Chapter 29

Chapter 29


Gusto ni LG na magsama sama ang kanyang pamilya sa loob ng tatlong araw kaya wala kaming pagpipilian kundi manatili dito sa resort kasama ang lahat ng mga Ferell. Isama na ang grupo na itatago ko na lamang sa pangalang 'anti Almero sister'


"I told you, we can go home. LG will understand us Florence.." nakatanaw ako sa labas ng kwarto habang nakikita ang magandang view ng dagat.

Masayang naglalaro ng volleyball ang nakabikini na si Rainey at mga hindi ko kilalang babae na mukhang mga mayayamang spoiled brat.

Well, I was once a spoiled brat but I've changed for the better. Wala nang lugar para umakto pa akong ganito, I am matured enough.

Naramdaman ko ang pagyapos ni Nero mula sa aking likuran at malambing niyang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.


"Alam mong ayaw kitang ma iistress.." pinili ko na lang hindi magsalita. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi ako na iistress habang nandito ako. I want to go home, pero nahihiya ako kay LG.

Maybe I will just ignore them or something? Para wala na lang gulo.


"I am fine Nero, minsan mo lang rin sila makasama. You're all busy, you should try to interact with them.." kahit iba ang pakikitungo ng mga kamag anak ni Nero sa akin hindi pa rin maaalis na kamag anak siya pa rin sila ng asawa ko. Hindi ko gusto ilayo ang loob niya sa sarili niyang mga kamag anak.


"What do you want? Hindi ka ba nagugutom? Wala ka bang gusto Florence?" tanong niya sa akin. Iniba na niya ang usapan.


"Hindi pa naman ako nagugutom, ikaw ang inaalala ko. Parang ikaw ang laging gutom sa atin dalawa, ikaw ang naglilihi Nero. I should ask Sapphire, possible ba na lalaki ang naglilihi? I even saw you vomiting this morning.." lumuwag ang yakap niya at humarap siya sa akin.


"Don't, masama lang talaga ang pakiramdam ko Florence. You can't tell her, baka makarating pa kay Aldus at ipamalita niya sa mga pinsan niyang gago.." matabang na sabi nito. Binuksan na nito ang sliding door at nagpunta na ito sa terrace ng kwarto namin.

Mainit na naman ang ulo, bakit ba ayaw na ayaw niyang sinasabi ko na siya ang naglilihi? I am just worried about him.


"Come out wife, fresh air is good for you.." hahakbang na sana ako sa terrace nang marinig ko ang sabay sabay na sigaw ng mga babaeng nasa baba na tinawag ang pangalan ni Nero.

Dahil nagtaka naman si Nero sa tumawag sa kanya ay napalingon ito. Halos tumaas na naman ang presyon nang dugo ko nang sabay sabay kumaway ang mga ito kay Nero.


"What the hell?" malutong na pagmumura ni Nero.


"Let's just stay there.." babalik na sana si Nero sa loob nang humakbang ako palabas. He's married, talaga ba na hindi nakakaramdam ang mga ito?


"No, I need fresh air.." diretsong sabi ko sa kanya. Nagpunta ako sa posisyon na agad akong makikita ng mga babaeng nakabikini at malalandi. What are they flaunting? Ang mga katawan nila na ilang lalaki na ang nakahawak?

I can still wear those kind of bikinis. Ilang buwan ba lang akong buntis? Just a month. Isang buwan pa lang.


"Hey, don't get mad Florence. Hindi na ako lilingon sa susunod.." it was not Nero's fault, kahit sino naman ay mapapalingon kapag tinawag ang kanyang pangalan.


"Tama si Sapphire, Nero. That Rainey is after you, she's pissing me off.." iritadong sabi ko. Nakikita kong pasulyap sulyap sa direksyon namin si Rainey.


"Come here, huwag mo na siyang pansinin. She's just my past.." agad akong nahila ni Nero at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa kandungan niya.


