Chapter 27

Chapter 27


Kasalukuyan kaming abala sa pag aayos ng mga gamit sa bahay. Hindi ko yata kaya na kama lang ang mayroon kami ni Nero, baka iba't ibang cake na lang ang makikita kong dala niya sa bawat araw na magigising ako.

Knowing Nero Sebastian Ferell? Ang hari ng mga shokoy na magaling manisid at manggapang? Siguradong wala na kaming magagawa sa maghapon.


Pareho pa kaming nagulat ni Nero nang may kung sinong kumatok sa bago namin bahay, wala kaming inaasahang dadating maliban sa mga furniture at appliances. Kaya malaki ang pagtataka ko nang makita ko ang kapatid ko na sinalubong ako ng yakap at si Aldus na biyernes santo ang mukha.

Kaya ang nangyari, tinutulungan kami ni Sapphire at Aldus sa pag aayos ng mga kagamitan sa bahay. Dapat ay tatawag pa ng mga tauhan si Nero at Aldus para ang mga ito ang magbuhat pero mabilis silang pinigilan ni Sapphire dahil kaya na naman daw nilang magpinsan bakit magtatawag pa.

Nakaharap kami ngayon ni Sapphire kay Nero at Aldus na magkatulong sa pagbubuhat ng malaking cabinet. Walang tigil sa pagpapaypay sa akin si Sapphire na nakapamaywang habang nagbibigay ng instruction sa dalawang Ferell na punong puno na ng pawis at pareho nang nakakunot ang noo.


"Akala ko ba ay may date tayo Sapphire? Why are we here?" iritadong sabi ni Aldus. Napamura pa ito nang bahagya siyang natapilok.


"Fvck! Be careful.." sita sa kanya ni Nero.

Hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa dalawang Ferell. They're both topless with sweat all over their exposed body. Kung ganito lagi ang mga lalaking nagbubuhat ng cabinet, siguradong maraming babae ang mas pipiliin na lamang manuod sa mga lalaking nagbubuhat ng cabinet kaysa tapusin ang kanilang mga gawaing bahay.


"Bibitawan ko to Nero! Ikaw ang magdahan dahan, ako ang paatras sa atin. Hindi ko kita ang dinadaanan ko" katwiran ni Aldus na pulang pula na dahil sa bigat ng buhat nila ni Nero.


"Boys, settle down. Sa kaliwa nyo na ilagay.." may itinuro si Sapphire na posisyon. Sa halip na ipagpatuloy nila ang pagsasagutan ay sabay na lang silang napabuntong hininga, wala silang nagawa kundi sundin ang kapatid ko na mukhang hindi pa nakakahalata na iritado na ang dalawang Ferell.


"Is it okay with you Florence?" tanong sa akin ni Sapphire.


"Yes.." sagot ko. Sinabi sa akin ni Sapphire na kilala niya ang pinagkuhanan ni Nero ng ilang furnitures kaya natunugan niya na mag aayos kami ngayon ng bahay. Dahil ayaw niya daw akong mapapagod sa pagbubuntis ko, niyaya niya daw ng 'date' si Aldus, date sa bahay namin. Kaya naman pala biyernes santo ang mukha nito kanina. Nautakan siya ng kapatid ko.

Nang maibaba na ni Nero at Aldus ang cabinet ay kapwa silang dalawa nag inat ng kanilang balikat. Hindi din nakaligtas sa aming mga mata ang pagpupunas nila ng kanilang mga pawis. Pakiramdam ko ay bigla kaming natahimik ni Sapphire habang pinapanuod ang magpinsan.


"Don't be like that Aldus.." natatawang sabi ni Sapphire. Lumingon sa kanya si Aldus at agad itong kumindat sa kanya.


"I know what you're thinking babe.." pansin ko na bahagyang nagkagat labi ni Sapphire sa sinabi ng magaling na Ferell. Nakita ko na naiiling na lang si Nero habang nagpupunas pa rin ng kanyang pawis.


"Mamaya.." ako na ang napairap sa sagot ng kapatid ko.


"Gamitin nyo na ang sofa namin, kakadeliver lang niyan. Palitan nyo na lang bukas.." tamad na sabi ni Nero bago siya lumapit sa akin at hagipin ang kamay ko.


"Kukuha lang kami ng mineral water ni Florence.." hindi na sila hinintay ni Nero sumagot sa amin dahil hinila na niya ako papasok sa aming kusina.

Binitawan niya na ako at kumuha na siya ng mineral water na kabibili lang rin nila ni Aldus kanina.


