Chapter 41

Chapter 41


Halos magpanting ang tenga ko habang naririnig ko ang mga sinasabi niya kay Daddy. Alam kong kung hindi ko pinipigilan si Sapphire ngayon, malamang ay kung ano na ang nagawa niya sa asawa ni Daddy.

Kung hindi ako buntis at malaya akong nakakagalaw, baka naunahan ko pa si Sapphire sa anumang gusto niyang gawin. Lumaki ako at nagkaisip sa mansion na ito pero kahit kailan, ni minsan ay hindi ko narinig nagpatawag ang mommy ko ng Madam.

At nakikilala niya ba ang babaeng kinakaibigan niya? Oo at siya ang ina ng asawa ko, ng lalaking mahal ko pero siya ang kahuli hulihang dapat kaibiganin ng kahit sinong may kinalaman sa pamilya ko. Lalo na at hanggang ngayon ay sukdulan pa rin ang galit nito sa akin.

Hindi makagalaw ang mga paa ko habang pinapakinggan ang pagdadrama niya sa telepono. Halos mangngitngit na si Sapphire na pinipigilan ko.

"Hindi ko alam Lorenzo, minsan na nga lang sila dumalaw ganito pa sila sa akin. Nagmakaawa na ako noon, lumuhod at tinanggap ang mga pagkakamali. Pero hindi pa rin sapat sa kanila. Hindi pa rin, mahal. Umuwi ka na dito." Napakuyom na ang kamao ko, pakiramdam ko ay biglang humilab ang tiyan ko. Ramdam ng mga anak ko ang matinding galit na nararamdaman ko.

Buong akala ko totoo siya, buong buo ko siyang tinanggap na parang wala siyang kasalanan at hindi niya itinago ng anim na taon ang aming ama. Kung tutuusin, maaari namin siyang kasuhan sa ginawa niya. Pero ano ang ginawa ko, ni Sapphire at ni lolo? Tinanggap namin siya pero ito ang ang igaganti niya sa amin? Kami pa ang palalabasin niyang masama sa sarili naming ama?

"Ibaba mo ang telepono mo!" malakas na sigaw ni Sapphire.

"Pakinig mo Lorenzo? Natatakot na ako sa kanila, natatakot na ako sa pwede nilang gawin sa mga bata." Umawang na ang mga labi ko sa sinabi niya.

"How dare you?! Anong karapatan mong akusahan kami ng ganyan sa sarili naming kapatid?! Ikaw ang naglalayo sa kanila mula sa amin!" mas iniharang ko ang braso ko kay Sapphire.

Siguradong kami ang lalabas na mas masama kapag nasaktan ni Sapphire si Amira, sa paraan ng pagsasalita niya ngayon sa telepono, kayang kaya niyang kuhanin ang simpatya ni Daddy. Sino nga naman kami? Kami lang naman ang mga anak niyang nakalimutan sa loob ng anim na taon. Siya ang bagong pamilya, dati lang kami. Dati.

"Bibigyan kita ng limang segundo para patayin ang teloponong 'yan at itigil ang kasinungalingan mo." Mahinahong sabi ko.

Nakaupong nakatalikod ito sa amin na abala pa rin sa pagpapaawa sa aking ama.

"Isa.." unang bilang ko. Hindi man lang siya naabala at patuloy lang siya sa pagkausap kay Daddy na parang mga hangin lang kami dito ni Sapphire.

Sobrang layo ng maamong Amira na lumuhod at lumuha sa aking harapan kaysa sa Amira na umiiyak na nakatalikod sa amin ngayon.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko Lorenzo, ilang beses kong sinabi sa'yo na kahit sa isla na lang tayo. Alam mo naman na ayaw ko ng karangyaan, masaya na ako sa simpleng buhay. Masaya na ako, mahalaga buo ang pamilya natin at hindi nagugulo katulad ng dati." Pakinig ko ang malutong na mura ni Sapphire.

