Chapter 31

Chapter 31


Tulad ng inaasahan ang kapatid ko ang nasunod sa lahat ng oras. Minsan ay umaangal ang grupo ni Rainey pero wala ang mga itong nagawa sa kapatid ko. Dahil sa tuwing may sinasabi ang mga ito, para lang naman si Sapphire isang napakagaling na tour guide na may paghawi pa sa kanyang kamay na may kasamang pagsasalita ng 'The sea is yours to swim'

Kaya ang nangyari, pag ismid lang at pagpaparinig ang nagagawa nila. Minsan ay napapahanga na ako kay Rainey sa lakas ng loob niya. Maiksi lang ang pasensiya ng kapatid ko, hindi na ako magtataka na baka magkaroon ng tulakan dito sa bangka sa susunod na mga oras.

Pinagsuot na rin kami ng life jacket, bumulong pa sa akin si Sapphire na kung kami lang dalawa hindi na namin kailangan pero habang kasama namin sa bangka ang Rainey and friends malaki ang posibilidad na may magtulak sa amin.

Panay ang selfie namin dalawa ni Sapphire sa bawat islang pinupuntahan namin.


"Fierce tayo Florence.." natatawa na ako sa ginagawa namin ni Sapphire sa harap ng camera.


"Let's go! Sa kabila naman tayo, where to you want Florence?" tanong nito sa akin na para akong bata.


"Come on Sapphire, kahit saan ayos lang sa akin.." sabi ko habang sumasakay na kami sa bangka. Wala pa ang mga kasama namin.


"Kailan ba tayo huling nagkasama nang ganito? We're both busy with our own lives, busy with Aldus, busy with Nero. What don't we enjoy right now? Just let me be your big sister Florence, besides I am enjoying our company.." ngising sabi niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa salitang 'enjoying' niya.


"Why do I have this feeling na sinasadya mo silang galitin Sapphire?" tanong ko sa kanya.


"Maybe? Nakakatawa kasi sila, masyado nilang pinakatataasan ang kilay nila sa akin. Hindi nila alam na nagkikilay pa lang sila, matagal na akong tapos.." nailing na lang ako sa sinabi ng kapatid ko.


"Florence, can I ask you something? You were once a bitch like me right? During our college days, halos patayin mo ako sa tingin nang inaakit ko si Nero. What happened to you?" una ay nagkibit balikat muna ako pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko kaya sinagot ko na ang kapatid ko.


"Because I am not, Sapphire. It was just my defense mechanism or something that will cover my inner me. That was the fake me. Inaamin ko lagi akong nasa mga gulo noon, I was the bitch all over the place, pasaway, naghahanap lagi ng atensyon nang napakaraming tao. That's because I am asking for our Dad's attention.." paliwanag ko sa kanya.


"And that time hindi ko ipinapakita sa mga Ferell ang totoong ako. I am pretending to be tough and unbeatable pero 'yon naman pala matagal na nila akong kilala, matagal na nilang alam kung ano talaga ako. That I am really a weak girl who needed a protection.." mahinang sabi ko.


"So right now, you're still considering yourself as weak? You've overcome a lot of struggles Florence, you are not here with me if you're not tough enough.." bahagya akong tumango sa sinabi niya.


"Siguro? But I am tired of fights Sapphire, kung dati halos umabot ako sa pakikipagsabunutan, nanghampas ng bote sa ulo ng isang lalaki at nakipagsagutan sa mga babaeng nagkakagusto kay Nero ngayon mas pinili ko na lang manahimik. Let everything slide at huwag na lang pansinin kasi kapag pinansin ko pa ang isang maliit na bagay, baka lumalala pa.." pansin ko sa mukha ni Sapphire ang hindi pagsang ayon.


"Do you think they'll stop? Sa tingin mo ay titigil sila kapag hindi mo pinansin? That's a no way Florence, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapaliit ng hindi magpansin sa bagay ang mga nangyayari. In Rainey's case, dapat nasasampal mo agad para maagang matauhan. Mabuti na lang at hindi masyadong agresibo ang kapatid niyang ex ni Aldus kung hindi pagbubuhulin ko silang magkapatid. Literal.." natawa siya sa sarili niyang sinabi.


