Chapter 42
Chapter 42
Natahimik kaming dalawa ni Sapphire sa sinabi ng sarili naming ama. Hindi man lang siya nagtanong sa panig namin, nakita niya lang umiiyak ang bago niyang asawa kaming mga anak niya na ang lumabas na masama.
Naging bingi siya sa mga paliwanag namin at tanging si Amira lang ang naririnig niya. Anong tingin niya sa amin ng kapatid ko mga sinungaling? Nagpunta lamang dito para makipag away?
Pumunta kami dito ni Sapphire para dalawin ang mga kapatid namin, pumunta kami dito dahil tanggap namin sila. Hindi ako nagreklamo noon, tinanggap ko ang bagong asawa niya, tao akong humarap sa kanya, tao kong tinanggap ang patawad niya. Pero ito pa ang igaganti niya sa akin? Sa kapatid ko?
Napahawak na lang ako sa tiyan ko, ramdam na ramdam ko ang paghilab nito. Siguro ay nararamdaman ng mga anak ko ang matinding galit sa sistema ko. Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng nagawa akong batuhin, ano pa ang maaari niyang gawin sa akin sa mga susunod na pagkakataon?
Bakit ang tangka naming pagdalaw ay biglang naging ganito? Kami pa ang lumabas na masama at walang mga modo. Kami pang mga anak niya na pumunta lang dito para makisama.
Respeto lang, kaunting respeto lang ang kailangan ko. At wala nito ang bagong asawa ng daddy ko.
"Lalayas na lang kami Daddy, hindi ako hihingi ng tawad sa babaeng 'yan!" Matigas na sabi ni Sapphire.
"Saffira Primrose!" matigas na sigaw ni Daddy kay Sapphire.
"What? Sinaktan niya si Florence!"
"I didn't, she's lying Lorenzo.." isinubsob na ni Amira ang kanyang sarili sa dibdib ng daddy ko.
"Oh my god! Hindi ko na kayang tagalan ang lugar na ito. Let's go Florence!" kinuha ni Sapphire ang isa kong kamay. Nakatitig ako kay Daddy at mabilis kong pinunasan ang tumulo kong luha gamit ang isa kong kamay.
"Kailan mo kami pipiliin Daddy? Lagi na lang ganito, lagi na lang. Pababayaan na kita daddy. Dyan ka naman masaya, pero hinding hindi niyo ako mapipigilang ipaglaban ang karapatan ko sa bahay na ito." Taas noong sabi ko.
Sabay naming nilampasan si Daddy at Amira na patuloy pa rin sa paghikbi sa hindi ko maintindihang dahilan. Gusto kong hilahin ang buhok niya palabas ng bahay.
Hindi pa man kami nakakailang hakbang ay narinig namin ang balisang boses ni Daddy.
"Mga anak.." sabay kaming lumingon ni Sapphire kay Daddy. Pansin ko na saglit umasim ang mukha ni Amira sa ginawang pagtawag ni Daddy sa amin.
Hinintay namin na magsalita si Daddy ng ilang segundo pero wala kaming narinig si Sapphire mula sa kanya. Sabay kaming tipid na ngumiti ng kapatid ko at sabay naming itinalikod ang aming mga sarili sa harap ng aming sariling ama.
Hindi ako tanga para magpakababa sa isang taong nagmataas na, nakatamasa lamang ng karangyaan.
At alam kong sa mga oras na ito, hindi lang ako ang lumabas sa mansion na lumuluha. Umiyak din si Sapphire.
Sumakay na kami ng sasakyan at ilang minuto kaming natahimik ng kapatid ko.
"What happened?" natatawang sabi ni Sapphire.
"Pinalayas tayo, lumayas tayo." Matabang na sagot ko. Narinig kong muling tumawa si Sapphire.
"Why I have this feeling na natalo tayo ng impkatang Amira na 'yon?" naiiling na sabi niya.
"No way, pupunta tayo kay lolo ngayon. Alam kong tayo ang paniniwalaan ni lolo."
"Yes" mabilis iniliko ni Sapphire ang sasakyan sa ibang direksyon. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapalayas ang babaeng 'yon sa bahay ng mommy ko.
