Chapter 3

Thanks @kayeshin0608 :)

A/N: Mga ilang chapters na si LG muna ang POV. Hahaha.



Chapter 3

Paano ko uumpisahang hanapin ang aking apat na apo? Kailangan ko na ba silang ireport sa mga pulis? Papaano kapag nakarating na ito sa kanilang mga magulang? Siguradong lilimitahan na nila akong magkaroon ng pagkakataong makasama ng sarilinan ang aking mga apo.

Maayos ko naman silang iniwanan at alam kong naintindihan nila ang mga sinabi ko bago ako umalis. Where are they? Sinundan ba nila kami ni Troy?

I need to find them alone. Dahil sa sandaling hindi ko agad sila makita, siguradong ito na ang magiging huling lakad naming anim na magkakasama. I won't let this happen.



"Okay Troy. We'll look for you cousins, linawan mo ang mata mo"



"Aye aye captain!" masiglang sagot sa akin ni Troy na may kasama pang pagsaludo. Akala siguro ng batang ito ay naglalaro kami ng taguan ng mga pinsan niya.



"Apo, we're not playing. Come here, you need a piggy back ride" nang yumuko ako ay agad sumakay sa likuran ko si Troy.



"Let's search them" nagsimula na akong maglakad habang si Troy ay kumento ng kumento sa kanyang mga nakikita at nadadaanan.



"I want that toy gun lolo" pilit niyang ipinipihit ang ulo ko sa tindahan ng mga laruan.



"Mamaya na Troy, hinahanap natin ang mga pinsan mo"



"But, I want that toy gun" nahihimigan ko na malapit nang magkasumpong si Troy. Kaya wala akong nagawa kundi pumihit sa direksyon kung saan naroon ang bilihan ng mga lalaruan.



"After this Troy, tama na ang katuturo. We are looking for your cousins" sa halip na sumagot sa akin ay tinutukan ako ng baril ni Troy.



"Taas kamay lolo!" ginulo ko lang ang buhok ni Troy bago ako dumukot ng wallet para magbayad na sa babaeng nagtitinda.



"Nakakatuwa naman po ang batang 'yan. Ang cute at napakaputi" halos panggigilan ng tindera si Troy na sinisimulan ko na ulit buhatin.



"Ilang taon na po ang batang 'yan?"



"How old are you daw Troy" inilabas ni Troy ang kanyang maliliit na daliri at ipinakita niya sa babaeng tatlong taon na siya.



"Dahil cute ka, may candy ka kay Ate" inabutan pa siya ng tindera ng tatlong candy.



"Anong sasabihin mo Troy?" nangunot ang noo ko sa biglang ginawa ng aking apo. Ipinayapay ni Troy ang kanyang kanang kamay na parang gusto niyang mas lumapit ang tindera sa amin.



"What is it apo?" nagtatakang tanong ko. Kahit nagtataka ang tindera ay lumapit ito sa amin ni Troy at nang tuluyan na itong nakalapit ay mabilis siyang hinalikan ni Troy sa kanyang pisngi.



"Oh, napakasweet mo namang bata" natutuwang sabi ng tindera na hindi na sinagot na aking apo.



"Let's go lolo. I saw Tristan flying there" tumuro si Troy sa itaas. Ngumiti muna ako sa tindera bago kami umalis na maglolo.



"Saan mo natutunan 'yon apo? You can't just kiss random girls. Ayaw ni lolo 'yon"



"Kuya Liam told us. If a girl said that I'm cute, she wants a kiss" paliwanag sa akin ni Troy. Tutuktukan ko talaga si Liam, ano pa ang itinuturo niya sa mga nakakabata niyang pinsan?



"Don't listen to kuya Liam. Kay lolo ka lang makikinig" hindi na sumagot si Troy dahil abala na ito sa kanyang baril barilan.

Siguradong hindi makakaalis ang mga batang 'yon sa loob ng amusement park. Hindi nila kami basta basta iiwan ni Troy dito.



"Anong color ng balloon ni Tristan, Troy?" tanong ko sa apo kong na nakasakay sa aking likuran.



"Orange"



"Si Tristan!" napasigaw na lang ako. Nagmadali akong tumakbo sa batang naglalakad sa aming unahan. At nang abot kamay ko na ang bata ay agad ko itong iniharap sa akin at niyakap.



"Tristan! Nasaan ang iba mong pinsan?" nang kalasin ko ang pagkakayakap ko sa bata ay nanlambot na lang ang aking mga tuhod. He's not my Tristan.



"Bitawan mo ang anak ko!" agad may nakalapit sa aming babae at may matalim na mata sa akin.