"Ofcourse, ibang usapan na kapag hinawakan niya si Nero. Don't worry, hindi mo na ako kailangang tulungan kapag tuluyan nang naubos ang pasensiya ko sa kanya. I'll give her a lesson that she wouldn't forget.." ngumisi si Sapphire sa sinabi ko.


"Happy to hear that Florence. But can I ask again? Hindi ba naging maganda ang relasyon nyo ni daddy noon? You told me that you were asking for his attention.." kunot noong sabi nito.


"Yes, everything was a mess back then. Hindi ko alam kung sinisi niya ba ako sa pagkamatay ni mommy or ako ang sumisisi sa kanya kaya lumayo ang loob namin sa isa't isa. That's why I did everything to – you know.." ayoko nang ulitin ang mga sinabi ko kanina.


"Magkapareho pala tayo noon Florence, ginawa ko rin ang lahat para mapansin at mapahalagahan ni Samuel noon. Alam mo ba na dalawang beses kong inihara ang sarili ko sa kanya para lamang hindi siya tamaan ng bala.." napanganga ako sa sinabi ng kapatid ko.


"What?" malakas na boses na sabi ko. Napaka walang hiya talaga ng hudas na 'yon.


"I don't have a choice Florence. I want to please him, I want him to acknowledge me. Dahil malaki ang pag aakala ko na siya ang ama ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya. Kung ikaw nagpakapasaway ka para makuha ang atensyon ni Daddy, ako naman pinilit kong maging masunurin kay Samuel sa lahat ng oras. Even my childhood days, hindi ko gustong balikan. I was a hopeless kid back then.." bahagya akong natahimik sa sinabi ng kapatid ko.


"Bakit parang hindi na tayo nalalayo? Hindi rin naging maganda ang pagkabata ko, everything was tragic. Kung hindi siguro ako sinasamahan ng mga pinsan ko noon, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.." baka wala na ako sa tamang katinuan ngayon.


"What should you expect? We're sisters.." kibit balikat na sabi nito.


"Napakarami ko pang gustong ikwento sa'yo, mga naranasan ko na hindi mo aakalain na nangyari pala sa akin. Gusto kong sabihin sa'yo ang lahat pero mukhang sa susunod na lang. Ayokong pag isipin ka masyado, hindi maganda sa pamangkin ko. So we need happy thoughts in your entire pregnancy.." ngiting sabi niya sa akin.


"Thank you Sapphire, you know---" kapwa kami lumingon ni Sapphire sa likuran namin. Sumasakay na dito ang grupo ni Rainey. Nagpatuloy kami sa pag uusap ni Sapphire.


"Kailangan nga pala natin bumalik agad sa hotel. May papanuorin tayo at sigurado akong kapupulutan ng aral lalo na sa dalawang Ferell" nakangising sabi niya. Mukhang may hindi na naman magandang naiisip ang kapatid ko.


"Pikon si Nero, Sapphire. Siya ang naglilihi ngayon, he hates prank or something annoying.." paalala ko dito.


"It's just a movie or sort of documentary? Don't worry, para lang talaga sa kanila ang papanuorin natin.." tumango ako sa sinabi nito.


"Himala at nakapaghintay kayo?" kakabalik pa lang nitong si Rainey sa bangka nagpapansin na naman sa aming magkapatid.


"Nag uusap kami ni Florence, huwag kang bastos.." mabilis na sagot ni Sapphire.


"Pwede ka namang hindi sumagot. Hindi ba?" maarteng sabi ni Rainey. Tumalikod na ito sa amin ni Sapphire at nakipag usap na rin ito sa mga kasamahan niya.


"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Rainey, baka mamaya nagsisimula ka nang lumangoy pabalik sa hotel.." tumigil ito sa pakikipag usap sa mga kasama niya.