"What the hell?! So pinapalabas mo na ginulo namin ang buhay nyo? What? What? Kahit saang anggulo ko tingnan, nagulo ang lahat dahil itinago mo si Daddy sa amin! Oh, shit! Tama na. Hindi ko na kaya Florence." Hindi na nagpapigil sa akin si Sapphire.

Malalaki ang hakbang niya patungo sa bagong asawa ni Daddy, marahas niyang inagaw ang telepono nito at itinapon niya sa pool.

"Lorenzo!" sigaw nito na parang maririnig pa ni Daddy mula sa kabilang linya. Hindi na ako makapagsalita, parang sasabog na ako sa sobrang galit.

"Napakabastos mong bata ka! Napakabastos nyo! Palibhasa walang inang nagpalaki sa inyo ng tama! Kaya wala kayong mga modo!" kapwa kami natigilan ni Sapphire sa sinabi niya.

Pareho kami ni Sapphire lumaking walang ina, pero wala siyang karapatan na husgahan kung paano kami lumaki. Hindi niya alam ang pinagdaanan namin ni Sapphire.

"Mas gugustuhin ko pa na lumaking walang ina kaysa magkaroon ng isang inang katulad mo na pinaliliguan ng kasinungalingan ang anak. I pity Serenity and Klauss for having you." Seryosong sabi ko.

"But I admired her for being a good actress." Sarkastikong sabi ni Sapphire.

Pinagmasdan ko siyang muli, mas naging triple ang ganda niya. Sa halip na mabasawan ang ganda niya dahil aapat na buwan pa lamang mula nang manganak siya, masasabi ko na talagang sobrang laki ng ipinagbago niya. Halatang mamahalin ang damit, bagong ayos ang buhok pero ang mas nagpakulo ng dugo ko ay ang suot niyang kwintas at hikaw.

Papaano niya nakuha ang alahas ng mommy ko? Shit.

Ito ba ang hitsura ng babaeng pinilit ni Daddy na tumira dito na gusto lamang ng simpleng buhay sa isang isla? Pinilit lang siya kaya naplano na niyang palitan ang paintings ni mommy? Pinilit lang siya kaya Madam na ang tawag sa kanya ng mga katulong?

"Hubarin mo ang alahas ng mommy ko." Hinawakan nito ang magandang kwintas na suot niya.

Bigla na lamang bumalik ang maiksing alaala ko sa aking mommy. Tanda ko pa kung papaano siya lumuhod sa akin para ako mismo ang maglagay sa kanyang ng kwintas na suot ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Florence anak, sinabi sa akin ng daddy mo na lahat ng nasa bahay ay pag aari ko na rin. Legal na mag asawa na kami ng daddy mo, bigay niya ito sa akin." Hindi ako naniniwala, hindi ako naniniwala.

"Una, huwag na huwag mo akong tatawaging anak. You are not my mother and you will never be. Mahinahon akong nakikiusap. Hubarin mo ang mga alahas ng mommy ko bago ko sapilitang hilahin 'yan sa leeg at tenga mo."

"Bigay na ito sa akin ng Daddy mo! Bakit hirap na hirap ka na intindihin ang sinasabi ko? Bakit kayo ganito sa akin? Wala akong ginagawang masama sa inyong magkapatid. Kaibigan ko si Nerissa, kung may problema kayo, labas na ako sa gulo nyo. Kung sanay kayong idinadawit ang buong pamilya niyo sa away ng isang miyembro, ibahin nyo ako. Kaaway nyo, hindi ko kaaway." Gusto ko na siyang palakpakan sa pinaglalaban niya.

"Ang kaibigan mo lang naman ay ang babaeng muntik nang makapatay sa anak ng asawa mo. Wala ka pa rin pakialam? Hindi ka pa rin dawit?" iritadong sigaw ni Sapphire.

"Mga hija, bakit hindi nyo na lamang kalimutan ang lahat? Nagsisisi na ang tao, kayo lang dalawa ang nagpapalaki ng gulo." Kami pa? Kami pa ang nagpapalaki ng gulo.

"Ayoko nang makipagtalo pa. Inuulit ko hubarin mo ang alahas ng mommy ko." Nangangatal niyang tinanggal ang hikaw niya at ang kwintas.

