Chapter 38

A/N Salamat sa mga angels na binasa muna ang Infinite Eyes :) You'll understand this chapter. Sa mga hindi pa. Lol. You'll be spoiled, so read first Tristan's story. But it's your choice. Haha. 


Chapter 38


Ferells are not just cousins, but brothers for life.

Ilang beses ko na itong nasaksihan sa haba ng mga taon na nakilala ko sila. They never left each other's back during hardships, they shared their laughter, joys and problems. They're always together relying in each other's arms.

Lumaki silang ganito at kailanman ay hindi na ito mawawala sa kanilang magpipinsan. Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi sa akin noon ni Nero nang paulit ulit kong itinanong sa kanya kung umiyak ba siya nang magkahiwalay kami. Ilang buwan ko rin siyang tinanong nito bago ko nakuha ang kanyang sagot.

I thought he'll just give me silly answers, but it turned out to be the best words from my beloved husband. And I will never forget those words.

"Kahit noong mga bata pa kami, kahit kailan hinding hindi kami pinagbawalan ni LG na umiyak. Yes baby, I did cry. I cried a lot when you left me. At hinayaan lamang ako ng mga pinsan ko at ni LG. Ganito kami lumaki, pinababayaan kaming umiyak ni LG. Hindi siya katulad ng ibang lolo na tuturuan ang kanyang mga apong hindi umiyak para mapatunayang matagtag at ganap na lalaki. He taught us how to cry, he taught us that real men had tears in their eyes, real men can experience pain. We cried a lot when we were kids and we never regretted it Florence."

"Nero, I love LG's words. He's the best grandfather." Ngumiti si Nero sa sinabi ko.

"That title won't give him a justice, he's above all. He's more than just the best.."

"Yes.." sagot ko sa kanya. Hinaplos ni Nero ang pisngi ko.

"There's nothing wrong shredding genuine tears.."

"I will never forget that Nero.."

"And once you witnessed us with tears in our eyes, remember that those are genuine. Bagay na itinuro sa amin ni LG.."

Hindi ko maiwasang maalala ang pinag usapan naming 'yon ni Nero habang tahimik akong nakatayo sa likuran ng pintuan ng kwarto ni Tristan. Hindi ko na kinaya ang bigat, tensyon at sakit sa loob ng kwarto.

He's now awake. At nagsisimula na siyang maghanap at magtanong. Iniwan ko silang limang magpipinsan sa loob pero naririnig ko pa rin ang malakas na pagsigaw ni Tristan at ang pilit na pagpapakalma sa kanya ng kanyang mga pinsan.

Agad akong lumapit sa nurse station para sabihin na tawagin ang doctor ni Tristan dahil nagwawala na ito at hindi na ito maganda para sa kanya. Bumalik ako sa may pintuan at ganito pa rin ang naririnig ko mula sa kanila.

"No..no. Hindi ako naniniwala, she's still alive..she's still alive mga pinsan. Alam nyo namang siya na lang ang kasiyahan ko." Lalo akong napahagulhol ng pag iyak nang marinig ko ang sinabi ni Tristan.

Nakita ko na ang doctor at mabilis akong tumayo.

"Nagising na po siya Doc, nagwawala na siya. Tinanggal na niya ang dextrose niya." Hindi na nagawang sumagot sa akin ang doctor at nagmadali na siyang pumasok sa kwarto.

Hindi na nagawang maisarado ng doctor ang pintuan dahilan kung bakit nakikita ko ang buong nangyayari sa loob ng kwarto.

Another heartbreaking scene.

"I need to tranquil him. Hindi pa siya maaaring mabigla." May hawak nang panturok ang doktor habang gapos ng magpipinsan si Tristan na nagwawala.

"Where is she? Nasaan ang babaeng mahal ko?!" halos yakapin na ni Aldus at Owen si Tristan dahil sa lakas nito sa pagwawala. Maging si Troy at Nero ay hindi na rin mapakali habang pinagmamasdan ang kanilang pinsan.