"She might be my second kiss.." umikot ang mata ko sa sinabi niya.


"Oh come Nero, huwag mo nang ipaalala sa akin. Yes, she's your damn first kiss and now she's after you. Papaano kapag lumaki na ang tiyan ko? She'll become more beautiful than me, sexier and damn seductive. You'll leave me because of her.." ilang beses kong sinalag ang kamay niyang hahawak sa akin.


"I told you she is not my first kiss..." pagtatama niya sa akin.


"Who? Si LG? Hindi counted si LG! Nero naman.." frustrated na sagot ko sa kanya.


"I don't care about her Florence. I won't ever leave you, bakit naman kita iiwan? Kahit lumaki pa ang tiyan mo, kahit maging mas sexy pa siya sa'yo. You'll forever be the most beautiful and sexiest woman in front of my eyes. Nahirapan akong dalhin ka sa altar, nahirapan akong bumuo nito tapos iiwan lang kita?.." naramdaman ko na lang na hawak na niya ang tiyan ko na hindi pa lumalaki.


"Ikaw lang ang bumuo Nero?" tanong ko sa kanya.


"Ofcourse, tulong tayo.." isinumping niya ang takas na hibla ng buhok ko.


"Just don't mind her. Ikaw ang mahal ko Florence, ikaw ang babaeng pinakasalan ko..." ipinikit ko na ang mga mata ko nang naglapat ang aming mga labi.


"Isa pa, ikaw lang ang kaisa isang babaeng naglasang rambutan sa mga labi ko. Sa tingin mo ba ay kaya pa kitang palitan?" umirap ako sa sinabi niya.


"Here we go again, akala ko talaga inaasar mo lang ako sa rambutan Nero. Kung hindi lang sinabi sa akin ng mga pinsan mo na paborito mo ang rambutan simula nang pagkabata mo---" naiiling na sabi ko. Hinayaan ko na lang si Nero na halik halikan ang braso ko habang nakakalong pa rin ako sa kanya.


"But you know Nero, I was really mad during our first kiss Nero. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon, you sabotaged my first kiss. The setting was not romantic, your car is annoying as well as you. Inaasahan ko na sana kikiligin ako katulad ng mga napapanuod ko sa mga movies pero nang halikan at harasin mo ako noon parang sasabog ako sa sobrang galit. You should have told me that I had the sweetest lips, bakit kailangan mong sabihin na lasa akong rambutan? Hindi ko agad makukuha 'yon. Hindi ko alam na paborito mo 'yon.." sa pagkakatanda ko ay pinadugo ko ang ilong niya nang araw na 'yon.


"I don't know, 'yon agad ang pumasok sa isip ko.." ngising sagot niya sa akin.


"Hindi ko pinagsisihan na sinuntok kita ng araw na 'yon.." mabilis na sagot ko sa kanya.


"I don't mind. Hindi ko rin makakalimutan ang araw na 'yon Florence. I just want to kiss you to pissed you off, masyado ka na rin nakakairita at madaldal ng oras na 'yon kaya hinalikan kita para tumahimik pero nang lumapat ang labi ko sa mga labi ko napamura na lang ako sa isip ko Florence 'Tang ina, bakit lasang rambutan ang babaeng ito?' that's why I let myself kissed you longer.." napatitig na lang ako kay Nero dahil sa sinabi niyang ito.


"Nagsasabi ka ba ng totoo Nero? 'yan talaga ang nasa isip mo nang oras na 'yon?" bakit parang naiiyak ako?


"What else Florence? Nasabi ko na lang sa sarili ko na habang hinahalikan kita na 'Hell yeah, she's really the one. My favorite flavor I'll be willing to taste forever'. Hindi naman ako nabigo, you have our baby right now.." muli niyang hinawakan ang tiyan ko.


"Lumaki ka na baby. Daddy will teach you how to swim..." nanlaki ang mata ko at mabilis kong tinanggal ang kamay ni Nero sa tiyan ko.


