kapatid ko.
"Bakit hindi muna kayo maupo?" sabi ni lolo. Umupo muna kaming lahat, pilit hinuhuli ni Nero ang mga mata ko pero hindi ko ito sinasalubong.
Walang nagsasalita sa amin, bago tumikhim si LG at magsalita.
"Kayong mga hinabol ng aso, humingi kayo ng tawad sa mga apo ni Rogelio."
"LG we tried, ilang beses na. Ayaw pa rin kaming paniwalaan." Sagot ni Aldus.
"Because you are not sincere! Humihingi ka ng tawad pero hindi mo pa rin ako pinaniniwalaan! Ang tingin mo pa rin sa akin mali ang ginawa ko!" Sagot ni Sapphire.
"Sadyang mali Sapp! Hindi pananakit lagi ang solusyon. LG, Don Rogelio, see the situation. Hindi natin pwedeng konsintihin si Sapphire at Florence sa mga ginagawa nila." Halos mapatayo kaming magkapatid sa sinabi ni Aldus. Ano idadamay niya rin si lolo at LG na nabilog din katulad nila?
"Paano kung lumaban sa'yo? Sa inyo si Tita Amira Florence? Sapphire? Dahil sa ginawa niyong pagsabunot sa kanya? Baka napahamak pa ang kambal, ang mga anak natin Florence. God! Mabuti at nauunawaan ng tao ang ugali nyo, ang nararamdaman niyo sa kanya." Halos hindi na ako makapagsalita sa sinabi ni Nero. Bakit pa sila nagpuntang dalawa dito? Para mas lalong sumama ang loob naming magkapatid sa kanila? Talagang ipinagdidildilan nilang kaming magkapatid ang mali! Kami ang masama! Si Amira ang santa.
"Garpidio, hindi ito ang alam kong nangyari. Kung walang matinong sasabihin ang mga apo mo, maaari na kayong umalis sa mansion ko." Malamig na sabi ni lolo. Pansin ko na nalilito na rin si LG sa mga sinasabi ng kanyang mga apo.
"Don Rogelio, may mga bisita po kayo." Sabi ng katulog. Sino pa ba ang pupunta sa mansion ng ganitong oras?
"Florence.." nagbingi bingihan ako sa tawag ni Nero.
Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang kapapasok pa lamang sa mansion. Ano ang ginagawa nila dito?!
"What the hell?" pakinig kong mura ng kapatid ko.
"Anong maipaglilingkod ko sa mga bagong dating?" tanong ni lolo.
"Mama!"
"Mom!"
Gulat na gulat si Nero at Aldus sa pagdating ng mga ina nila. Maging si LG ay kunot na kunot ang noo.
"Umuwi ka na Nero sa bahay, kung ayaw na sa'yo ng asawa mo huwag mong ipilit. Bakit naman ganyan hija? Kaunting away nyo lang ng anak ko ay lalayasan mo na agad. Baka akala mo ay biro lang ang pag aasawa."
"Nerissa!" sigaw ni LG.
"Ma! Let's go, uuwi na ako. Ano ba ang ginagawa nyo dito?!" Iritadong sabi ni Nero at lumapit na ito sa kanyang ina.
"Paumanhin Nerissa, wala kang karapatan pagsabihan ang apo ko sa sarili kong teritoryo at sa mismong aking harapan. Garpidio, umuwi na kayong lahat. Hindi ko na nagugustuhan ang usapang ito."
"Ano ba ang ginagawa nyo ditong dalawa?!" sigaw ni LG sa mga ina ng dalawang Ferell.
"Papa, kung ikaw sinusuportahan mo pa ang kalokohan ng dalawang ito. Kaming mga ina, hinding hindi. Sila na ang inaayawan, bakit masyadong ipagpipilitan? Ayokong malalaman na babalik ka pa sa lugar na ito Nero! Sinasanay mong masyado ang asawa mo na paglaruan ka."
"What? Hindi ko pinaglalaruan ang anak nyo Tita!" sagot ko.
"Natural lang kaming lumayo dahil nagkamali silang dalawa, bakit masyado naman kayong mga apektado?!" malakas na sigaw ni Sapphire.
"Ito ba ang pinagmamalaki nyong dalawa sa akin, sila? Pinagtataasan kami ng boses, kaming mga magulang nyo?" agad na sabi ng mama ni Aldus.
Naiiling na lang ako sa nangyayari.
"Magpapatawag na ako ng mga security guards Garpidio! patahimikin mo ang mga manugang mo." Matigas na sabi ni lolo.
"Nerissa! Beatrice!" sigaw ni LG.
"Umuwi ka na Aldus, tumatawag na ang agency mo. Ang dami mo nang hindi nasisipot sa trabaho mo, umuwi na kayong dalawa ni Nero."
"Fvck! Ano ba ang ginagawa nyo dito?!" iritado na rin si Aldus. Grabe, ang lalakas ng loob nilang magpunta dito.
"Let's go Nero, napaka immature ng asawa mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon na hindi kayo nagkakaunawaan ay lagi siyang tatakbo sa likuran ng kanyang lolo. Mag asawa kayo anak, dapat kayo ang gumagawa ng solusyon sa sarili nyong problema. Bakit ba nagpabuntis agad kung hindi pa rin naman kayang panindigan magpamilya. "
Hindi ko na kinaya pa ang buka ng bibig ng ina ng lalaking mahal ko.
"Then tell me, tell to your son. Bakit ka nasa bahay ng mommy ko kasama si Amira bago pumutok ang gulong ito? Sinabi ni Amira sa amin ni Sapphire na matagal na kayong magkaibigan , anong masasabi mo sa pagkawala ni Daddy Tita kung matagal mo na palang kilala si Amira?" kita kong natigilan siya sa sinabi ko.
Narinig kong agad nagsalita ang kapatid ko.
"Tita, kayong dalawa ni Amira. Nahuhuli na kayo sa sarili nyong mga bibig."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top