"Nakakainis, hindi ko man lang nakita si Klauss." Iritadong sabi ko.
"I told you, binalaan na kita. Pero hindi ko akalain na mas may igugulat pa tayo, alagad lang naman pala ng magaling mong biyenan. Dapat nagsama na sila ni Cassidy sa mental." Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sapphire dahil sa malalim kong iniisip.
"Sapphire, hindi mo ba naiisip? Bakit sobrang lalim na ng galit ni Tita Nerissa sa akin? Hindi na normal, parang may mas malalim pa siyang dahilan. Kung tutuusin dapat ang higit na may galit sa akin ngayon ay ang mama ni Tristan, pero mas sukdulan pa ang galit ng mama ni Nero sa akin." Kunot noong sabi ko.
"Ano pa ang matinding dahilan? Kung sa bagay, hindi rin ako gusto ng mommy ni Aldus. Pero hindi siya katulad ng biyenan mo na naghahanap ng mga alagad at kampon."
"Ang hirap Sapphire, kahit sabihin na nagmamahalan kami ni Nero mahirap pa rin talaga kapag hindi mo kasundo ang magulang ng asawa mo. Masama sa pakiramdam, 'yong taong gusto mong magustuhan ka, gusto ka pang maagang mamamatay." Nanghihinang sabi ko.
"Hindi ko na rin alam ang iisipin ko Florence."
Nakarating kami ni Sapphire sa mansion, tuwang tuwa si lolo nang masorpresa siya sa ginawa naming pagdalaw sa kanya.
"Bakit kailangang pumunta pa kayo dito? Pwede ko naman kayong dalawin?" hinalikan ni lolo ang ibabaw ng ulo naming magkapatid.
"Lolo, nanggaling kami sa bahay." Panimula ni Sapphire.
"Sinong naabutan niyo?"
"Si Amira.." matabang na sabi ko.
"Kamusta?"
"Hindi ko siya gusto, lolo." Mahinang sabi ko. Narinig kong tumawa si lolo sa sinabi ko.
"Hindi ko rin siya gusto apo, hindi ko gusto na itinago niya si Lorenzo."
"Lolo mas hindi mo siya gugustuhin kapag nalaman mo kung sino ang matalik niyang kaibigan at malaya niyang pinapasok sa bahay ni Florence."
"Who?"
"Si Tita Nerissa, magkaibigan silang dalawa." Hindi nakapagsalita si lolo. At mas lalong kumunot ang noo ng matanda nang marinig nito ang buong pangyayari.
"Pinalayas kayo ni Lorenzo?!" malakas na sigaw ni lolo. Sabay kaming tumango ni Sapphire.
"Lolo tulungan mo akong palayasin ang babaeng 'yon sa mansion. Hindi ko maatim na isipin na magtatagal siya sa bahay na punong puno ng alaala ni mommy. Unti unti niyang sinisira ang mga alaala ni mommy. Hindi ko maatim isipin na hinahayaan niyang makapasok sa bahay si Tita Nerissa, hinding hindi ko makakalimutan ang masasamang salitang ibinato niya kay mommy noon. Tapos..tapos malaya lang siyang nakakapasok sa bahay ng babaeng hindi niya iginalang kahit patay na ito?" niyakap na ako ni Sapphire habang walang tigil siya sa paghaplos sa likuran ko.
"Don't worry, ako na ang bahala sa bahay. Sinisigurado kong hindi na sila magtatagal sa bahay ni Alyanna." Matigas na sabi ni lolo.
"How about Serenity and Klauss? Natatakot ako sa kinabukasan ng mga kapatid ko. Amira is not a good mother, tinuturuan niya ng mali ang mga bata."
"Susubukan kong kausapin si Lorenzo." Mahigpit kaming umiling ni Sapphire.
"He's no good, wala siyang pinapakinggan lolo." Sabi ni Sapphire.
"Huwag na kayo masyadong mag isip dalawa, dito na kayo matulog. Magpapahanda na ako ng mga pagkain, magpahinga na rin kayo. Tama na ang pag iisip Florence, apo. Makakasama sa kambal." Tumango na lamang ako kay lolo.