"Why swimming?! Bakit paglalangoy agad Nero? Hindi pwedeng turuan mo munang magsalita? Papasahan mo na agad ng agimat nyong magpipinsan. Oh my god, not my baby Nero.." dyoskopo! Ang gusto pang unang ituro ng ama ng anak ko ay ang pagiging shokoy niya. Makukunan yata ako.


"I am just kidding baby.." mabilis hinalikan ni Nero ang labi ko.


"Ikaw ang bahalang magturo sa kanya ng mga bagay bagay. I'll support you.." ngumiti ako sa sinabi niya. Siguro ay hindi ko na lamang hahayaan na maiwan ang anak ko sa kanilang magpipinsan na sila lamang, natatakot ako na baka kung ano pa ang maituro ng mga ito sa anak ko.

Sinulyapan ko ang mga naglalaro ng volleyball, wala na ang mga ito. Mga malalandi.


"Shall we go inside? Tinulugan mo ako kagabi.." hindi ko na naman gusto ang tono nitong si Nero.


"Can we do it at night Nero? Ayoko sa umaga.." tumawa siya sa sinabi ko.


"What we'll do then?"


"Lumabas tayo. We can't stay here for the whole day.." tumayo na ako mula sa kandungan niya. Papasok na sana ako sa kwarto namin nang marinig ko na may kumakatok. It could be my sister.

Mabilis akong nagpunta dito at pinagbuksan ko ito ng pinto. Si Sapphire na nakabeach dress at si Aldus nakarash guard.


"Let's swim!" anyaya ng kapatid ko. Hindi ko maiwasang muling maalala nang una kaming nagsama sama sa isang resort. Masyadong maraming anumalya ang nangyari noon at sa huli kaming magkapatid lang ang naisahan ng magpinsang Ferell.


"Mamayang hapon na lang?" ayoko pang maglangoy.


"Sure, we can walk or tour the place? Huwag lang kayong magkulong dalawa diyan!" hinila na ako ng kapatid ko. Wala na kaming napagpilian ni Nero at sumama na rin kami.

Naglalakad lakad lang kami ni Sapphire habang nakasunod sa amin ang magpinsan. Paminsan ko silang naririnig na nagmumurahan at nagtatawa sa kanilang pinag uusapan.


"By the way, nasaan sina Troy at Owen?" nagtatakang tanong ni Sapphire.


"Nagpaalam na kagabi pa ang dalawang 'yon. Balita ko makikipag break na talaga si Owen kay Nicola. I am not sure though.." kibit balikat na sabi ni Aldus. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Aldus.

Bakit kailangan humantong na sa paghihiwalay?


"Hey, you can tour girls. Dito na lang ako, I need to tan myself. You know mestizo problems.." sabay kaming napangiwi ni Sapphire sa sinabi ni Aldus.


"Ikaw Nero? Oh sorry cousin I forgot, bakit ka nga pala magpapatan pa? Baka lalo ka lang masunog.." kunot na kunot ang noo ni Nero na tumaas ang middle finger kay Aldus.


"I'll stay here too Florence. Kayo na lang dalawa ang maglakad lakad.." tumango kami ni Sapphire. Kaya bago kami tuluyang nakalayo ni Sapphire nakita namin na naghubad na si Aldus at dumapa sa isang beach bed habang si Nero ay nanatili sa beach bed na may payong.


"Big deal talaga sa kanilang magpipinsan ang kulay ng mga balat nila.." kapwa kami nailing ni Sapphire bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating kami sa kubo na nagtitinda ng buko juice, tumigil muna kami dito.


"How's your day Florence? I heard that bitch a while ago. Nasa baba lang kami ni Aldus kanina kung hindi niya ako napigilan baka nakalbo ko na ang malanding Rainey na 'yon.." dumating na ang buko juice na order namin.