"Ito na!" hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko nang padabog niyang ibinato sa akin ang kwintas. Malalaki ang hakbang niya para lampasan kaming magkapatid pero hindi na nakapagtimpi si Sapphire at hinabol niya ito at hinila niya ang buhok nito.

Sa sobrang galit ko halos hindi na ako makagalaw sa pagsikip ng dibdib ko, tinamaan ako ng kwintas sa aking tiyan. Hindi naman ito kalakasan pero, sobrang nakakagalit na ang totoo niyang kulay.

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Amira nang sabunutan siya ni Sapphire.

"Buntis! Buntis 'yong binato mo! Akala mo palalampasin kita?! You gold digger bitch!" Pipigilan ko na sana si Sapphire nang biglang nagpakita si Daddy na may nanlalaking mga mata.

"Sapphire!" agad naitulak ni Daddy si Sapphire kaya natumba na lamang ang kapatid ko. Yakap ngayon ni Daddy si Amira na humahagulhol na sa pag iyak. Hindi makagalaw si Sapphire sa pagkagulat, itinulak siya ni daddy para lamang sa kanyang bagong asawa.

Hindi ko magawang yumuko para daluhan si Sapphire nanatili akong nakatayo habang sinasalubong ang mainit na mata ni Daddy sa aming magkapatid.

"Lorenzo mahal, mabuti at nakarating ka. Your daughters, akala ko tanggap na nila ako, akala ko tanggap na nila ang pagmamakaawa ko. Ginawa ko naman ang lahat, lumuhod na ako sa harapan nila. Gusto pa yata nila akong humalik sa kanilang mga paa. Handa akong gawin para matapos na ang lahat ng ito, para na rin sa magandang relasyon nila ng mga anak natin. Natatakot ako na baka lumayo ang loob sa kanila ni Klauss at Serenity kapag nagpatuloy pa ang ganitong pagtatalo namin." Napailing na lang si Sapphire sa narinig niya. Kahit ako gusto ko nang magsuka sa haba ng sinabi niya.

Kanina pang nangangatal ang buong pagkatao ko sa bagong asawa ni Daddy. Parang nadudurog ang puso ko habang walang tigil sa paghaplos sa kanya si Daddy at paghalik sa ibabaw ng ulo nito.

"Hindi mo kailangang gawin ang bagay na 'yon Amira. Ang mga anak ko ang sumosobra na. Hindi na tama ang mga ikinikilos nila." Matalim akong tinitigan ni Daddy.

"Ano na naman ba ito Florence? Sapphire? Matututo kayong gumalang sa Tita nyo, asawa ko na siya ngayon!"

"No, Lorenzo. Huwag mong pagalitan ang mga bata, naiintindihan ko sila. Alam kong mahirap tanggapin na may iba ka nang mahal, naiintindihan ko sila. Huwag mo silang pagtaasan ng boses, ayokong magkaroon sila nang hinanakit sa'yo." Humugot ako nang malalim na paghinga bago ako nagsalita. Natahimik na si Sapphire, alam kong nasaktan siya sa pagtulak sa kanya ni Daddy. Not physically but emotionally.

"Daddy, nasaan ang paintings ni mommy?"

"Yan ba ang ikinagagalit mo Florence?" matigas na tanong ni daddy sa akin.

"Itinatanong ko kung nasaan ang paintings ni mommy? Hindi ba at nagawa ang bahay na ito dahil sa inyong dalawa? Bakit dito mo pinapatira si Tita Amira?!"

"Wala na ang mommy mo Florence! Wala na! I have my new wife, alam kong maiintindihan mo kung bakit ko pinatanggal ang mga litrato ni mommy mo." Siya nga ba ang nagpatanggal o pinagtatakpan niya lang si Amira?

"Ibalik na lang natin Lorenzo, tama siya. Bahay ito ni Alyanna, wala kaming lugar ng mga anak mo dito. Kung bumalik na lang kaya kami sa isla? Dalawin mo na lang kami ng mga anak mo. Ayokong nagkakasakitan kayo ng ganito dahil sa akin."