Tristan is totally wrecked.

"You have her eyes Cap Theo. She did give you another chance to see the world, she sacrificed her life for you." Nasapo ko na ang aking bibig para pigilan ang muling paghagulhol ko.

"Bakit ka pumayag? Bakit ka pumayag?! Anong klaseng doktor ka?! You killed her! You killed Lina! Give me my gun! Give me my fvcking gun! I will kill him!" Mas lalong lumakas ang pagwawala ni Tristan dahil sa sinabi ng doctor.

"Huwag nyo akong hawakan! Just let me kill this damn doctor! Anong ginawa niya?! Anong ginawa niya sa babaeng mahal ko?! Oh god!"

"Doctor! Please hurry!" malakas na sigaw ni Troy na halos sabunutan na ang sarili. Hindi na kinaya ni Nero at Troy manuod, naupo na rin sila sa kama at tumulong para igapos si Tristan.

Lumapit na ang doctor dito at sinimulan na siyang turukan ng pampatulog.

"Pinsan matulog ka muna. Matulog ka muna ulit, hirap din kaming makita ka na ganyan. Matulog ka muna pinsan, matulog ka muna.." pakinig kong sabi ni Aldus hanggang sa unti unti nang nanghihina ang pagwawala ni Tristan at tangayin na ito ng antok.

Walang nakagawa ng kilos sa magpipinsan habang tulala sila sa pinsan nilang natutulog.

"What the hell is happening to him? Bakit lagi na lang si Tristan Doc? Kung tatanungin mo naman kaming apat, hindi masamang tao ang pinsan namin Doc. Itong gagong to, kahit kailan hindi nagsawang tumulong sa amin, kailanman hindi siya naging makasarili, gahaman. Tristan is a good guy, why did you allow this to happen? Why the woman of his life?" nanghihinang tanong ni Aldus.

"Ginawa ko lang ang alam kong tama. Maiwan ko na kayong lahat, babalik ako dito pagkatapos ng isang oras para maipaliwanag ang kalagayan niya. Alam kong hindi nyo ako maiintindihan ng maayos sa katayuan nyo ngayon. Pakalmahin nyo munang lahat ang inyong mga sarili." Walang nakasagot sa magpipinsan dahil alam nilang tama ang sinabi ng doktor.

Lumabas na ito sa kwarto at tumango ito sa akin. May dumating na dalawang nurse na siyang magbabalik ng dextrose ni Tristan.

Sunod sunod na lumabas ang apat na pinsan na kapwa mga tulala. Tinabihan ako ni Nero at ipinatong niya ang noo niya sa balikat ko.

"Anong gagawin natin? Hindi magtatagal gigising na naman siya, magwawala, magtatanong at sisigaw. Hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon tuturukan siya, it's not good for our cousin." Naupong nanghihina si Owen, nakayuko na ito at hindi ko na makita ang kanyang mukha.

Pansin ko na mabilis nagtanggal ng luha si Troy sa gilid ng kanyang mga mata.

"Tang ina, naaawa ako kay Tristan. Naaawa ako mga pinsan. Yes, he's alive but he's now half dead without her. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa tumagal sa loob ng kwarto kapag nagising na naman siya." Nakasandal na sa pader si Troy.

"Gago ka Troy, ikaw lang ba? Kami rin, kami rin tatlo. Hirap na hirap kaming makita si Tristan sa ganitong sitwasyon. Lahat tayo unang beses na makita siyang ganyan, lahat tayo nahihirapan. Walang gustong tumagal sa kwartong 'yon habang nagmamakaawa sa atin si Tristan para sa babaeng hindi na natin kayang ibigay sa kanya." Nahihirapang sabi ni Aldus.

"Minsan na lang humiling sa atin si Tristan, ito pa ang hindi natin kayang ibigay sa kanya. Life sucks!" muling sumuntok sa pader si Troy.