"Hindi ko na lang siya papansin, I can't stress myself.." sabi ko na lamang.


"You know, nandito na rin ang kapatid niya. That Ronaele, Aldus ex. What are we right now? Battle of sisters?" natatawang sabi ni Sapphire bago siya humigob ng buko juice.


"Maybe? Too bad, nasa panig nila ang 'Anti Almero' sisters.." tamad na sabi ko.


"What the hell? I love that 'Anti Almero sisters'.." ngising sabi ni Sapphire.


"Still, they are Nero and Aldus family Sapphire. Remember that, kahit sabihin natin na si Nero at Aldus lang ang pakialam natin hindi pa rin maaalis ang katotohanan na mga kapamilya sila ng lalaking mahal natin at magkukrus at makukrus pa rin ang mga landas natin..." ngumuso lang si Sapphire sa sinabi ko.


"Kung ayaw nila sa akin hindi ko sila pipilitin. Hindi ako nagpunta dito para hulihin ang loob nila o kung ano, hindi ko rin ginusto na makipag ayos sa kanila kung hindi nila talaga ako gusto. I am tired of pleasing everyone, I had enough of that Florence.." paliwanag niya sa akin.


"Ilang taon akong nabuhay para paluguran ang lalaking inakala kong aking ama. You know, I did my best para mahalin ako ni Samuel dahil buong akala ko siya ang aking ama. I did my best in class, I have many achievements. Ginagawa ko ang lahat ng mga inuutos niya. You knew that, I even seduced Nero to please my father but what happened to me? Walang nangyaring maganda kaya ipinangako ko sa sarili ko na kung ayaw ng tao sa akin hindi ko siya pipilitin. Let them be. Hate me, curse me and I don't care at all.." humigop lang ako ng buko juice sa sinabi ng kapatid ko.


"How about your future babies? Papaano kung magtanong sila Sapphire kung bakit hindi kayo nag uusap ng mga lola or tita nila? You know, kids nowadays are getting curious and curious.."


"Then I will tell them na inaaway ng lola at mga tita nila ang mommy nila. I will tell my kids the truth Florence. Kaya huwag sagadin ng mga anti Almero sister na 'yan ang pasensiya ko, siguradong magpapabuntis ako kay Aldus taon taon at hindi ko ipakikilala sa kanila ang mga anak namin.." nasamid ako sa sinabi ni Sapphire. Taon taon?


"Alright, tama na ang usapang ito.." tatayo na sana kami ni Sapphire nang may tumamang bola sa lamesa namin.


"Oppss sorry.." hindi ko siya kilala pero parang may kahawig siya. Inaasahan ko na magtataray si Sapphire pero tahimik lang ito at kinuha niya pa ang bola at inabot dito.


"Can we join? I love volleyball.."


"Sure!" masiglang sabi ng babae. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.


"Sapphire.."


"No, it's okay Florence. Kahit manuod ka na lang, you can't play right? Manuod na lang kayo ng pamangkin ko.." pumunta ka kami sa may net. Kung ganoon ay marami pa lang pwedeng paglaruan dito, maraming nakatayong net ng volleyball.

Tatlo na ang babaeng naghihintay sa amin, kasama na dito si Rainey.


"Sasali daw sila.."


"What? At kapag nakunan tayo ang sisisihin?" mabilis na sagot ni Rainey.


"Sumagot na naman ang edukada, bakit hindi ka muna magtanong? Sa dami nang pwede mong sabihin, makukunan agad ang gusto mong mangyari? Baka gusto mong makunan kahit hindi ka pa buntis.." agad na sagot ni Sapphire.


"Stop this.." malumanay na sagot ng babaeng kumuha ng bola.


"Bakit hindi mo pagsabihan ang kapatid mo? Una pangangabit ang gusto ngayon naman gusto niyang pumatay ng bata. What else?"


"Woah, you're overreacting bitch!" sagot ni Rainey kay Sapphire.


