Chapter 43
Chapter 43
Iniwan ko si Nero na tulala sa sala dahil sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Naiwan siya kasama si daddy na nabulag at nabingi nang dahil sa pag ibig at si Amira na inakala kong isang santa dahil sa galing niya sa pagluhod at pag iyak, isa pala siyang magaling na demonyita na kasali sa samahan ng mga babaeng halos isumpa na kami ng kapatid ko, o mas kilala bilang anti Almero sisters.
Kung nasa ibang pagkakataon ako baka tawanan ko pa ang sarili ko dahil sa naiisip ko. Pero wala na akong panahong tumawa, ang galit ko na pilit kong pinapakalma nang nakaraang dalawang araw sa mansion ni lolo ay binuhay na naman nila ni Daddy. Masyado na siyang sunod sunuran sa mga pekeng pag iyak at kabaitan ni Amira.
"Florence! Magdahan dahan ka sa paglalakad!" pakinig ko ang boses ni Nero na nakasunod sa akin sa pag akyat sa hagdan.
Matagal na kaming lumipat ng kwarto ni Nero sa baba nang mas lumaki na ang tiyan ko para hindi na ako umakyat ng hagdan at iwas ako sa pagkahulog. Pero ngayong nandito ang daddy at asawa niya, mas gugustuhin kong pumunta sa pinakadulo ng bahay na ito para lumayo sa kanila at pakalmahin ang sarili ko.
Tumahimik na ako, lumayas na kami ni Sapphire. Hinayaan ko na sila ni Daddy, ang bahay lang ni mommy ang pinaglaban ko dahil karapatan ko ito, karapatan ito ni mommy. Importante ang lahat ng memorya sa bahay na 'yon. Hindi ko na tinangka pang ipagsiksikan ang sarili ko sa aking ama na kahit kailan hindi ako pinili, bakit pa nga ba ako nabaguhan sa kanya? Simula nang pagkabata ko, sa aking unti unting paglaki at hanggang sa magkaroon ako ng asawa. Kahit minsan hindi ko naranasang unahin ng sariling ama.
Ako na ang nagpakalayo para wala nang gulo pero ano itong gusto pa ni Amira?! Bakit pinilit niya pang pumunta dito si Daddy? Anong gusto niyang mangyari?
Gusto ko siyang sabunutan at pagsasampalin sa galing niya sa pag arte. Talagang sinasadya niya akong puntahan dito at pinilit niya pa talaga si Daddy. Syempre, sino nga naman ang lalabas na maganda ang ugali? Sino ang lalabas na mapagkumbaba? Sino ang lalabas na maunawain? Sino ang lalabas na mabait?
Napakatalino niya! Napakatalino. Ito namang si Nero, oo nga at wala siyang alam pero hindi ba dapat ang asawa muna ang papanigan? Asawa muna ang susuportahan sa lahat ng oras. Sumang ayon pa siya kay Amira na pinapalabas na dala ng pagbubuntis ko ang lahat!
"Florence! Magdahan dahan ka sabi!" Hindi ko pinansin si Nero at nagpatuloy ako nang mabilis na pag akyat sa hagdan.
"Fvck! Florence, 'yan ka na naman at ang pagbubuntis mo. Akala ko ba tigil na 'yan?" gusto kong batuhin si Nero sa sinabi niya. Naniniwala talaga siya kay Amira!
Katulad na siya ni Daddy na nabrain wash ng pag arte ni Amira. Tang ina mo Nero, shokoy ka talaga. Hari ka talaga ng mga shokoy!
Sa halip na sumagot ako sa kanya ay nagpatuloy ako sa aming dating kwarto at ibinaksak ko nang napakalakas ang pinto nito. Bumuhos ang luha ko at nagmadali akong lumapit sa telepono.
"Florence! Florence! Open this damn door! Mag usap nga tayo! Bakit ka ba nagkakaganyang baby?"
"Buwiset ka!" sigaw ko dito.
Mabilis akong nagdial ng numero ni Sapphire sa kanyang condo. Si Sapphire lang talaga ang nakakaintindi sa akin. Paano ko ba ipapaliwanag kay Nero ang lahat? Na nagalit ako kay Amira dahil kaibigan nito ang kanyang ina? Na sobra akong nagagalit dahil maraming pumapasok sa isip ko na baka ang mama niya ang nag utos kay Amira na itago si Daddy? Ang mamaya niya ang dahilan kung bakit gusto kong palayasin si Amira sa masion.
How hard is that? Hindi ako makahinga ng problema kay Nero dahil ang problema ko ay ang mismong kanyang ina. Hindi ko pwedeng sabihin na halos hindi ko masikmura ang kanyang ina sa pamamahay ng mommy ko. Hindi ko masabi sa kanya na natatakot ako na baka may binabalak na namang masama ang kanyang mama sa akin at ang mga kampon nito. Hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng problema ko! Dahil kahit pagbalibaliktarin ang mundo, si Nerissa Ferell pa rin ang kanyang ina.