"Hindi pa ba ito nalalaman ni LG?" tanong ni Nero.

"Mukhang hindi ipinaalam ng ahensya niya kay LG, mas mabuti na rin ito. Hindi maganda ang masamang balita sa kalusugan ni LG." Sabi ni Aldus.

Lumabas na ang nurse at sinabi nitong naayos na si Tristan at muli itong natutulog.

"Bakit hindi muna kayo magpahingang apat? Buong magdamag na kayo dito, baka kayo pa ang magkasakit. Hindi siya pababayaan dito ng mga kasamahan niya." Walang sumagot sa akin at mukhang gusto na naman nilang manatili dito.

"Ferells, please? Alam kong gusto nyong sa tuwing gigising si Tristan ay maririnig niya ang boses nyong apat pero kailangan nyo rin ng pahinga. Kahit apat na oras na tulog lang, bumalik din kayo dito kung hindi kayo mapalagay. Importante ang pahinga, please understand me."

Napahinga ako ng maluwag nang sumunod sa sinabi ko ang magpipinsan, umuwi kami ni Nero at ang mga ito. Hinayaan kong magpahinga muna si Nero para may lakas siya sa kinabukasan.

Hindi na ako nagulat nang malaman ko na hindi itinuloy ni Owen ang nalalapit na auction sa kanyang mga paintings. Dalawang linggong nagleave si Troy sa kanyang sariling kompanya at sinabi sa akin ni Sapphire na hindi rin itinuloy ni Aldus ang kanyang flight sa ibang bansa para magmodelo sa isang sikat na brand ng damit sa ibang bansa.

They all cancelled their appointments for Tristan. Gising na itong muli pero nanatili lamang itong tahimik at walang kinakausap. Nagpapakiramdaman lang ang magpipinsan kung papaano nila sisimulang muling kausapin si Tristan. Gusto ko man magtagal sa pagbabantay kay Tristan, hindi ko na ito magawa dahil mabilis na rin akong mapagod.

"Tristan, kumain ka na." Si Aldus ang unang nagtangkang lumapit sa may side table nito para asikasuhin ang kanyang pinsan.

"How can I eat? Sabihin mo nga Aldus, papaano pa ako kakain?" humigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Nero.

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Troy.

"Tutulungan kitang kumain, what do you want?" mahinang sabi ni Aldus.

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Matigas na sabi ni Tristan. Nakaupo na siya sa kanyang kama at may benda pa rin ang kanyang mga mata.

"Anong gusto mong gawin namin sa'yo Tristan?! Hayaan ka nang magutom? Hindi ka niya binigyan ng isa pang pagkakataong muling makakita kung hahayaan mo ang sarili mong magkaganyan! Buhayin mo ang sa sarili mo dahil 'yan ang gusto ng babaeng mahal mo!" malakas na sigaw ni Owen.

"Do you think I'll be happy seeing life again without her?"

Walang nakapagsalita sa sinabi niya.

"Dapat isinama niya na lang ako, dapat hinayaan niya na lang akong mabulag. There is no life without her."

"Tristan.."

"Just let me die, hayaan nyo na ako sa sarili ko. Iwan nyo na ako sa hospital na ito, I hate being a burden. Umalis na kayo mga pinsan, umalis na kayo." Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao ng magpipinsan sa sinasabi ni Tristan.

Pansin ko ang ilang patak ng luha mula sa benda ng kanyang mga mata.

"You are not a burden! You asshole! Kaya kami nandito para suportahan ka! Kaya kami nandito para iparamdam sa'yo na may mga naiwan, nandito pa kami Tristan. Ilang beses naming sinabi sa'yo na apat pa kami! Apat pa kami pinsan! Lagi kaming nandito may paningin ka man o wala! Gago ka, kailan tayo naging pabigat sa isa't isa? Kailan Tristan?" sigaw sa kanya ni Troy.

