Chapter 35

Chapter 35


Pagkatapos ng kalahating oras na pagpapahaba ng pasensiya ni Nero ay tinawagan na niya ang pinsan niya. Hindi naman naging mahaba ang pag uusap nila ni Tristan dahil mabilis itong pumayag sa hinihiling ko.

Mamaya pang tanghali ang pagpunta niya sa bahay kaya bumaba muna kami ni Nero para kumain.

"Saan tayo magpapalipad mamaya Nero?"

"May alam kaming lugar ni Tristan, hindi na masyadong malayo dito. Baka mapagod ka sa biyahe." Ngumisi ako sa kanya at madiin ko siyang niyakap.

"Thank you Nero.." tumango na lang ito sa akin at nagpatuloy siya sa pagkain.

Nasa kusina na naman kaming dalawa, nakakalong ako sa kanya at sinusubuan namin ang isa't isa.

"Florence, masaya na akong apat ang anak natin. I am not asking for six, ayokong mahirapan ka pang manganak." Natigil ako sa pagsubo.

"It's fine Nero, dalawa na itong nasa tiyan ko. Apat na lang, hindi naman masamang manganak taon – taon, marami naman tayong pera. Sa mamanahin mo pa lang, hindi na mauubos ng anim. Bakit gagawin mo pang apat?" napainom ng tubig si Nero sa sinabi ko.

"Are you sure Florence?"

"Hindi ba at ikaw pa ang may sabi na atleast minimum of six?"

"Wala akong matandaan." Nagkakaamnesia ba ang mga nakakabuntis?

"Sinabi mo 'yon nang birthday ng mga pamangkin ko habang hinahaplos mo ang binti ko ng sapatos mo sa ilalim ng lamesa. Remember?" Hindi nakasagot si Nero at nagpatuloy na lamang itong kumain.

Pinagmasdan ko na lamang si Nero at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Nero, ayaw mo na bang magkaanak sa akin?" nasamid siya sa sinabi ko.

"Florence, I am just suggesting. Ofcourse, I want a lot of babies from you. It's just that—" itinigil niya na ang dapat niyang sasabihin.

"That? What Nero?"

"Florence, hindi na normal ang paglilihi mo. Hindi ko alam kung pinagtitripan mo ba ako o ano. Ewan, you are stressing me but I still love you and our babies."

"Nero, inaaway mo kami ng kambal." Mahinang sabi ko sa kanya habang hawak ko ang aking tiyan.

Lumingon siya sa akin na nakaawang ang mga labi.

"Sa susunod Florence, sa umaga na tayo bubuo ng bata. Ayaw ko na sa alas dos! Ayaw ko na! Sa kama na din, ayaw ko na sa buhanginan!" Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi.

"Stop crying Florence, hindi na ako uulit. Ako ang nagkamali, nagugutom lang siguro ako kanina kaya may nasabi ako sa'yo. Normal ang paglilihi mo, sadyang may batang sisipa kahit dalawang buwan pa lamang, may mas gugustuhin mong makita ang mga ninong kaysa sa ama, may mga buntis talaga nahihilig sa kalapati at nakakalimutang may nagugutom na asawa at maraming buntis ang nahihilig sa sabon panlaba. Normal magbuntis ang misis ko, normal na normal." Ilang beses akong hinalikan sa labi ni Nero bago niya ako inabutan ng tinapay.

"Eat, baka nagugutom na rin ang kambal Florence. Ayaw ng daddy na magugutom ang mommy at baby." Hinawakan na niya ang aking tiyan.

Nagpatuloy kami sa pagkain ni Nero, pero hindi din nagtagal ay tumunog ang kanyang telepono. Nakita kong ang daddy niya ang tumatawag. Kumunot ang noo ko, bihira lamang tumawag ang parents ni Nero simula nang ikasal kami.

"Yes Daddy?"

Tumigil ako sa pagkain at pinagmasdan ko si Nero, sumulyap ito sa akin bago niya inilhis ang mata niya sa akin. What's that?

"Yes, she's fine."

"Nero, I loud speaker mo naman. I want to hear your conversation." Bulong ko dito. Sumunod sa akin si Nero.

"Hindi ka naman anak nahihirapan? Mahirap pakisamahan ang mga buntis." Naningkit ang mata ko nang natigilan si Nero sa tanong ng kanyang daddy.