"Nauuhaw ka ba Florence?" tanong niya sa akin habang binubuksan na niya ang bote. Sa tuwing nakakakita ako ng bote ng kahit anong mineral water, 'yong sandata ni Nero ang naiisip ko na hindi kaysa dito.


"Nah, hindi pa ako nauuhaw.." iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Napansin niya siguro ito kaya narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.


"Can't get over yet?" umirap lang ako sa kanya.


"Marami pa kayong bubuhatin ni Aldus.." lumapit na ako sa kanya at kinuha ko ang puting towel sa kanyang balikat. Ako na ang nagpunas sa mukha, balikat at katawan niya.


"Nakakapagod din pala.." ngumuso ako sa sinabi niya.


"Lahat ng gawain nakakapagod Nero.." ngumisi siya sa sinabi ko.


"Hindi lahat.." mahina kong tinapik ang pisngi ni Nero.


"Enough with your silly thoughts Nero, naghihintay na sila.." tumango siya sa akin at sabay na kaming lumabas ng kusina.

Nagtaka kami ni Nero nang mapansin namin na parang hindi man lang silang dalawa umalis sa kanilang mga posisyon kanina. Kibit balikat lang bumalik si Nero sa pagbubuhat ng mga magagaang kagamitan maging si Aldus ay ganito din pero agad din ako napailing nang mapansin ko ang pulang marka ni Aldus sa leeg ng kapatid ko. Wala itong marka kanina, how fast. Shokoy speed it is.

Ngayon naman ay isa pang malaking cabinet ang buhat ng magpinsan. Kung titingnan ay mas mabigat ito kaysa sa buhat nila kanina.


"Wait, Florence. Parang mas maganda sa part na 'yon? Hindi masikip tingnan.." agad akong tumango kay Sapphire. Tulad ng kanina ay walang imik na sumunod si Nero at Aldus kahit halatang iritado na ang mga ito.


"Wait, bakit parang ang pangit sa part na 'yan? Can you see it Florence?" kumunot din ang noo ko. Hindi nga maganda ang pwestong ito.


"Dito nyo na lang pala dalhin. Right Florence?" agad na sabi ni Sapphire.


"Agree.." tipid na sagot ko. Kahit hindi namin dinig, alam kong ilang beses nang nagmumura ang magpinsan.


"Here, maganda na dito Sapphire.." medyo malakas na ang boses ni Aldus.


"Sumikip yata tingnan Florence.." tumango ako sa sinabi ni Sapphire.


"Huwag na lang dyan, sa bandang kaliwa na lang.." pansin ko na nagkakatitigan na si Aldus at Nero bago sila nagsimulang buhatin ulit ang cabinet.


"Wow! Nice, mas maganda nga dito babe.." agad na sabi ni Aldus nang bitawanan na nila ni Nero ang cabinet.


"Mas sumikip tingnan.." halos sabay pa kami ni Sapphire sabihin ito.


"Sige, sa unang posisyon na lang. Parang mas maganda 'yon.." wala akong ibang ginawa kundi tumango sa sinasabi ng kapatid ko.


"WHAT?" sabay na sabi ng dalawang tagabuhat.


"Fvck, mag usap muna kayong magkapatid kung saan talaga ilalagay ang cabinet! Ang sakit nyo sa ulo.." iritado kaming iniwan ni Nero.


"You.." itinuro ni Aldus ang kapatid ko.


"Babawi ako mamaya.." lumabas na din ng bahay si Aldus at sinundan si Nero. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagtawanan na lang kaming magkapatid.


"Hayaan na muna natin ang dalawang 'yon. I think we need to order some foods.." mabilis nagdial si Sapphire sa kanyang telepono at umorder ng pagkain sa labas. Nang matapos ito ay humarap na ulit ito sa akin.


"Nasabi na ba sa'yo ni Nero?" nangunot ang noo ko sa biglang sinabi ng kapatid ko.


"About?"


"Hindi ba at malapit na ang birthday ni LG? Nasabi na ba sa'yo ni Nero? We're going to attend Ferell's family gathering. What do you think? I'll attend if you're going to attend..." bigla tuloy pumasok ang isipan ko ang usapan ng mga Ferell sa magiging regalo nila para kay LG.


"I still don't know, wala pa rin nasasabi sa akin si Nero.." mahinang sabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tanggap ng pamilya ni Nero. Tanging si LG, ang magpipinsang Ferell, si Nally, ang daddy ni Nero at ilang tita at tito niya na kung hindi ako nagkakamali ay mga kapamilya ni Owen at Troy ang dumalo ng kasal namin.