"Apat nga kayong naiwan. Yes, you're always there for me. Pero 'yong nawala mga pinsan, 'yong nawala. Siya ang babaeng mahal na mahal na mahal ko, walang makakatanggal ng sakit, wala." Lalo nang tumitindi ang pagkirot ng dibdib ko sa bigat ng usapan ng magpipinsan.

"Tristan.."

Hindi na muli nagsalita si Tristan sa kanyang mga pinsan, walang nagawa ang apat dahil nagmatigas itong hindi kumain. Sa pagkakataong ito hindi ko magawang makisali sa kanila.

Papaano ito tatanggapin ng buong pamilya ni Lina? May alam na kaya ang mga ito? Why my friend? Bakit ang dalawang taong napakaimportante sa akin nangyari ang bagay na ito?

Hindi rin ako nagtagal sa hospital pero kinabukasan nang umaga ay nakita ko ang tatlong Ferell sa bahay. Kahit si Nero ay nagulat sa mga pinsan niya sa hindi inaasahang pagpunta ng mga ito dito.

"Nero, wala na kaming ibang maisip." Mahinang sabi ni Aldus.

"Hindi na talaga kumakain si Tristan, kahit anong pilit namin ayaw niya nang kumain. Hinang hina na siya pero nagmamatigas pa rin ang gago." Nahihirapang sabi ni Owen.

"Alam nating lahat na sinabi ng doktor ni Doll na hindi na maganda sa kanya ang umalis ng bahay dahil sensitibo na ang pagbubuntis niya, pero siya na lang ang pwedeng makatulong kay Tristan, baka sakaling mapilit niyang kumain." Nasa balikat ko ang kamay ni Nero.

"Is it okay with you baby? Nahihirapan ka na ba?" tanong sa akin ni Nero. Alam kong gusto niya rin na matulungan ko ang pinsan niya.

"Magbibihis lang ako, susubukan ko." Nagliwanag ang kanilang mukha sa sinabi ko.

Papasok pa lang kami sa kwarto ay narinig ko na naman ang pagsigaw ni Tristan.

"Ayokong kumain!" huminga ako ng malalim at dahan dahan akong naupo sa kama ni Tristan. Tahimik lang ang apat na nakaupo sa sofa.

"Tristan, susubuan kita. Please, you need to eat."

"Ayokong kumain Florence, ayoko." Binanggit niya ang pangalan ko.

"Tristan, hindi gusto ni Lina ang ginagawa mo. Please, kumain ka. Hindi kami sanay na nagkakaganito ka, hindi ganito si Tristan Ferell. You're always tough, bigyan mo ng katuturan ang mga sakripisyo niya sa'yo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan Tristan, we all in pain. At lubos din kaming nasasaktan kapag nakikita ka naming ganyan. You need to fight, you need to continue your life. Please eat, kailangan mo ito. Susubuan kita Tristan." Hindi siya tumango sa akin pero hinayaan niya akong subuan siya.

Kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan ang isang Ferell na nagkakaganito. I used to look at them with smiles on their faces, and this scene is killing me.

Pinainom ko ng tubig si Tristan, kaunti lang ang kinain niya.

"Thank you Warden Doll.."

"Kailangan mong magpalakas Tristan.." hinawakan ko ang mga kamay niya at inilagay ko ito sa aking tiyan.

"Magpipitong buwang buntis na ako Tristan, malapit nang lumabas ang mga inaanak mo. Gusto kong isa ka sa unang makakita sa mga anghel na nasa tiyan ko. They'll be happy seeing ninong Tristan around with his opened eyes.." ramdam ko ang pangangatal ng kamay ni Tristan sa sinabi ko.

Kita ko ang dahan dahan niyang pagyuko para lamang mas maramdaman niya ang tiyan ko. Hanggang sa makita ko ang pagyugyog ng balikat niya.

He's crying again.

"Iniwan ako ng ninang nyo..iniwan niya ako..iniwan niya ako.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top