"Then tell me, maghanap ka ng ibang salita sa mga sinasabi mo.." matapang na sabi ni Sapphire. Hindi na kami nakapagsalitang mga kasamahan nila dahil sa batuhan nila ng salita ni Sapphire.

Hindi din nagtagal ay may tatlong babae na lumapit sa court at pumuwesto sa likuran ni Sapphire. Saan sila nanggaling?


"Girls meet my sister.." itinuro ako ni Sapphire. Nasa gilid ako ng court.


"They are my newly found friends.." hinubad na ni Sapphire ang kanyang beach dress at nakabikini na rin ito katulad ng iba pang mga babae.

Tuwing may volleyball lagi akong nasa bangko o gilid ng court. Naging maganda ang laban nila, walang gustong magtalo pero ang napapansin ko ilang beses na akong muntik matamaan kapag pumapalo si Rainey.

Damn her, sinasadya niya!


"Florence!" nanlaki ang mata ko nang lumilipad na sa akin ang bola pero mabilis nakatakbo si Sapphire at natira niya ito.


"What the hell?!" sigaw nito.


"What is wrong with you?!" sigaw ko rin kay Rainey.


"Hindi ko sinasadya.." ngising sabi niya. Nagsimula magtawanan ang mga babaeng kasama niya.


"Rainey..." sinaway ito ni kapatid niya, kung hindi ako nagkakamali ay ito si Ronaele.

Pansin ko na iritado na naman si Sapphire, nagsimula ulit ang laban. Palakas na nang palakas ang palo ni Sapphire sa bola na hindi na masalo ng kanilang kalaban. Nang nasa ere na ang bola ay agad tumalon ang kapatid ko at buong hataw niyang pinalo ito. Lahat kami ay napasinghap nang tumama ito sa mismong mukha ni Rainey at tuluyan itong natumba.


"What the fvck?!" sigaw ni Ronaele habang dinadaluhan ang kanyang kapatid.


"Sapphire!" tumakbo na ako sa loob ng court. Dalawang kamay ni Sapphire ang nakahawak sa net habang nakangisi.


"Opsss, sinadya ko. Ang volleyball braso ang ginagamit hindi minumukha. Kung ikaw pinadadaplisan mo ang gusto mong patamaan, ibahin mo ako. Mukha talaga ang patatamaan ko nang maagang matauhan.." nainis na yata ang kapatid nito dahil mabilis itong tumayo at akmang sasaktan si Sapphire.


"Do it, siguraduhin mong paninindigan mo ang pagsampal sa akin. Alam nating lahat na ang kapatid mo ang nanguna.." hinagip ko na ang braso ni Sapphire.


"Idedemanda ko kayo!" sigaw ni Rainey na dumdugo ang ilong.


"Go, binabalaan lang kita Rainey. Hangga't nandito ako hinding hindi mo makakanti si Florence, bago mo siya makalmot sira na ang mukha mo. Tandaan mo 'yan.." matigas na sabi ng kapatid ko. Nagugulat na ako sa mga sinasabi ni Sapphire.



"Bitch!" sigaw ng mga babae kay Sapphire.


"I am.."


"Sapphire, let's go.." tumango na lang ako sa mga kasamahan ni Sapphire habang hila ito.


"Papaano kung magdemanda sila Sapphire?" kinakabahang tanong ko.


"Hindi ako natatakot Florence. Hindi pa isinisilang ang babaeng katatakutan ko. Not even Aldus mom, lumaki ako sa loob ng isang sindikato. Samuel did raise me to be evil and tough. Hindi ko akalaing magagamit ko rin naman pala sa mga higad.." nangunot ang nook o sa sinabi niya.


"What do you mean Sapphire?" tumigil kami sa paglalakad at marahang hinaplos ni Sapphire ang buhok ko.


"Oh Florence, my baby sister. You're just seeing the half of my evil and I promise that I'll definitely use it to protect you against them.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top