Tristan's family, Aldus and Nero are still blaming me for Tristan's fake death. Minsan ay narinig kong nagtatalo si Nero at Tristan sa telepono, gusto na ni Nero na magpakita na si Tristan sa buong pamilya nila para matigil na ang galit ng mga ito sa akin pero hindi ito kayang mapagbigyan ni Tristan dahil sa sarili nitong dahilan.

Sinabi ko na lamang kay Nero na huwag niya na lang pilitin si Tristan dahil ayaw kong nagtatalo silang magpinsan. Darating ang panahon na siya na mismo ang lalapit sa kanilang pamilya para sabihin sa mga ito ang katotohanan.


"Sa totoo lang wala akong balak sumama kay Aldus. His mother hated me, baka uminit lang ang ulo ko at may masabi akong hindi maganda kapag nagpang abot kami. You know, walang preno ang bibig ko. Pero kung pupunta ka hindi ako papayag na mag isa ka lang, sasabunutan ko ang baliw mong biyenan kapag binuhusan ka ng tubig, you know the typical drama scene kapag ayaw ng magulang ng lalaki sa babae.." natawa ako sa sinabi ni Sapphire. Katulad ko ay hindi din tanggap ng pamilya ni Aldus ang kapatid ko, hindi ko alam kung dahil rin ba ito sa akin o may sarili silang dahilan.


"Hindi ko alam Sapphire, mukhang wala naman balak sabihin sa akin si Nero. Alam na niya ang mangyayari kapag isinama niya ako. I'll just ruin their reunion.." agad umiling si Sapphire sa sinabi ko.


"Don't say that Florence. We'll both ruin their reunion.." pagbibirong sabi nito.

Natapos ang pag aayos namin ng gamit. Nagpahinga lang ng kalahating oras si Aldus bago sila nagpaalam ni Sapphire. Kahit si Nero ay maagang nahiga sa kama dahil sa pagod.

Kasalukuyan na kaming nakahiga sa kama at matutulog na nang pasimple kong pinaalala sa kanya sa birthday ni LG.


"Kailan ang birthday ni LG? Gusto ko rin siyang regaluhan.." bahagyang humigpit ng yakap sa akin si Nero at mas isiniksik niya ako sa kanya.


"About that—" nagsalita na ako agad.


"Okay lang kahit hindi na ako sumama, I can understand.."


"What Florence?" bahagyang tumaas ang boses niya.


"Baka hindi maging maganda ang birthday ni LG. That is somewhat your reunion, hindi ba? Alam natin na hindi pa rin ako tanggap ng pamilya mo.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Wala na silang magagawa, you are now my wife. Hindi kita iiwanan kahit sa mga reunion na ganito besides it is LG's birthday. Hindi matutuwa ang matanda kapag iniwan kita.."


"But—"


"No buts Florence, you'll go with me. Isasama din ni Aldus si Sapphire. So you'll not be out of place. And I won't ever leave you alone, I'll protect you from them.." yumakap ako pabalik sa kanya.


"Thank you Nero.."


"I love you.." hinalikan niya lang ako sa aking noo hanggang sa makatulog na ako.

Dumating na ang birthday ni LG, pinili itong ganapin sa isang sikat na resort sa Bataan.


"Drinks Ma'am, Sir.." kapwa namin inabot ni Nero ang binigay sa amin ng crew.


"Hindi ka ba nahihilo Florence? We can go straight to our room.." nag aalalang sabi ni Nero ngumisi lang ako sa sinabi niya.


"Ikaw ang tatanungin ko niyan Nero, are you okay?" nito ko lang napansin na parang si Nero ang naglilihi sa amin dalawa. Siya ang madalas nagsusuka, siya ang pihikan sa pagkain at hindi na rin niya ginagamit ang dati niyang pabango dahil nahihilo siya dito.


"I am fine Florence.." iritadong sabi niya. Naiinis siya sa akin kapag sinasabi ko na siya ang naglilihi sa amin dalawa. My cute husband.

Ikinawit ko ang braso ko sa kanya bago kami nagdiretso sa function hall kung saan nandito na ang mga kamag anak niya. Ang kaninang ngiti sa mga labi ko ay unti unti na lang nawala at napalitan ng nerbiyos nang makita ko ang mga taong kinamumuhian ako.


"Florence! Come here.." tawag sa akin ng kapatid ko na may hawak na baso ng wine. Halos mapanganga na lang ako sa suot nito na mukhang sinadya niya para asarin ang mommy ni Aldus na pansin ko na walang tigil sa kaiirap at kabubulong sa mga kausap nito.