Sigurado akong kapag nagbitaw ako ng masasakit na salita tungkol sa kanyang ina, kahit hindi ito ipakita sa akin ni Nero alam ko na masasaktan pa rin siya. Ito talaga ang mahirap kapag hindi ka tanggap ng magulang ng lalaking mahal mo, hindi ako makapag reklamo sa kanya, hindi ako makahingi ng payo galing sa isang asawa, hindi ako pwedeng humingi sa kanya ng suporta.
"Florence!" kinakalampag na ni Nero ang pintuan.
Hindi ko siya muling pinansin at hinintay kong sagutin ni Sapphire ang telepono.
"Yes, who's this?"
"Sapphire, where are you? Come here please, come here, Dito ka muna ulit sa bahay. Baka masampal ko na naman si Nero sa sobrang init ng ulo ko." Pakinig ko ang lalong paglakas ng kalampag sa pintuan. Shokoy ba talaga itong si Nero? May susi naman! Ayaw gamitin.
"Why? Kakadating lang ni Nero, magkaaway na naman kayo. Magyuyugyugan pa kami ni Aldus. Hindi ako makakapunta dyan." Umawang ang mga labi ko sa sinabi ng kapatid ko.
"What?! Hindi ba pwedeng ipagpaliban 'yan? Marami pang araw Sapphire, pagpahingahin mo muna ang tao. Kagagaling lang niya sa mahabang biyahe." Hindi ba napapagod itong si Aldus?
"What are you talking about Florence?" natatawang sagot sa akin ni Sapphire.
"What?" kunot noong sabi ko.
"We're going to yugyugan festival, ano ba ang iniisip mo?" malisyosang tanong nito sa akin. Alam kong sinadya niyang ito ang isipin ko.
"Please Sapphire come here, nag aaway kami ni Nero."
"Sus! Kailangan mo lang lambingin Florence, don't worry. I'll go there the day after tomorrow? I am not sure, but promise I'll visit you again, soon. Magyuyugyugan lang kami ni Aldus. Goodnight sweetie, Ate loves you." Hindi na ako pinasagot ni Sapphire dahil pinatay na niya ang telepono.
Oh my gosh. Hindi ko nasabi sa kanya na nandito si daddy at Amira. Sumasakit na ang ulo ko.
"Florence! Sisirain ko ang pintuan!"
"Shokoy ka ba talaga Nero?! Shokoy ka?! May susi! Lagi ka na lang maninira ng pintuan!" sigaw ko sa kanya.
"Nasaan ang susi?"
"Hindi ko alam! Bakit ko sasabihin sa'yo?!"
"Ang sakit mo na naman sa ulo Florence, ganyan ka na naman. Sinusumpong ka na naman sa pagbubuntis mo!"
"Hindi ito dahil sa pagbubuntis ko Nero! Dito na ako tutulog! Huwag kang tatabi sa akin. Wala akong asawang shokoy!" iritado na akong humiga sa kama at nagtalukbong na ako ng kumot.
Bahala siya sa buhay niya, magsama sama silang lahat. Ako na ang buntis na masama ang ugali. Ako na ang kontrabida. Hindi ko na pinakinggan si Nero hanggang sa makatulog na ako pero pagkagising ng umaga, katabi ko na siya sa kama.
Sinulyapan ko ang pintuan, sira ang doorknob nito. Hindi hinanap ang susi!
"Oh, gising na ang buntis. Good morning" bati nito sa akin habang kinukusot ang kanyang mata. Anong maganda sa umaga? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kahapon.
"Nero, hindi ka marunong maghanap? Mas gusto mo pa na naninira ng gamit?"
"Let's talk Florence, what was your behavior all about?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ito agad ang ibinungad niya sa akin ngayong umaga.
"Nero, hindi ako basta na lamang magpapalayas ng bahay kung wala akong malalim na dahilan."
"And what's that?" bumangon na si Nero at mas humarap ito sa akin.
"I hate Amira, hindi siya totoo. Pina plastic niya lang ako, inilalayo niya sa akin ang mga kapatid ko at sinisiraan niya ako kay daddy." Paliwanag ko kay Nero na parang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko.
"Paano mo nasabi?"
"Lumabas ang tunay niyang kulay nang dumalaw kami ni Sapphire sa man—" hindi ko maituloy ang dapat kong sasabihin dahil nandito na kami sa parte kung saan lalong kumulo ang dugo ko dahil sa kanyang ina.
"You saw their paintings? Kaya ka nagalit?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nero.
"It was not just the paintings Nero! Sinong nagsabi sa'yo ng mga ito Nero?!"
"Nagkausap kami ni dad kagabi, sinabi niya sa akin ang buong pangyayari. Florence, this is enough baby. Mabuti na lang at naiintindihan nila ang kalagayan mo." Gusto ko nang pagsasampalin si Nero, kahit siya ay nagpabilog na rin kay Amira.