"Sa tingin mo mapapatalon mo ako. Papaano kung malunod kami dahil sa pagiging makasarili mo? I will definitely sue you this time.." ito na naman ang kakasuhan ni Rainey.


"Go, just do it. Patong patong na pala ang kaso mo sa akin, masyado mo naman akong tinatakot. Seriously? May lifejacket ka na? Malulunod ka pa rin? Dumbest shit I ever heard.." ako na ang nahihiya kay nag ooperate ng bangka at sa binatilyong palipat lipat ang tingin sa grupo ni Rainey at sa aming magkapatid.

Sa isla na yatang tinitigilan namin ay hindi maaaring magtatalo kaming lahat, walang gustong magpatalo, walang gustong may malamangan.


"Selfish bitch.." ismid nitong sabi. Eksaherada lang humikab ang kapatid ko sa sinabi nito.

Madami pa kaming pinuntahan na isla hanggang sa mapagod na kami. Mukhang napagod din ang grupo ni Rainey dahil wala na itong mga nasabi pa sa amin.

Nasa kalagitnaan nang pagtakbo ang bangka nang bigla itong tumigil na siyang nagpakunot ng mga noo namin.


"What happened?" tanong ni Sapphire.


"Nasaan ang gasolina natin? Naubusan.." iritadong sabi ng lalaki. Nagmadali naman ang binatilyo para kuhanin ito pero agad itong namutla at mukhang nakukuha ko na ang nangyayari.


"Don't tell me maghihintay tayo ng matagal dito?!" reklamo agad ni Rainey.


"Ililipat na lang po namin kayo. Tatawag lang po kami sa mga kasamahan namin.." pakinig ko ang malulutong na mura ng mga babaeng kasama ni Rainey.

Wala na kaming magagawa kundi maghintay.


"Don't worry Florence, may sarili tayong sundo dalawa. Kanila na itong bangka nila.." bulong sa akin ni Sapphire. Sundo?

Hindi na nga kami naghintay ng matagal dahil lahat lang naman kami ay natulala sa dalawang speed boat na paparating. Si Nero at Aldus lang naman na kapwa mga topless at nakasuot ng shades habang nililipad ng hangin ang kanilang mga buhok.


"Told you so, ang gwapo ng mga bangkero natin.." napairap ako sa sinabi ni Sapphire.

Tumigil ang mga speedboat ng mga ito sa tapat ng bangka namin. Naunang nakatawid si Sapphire sa speedboat ni Aldus. Samantalang ako ay pinaalalayan pa ako ni Nero sa bangkero dahil delikado para sa akin.


"Hold on tight baby.." sabi ni Nero.


"Padating na ang susundo sa inyo Manong!" sigaw ni Aldus na nauna na sa amin magpatakbo. Nakita ko pa ang eksaheradang pag irap ng kapatid ko sa mga nanggagalaiting babae.

Pinatakbo na rin ni Nero ang speedboat namin.


"Did you enjoy?" tanong niya.


"Yes.."


"Good to know.."


"Nero, manunuod daw tayo ng movie kasama si Sapphire at Aldus.." hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.


"Yes, nasabi sa akin ni Aldus. What movie?"


"Hindi ko rin alam..."

Mabilis kaming nakabalik sa hotel, nag ayos muna kami ng mga sarili bago kami humarap lahat sa tv.


"What's with these foods? Bakit ang dami?" tanong ni Aldus. Nakaupo na kaming lahat sa iisang sofa, magkatabi kami ni Sapphire habang pinaggigitnaan kami ni Nero at Aldus.


"Para hindi tayo magutom, ano ka ba?" natatawang sabi ni Sapphire.


"Should I turn off the lights?" tanong ni Nero.


"Sure!" sabay na sabi namin ni Sapphire. Nang mapatay na ni Nero ang ilaw ay humilig na ako sa kanya. Ano kaya ang papanuorin namin?


"Wait, bago muna pala tayo manuod ng movie. Manuod muna tayo nito, you know I love watching crimes. Ilang minuto lang naman ito, it is okay?" tanong ni Sapphire.