"Sorry, my mistake. Akala ko ay siya ang aking apo" Nasaan na kayo?



"He's not Tristan lolo, he's ugly" halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Troy na pakinig ng ina ng bata.



"Grabe, anong itinuturo nyo sa bata?" padabog na binuhat ng babae ang kanyang anak at inismidan kaming maglolo bago ito umalis.



"Troy! That's bad"



"He's ugly lolo. Kuya Liam said that Troy is handsome, Owen is handsome, Tristan is handsome, Nero is handsome, Aldus is handsome. But he is not handsome lolo, he is not Tristan" may pag iling pa si Troy habang nagpapaliwanag sa akin na parang hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.



"Ano pa ang itinuro sa inyo ni Liam?" malilintikan talaga 'yang si Liam sa akin. Ako ang napapag abutan ng mga kalokohan niyang itinuturo niya sa kanyang mga pinsan.



"I told you lolo. I saw Tristan flying" itinuro sa akin ni Troy ang kasalukuyang umiikot na Ferris wheel. At halos ilang beses akong napasign of the cross nang makita ko ang kulay orange na lobo ni Tristan.



"Tristan!" sumigaw nang napakalakas si Troy at nagawa pa nitong kumaway. Nakasakay ang isa sa nawawalang apo ko dito. Anong ginagawa ni Tristan sa Ferris Wheel?



"Lolo!!" narinig kong may tumawag sa akin. Nakita kong pilit inilalabas ni Tristan ang kanyang kamay para kumaway sa amin ni Troy. Kailangan kong patigilin ang Ferris wheel.

Mabilis kaming lumapit ni Troy sa operator.



"Patigilin mo ito, nakasakay ang aking apo. Bakit hinayaang may makasakay na bata dito?"



"Hindi po pwede, hintayin po nating matapos ang pag ikot" giit sa akin ng operator. Inilabas ko ang aking wallet at humugot ako ng blank check.



"Name your price. Itigil mo ito" nangatal ang operator at mabilis niyang kinabig ang brake. Agad kaming nag abang ni Troy sa mga bumababa sa Ferris Wheel.



"Bakit ang bilis naman yatang matapos" pakinig kong reklamo ng mga pasahero.

Napatingala na lang kami nang marinig na naman namin ang sigaw ni Tristan. Pangatlo pa ang kanyang sinasakyan bago siya tuluyang makalapag. Mabilis kong tiningnan ang operator. Kaya nakuha niya ang agad gusto kong mangyari, agad niyang ibinaba ang sinasakyan ni Tristan.



"Lolo!" mabilis yumakap sa akin si Tristan.



"Anong ginagawa mo sa Ferris Wheel?" naramdaman kong nagpapahid ng luha sa aking damit ang aking apo. Mabilis ko siyang binuhat habang tahimik na nakasunod sa amin si Troy na nakahawak sa aking pantalon.



"I lost the balloon. I lost the balloon you gave me.." habang naglalakad kami ay itinuro ni Tristan ang kulay orange niyang lobo na nakasabit sa isa sa Ferris Wheel.



"Hinabol mo ba ang balloon Tristan?" marahang tumango sa akin si Tristan.



"He can have mine lolo. I have my toy gun already" napatungo ako sa sinabi ni Troy na kasalukuyan nang nakatalikod sa amin si para kalagin ko ang lobo na nakatali sa kanya.



"I'm so proud you Troy" natutuwa kong ginulo ang buhok ng aking apo. Sa totoo lang kayang kaya kong bumili ng daang lobo para sa mga apo ko pero mas pinili kong kalagin ang lobo ni Troy.

Pagkatapos kong kalagin ang lobo ay itinali ko na ito sa likuran ni Tristan.



"How about the others? Saan sila nagpunta Tristan?" tanong ko sa apo ko na nakangiti na dahil may lobo na ulit siya sa kanyang likuran.



"Owen and Aldus help a lost crying girl. My balloon fly away while Nero is still sitting" itinuro ni Tristan ang kanilang inuupuan kanina. Pero wala pa rin mula sa aking nawawalang mga apo ang bumabalik dito.

Napamasahe na lang ako sa aking noo nang marinig ang sagot ni Tristan. Bakit sa napakabatang edad ng aking mga apo ay masyado silang nagpapakabayani? Ngayon ay hindi lamang ang batang babae ang nawawala maging ang mga apo kong maagang nagbibinata ay kasama na rin sa listahan ng mga naliligaw na bata sa parkeng ito.



"Tayo nang maghanap" sabay ibinuka ni Tristan at Troy ang kanilang mga braso na akmang magpapabuhat sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.