"Bakit naman ako mahihirapan Dad? Ang bait bait ni Florence." Hinalikan ni Nero ang pisngi ko.

"Good, alagaan mong mabuti ang asawa mo anak. Kailangan ng mga buntis ng matinding atensyon, nasa lahi na ng mga lalaking Ferell na laging nahihirapan kapag nabubuntis ang asawa. Hirap din kami ng mga tiyuhin mo noon anak, binalaan lang kita." Humaba ang nguso ko sa narinig ko. May sumpa naman pala ang pamilya nila sa larangan ng pagbubuntis.

"Yes Dad."

"Kailangan mo ng maraming pasensiya anak, lagi nilang babaliktarin ang sitwasyon at isusumbat sa'yong ikaw ang emosyunal." Parang robot na dahan dahang lumingon sa akin si Nero.

"No! Hindi emosyonal si Florence, mahal na mahal ko ang buntis na ito. Mahal na mahal ko ang buntis." Pinaulanan ni Nero ng halik ang aking mukha.

"Dad, thank you. Ako na lang ang tatawag sa'yo mamaya." Mabilis nang pinatay ni Nero ang telepono.

"Emosyunal ba ako Nero? Pinahihirapan ba kita? Ayaw mo na ba sa akin?" Ilang beses umiling sa akin si Nero.

"No! Sinong may sabi sa'yo? Hindi ka emosyonal, hindi. Kumain na lang ito tayo, baby. Eat.." Inabot na niya sa ang kutsara.

"Kaunti pa lang ang nakakain mo, you need to eat." Tumango ako sa sinabi ni Nero at kumain na lang ako ulit.

Hinawi niya ang buhok ko at inilagay niya sa kaliwang balikat ko.

"Ang bait bait ng buntis na ito." Halik nang halik sa akin si Nero.

"Mahal na mahal ko ang magandang buntis to." Hindi ko maiwasang hindi ngumisi sa sinabi ni Nero.

"Hindi mo ako binobola Nero?"

"I am not."

Hindi na kami nagtalo ni Nero sa mga sumunod na oras dahil nilambing niya lang ako ng nilambing nasa labas na kami ng bahay ni Nero habang hinihintay namin ang pagdating ni Tristan.

Nakaupo ako habang nakangiti akong hawak ang aking tiyan. Mas masaya talaga kapag hindi kami nagtatalo ni Nero.

"Masayang masaya na naman ang buntis."

"Ofcourse, we'll see ninong Tristan's eyes." Ngiting sagot ko sa kanya, pansin ko na kumunot ang noo niya pero agad niya itong pinalitan ng tipid na ngiti.

"Florence, bakit ganito ka magbuntis?" seryoso na si Nero na nakatitig sa akin. Nagkibit balikat lamang ako sa kanya.

"Siguro tama ang sabi mo kay LG at tama ang sinabi mo sa akin kanina, epekto ito ng alas dos ng madaling araw. Nabuo ang kambal sa buhanginan, isama pa na may lahing shokoy ang ama at mga ninong. Anong magagawa ko Nero? Malakas ang dugo mo." Ngumiwi siya sa sinagot ko bago siya bumuntong hininga na parang mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik kaysa kausapin ko.

"Anong sinabi mo kay Tristan?"

"Sinabi ko na gusto mong magpalipad ng saranggola, hindi ba 'yon ang gusto mo?"

"Galit ka na naman sa akin Nero?"

"No, hindi ako galit Florence."

"Galit ka."

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Ikaw ang pinakamabait na buntis na nakilala ko Florence. Wala nang mas hihigit pa sa misis ko."

"Thank you so much Nero." Sagot ko sa kanya.

"My pleasure Florence." Alam kong nagsisinungaling si Nero sa paraan ng pagsasalita niya. Pansin ko na lagi na lang masama ang loob sa akin ni Nero simula nang nabuntis ako.

Hindi na ulit siya nagsalita sa mga sumunod na mga minuto, ilang beses akong sumulyap sa kanya. Pansin ko na kanina pa niyang itinatago sa akin ang pag iinit ng ulo niya. Hindi ko na lang rin ako nagsalita para hindi ko na siya galitin pa.

Pero lumipas ang ilang pang minuto narinig ko siyang nagsalita.