My sister is wearing black V neck spaghetti strap sexy bandage dress. Her black dress emphasizes her hot curvy body. Lalong tumingkad ang pagiging morena niya at mukhang talagang sinadya nito na bahagyang ipakita ang ipinagmamalaki niyang dibdib. My god Sapphire.

Kahit nasa malayo pa kami ni Nero ay hindi nalilingat sa mga mata ko ang pagsulyap sulyap ni Aldus sa dibdib ng kapatid ko. Manyak is everywhere.


"Sapphire, why are you wearing like that?" halos bulong kong sabi sa kanya.


"Have you seen Owen and Troy?" tanong ni Nero kay Aldus.


"Not yet.." tamad na sagot ni Nero.


"Nawalan ng gasolina?" ngising tanong ni Aldus. Sasagot na sana si Nero nang sabay nang pumasok sa entrance si Troy at Owen, wala silang kasama. Sabay sumipol si Nero at Aldus.


"Salubungin lang namin sila Florence, mukhang hindi nakasingil ng pautang si Troy. What the fvck?" natatawang sabi ni Nero.


"I'll be back sexy.." kumindat pa si Aldus sa kapatid ko bago ito sumunod kay Nero. Nang iwan kami ng dalawa ay humarap ulit ako sa kapatid ko.


"Sapphire! What the hell—" kahit ako ay napapapikit sa dibdib niya.


"Why? What? Let them be, atleast ngayon alam nilang lahat hindi nagugutom sa akin si Aldus.." muli akong napamura sa kapatid ko. Oh my god.

Papalapit na sa amin ang apat na magpipinsan nang salubungin sila ng iba pa nilang mga pinsan. Pinanuod lang namin sila hanggang sa hindi na namin sila makita dahil sa biglang pagharang ng sopistikadang babae na kasalukuyan nang nakataas ang kilay sa akin.


"Oh, my beautiful daughter in law and her sister.." Nero's mother with unfamiliar girl beside her. Sino na naman kaya ang alagad na kasama nito? Hindi ko na agad nagustuhan ang aura nito.


"Hi" bati sa kanya ni Sapphire kitang kita ang pag ikot ng mga mata nila nang pagmasdan ang suot ng kapatid ko. Pero agad din lumipat ang mga mata sa akin ni Tita Nerissa na nakataas ang kilay na parang hinihintay ang sasabihin ko.


"Good evening.." tipid na sabi ko dito.


"Sila po ba ang ikinukwento nyo sa akin Tita?" kapwa kami tiningnan ng babae mula ulo hanggang paa. Mas maganda kami ni Sapphire.


"Yes, ang nagpabuntis ng maaga. At mukhang sa isang araw mabubuntis na rin ang isa. The Almero sisters.." mula ito sa isang babae na kalalapit lamang kung hindi ako nagkakamali ay mama naman ito ni Aldus dahil may kaunting pagkakahawig ito sa kanya.

Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Sapphire. Napakaganda talaga ng pambungad nila sa amin. Pilit ko na lamang pinakalma ang sarili ko. I have my baby, hindi ako pwedeng makaramdam ng stress. I need positive vibes.


"Correction Tita, Ferell na ang isa. We're no longer Almero sisters. I'm afraid sooner or later, dalawa na kaming Ferell. Paano na ang mga beauty niyo? Dalawa na kaming magpapasakit sa mga ulo nyo. I'm worried about your health beautiful Titas, you know aging.." kibit balikat na sabi ni Sapphire.

Napatulala na lang ako sa isinagot niya na lalong nagpaasim sa mukha ng tatlong babae.


"Mama!" tawag ni Aldus.


"Damn.." nagmadali na rin si Nero lumapit sa amin.


"What? Sinasalubong lang namin sila. Don't over react, I am being nice to your wife hijo" inosenteng sabi ni Tita Nerissa. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Nero.


"They're so adorable.." sarcastic na sabi ng mama ni Aldus. Kapwa kami hindi nakapagsalita ni Sapphire nang sabay bumeso ang mama ni Aldus at Nero sa amin.


"Enjoy the night ladies.." walang nakasagot sa amin kahit si Nero at Aldus ay tiim bagang habang pinapanuod ang tatlong babaeng maglakad papalayo sa amin. Pero agad kumunot ang noo ko nang lumingon pabalik ang babaeng kasama ni Tita Nerissa.


"Long time no see Nero.." hindi sa kanya sumagot si Nero.


"I don't know her Florence.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top