"Ang bibigat nyo na" sabay silang sumampa sa likuran ko. Muli na naman akong naglalakad lakad habang alerto ang aking mga mata. Mabuti at may mga lobo akong itinali sa kanila.



"Lolo! Punta tayo sa fountain. I need water for my gun" dahil sunod sunuran ako sa apo ko ay wala akong nagawa kundi pumunta sa fountain.

Habang nakasabit sa likuran ko sa Tristan ay buhat ko si Troy para maglagay ng tubig sa kanyang water gun mula sa fountain.



"Faster Troy, bawal itong ginagawa natin"



"Lolo, policeman" bulong sa akin ni Tristan kaya mabilis kong iniangat si Troy. Ayokong mapituhan ng pulis.



"Lolo! I'm not yet done" reklamo ni Troy.



"Ssshhh, mahuhuli tayo. Makukulong si lolo" bulong sa kanya ni Tristan. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Troy.



"Wag nyong huhulihin si lolo. We're not getting water, we are good boys" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Troy. Tinakpan ni Tristan ang bibig ni Troy habang nakalagay ang hintuturo nito sa kanyang labi.



"Ssshhh. Quiet Troy" mabuti at malayo na sa amin ang dalawang pulis. Masyado na akong natutuwa sa aking mga apo. Ibinaba ko muna sila sa upuan na malapit sa fountain bago ako umupo sa tabi nila.



"You're not good on lying Troy, hindi ka pwedeng pagbilinan ng sekreto" nasaan na kaya ang natitirang tatlo?

Nagmasid ako ng mga ilang minuto mula sa mga taong dumadaan mula sa iba't ibang direksyon. Nagbabakasakali akong may isa akong apong nagtatatakbo lamang pero nabigo ako. Nagpasya na lang akong muli tumayo at maglakad sa paghahanap.



"Let's go, maghanap na ulit tayo" nang sandaling tumayo ako ay nahagip ng aking mga mata ang kulay asul na lobo.



"Whose balloon is colour blue?"



"Aldus!" mabilis na sagot ni Troy at Tristan.



"Sakay na kay lolo. Nakikita ko na si Aldus" bahagya akong lumuhod para makasakay na ang aking mga apo. Nasa kabilang parte ng fountain si Aldus at nasisigurado akong kanyang lobo ang nakikita ko.

Nang marating na namin ang magaling kong apo, kasalukuyan lang naman siyang nagpapatahan ng batang babae na kasing edad niya. Nagawa pang pahidin ni Aldus ang luha ng bata gamit ang kanyang sariling damit.

Mukhang nakikita ko na ang hinaharap ng aking apo sa mga susunod pang mga taon.



"Aldus, where have you been? Kanina pa kitang hinahanap" hindi man lang ito nagulat nang makita ako.



"Lolo, she's lost. I am helping her" hindi ba alam ng apo kong ito na nawawala rin siya?



"Where's Owen?"



"He's buying cotton candy" buying? Wala namang perang dala ang batang 'yon.



"Let's go, sunduin na natin ang pinsan mo Aldus" malapit nang dumilim. Mas lalo kaming mahihirapan kapag inabot na kami ng gabi.



"How about her?" gusto kong kurutin si Aldus. He's too young to be a hero. Pinapasakit niya ang ulo ko.



"Hija, sumama ka muna sa amin. We'll bring you back to your parents" natuwa naman ang batang babae. Pero mas pinili niyang magpasalamat sa aking matulunging apo.



"Thank you Aldus!" humalik ang batang babae sa apo ko na agad namang namula.



"Aldus got a girlfriend. I will tell to kuya Liam" agad na sabi ni Tristan na lalong nagpainit ng aking dugo sa magaling kong apo.

Kaya ang nangyari habang sinusundan namin si Aldus para ituro ang binibilhan ni Owen ay holding hands sila ng batang babae.

Nakarating kami sa bilihan ng cotton candy at kasalukuyan lang namang nakapamaywang si Owen sa nagtitinda.



"We are rich! I can buy all of that! My lolo is rich!" malakas na ang boses ng aking apo.



"Bata, umuwi ka na. Wala ka namang pambayad" matabang na sabi ng nagtitinda.



"My lolo will pay it later!" agad akong nag abot ng pera sa nagtitinda ng cotton candy.



"Pagpasensyahan nyo na ang aking apo" halos mapatulala sa akin ang nagtitinda. Masyado bang malaki ang naibigay ko sa kanya?



"Ilang cotton candy ang gusto mo Owen?" tanong ko sa aking apo.