"Ninong Troy's magic, ninong Owen's voice, ninong Tristan's eyes. Kinalimutan na ang daddy." Matabang na sabi ni Nero na nagpalingon sa akin.

Hindi lumilingon sa akin si Nero habang nakagat ko na ang pang ibabang labi ko.

"Nero, hindi ka naman namin kinakalimutan ng kambal. It's just that---" natigil ako nang marinig namin ang busina ng sasakyan ni Tristan. Bumaba na ito kaya napatayo na ako sa aking upuan.

"Si ninong Tristan.." agad kong hinawakan ang tiyan ko. Pansin ko na ngumisi si Tristan sa sinabi ko.

"Hi buntis." Kumindat sa akin si Tristan na bihira lang niya ginagawa.

"Oh my.." pakinig ko ang mura ni Nero.

"Nero, you look awesome! Nice eyebags, kulang sa tulog?"

"Mabuntis mo sana si Lina." Mabilis na sagot sa kanya ni Nero, ngumisi lang si Tristan.

"So let's go? Sa sasakyan ko na lang kayo sumakay."

Tumango ako sa sinabi ni Tristan, hinila ko na ang kamay ni Nero na tamad sumunod sa akin.

Naupo na ako sa shotgun seat, nasa likod si Nero at si Tristan ang driver.

"Ano ako dito sa likuran? Chaperone? Ako ang ama ng bata." Narinig kong tumawa si Tristan sa sinabi ni Nero.

"Hindi ko inaagaw Nero, what's wrong with you cousin? Buntis, huwag mong masyadong pinapagod si Nero. Baka madala at hindi na 'yan masundan."

"No, susundan namin ito ni Nero, we're planning for six kids." Muling tumawa si Tristan sa sinabi ko.

"Ninong ulit ako ng apat Nero." Pagbibiro ni Tristan.

"Okay lang sa akin." Sagot ko.

"Ayoko na, marami akong kilala na pwedeng mga ninong. Huwag na sila Florence, ayoko na." Naiiling na pinatakbo ni Tristan ang sasakyan.

"Sinunod mo ba ang sinabi sa'yo ni Troy, Nero? Parang nang nasa resort pa tayo ikaw ang naglilihi, what happened?"

"I did"

"Gago, nauto ka na naman ng tagapagmana. Magpinsan nga kayo."

"Shut up."

"So, sino na ang natawagan nyo? I heard nagpunta daw kayo sa despidida ni Owen."

"Kung ano ano na ang itinuturo nyo sa buntis. Nauso ang kalapati ni Troy, binging bingi na ako sa pacito pacito tuwing gabi, ayusin mo ang buhay mo Tristan baka kung ano na naman ang mahiligan ni Florence."

"It's Despacito, Nero.." pagsingit ko sa kanilang pag uusap.

"See? Kapag nauna pang magsalita ng pacito pacito ang kambal kaysa sa pagtawag ng daddy, ipapapatay ko si Owen at ang kanta niya." Sabay na kaming natawa ni Tristan sa sinabi ni Nero.

"You're over reacting Nero, ofcourse ituturo ko muna sa kambal ang pagtawag sa'yo ng daddy. You hated the song that much, it's the trend today."

"Yeah." Sagot ni Tristan. May pinindot siya sa sasakyan dahilan kung bakit tumugtog ang pamilyar na kanta.

"Oh fvck, this song is killing me."

Habang tumutugtog ang kanta ay sumasabay ako, pansin ko na tumigil na ang sasakyan ni Tristan.

"Here, dito na tayo pipili ng saranggola." Pinatay ni Tristan ang sasakyan. Bumaba na silang dalawa ni Nero.

"Dito ka na lang Florence." Nakadungaw ako sa bintana habang nakapamaywang ang dalawang Ferell na tinitingnan ang desinyo ng malalaking saranggola.

"Anong gusto mo Florence?" tanong sa akin ni Nero.

"I like that one, 'yong may mahabang buntot na pula." Sabay tumingin dito ang magpinsan.

"We'll buy that." Agad binayaran ni Nero ang saranggola at inabot niya ito sa akin.

"Let's go, sana mahangin sa pupuntahan natin Nero."

"Kailangang magkahangin, baka mahirapan tayo sa mabait na buntis kapag hindi 'yan lumipad."

Mabilis lang ang itinakbo ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang patag na lupa. Karamihan ay may mga bata rin na nagpapalipad ng saranggola.