"Okay lang sa amin ni Nero.." hindi naman umangal si Nero sa sinabi ko.

Nagsimula na ang palabas. Hindi na ako masyadong nakakapanuod ng tv kaya hindi na ako pamilyar sa mga lumabas na show.


"Hindi ko alam na mahilig ka sa mga ganitong klase ng palabas Sapphire.." nagtatakang sabi ni Aldus.


"Hmm, hindi naman masyado. Itong episode lang na ito ang gusto kong panuorin.." nagpatuloy kami sa panunuod at sa bawat mga scene nakakarinig na ako ng pag rereact ni Nero at Aldus na parang natatamaan silang dalawa.


"What is this Sapphire? Hindi naman ako mambababae.."


"Hindi natin masasabi Aldus.." simpleng sabi ni Sapphire. Samantalang si Nero ay wala nang tigil sa pagbulong sa akin na hindi din siya katulad ng lalaking nasa tv na ilang beses ng pinatawad ng babae pero paulit ulit pa rin nambababae.


"What the hell?! Hindi ako magkakaganyan! Loyal ako!" kanina pang defensive si Aldus sa mga napapanuod niya. Kung siya ay maingay na defensive, si Nero naman ay tahimik na defensive para siyang pusang haplos ng haplos sa akin. Bulong din siya ng bulong sa akin ng 'I love you' at hindi daw siya mambababae.

Mukhang natutunugan na nila ang mangyayari sa lalaki sa pinapanuod naming ito, kahit ako ay parang nalalaman ko na dahil sa nakahashtag sa babae ng screen ng tv na #putol. Natatawa na lang ako sa naiisip ng kapatid ko kaya pala para talaga ito kay Nero at Aldus.

Nasa climax na ang palabas kung saan galit na galit na ang babae dahil sa pambababae ng asawa niya. Nakikita ko na ang gunting na siyang puputol sa makasalanang bagay na ginagamit niya sa pambababae.

Humigpit ang hawak ni Nero sa balikat ko habang tulala na siya sa tv, narinig ko ang eksaheradong pagsinghap ni Aldus at ilang beses na pagmumura niya habang ang kapatid ko ay pinipigilan ang kanyang pagtawa.

Kasabay nang pagputol ng babae gamit ang gunting sa makasalang pag aari ng asawa niya ay ang sabay na pagsigaw ni Nero at Aldus na parang silang dalawang ang pinuputulan.


"Oh my god! Mahal na mahal kita Sapphire, utang na loob walang guntingan. Huwag mo akong guguntingin hindi ako mambababae.." mabilis na sabi ni Aldus na parang kinakabahan. Hindi na namin napigil ang tawa namin ni Sapphire. Mas kinabig ako ni Nero sa kanya at muli siyang bumulong sa akin.


"Florence, you know how much I love you. I hate scissors baby.." mahinang sabi niya. Pansin ko na nakapatong na ang malaking throw pillow ng sofa sa kanyang nilalang na mahilig sumuot sa mineral water na parang anumang oras ay magugupit ko.


"I love you too Nero.." bulong ko sa kanya.


"Okay, shall we start the movie?" natatawang sabi ni Sapphire.


"Pinatitripan nyo yata kami.." reklamo ni Aldus.


"Why not? Hindi ba dati may operation balot pa kayong nalalaman ni Nero?" napakagat labi ako sa sinabi ni Sapphire. I won't ever forget that, unang beses na pagsisid ni Nero. Damn.


"Well, kami rin ni Florence. Operation gunting.." pakinig namin ang sabay na pagmumura ni Nero at Aldus.


"Damn Almero sisters.." natatawang sabi ni Nero. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ibabaw ng ulo ko.


"Kaya mahal na mahal kita Sapphire, ang dami mong alam.." nagkakatulakan na si Sapphire at Aldus.


"Alright then, where's the movie? Make sure that there's no more scissors.." matabang na sabi ni Nero. At muli na kaming natawa sa sinabi ni Aldus.


"Pakiramdam ko ako ang pinutulan. Fvck that scissor, may trauma na yata ako.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top