"Nero, hindi ito dala ng pagbubuntis ko. I am telling you the truth, that Amira is wicked. She's a two faced bitch, a social climber!"
"How? Florence, sila na ang lumapit dito. Nagpapakumbaba na ang tao sa'yo. Nasabi sa akin ni Dad na nagawa niya kayong palayasin dahil pinagtulungan nyo daw magkapatid si Tita Amira, Florence it was just a mere painting. Bakit umabot na sa puntong palalayasin mo? Mga kapatid mo rin ang pinapalayas mo." Tumulo na ang luha ko sa sinasabi ni Nero. Hindi niya nalalaman ang mga sinasabi niya. Wala siyang nalalaman.
Nabago na agad ni Amira ang totoong nangyari.
"Shit! Why are you crying Florence?" pupunasan na sana ni Nero ang luha ko nang pinaghahampas ko siya.
"Sa lahat ng pwede mong pakinggan kwento pa ni daddy ang pinaniwalaan mo? Nabilog na siya ni Amira! Pati ba naman ikaw Nero? Pati ba naman ikaw?! Sinungaling si Amira!" sigaw ko sa kanya.
Pinalabas pa akong masama ng demonyita sa harap ng sarili kong asawa.
"Hindi ko pinapalayas ang mga kapatid ko. They can always stay there, si Amira lang ang pinapalayas ko. Siya lang!" sigaw ko ulit kay Nero.
"See? Baby, papaano mabubuhay ang mga kapatid mo sa mansion kung palalayasin mo ang kanilang ina? Baby, tama na. I can understand you, ilang beses ko nang naranasan ang pagiging emosyonal mo. But this time, please be considerate, may mga batang nakakakita sa'yo. Tama si Tita Amira, baka hindi maging maganda ang tingin sa'yo ng mga kapatid mo lalo na si Serenity kapag nakikita nilang lagi mong sinisigawan at pinapalayas ang nanay nila. Umalis na sila sa bahay tulad ng gusto mo, sinunod na nila ang lahat ng gusto mo Florence. Sila na rin ang lumapit sa'yo para makipag ayos, tama na Florence." Gustong gusto ko nang magsisigaw dahil sa mga narinig ko mula kay Nero.
Kahit saang anggulo ko tingnan ako talaga ang pinalabas nilang masama ang ugali.
"Binato ako ni Amira, Nero. Binato niya ako at tinamaan ang tiyan ko!"
"Is it the necklace? Sinabi na rin ito sa akin ni Tita Amira, she told me that you misinterpreted it. Hindi na niya na daw naabot sa'yo nang maayos dahil pinagbataan mo siya. Kilala kita Florence, alam kong may pagkamaldita ka, isama mo pa ang kapatid mo. Kapag may ayaw kayo alam kong pinagtutulungan nyo, akala nyo ba hindi ko nalalaman? During LG's birthday, pumasa ang mukha ni Rainey dahil sinadya nyo ni Sapphire patamaan ang mukha niya. Wala kaming sinabi dito ni Aldus dahil mahal namin kayong dalawa, pero sa pagkakataong ito hindi na namin kayo kukunsintihin. Asawa siya ng daddy mo Florence. Hindi pwedeng dahil ayaw niyo siya ni Sapphire ay pagtutulungan nyo na naman."
"Anong ibig mong sabihin Nero? Na kaming dalawa ni Sapphire ang mali?!"
"Hindi ito ang ibig kong sabihin Florence. My point here is, it was not just Tita Amira. Sige, sabihin na lang natin na hindi niyo talaga siya gusto. Sinabi niya rin ito sa akin pero may punto siya, siya maiintindihan ang nararamdaman nyo peor iba ang magiging tingin sa inyo ng sarili niyong mga kapatid kung patuloy nilang nakikitang lagi nyong pinaiiyak at sinasaktan ang kanilang ina. " Nahihirapang sabi niya.
Masyado na siyang naniwala kay Amira at nasasaktan na ako sa mga sinasabi ni Nero.
Kung papipiliin ako sa lahat ng mga taong nagagalit sa akin, mas gugustuhin ko pa ang klase ng taong hantarang sinasabi ang hindi pagkagusto sa akin, hindi katulad ni Amira na wala nang ibang ginawa kundi magmalinis at magpa awa sa lahat ng mga tao.
"Baby, minsan naman makinig ka sa akin kapag pinagsasabihan kita. This is not just for you, for us but also for your family." Lalong kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Nero, uuwi na muna ako mansion ni lolo. Saka na lang tayo magsama ulit kapag nakapanganak na ako. Your words are not helping, sinasaktan mo kami ng kambal. Nasasaktan ako dahil hindi ako ang pinaniniwalaan, ako ang asawa mo Nero. Nasasaktan na ako."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top