"He is my lolo. We are rich" talagang mainit na ang ulo ni Owen sa nagtitinda ng cotton candy. Nag abot na sa akin ng cotton candy ang tindero maging ang ibang batang kasama ko ay binigyan niya na rin ng tigdadalawa.

Si Nero na lang.



"Let's go, we need to find Nero" nagsunudan ang aking mga apo sa sinabi ko. At nang akma na kaming maglalakad at may lumuluhang babae sa sumalubong sa amin.



"Ronaele!" mabilis yumapos ang babae sa batang kaholding hands in Aldus.



"Oh my god! Saan ka ba nagsusuot anak? Wag mo namang tinatakot si mama" sabay na silang nag iyakang mag ina.



"Sa totoo lang pareho sila ng apo kong nawawala. Nakita ko sila sa harap ng fountain, mabuti at walang nakadampot sa kanila"



"Maraming salamat po!" maluha luhang sagot sa akin ng babae. Tumango na lang ako sa kanya. Bakit hindi ako naluha ng ganito nang malamang nawawala ang apat kong apo?

Bahagya kong tinitigan ang nag uusap kong mga apo at napangiti na lang ako. They are Ferells, they will definitely find a way to find their lolo. Kampante ako sa aking sarili na kung hindi ko sila mahanap ay sila na mismo ang maghahanap sa akin.

Kumaway na sa amin ang mag ina bago ito tuluyan nang umalis. Napansin ko na malapit nang umiyak si Aldus kaya agad ko siyang binuhat.



"You're too young for love Aldus. Dadating ka din sa panahong 'yan" nagsimula na ulit kaming maglakad na maglololo.



"Any idea kung saan nagpunta si Nero?" tanong ko.



"Is that Nero?" sabay sabay kaming lumingon sa itinuro ni Owen. At tama nga siya, nakaupo lang si Nero sa kaparehong upuan na pinag iwanan ko sa kanila. Nakakalong na sa kanya ang lobo niya habang palingon lingon siya sa mga taong nagdadaan.

Nagtakbuhan si Troy, Tristan at Owen para kuhanin ang atensyon ni Nero na mabilis nagliwanag ang mukha nang makita ang kanyang mga pinsan.

At last, nakumpleto na din ang lima. Ibinaba ko na si Aldus at tumakbo na rin siya sa kanyang mga pinsan. Napatingin na lang ako sa papalubog na araw.

What a long and memorable day.



"Can you give lolo a hug? Pinasakit nyong lima ang ulo ko" masunurin naman silang lima kaya agad nila akong niyakap.



"Masyado pa kayong mga bata pero ang dami nyo nang nalalamang lima. Kanino pa nga ba kayo magmamana?"



"Lolo!" sabay na sagot nilang lima. Isa isa ko silang hinalikan sa ibabaw ng kanilang mga ulo bago ako tumayo.



"Let's go ho—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may biglang tumalbog na bola sa ulo ni Nero.



"Ouch!" napahawak na lang sa kanyang ulo ang aking kawawang apo. Agad humarang ang apat niyang pinsan sa likura nito na parang naghahanap ng away.



"Whose that ball?! Wag nyong inaaway si Nero" malakas na sabi ni Troy. Kahit ako ay magagalit sa nakatama sa ulo ng aking apo kahit alam ko namang hindi gaanong mabigat ang bolang tumama sa kanya.

Agad kong napansin na may tumatakbong magandang batang babae na hindi nalalayo sa edad ng aking apo at mukhang hinanap ang kanyang bola.



"My ball!" ngiting sabi ng bata. Wala siyang pakialam sa aking mga apo at basta niya na lang pinulot ang kanyang bola.



"You did hit my cousin" itinuro ni Owen ang batang babae.



"Am I? Who?" itinuro nila si Nero.



"I am sorry. Hindi na po mauulit" tumango sa amin ang batang babae.



"Florence! Let's go na! Hinahanap na tayo ng mommy mo!"



"Yes, yaya!" mabilis nang tumakbo papalayo ang magandang batang babae. She looked familiar.



"She's beautiful than Aldus girlfriend" nagulat ako sa sinabi ni Troy. Kailan pa natutong tumingin ng mas maganda ang mga batang ito?



"She smells like rambutan lolo" halos napaluhod ako sa sinabi ni Nero. Kahit ang mga pinsan niya ay napatitig kay Nero sa pagkabigla.



"He talked" namamanghang sabi ng mga pinsan niya. Napahawak na lang ako sa magkabilang balikat ni Nero, hindi ako makapaniwala.



"Tama ba ang narinig ko Nero? Nagsalita ka ba ng tuwid?"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top