"Ako ang hahawak ng tali, ikaw ang maghagis Tristan." Agad na sabi ni Nero.

"No, si ninong Tristan ang maghahawak ng tali katulad ng nasa picture. Right babies.." Hindi nagsalita si Nero, kinuha na nito ang saranggola at siya na ang lumayo.

"Inaaway mo ang pinsan ko buntis." Natatawang sabi ni Tristan.

Ilang minuto muna kaming naghintay na umihip ang hangin at nang umihip na ito ay agad inihagis ni Nero ang saranggola. Agad itong tinantsa ni Tristan at dahan dahan na siyang tumakbo habang nakatingin dito.

"Oh fvck.." nakatakbo na papalapit sa akin si Nero at pareho nakatingin dito. Hindi magtuloy ang lipad ng saranggola.

"We'll repeat, damn. Ang hina ng hangin." Tumigil na si Tristan nang bumagsak ang saranggola. Bumalik ito sa tabi namin ni Nero.

"Ang tagal na natin di nagpapalipad nito Nero, daig pa tayo ng mga bata." Sumulyap kami tatlo sa mga batang natutuwang magpalipad ng saranggola.

"It's not about the wind, hindi na tayo marunong." Naiiling na sabi ni Tristan. Bumalik si Nero sa dulo para ihagis ito nang tumakbo ulit si Tristan ay hindi pa rin nagpapatuloy sa paglipad ang saranggola.

Nakasampung ulit si Tristan at Nero, lagi pa rin sumusirok ang saranggola.

"Mas madali pang magpalipad ng eroplano dito." Natatawang sabi ni Tristan.

Pansin ko na pareho na silang pawisan ni Nero pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapalipad.

"Tristan, okay na. Atleast, naibili nyo ako ng saranggola. You and Nero tried, okay lang kahit hindi na lumipad. Pagod na kayo."

"No, we'll make this fly. Para sa buntis.." Ngumiti ito sa akin bago siya muling tumakbo pero hindi din nagtagal ay sumirok na naman ito.

Pansin ko na nagpupunas na ng pawis sa malayo si Nero.

"Nero! Ikaw naman sa tali, baka mas magaling ka sa akin dito!" lumapit na sa amin si Nero. Pumunta naman si Tristan sa pwesto ni Nero kanina.

"Florence, doon ka na lang sa tabi ni Tristan. Walang init sa pwesto ko kanina. Go there baby, ayaw kong naiinitan ka. Nagisismula na namang uminit dito."

"Nero sorry, okay lang. Uwi na tayo, pagod na kayo ni Tristan."

"No, I will spoil you Florence. Ibibigay ko ang lahat ng gusto ng buntis. Soon, you'll be giving me the greatest gift baby. I won't mind spoiling you."

"I love you Nero.." naglakad na ako papalapit kay Tristan na hawak na ang saranggola.

"Can I try Tristan?" tanong ko.

"Sure, come here. Ihahagis mo lang pataas ang saranggola." Dinala niya ako sa unahan niya habang nasa likuran ko siya at itinuturo niya sa akin ang paghawak ng saranggola.

Narinig kong sumisipol si Tristan.

"I'm calling the wind.." Pansin ko kahit sa malayo na bahagyang nakanguso si Nero. Sumisipol din siya.

"Itinuro sa amin ni LG ito noong bata pa kami, if we need the wind we need to whistle slowly.." Pansin ko na nagkakaroon na nga ng hangin.

"Anong masamang maniwala kay LG, hindi ba? Throw it Warden Doll.." sinunod ko ang sinabi ni Tristan. Agad tumakbo si Nero habang hila ang saranggola at unti unti na niyang pinapahaba ang tali, naghintay kami ng ilang minuto kung muli itong babagsak pero nagsisimula na itong sumayaw kasabay ng hangin.

"It's flying Tristan! It's flying.."

"Ikaw lang pala ang makakapagpalipad." Tipid na sagot nito.

"Dahil swerte ang mga buntis."

"Hindi ka pa buntis, swerte ka na Warden Doll. I died once and I didn't regret it, you made me realized something.."

"Tristan.." nakapamulsa na siyang nakatingin sa taas.

"What more if the twins enter this world? They are Ferell's first babies, first angels and I'll be the happiest ninong."


--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top