Bumawi naman si lolo sa lahat ng sama ng loob namin kay daddy, pinaluto niya ang mga paborito namin ni Sapphire. Wala siyang tigil sa pagkukwento sa amin ni Sapphire nang kabataan nila ni LG.
"Si Garpidio ang laging nanggagaya sa akin ng takdang aralin, tamad siyang mag aral at laging hindi pumapasok." Sabay kaming natawa ni Sapphire. Nagmana talaga sa kanya ang kanyang mga apo.
"Ako ang kauna unahang sinabihan niya nang nabuntis niya ang kanyang asawa. Pumapasok pa lamang kami pero una niyang inatupag ang pagbuntis, kaya ito bata pa siya may apo sa tuhod na." Sabay kaming ngumiwi ni Sapphire sa sinabi ni lolo.
"Hindi ba at ikaw rin lolo? Maaga kayong ikinasal ni lola dahil maaga mo siyang nabuntis." Ngumisi lang si lolo sa amin.
"Friendship goals pala kayo ni LG." Natatawang sabi ni Sapphire.
"Masaya ang kabataan kung may mga tunay na kaibigan. Kaya hanggang ngayong tumanda na kami ni Garpidio, hindi maaaring hindi kami magkikita sa loob ng isang buwan. Masyado marami kaming pinagdaanang magkasamang dalawa para kalimutan ang isa't isa." Humalakhak na si lolo sa kanyang mga sinabi.
Hindi na ako magtataka kung bakit naging matalik na magkaibigan si lolo at LG. Pareho silang may nakakatuwa at nakakamanghang personalidad na hindi matutumbasan ng kayamanan.
Nang gabing 'yon, naging masaya ang pagkain namin. Hindi man kami buong pamilya, masaya na akong kasalo sa pagkain ang kapatid ko at ang aking lolo na simula umpisa ay ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Tatlong araw kaming tumigil ni Sapphire sa mansion ni lolo at hapon na nang may kumatok sa amin ni Sapphire, akala ko ay para sa meryienda pero lumapad ang ngiti ko sa mga labi nang makita kong si Nero ang nagbukas ng pintuan.
"Nero!"
"Don't move, ako na ang lalapit." Tumayo na si Sapphire mula sa tabi ko.
"Lalabas muna ako." Kumindat sa akin ang kapatid ko.
"Nasa labas si Aldus." Tumango si Sapphire bago nito isinarado ang pintuan.
Umupo rin sa kama si Nero at marahan niya akong niyakap.
"I miss you buntis.."
"I miss you too Nero.." mabilis naglapat ang aming mga labi.
"How's your trip? Kamusta si Tristan?"
"Nagpaiwan sa Berlin si Tristan."
"Is it fine? Okay na ba talaga siya?"
"Yes, kailangan niya rin mapag isa Florence. We can understand that." Tumango ako sa sinabi nito.
"Uwi na tayo Florence."
"Sige, magpaalam na tayo kay lolo."
Mabilis lang kaming nagpaalam kay lolo. Nagpaalam na rin sa amin si Sapphire at Aldus.
"Kamusta nang wala ako?" tanong sa akin ni Nero habang nagmamaneho.
"Okay lang"
"Sure?"
"Yes"
Nakarating kami sa bahay na pahalik halik sa akin si Nero.
"Anong gusto mong kainin Nero? I'll cook for you."
"Kahit ano, basta luto ni buntis.." humalik siya sa pisngi ko.
"I love you Florence.."
"I love you too Nero.."
Pinapanuod niya lang ako sa kusina habang abala ako sa pagluluto ng kakainin niya.
"Hindi naman manok ang lulutuin mo Florence? Baka magkabird flu ako." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Nero.
"Ikaw? Si Nero Sebastian Ferell na maganda ang lahi magkaka bird flu? No way." Natatawang sagot ko sa kanya.
"What? What Florence?" alam kong nakangisi siya ngayon kahit nakatalikod ako sa kanya.
Hindi din nagtagal ay naramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran ko at paulit ulit niya akong hinalikan sa magkabilang pisngi ko.