"Drama queen at its finest." Matabang na sabi ni Sapphire.

"Sapphire, itigil mo 'yang bibig mo. Palibhasa pinalaki ka ni Samuel!" Maging ako ay nasaktan sa sinabi ni Daddy kay Sapphire.

"Daddy! Sa tingin mo bakit si Samuel ang nagpalaki kay Sapphire!? Bakit kailangang maghanap ng ibang lalaki ang mama ni Sapphire para lamang may matawag siyang ama?!" malakas na sigaw ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang muli itong humilab.

"Florence.." naalarma na si Sapphire.

"Binato ako ng bago mong asawa Daddy! Binato niya ako at tinamaan ako sa tiyan!"

"Amira?" mahigpit itong umiling.

"Hindi, hindi. Sinigurado kong hindi siya tatamaan, nagawa ko lamang ihagis ang kwintas sa kanya dahil natakot akong lumapit sa kanya. Pinagbantaan niya ako Lorenzo na sapilitan niyang hihilahin sa tenga ko ang hikaw at kwintas na nasa leeg ko. Inihagis ko lang sa kanya dahil natatakot akong lumapit sa kanila, dalawa sila. Baka kung anong magawa nila sa akin at mabuksan ang tahi ko sa aking pagkakaopera." Kita ko ang pagtatangis ng bagang ni daddy sa sinabi ni Amira.

"Naniniwala ka sa kanya Daddy? Kaming mga anak mo hindi mo paniniwalaan?" tanong ko kahit nahuhulaan ko na ang sagot base sa paraan ng paninitig sa amin ni Daddy.

"Apologize to you Tita Amira, palalampasin ko ang ginawa nyong dalawa." Nanatili kaming tahimik ni Sapphire.

"Hindi na kailangan Lorenzo, huwag mong pinupwersa ang mga bata. Naiintindihan ko silang dalawa."

"Can you hear that? Bakit hirap na hirap pa rin kayong tanggapin ang Tita Amira nyo? She's an ideal mom, pwede nyo rin siyang lapitan. Florence, Sapphire, pamilya na natin si Amira, siya na ang mahal ko. Binigyan niya pa tayo ng mga anghel, si Serenity at Klauss. Hindi ba kayo natutuwang dalawa?"

"Kahit na kaibigan niya si Nerissa? Ang muntik nang pumatay kay Florence? Alam mo daddy na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo ng mommy ni Nero kay Florence."

"Amira?" mukhang hindi alam ni daddy ang bagay na ito.

"Kaibigan ko na si Nerissa simula nang bata pa ako, anak ako ng kasambahay nila noon. Matagal na kaming may pinagsamahan at nakikita kong nagsisisi na siya sa mga ginawa niya Lorenzo, bakit hindi na lang putulin ang alitan? Lalo na at ina siya ng asawa ni Florence. Hindi magandang pahabain pa ang gulo kung maaayos naman."

"May punto ang Tita nyo, bakit hindi mo subukan makipag mabutihan sa biyenan mo Florence? Para na rin sa batang pinagbubuntis mo." Sarili kong ama, hindi alam na kambal ang dinadala ko.

"Mga bata, kambal ang anak ko Daddy." Matabang na sagot ko. Saglit itong ngumiti, magsasalita na sana si Daddy nang magsalita ulit si Amira.

"Magpapahinga muna ako Lorenzo, hindi ko na kailangang makarinig ng paumanhin sa kanila. Alam kong kailanman ay hindi nila ako matatanggap pero sana huwag nilang ituring iba si Klauss at Serenity, kahit ako na lang." Nawala ang ngiti sa labi ni Daddy.

"No stay here Amira, kailangang matutong magpakumbaba ng mga anak kong ito. Florence, Sapphire apologize to Amira."

"No way!" matigas naming sagot ni Sapphire.

Pero mas nadurog ang puso ko sa huling sinabi ni Daddy sa amin ni Sapphire.

"Apologize to her! Huwag nyong hintayin na palayasin ko kayong dalawa."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top