"Gusto mong I bird flu kita? Niloloko mo ko buntis, bakit ako niloloko ng buntis na ito?" halos manggigil siya sa akin at kinagat niya ang tenga ko.
"Nero! Nagluluto ako! Ano ba?!" natatawang sabi ko.
"Huwag na lang kayo ako kumain, tingnan natin kung may bird flu." Bulong niya sa akin. Hinampas ko ang braso niya.
"Nero, pitong buwan na akong buntis. Saka na."
Natapos ako sa pagluluto na punong puno ng halik mula kay Nero, pagkatapos niyang kumain tulad ng lagi namin ginagawa nanunuod na lang kami ng tv.
"You know Ne---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nagdoorbell.
"Who's that?" tanong sa akin ni Nero.
"Hindi ko alam" ngusong sagot ko.
"Wait here" tumayo na si Nero at hinayaan ko na lamang siyang buksan ang pintuan. Pinagpatuloy ko na lang ang panunuod ng tv.
"Baby, look who's here. Dinadalaw ka nila at ang kambal." Masayang sabi ni Nero.
Nang tingnan ko ang dumadalaw sa akin para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Daddy kasama si Amira at ang mga kapatid ko. Ilang araw na ba simula nang palayasin kami ni Daddy?
"Palabasin mo sila Nero." Malamig na sabi ko na nagpakunot sa noo niya. Bahagya itong sumulyap kay daddy na parang siya ang napahiya sa sinabi ko.
"Florence.."
"Palabasin mo sila Nero!" sigaw ko.
"Baby, what's wrong with you?" nagmadaling lumapit sa akin si Nero.
"We're here to apologize anak, nagkasagutan kami Nero hijo. Tulad nga ng sabi ni Amira, hindi na dapat namin pahabain ang away na ito." May bulaklak pang dala si Daddy.
Lumabas na naman na mabait si Amira, siya na naman ang santa.
"Nakatigil pa rin ba kayo sa bahay ng mommy?!" tanong ko.
"Florence.." hindi ko pinansin si Nero.
"Umalis na kami hija nang araw mismong umalis kayo ng kapatid mo. Ayoko nang magkakaroon kayo ng alitan ni Lorenzo kaya pinilit ko siyang suyuin ka hija, sana mapatawad mo ako at ang daddy mo." Muling napakuyom ang mga kamao ko.
Ano pa ang gusto ng babaeng ito sa akin?! Bakit nagpunta pa siya dito para magmukhang maaamong tupa?
"Out! Lumabas na kayo!" sigaw kong muli.
"Florence.." matigas na sabi sa akin ni Nero.
"Florence.." kahit si Daddy ay tinawag na rin ang pangalan ko.
"Lorenzo, mabuting ibigay ko muna sa'yo si Klauss. Kahit sa kotse na lang muna ako maghihintay. Ang mahalaga maayos kayong mag ama." Gusto ko nang pumalakpak sa kanya!
"Amira.."
"Wait Tita!" pigil sa kanya ni Nero.
"Go! Lumayas ka! Tatanggapin ko ang mga kapatid ko pero hinding hindi kita matatanggap!"
"Florence!" sigaw sa akin ni Daddy at Nero. Nagtagumpay si Amira, ako ang mukhang masama sa mga oras na ito. Wala akong panahong makipagplastikan sa kanya.
"Please, huwag nyo siyang pagtaasan ng boses. Sadyang emosyonal ang mga buntis, ganito rin ako nang nagbubuntis ako. Naiintindihan ko si Florence." At dinamay niya pa ang pagbubuntis ko?!
"Shut up you bitch! Huwag mo akong dramahan! Lumayas ka sa pamamahay ko! "
"Baby naman, minsan ilugar mo ang pagbubuntis mo. Nagpapakababa na sa'yo ang tao. Tama na Florence." Mahinang sabi ni Nero sa akin na nagpapanting ang tenga.
Hindi ko na napigilan ang mga kamay ko at nasampal ko siya. Habang tumutulo ang aking mga luha. Siya ang asawa ko, ako dapat ang kinakampihan niya.
"Magsama sama kayong lahat!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top